Chapter 11: Vina

3.8K 146 1
                                    

"It looks like kahit baguhan kapalang ay magaling ka na when you pose and you put that angles in your photos, kaya naman maraming gustong kumuha sa iyo. And I am very happy that you have choosen Horizon." papuri sa akin ni Mr. Diaz. Ang Daddy ni Norvin.

Nasa opisina niya ako ng mga sandaling iyon at nagkapirmahan na nga kami ng kontrata. Sa kanila na ako magtratrabaho. He really looks like Norvin. The older version of him. Pero there is something in him na bigla nalang nagpakulo ng dugo ko. I dont know if its a part of the deal na magalit sa Daddy ni Norvin but its very unusual.

"Thank you for the warm welcome and the appreciation that you have given to me. I hope na maging maganda ang ating samahan."

Napangiti naman siy sa sinabi ko at biglang tumayo. Lumapit siya sakin at tiningnan ako ng kakaiba.

"You remind me of someone, Eli.. Tell me are you related to someone named Jonathan Saavedra?" bigla niyang natanong.

Umiling naman ako at sinagot ang tanong niya. As much as possible di niya pwedeng malaman ang pagkatao ko. Yun ang deal namin ni Norvin. Pero nagtataka ako kung bakit niya kilala si Papa?

"No sir. Wala akong kilalang ganun."

"I see. I recommended you to my lovely wife, gusto ko na ikaw ang gumawa ng commercial ng kanilang bagong line of underwear na ilalabas. You are a good model. And I can see na malaki ang potential na maging hit ang product kung ikaw mismo ang mag.iindorse nun."

Ngumiti ako at nakipagkamay sa kanya. Kailangan ko talagang galingan ang pagtatago ng lahat. Ngayon palang, nahihirapan na ako. Pero para kay Norvin, gagawin ko ang lahat.

"Maraming salamat ulit sa opportunity Mr. Diaz. I promise to be good in every project that I will make." pangiti kong saad sa kanya.

At bago paman ako tuluyang makalabas ng opisina ni Mr. Diaz ay may biglang sumulpot sa pintuan. Isang maputi, red haired, perfect bodied, beautiful woman. Napatigil ako bigla nang makita siya. She is mesmerizing. Nakakatunaw ang mga ngiti niya. Holy Cow!?

"Hi Hon!! How was your day?" biglang sabi naman ni Mr. Diaz mula sa likod.

Ibig sabihin, ito si Vina Gaston? The f**k.. Parang mas lalo ata akong naguluhan. She is as beautiful as a daydream. Ano ba ang pinasok kong deal. Paano na to? The moment I saw her.. Nawala na lahat ng nasa isipan kong gagawin sa kanya.

"It was alright Hon.. And who is this gorgeous guy I am looking at?" malambing na tanong ni Vina sa akin.

"Ahh-- I'm Elijah Drake.. The new model of Horizon." pakilala ko sa kanya na parang di ko alam kong tama bang ginawa ko yun.

"You deserve to be here in Horizon. And I can see a bright future ahead of you." saad niya na may laman ang bawat sambit ng mga salitang yun.

"Vina, he was the one that I recommended to do the Generate Underwear. He is really good. I am sure the product will be a hit."

"Sure it is Red. He is really nice. I hope na maging maganda ang kalalabasan ng photoshoot mo. Bukas din magsisimula na tayo sa commercial and photoshoots." masayang saad sa akin ni Vina na nakatitig parin sa aking mga mata.

"I will do my best." maikli ko nalang na saad at nagpaalam na sa kanilang dalawa. The scene was nerve wrecking. Kakaiba na talaga ang mga nangyayari sa akin. Bakit ganun nalang ako ka affected nang makita ko si Mr. Diaz at mas lalo akong nagulat nang bigla akong naattract kay Vina Gaston..

Habang nasa kotse ako ay pinipilit kong iwaglit sa isipan ko ang mga nangyayari sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman. Naghahalohalo na lahat.

Biglang nagring ang phone ko at mas lalong nadagdagan ang pagkalito ko. Norvin is the reason why I am doing this pero bakit ganun? Parang may humuhugot sakin at tuluyang iwaglit sa isipan ko si Norvin.

"Hello? Kumusta ang contract signing Eli? Did it turned out well?" sabi ni Norvin sa kabilang linya nang sagutin ko na ang tawag niya.

"Yeah.. Maayos naman. Mabait ang Daddy mo Norvin. And he really looks a lot like you." mahina kong saad sa kanya. It seem so hard na makipag.usap sa kanya ngayon. Something is really going wrong inside me.

"Mabait talaga si Daddy. Kaya ginagamit siya nang Vina na yun para sa mga ambisyon niya." may halong galit naman sa boses niya ngayon.

Naasiwa ako sa sinabi niya. Bigla akong naging defensive. Hindi tama ang description niya kay Vina.

"Vina is a great woman Norvin. Di mo lang nakikita yun. Nang magkausap kami kanina, she is very nice and she really is a smart woman too. Hindi siya mahirap magustuhan. Mali ang pagkakaisip mo sa kanya." pagtatanggol ko kay Vina.

"So ngayon, pati ikaw kumakampi narim pala sa Vina na yun. We had a deal diba? Akala ko we are in this together? Tapos bigla bigla kakampihan mo na ang babaeng yun? Nagkamali pala ako sa pakikipagdeal sayo."

Hindi ko na siya nasagot pa dahil bigla niyang pinutol ang tawag. Sheet!! Ano ba kasing nangyayari sa akin. Bakit bigla nalang ako naging ganun kay Vina? Bakit naging defensive ako at parang bigla ko nalang talaga nalimutan na si Norvin ang gusto ko. Oo, gusto ko si Norvin. I love him I guess. Pero parang may pumipigil sa akin na tuluyang mafall sa kanya.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng building ng kanyang firm. Kailangan ko siyang makausap. Hindi kami dapat magkasira. He is the one that my heart wants. Naguguluhan lang siguro ako.

And without any hesitation tinungo ko na ang kanyang opisina. Nakakasalubong ko ang mga staffs nila at hindi ko sila kinikibo.

At bigla nalang din kaming nagkasalubong ng taong ayawa na akong makita. Ang mahal kong kapatid. Nakatulala lang siya na parang nakakita ng multo.

"Wala ka ba talagang pakialam sa mararamdaman ko Kuya Eli? Bakit nagpakita ka nanaman? Ano nanaman ba ang kailangan mo?" tanong niya sa akin. Napatiim bagang naman ako at natagalan pa bago ako makasagot sa kanya.

"Di ako nandito para sayo. May tao akong kailangang makausap and unfortunately, dito siya sa building na ito nagtratrabaho." malumanay ko na sagot sa kanya.

"At sino naman yun Kuya?" tanong niya sakin na puno ng pagtataka.

Napansin ko naman sa likuran niya na paparating na sa aming kinatatayuan si Norvin.

"Nasa likod mo siya bro.. Kaya sana wag mo nalang akong pansinin. Kung ayaw mo akong makita, imaginin mo nalang na invisible ako."

At napatingin siya sa kanyang likuran at nang humarap siya ay puno ng pagtataka ang kanyang mga mata.

"Paano mo nakilala si Norvin?"

"Hindi na mahalaga yun. At wag mo akong pakialaman sa diskarte ko."

Bigla niya akong kwinelyuhan. Malaki na ang katawan ni Gael ngayon kaya halos maiangat niya na ako.

"Binabalaan kita Kuya. Huwag na huwag mong didiskartehan si Norvin. Dahil kakalimutan ko talagang magkapatid pa tayo. Hindi siya ang inaakala mong kaya mong paglaruan."

"Hindi ko siya pinaglalaruan Gael. At kung ganyan ka man ka defensive sa kanya, ibig sabihin lang nun, gusto mo siya diba?" saad ko sa kanya nang nakangiti. Hindi ko alam pero masiyado nang marami ang nangyayari ang buhay ko.

"I love him so much. Kaya wag na wag kang magkakamaling lapitan at diskartehan siya Kuya!"

"Little brother. Hindi ako ang lumalapit sa kanya. Siya ang lumalapit sa akin. Gaya ngayon." saad ko at napatigil naman si Gael sa pagkwelyo sa akin.

Nakita na nga ako nang tuluyan ni Norvin at napatigil siya.

Nakatitig lang siya saming dalawa ni Gael. Parang may napagtanto siya bigla.

"Bakit ka nandito? At bakit magkausap kayo ni Gael?"

"Norvin.. He is my younger brother.."

--to be continued

The Tattoo of His Love (BoyxBoy)(Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon