Lost Stars (On-Going)

By Aimeesshh25

2.4K 225 16

Lost Series #1 Story of Chenny and Axel More

Lost Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 9

41 5 0
By Aimeesshh25

Kabanata 9

Tinitigan ko siya ng mariin. Sinuri ko pa kung seryoso ba talaga o baka naman nangt-trip na naman ang mokong na 'to.

"Chen?" kinaway niya ang kamay sa akin at itinagilid ang ulo. "Hala, nagloading ka ba?"

Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim.

"Ano na naman bang trip mo sa buhay?"

Kahit na kinakabahan at kakaiba ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya ay hindi iyon halata sa akin.

Buti na lang talaga kabisado ko na kung paano lunukin at ibaon sa pinakailalim ang mga tunay kong emosyon.

Well, thanks kina Mama at Ate George.

"Hindi ako nant-trip. Seryoso ako," tumitig siya sa akin ng matagal.

Umirap ako. "Sa tingin mo seseryosohin kita? Ikaw?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Wow, edi play girl ka pala?"

"Funny. Nice joke, ten out of ten!" Iritadong ani ko na siyang nagpahalakhak sa kaniya. "Ano nga?!"

"Fine. I'm dead serious, Chenny," bumuntong hininga ito. "Kailangan ko lang talaga."

Eh? Kung kailangan niya bakit ako? Nasisiraan na ba siya ng bait?

"Linawin nga natin." Mariin ko siyang tiningnan. Kinalma ko ang sarili pero nang magsalita siya ay hindi ko na napigilan.

"Don't worry, dahil babayaran naman kita. Hindi naman libre itong hinihingi ko," walang kangiti-ngiti niyang sinambit na parang obligado akong sumagot ng oo sa kaniya.

Nagpanting ang tainga ko.

"Ah talaga?! May bayad naman kaya dapat pumayag ako? May girlfriend ka diba? Noong nakita ko kayo sa mall noong nakaraan kaya bakit ako ang pinapakiusapan mo nito ngayon?" Pilit kong kinalma ang sarili pero hindi ko iyon mahanap ngayon.

"Siguro laro-laro lang sa'yo 'yon kaya kung sino na lang ang maisipan mo para ayain na makipagrelasyon sa'yo. Ganiyan ka ba talaga?Papalit-palit? Akala mo kayang bilhin lahat ng pera? Wala ka na bang magawa sa pera mo o baka naman trip mong manloko?"

Hindi ko na napigilan. Kanina pa ako nakakaramdam ng pagkabanas sa kaniya dahil basta niya na lamang binigkas ang mga ganoong salita na para sa akin ay masyadong mabigat.

Tapos sasabihin niya pa na babayaran ako kaya dapat wala na akong karapatang tumanggi?

Siguro ganoon talaga sila rito sa Maynila. Hindi pa ba ako sanay sa alaga ko? Ganoon din naman siya ka vocal pagdating sa mga ganito. Kung minsan pa nga ay nahahawa ako sa ugali niya pero..ang marinig ito mismo sa lalaki ay kakaiba ang dating sa akin.

Natigilan siya. Nangunot ang noo ko nang makita ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Umiwas siya ng tingin sa akin bago sumimsim sa binili kanina.

Matagal siyang nanahimik. Paulit-ulit kong kinurot ang braso dahil sa naging reaksyon niya, parang binalewala niya ang mga sinabi ko. Napahinga ako ng malalim. Sumobra naman yata ako roon.

Muli kong kinurot ang braso. Napatingin siya roon bago bumuntong hininga.

"Kalmado ka na ba?" Malumanay na tanong niya. Binaba niya ang hawak na cup tsaka tiningnan ang inumin ko. "Ayaw mo ng flavor?"

Taka ko siyang tiningnan. "H-Ha?"

Ngumiti siya at umiling.

"Tinatanong ko kung kalmado ka na..tsaka ako magsasalita."

I stilled for a moment. Hinihintay niya akong kumalma? Umiwas ako ng tingin saka tumango sa kaniya.

"S-She cheated on me," mahinang sinabi niya na kahit siguro ako ay hindi maririnig kung hindi lamang tahimik sa paligid.

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Siya? Lolokohin? Para namang malabo iyon. Ngunit, maaari rin naman iyong mangyari kung talagang ganoon ang babae.

"I know it shouldn't be like this. I don't have the right to tell it to anyone because it's too personal..but..uhm," kinagat niya ang pang-ibabang labi. "G-Gusto kong magselos siya..at bumalik sa akin."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"A-At gagamitin mo ako?" Gulat na sinabi ko. "Ano ako sa tingin mo?"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at muling tumingin sa akin.

"W-Wala akong ibang puwedeng hingan ng tulong..kilala niya lahat ng mga pinsan kong babae."

Hindi ko inakalang mararanasan ko ito ngayon. Akala ko sa teleserye lamang ito nangyayari. Iyong tipong, magpapanggap kayong magkarelasyon para may magselos lamang.

"I know it sounds cliché but I am desperate to get her back," seryosong aniya. "She's..my everything. I can't afford to lose her."

Nawala ang mapang-asar na Axel at napalitan iyon ng nakakaawang mukha niya sa harapan ko. Tuloy ay mas gusto ko na lang maging kamukha siya ni joker kaysa sa ganito na kahabag-habag ang itsura niya.

Inalala ko ang mukha niya noong kasama ang babae sa mall. Tama nga ako, kakaiba ang tama nito sa babae. Alam ko na agad kahit sa mga ekspresyon pa lang.

Bumuga ako ng hangin.

"Nauunawaan naman kita, sir Axel–"

"Drop the formalities, Chenny–"

"Patapusin mo muna ako." Umirap ako kaya nanahimik siya. "Kaya ba pilit mo akong gustong makaclose ng gabing iyon?"

Nangunot ang noo niya.

"What do you mean?"

"Kaya siguro nakakagulat na bigla ka na lang ganiyan mang-asar sa akin, kasi may hihingiin ka na agad na pabor? Tsaka, bakit ako? For you information, sir Axel..hindi pa naman natin kilala ang isa't-isa. Kasambahay ako at may trabaho akong inaatupag."

"I understand, pero hindi naman libre itong hinihingi ko. I promise, I'll pay you back."

Natawa ako at parang kinurot ang puso ko roon pero agad kong pinatay ang ganoong emosyon.

"Magkano?"

Nalaglag ang panga niya pero agad ring nakabawi.

"Name it. Ikaw ang bahala."

"Weh? Ako?" Sinugod ko ang mukha sa kaniya. "Ano bang gagawin ko?"

Lumiwanag ang mukha niya at bahagya pang dumukwang sa akin.

"Payag ka na ba? Talaga?"

Umirap ako. Alam kong delikado itong pinapasok ko pero ayos lang. Mas lalaki ang pera ko at makakapag-ipon pa ako. Ano ngayon kung gusto ko siya?

Natahimik ako.

Oo nga 'no. Delikado ito sa puso ko..pero tiba-tiba naman ang pitaka ko. Inisip ko sila Papa at ang bahay namin, pati na rin ang mga hinihingi ni Mama sa akin.

Bumuntong hininga ako. Bahala na. Basta kapag nakaipon ako, aalis na ako sa mga Walkins, magiging masakit iyong araw na iyon pero hindi naman habangbuhay akong nakadepende sa kanila.. at siguro, hindi na ako kukulitin ng isang ito kapag nagkabalikan sila.

"Okay. Payag na ako, sir."

Ngumuso ito. "Huwag mo na akong tawagin niyan."

"Amo na kita ngayon. Papasahurin mo ako diba?"

"Oo nga..pero boyfriend mo ako," ngumisi ito pero nabulunan ako. "Ayos ka lang ba?"

"Huwag mo ngang basta-basta gagamitin ang salitang iyan, lalo na kung hindi naman totoo." Suway ko sa kaniya.

Napanguso ito. "Sorry."

"Anong gagawin ko?"

Kinuha niya ang cellphone sa table at may kinalikot doon. Nanliit ang mga mata ko nang iharap niya iyon sa akin at ipakita ang picture namin nung gabi.

"I posted it on instagram and she reacted heart on it!" Humalakhak ito. "Nagreply pa siya kaya nagkachance ulit kami mag-usap."

Tumaas ang kilay ko at inagaw ang phone niya. Nagulat siya kaya hindi na nakapalag.
Natakot pa akong hawakan iyon at mukhang mamahalin.

Tinitigan ko ang mukha ko roon. Napanguso ako nang mapansing maganda ako roon at mukha nga naman kaming may something.

"Anong sinabi niya?" Inilipat ko iyon at tumambad ang iba pa naming picture.

"Tinanong niya kung nililigawan kita."

Nag-angat ako ng tingin. "Tapos?"

"I said yes," umiwas ito ng tingin sa akin. "Sorry, nainis lang ako kasi may story rin siya nung bago niya. Hindi ko kilala pero mas pogi naman ako roon. Pero teka..bakit kaya niya ako niloko? Ano ba ang lamang noon sa akin?"

Inis ko siyang sininghalan. "Isip bata ka ba talaga?"

"I'm sorry! Hindi ko naman sinasadya. Saka kung masaya pala siya sa bago niya bakit kailangan niya pang magreply sa story ko? Hindi ko naman talaga balak gawin ito eh, naisip ko lang na baka.. bumalik siya sa akin kapag nakita niyang may bago na akong nililigawan," nakangusong sinabi niya.

Napasintido ako. Parang tumitibok ang mga litid ko sa ulo sa lalaking ito.

"Dahil diyan sa pride mo, nadamay pa ako."

"Sorry, Chenny."

"Huwag kang mag sorry dahil babayaran mo ako rito."

"Aye aye!"

Umirap ako sa kaniya at napatingin na sa phone niya nang may notification sa ig niya, galing sa story niya.

alexamadrigal replied to your story.

Binalik ko ang phone sa kaniya at agad niya namang tiningnan iyon. Ngumisi ito at tiningnan ako.

"Nagreply ulit siya!" Pinakita niya ang phone sa akin at nakakainis dahil nabasa ko nga.

alexamadrigal: char's cafe garden? we also went there, right?

Niliitan ko ang mga mata at tiningnan ang picture kung saan iyon nagreply.

"Huh?" At halos magsalubong ang mga kilay ko nang makita kong ako iyong nasa picture!

Bahagya pa akong nakangiti habang hawak ang kutsara. Nakahawak din ako sa may buhok ko para hindi lumapat sa mangkok.

Agad niyang hinila ang cellphone sa akin. Iritado ko siyang tiningnan at kitang-kita ko ang pamumula ng tainga niya.

"S-Sorry, Chenny. Nakakatuwa ka kasing kumain ng bagnet kare-kare kanina," ngumuso ito at pinatay na ang cellphone. Inilayo niya iyon sa akin.

"Ginagamit mo ang picture ko nang walang pahintulot."

"Yeah..sorry," umiwas siya ng tingin sa akin. "Magpapaalam na ako."

Umirap ako at hindi siya pinansin. Kinuha ko na ang cup sa harapan ko at ininuman iyon.

"Pag nagkabalikan kayo, tapos na rin tayo rito."

Tumango siya. "Of course."

"Okay. Ano ba ang mga gagawin ko?"

"Hmm, mahilig siyang mang stalk. So for sure hinahanap niya na ang account mo pero dahil hindi naman kita minemention..wala rin siyang nahanap."

"Mukhang kilala mo talaga siya ah? Ilang taon ba kayong nagsama?"

"Isang taon din at mga ilang buwan," tumatango-tangong aniya.

Kung hindi ako nagkakamali. Sinabi sa akin ni Jerace na wala naman daw siyang nababalita na girlfriend nitong si Axel, papalit-palit daw kasi ito, pero siguro iyon, ay bago niya nakilala itong si Alexa.

Mahina rin talagang sumagap ng balita itong alaga ko.

"Mahal mo siya?"

Natigilan siya sa tanong ko. Unti-unting sumilip ang ngiti sa kaniya.

"Gagawin ko ba ito kung hindi?"

Tumango-tango ako. "Huwag ka sanang magagalit pero akala ko kasi papalit-palit ka ng girlfriend."

"Ah, noon iyon. Sila naman kasi ang lumalapit..at sino ba ako para tumanggi?"

Napangiwi ako kaya humalakhak siya.

"Sabi kasi ni Daddy, hahayaan niya raw muna akong ganito dahil sa oras na matagpuan ko na raw ang babaeng kusang magpapatigil sa akin, tatawanan niya raw ako." Umiling-iling ito. "Siguro si Alexa na nga iyon. Sa kaniya lang ako nagtagal. Mabait iyon eh. Bukod sa sobrang ganda, alam mo iyong..siya iyong tipong papangarapin ng lahat? Kaya hindi na rin ako nagtaka nang niloko niya ako, ayaw sa akin ng Daddy niya eh, wala raw magiging future ang anak niya sa akin."

Kinuha nito ang inumin niya saka sumimsim doon upang umiwas ng tingin sa akin.

Mariin akong lumunok at pilit na siniksik sa utak na malabo talaga ang naisip ko nung mga nakaraan. Tila tinawanan ako ng isip ko ngayon.

Pahiya ka nga diyan, Chenniah! Nakakahiya ka! Ano iyong mga iniisip mo?!

"Ikaw ba? Wala ka pang nagiging boyfriend?"

"Pinapatay ko."

Sa inis ko ay iyon ang lumabas sa bibig ko. Nabuga niya ang iniinom at natalsikan pa ako noon.

Sinabunutan ko ang sarili at kinastigo ang isip nang muli iyong bumalik sa akin.

Nakakainis talaga! Bakit ba ako pumayag sa lalaking iyon? Kayang-kaya niya naman yatang makipagbalikan kay Alexa ng siya lang mag-isa!

Bumukas ang pinto ng silid ko, agad ko iyong nilingon at ang nakangiwing mukha ni Ate Berna ang bumungad sa akin.

"Chen, hija." Lumapit ito sa akin at parang nag-aalangan pa.

Kinabahan ako. "Bakit po? Anong problema?"

She smiled at me. "Tumawag kasi ang mama mo..at hindi ka pa raw nagpapadala sa kanila."

Natahimik ako. Kailan lang ba ang huling padala ko? Wala pa namang isang buwan, tsaka may kalakihan ang pinadala ko sa kaniya. Ubos niya na ba agad iyon?

"Kapag daw hindi ka pa nagpadala ngayong linggo ay baka raw sumugod na siya rito," umirap si Ate Berna. "Ano ba 'yang si Gina, lantaran talaga ang panghihingi sa anak."

Alanganin akong ngumiti sa babae bago tumango sa kaniya.

"Ganoon po talaga si Mama, Ate Berna. Pasensya na po kayo, hindi ko alam na sa inyo pa siya nagsasabi."

Puwede niya namang sa akin mismo idirekta kaso ang problema ay hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Alam ko na naman ang rason noon, ayaw niyang marinig miski boses ko.

Lumapit ito sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Mas mabuti talaga na sumama ka rito sa akin, kaysa roon na wala ka namang kakampi."

"Naroon naman si papa, kakampi ko siya." Ngumiti ako sa kaniya.

Mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata ko nang muli kong naisip si papa.

Ngumiti lamang ito sa akin at muli na namang hinaplos ang buhok ko.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ito na marami pa siyang gagawin. Hindi na rin naman ako nasama kay Jerace sa school niya dahil nauuna pa itong gumising sa akin. Hindi ko na nga alam ang mga pinagkakaabalahan ng bata.

Basta ang alam ko ay masaya siya ngayon, kaya sapat na rin iyon sa akin.

Tumunog ang cellphone ko. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paghuhugas ng mga pinggan. Wala na rin naman akong ginagawa kaya hinugasan ko na rin kahit na ang trabaho ko lang naman ay bantayan si Jerace. Nasa akin na raw kung gagalaw ako sa mga gawaing bahay, pero dahil hindi ako mapakali kapag nababakante kaya minabuti kong tumulong na lang.

Muli iyong tumunog kaya naiinis kong pinunasan ang kamay tsaka hinugot iyon sa bulsa ng suot kong palda.

Axel: hello, chenniah jaime!

Nagtext pala ang magaling na lalaki. Nangunot ang noo ko nang may isa pa siyang message.

Axel: Hindi ka ol e, kaya nagtext na lang ako. Wait ic-compose ko pa hehe.

Umikot ang mga mata ko at nireplyan iyon ng okay.

Akma ko nang ipagpapatuloy ang paghuhugas nang muling nagvibrate ang phone ko.

Axel: Birthday ng kaibigan ni Alexa bukas at parehas kaming invited. Balak ko sanang isama ka, iyon ay kung ayos lang sa'yo?

Axel: Kung payag ka, just type "uu" if not type "ee".

Umikot ang mga mata ko sa pahabol niya pang text.

Pinindot ko ang number niya. Hindi pa man nagtatagal, sinagot niya rin agad ang tawag.

"Hello?" Dinig ko ang tawa sa kabilang linya. "I can't believe this.." humalakhak pa ito.

"Ha? Hello?" Muli kong pinunasan ang kamay. "Axel?"

"Uh yes, hello? Sorry! Hindi lang ako makapaniwalang tumawag ka. Tatawag sana ako sa'yo kaso baka busy ka naman kaya text na lang–"

"Anong oras ba iyon bukas?"

Tumikhim ito. "Hapon naman iyon hanggang gabi. Ipagpapaalam din kita kay Tita Kate!"

"Anong susuotin?" Tiningnan ko ang pintuan at baka bigla akong makita ni Ate Berna. "May mga dapat bang suotin?"

"Hmm just the casual. Kung saan ka kumportable."

"Eh diba naroon si Alexa?" Napaisip ako. "Dapat maayos naman ako tingnan."

"Hmm, oo nga 'no?" Napaisip din siya. Ngumuso ako.

So hindi pala ako maayos tingnan pag nagkikita kami? Whatever.

"Let's go to the mall later. After my class, I'll buy you a dress."

Nag-init ang mukha ko at agad na umiling kahit hindi niya nakikita.

"H-Huwag na! Manghihiram na lang ako kay Jerace–"

"Sige na, pag-uusapan din natin ang mga dapat gawin." May nagsalita sa kabilang linya. "Ha? Ngayon ba iyon? Eh? Hindi ko alam!"

"Axel?" May kausap pa yata ito eh. "Sige na, ibababa ko na–"

Dinig kong naglakad ito. "Yes, Chen? Sorry, ang ingay nung kaklase ko."

Nasa school nga pala 'to. Siguro naman breaktime nila ngayon. Mas bata siya ng isang taon kay Drain edi..grade 11 ang lalaking ito.

"Susunduin kita diyan, mamaya. Magpapaalam na rin ako kay Tita Kate."

"Okay, sige."

"Hmm, sige. I'll hang up now." Malalim ang boses na aniya.

"Okay."

"Lamig," he chuckled.

Ngumuso ako at tiningnan ang screen ng phone nang mawala na ang tawag.

Napatingin ako sa hugasan at napabuntong hininga na lang.

Hindi pa nga ako nakakabawi sa naging pag-uusap namin sa tagaytay, meron na naman ulit. Muli kong inalala ang naging usapan namin bago kami nagpasya na balikan na si Kuya Kid sa sasakyan.

"S-Seryoso ka ba? As in..pinapatay mo?" Gulat na gulat na aniya matapos kong sabihin na pinapatay ko ang nagiging boyfriend ko.

Ngumiwi ako at pinakita ang pagkairita ko sa kaniya.

"Hindi mo ba alam ang salitang biro lang?"

"Ayusin mo naman kasi, Chenny."

"Wala pa naman akong nakakarelasyon," tiningnan ko siya at bakas ang gulat sa mukha niya. "Bakit?"

"Wala..nagulat lang. Masama?"

"Tsk. Mukha kang timang eh–"

"Chenny, bad 'yan ah. Sinasabihan mo ako ng timang," kunyaring nasasaktang sambit nito. "Pero..wala ka pang nagiging boyfriend? Hindi ba magkasing edad lang tayo?"

Tumango ako.

"Bukod sa wala naman akong nagugustuhan, ayaw ko rin na ligawan ako."

Nakatitig lang ito sa akin na parang seryoso sa pakikinig.

"Marami akong dapat gawin. Wala sa listahan ko ang magkaroon ng boyfriend."

Tumango-tango ito at ngumiti sa akin.
"Good girl naman pala ang Chenny namin."

Kumalabog ang dibdib ko kaya idinaan ko na lang iyon sa pagtaas ng kilay sa kaniya. Muli kong sinimsiman ang baso sa harapan ko at nagkunyaring busy sa pagtingin sa paligid.

"Thank you."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Ha?"

"Halaman–"

"Hahampasin kita, isa pang ganiyan."

Ngumuso ito. "Nakakatakot ka naman!"

"Bakit ka nagt-thank you?"

"Wala! Ayaw ko na. Nawala na iyong moment." Umirap ito sa akin at inilabas ang phone niya.

Binilang ko ang camera roon at tatlo iyon. May drawing iyon na apple na mayroong kagat. Ganoon din ang cellphone ni Jerace. Mahal ba iyon?

Itinutok niya ang camera sa akin kaya agad akong umilag.

"Itigil mo nga 'yan!" Tinakpan ko ang mukha ko.

Nangingiti itong nagpipindot sa cellphone niya saka itinapat sa itaas ang camera. Nagtaka ako.

"Anong ginagawa mo?"

"Aesthetic 'to. Apat na pictures sa isang story," kumindat siya sa akin bago itinapat sa inumin niya ang camera.

"Pati iyan, pinipicturan?"

Bumuntong hininga ito. "Uso 'yan ngayon, Chenny. Try mo rin magpicture, tuturuan kita mag story!"

"Marunong akong mag story." Inubos ko na ang inumin ko at pinanood na lamang siyang kumuha ng mga pictures roon.

Muli niyang itinapat sa akin ang phone niya kaya umilag na naman ako. Humalakhak ang lalaki kaya tumayo ako.

"Oh? Aalis na ba tayo?" Tumayo rin ito.

"Tara na, baka naiinip na si Kuya Kid doon."

Ngumiti siya sa akin. Bumaba ang mga mata niya sa paa ko.

"Hahanap na rin tayo ng sandals mo."

"Tsk. Wag na! Umuwi na tayo."

"Ano ka ba, Chenny. Bibilhan nga kita–"

"Uuwi tayo o hindi na lang ako papayag na maging girlf–"

"Okay! Let's go, uuwi na tayo!" Tinuro niya ang pinto at hinatak na ako palabas.

Napailing ako at nagpatianod na lamang sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 646K 75
Yaduvanshi series #1 An Arranged Marriage Story. POWER!!!!! That's what he always wanted. He is king of a small kingdom of Madhya Pradesh but his pow...
654K 54.5K 32
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
15.9K 418 30
Alexa Dela Cuesta, a actress that can glow even without a loveteam but, in her 10 years in showbiz industry, a new idols and charming Ned Martinez wa...