I'm Married To A Mafia Boss (...

By zzelinejaiii

7.2K 140 16

Jaine, a good doctor. She wanted to return to her family. She's trying to do everything to fulfill that promi... More

DISCLAMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11

CHAPTER 8

261 7 1
By zzelinejaiii

It's been four days since our picnic at his house. I'm currently driving home.

Kanina pa masakit ang puson ko, mabuti na lang at hindi masyadong masakit kanina habang nasa duty ako.

Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Nahla ng isang mahigpit na yakap. Dumiretso kami sa sala kung saan naroon si Kris na abala sa trabaho niya.

He's wearing his glasses while reading a pile of paper. He's only wearing a sweater and his pajamas.

He looked up and stood up as soon as he saw me. He approached me and held my waist.

"How's work?" he kissed my temple and took off his glasses.

"As usual, it's tiring." I smiled weakly at him.

"Are you okay? You don't look good." he looked at me worriedly.

"I'm on my period. But I'm fine, I just need some rest." he didn't seem to believe me but nodded anyway

"I'll go upstairs, bababa ako mamaya." humalik ako sa noo ni Nahla na siyang nakatingala sa aming dalawa ni Kris.

"Rest well po, mommy." she smiled cutely at me.

"I will, baby. Behave ka kasi may ginagawa si daddy." I told her.

"Opo mommy, behave lang po ako." I patted her head.

I just took a half bath and put on the pajamas that Kris bought for me.

I fell asleep as soon as my body touched the bed.

I woke up when I heard a knock on the door.

Tumayo ako at agad na napahawak sa tiyan ko nang makaramdam ako ng matinding sakit sa puson ko.

Naglakad ako palapit sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin si Kris na nakataas ang kamay at kakatok sana ulit.

"Why?" pabulong na pagkakatanong ko.

"Are you okay? Do you need anything? You look pale." he immediately grabbed my arm when he saw my face.

"I'm fine. Why are you here?" tumalikod ako at naglakad ulit pabalik sa kama.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin kaya umupo ako sa kama at tumingala sa kaniya.

"I was going to call you to eat dinner." he just stared at me as if something would happen to me if he took his eyes off me.

"Kayo na lang ni Nahla ang kumain, wala akong gana." humiga ulit ako at bahagyang tumagilid.

"Are you sure?" hinaplos niya ang buhok ko.

"Yeah, eat without me." I closed my eyes.

"Alright, call me if you need something." I felt his lips on my forehead.

I only nodded my head.

Hindi na ako nakatulog ulit dahil sa sakit ng puson ko. Ilang minuto na akong palipat lipat ng pwesto para maging komportable pero hindi ako makatulog.

Tumayo ako para sana kumuha ng tubig nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Nahla.

"Mommy, bakit po hindi ka kumain?" nakangusong tanong nito sa akin.

"Masama ang pakiramdam ko, baby. Pwede mo bang ikuha ng tubig si mommy?" agad naman siyang tumango.

"Wait lang po, mommy. Kukuha ako ng tubig!" lumabas ulit siya kaya umupo na ulit ako sa kama.

Nag-angat ako ng tingin nang bumukas ang pinto. Pumasok si Kris na may hawak ng tray na may lamang pagkain at tubig.

Lumapit silang dalawa sa akin.

"Baby, can you hold this for me?" kinuha naman ni Nahla ang tray na hawak niya.

Kinuha niya yung upuan na ginagamit ko kapag nagbabasa ako ng libro.

Kinuha niya ulit yung tray kay Nahla at umupo sa harap ko.

"You can sleep now, baby. I'll take care of your mom." nag-aalangang tumingin sa akin si Nahla kay nginitian ko siya.

"Sleep ka na, baby." sumampa siya sa kama naming dalawa.

"I love you, mommy. Eat ka po ng marami at pagaling ka po kaagad." isang malaking ngiti ang iginanti ko sa kaniya.

"I will, baby. Good night." I kissed her cheeks.

"Come here, baby." sinenyasan siya ni Kris na lumapit kaya inilapit niya ang mukha niya kay Kris.

"Don't worry about your mom. Sleep tight." he kissed Nahla's forehead and patted her head a little.

Humiga sa likod ko si Nahla at nagkumot.

"Good night po, mommy and daddy. I love you both." ngumiti lang ako at pinanood siyang ipikit ang kaniyang mata.

Humarap na akong muli kay Kris na kanina pa pala nakatingin sa akin.

"You should eat, even just a little." inabot niya sa akin yung pagkain na hinanda niya.

Kinuha ko naman 'yon sa kaniya at nagsimula na akong kumain.

Napangiti ako dahil paborito ko yung ulam na niluto niya.

Menudo.

Tahimik lang akong kumakain at tahimik niya lang akong pinapanood.

Naubos ko ang pagkain na hinanda niya kaya inabutan na niya ako ng tubig at kinuha sa akin yung plato.

Inabot ko ulit sa kaniya yung baso at tumingala sa kaniya dahil nakatayo na siya at hinihintay na lang na maubos ko ang tubig.

"I'll ask you again, Jaine. Do you need anything?" I stared at him.

I bit my lips to stop myself from saying anything.

"Come on, tell me."

"I want a dark chocolate." I told him.

"Just chocolates?" I nodded my head.

"Alright, wait for me." tumalikod na siya kaya tumayo ako at kumuha ng libro sa working table ko.

Umupo ulit ako sa kama at sumandal sa headboard. Hinaplos ko ang buhok ni Nahla na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Tumingin ako sa wall clock nang mapansin kong hindi pa nakakabalik si Kris.

It's been almost half an hour since he left.

I was about to call him when the door opened.

"Here's your chocolates." nagtataka akong tumingin sa kaniya dahil isang plastic yung dala niyang chocolates.

"Ang dami naman nitong binili mo." I pouted.

"You might want a different flavor of chocolates." he sat in front of me.

"Thank you for this." I smiled genuinely at him.

"My pleasure, mi dulce maldad. Go on, eat it." he leaned back.

Kinuha ko yung dark chocolate na una kong nakita at binuksan.

Napangiti ako nang matikman ko yung chocolate.

Naubos ko rin agad yung chocolate kaya kumuha ulit ako.

Hindi ko pinapansin si Kris na tahimik akong pinapanood kumain ng chocolate.

"Do you want some?" he shook his head.

"It's late, I don't eat chocolates when it's late." I pouted and shrugged my shoulders.

Tumayo siya at lumabas ng kwarto kaya akala ko matutulog na siya, pero makalipas ang limang minuto ay bumalik siya na may hawak na malaking baso na may lamang tubig.

"Drink a lot of water once you're done eating, and make sure that you brush your teeth before sleeping." I rolled my eyes.

"What are you? My father or doctor?" I chuckled.

"Your suitor, just listen to me. You're also a doctor." I smiled a little.

"Oo na, gagawin ko naman talaga 'yon. Matulog ka na, kaya ko na ang sarili ko." tinaboy ko siya gamit ang kamay ko.

Siya naman ang umirap ngayon kaya natawa ako.

"Okay, call me if you need anything." I nodded my head.

Lumabas na siya kaya pinagpatuloy ko na ang pagkain ng chocolate.

Nang magsawa ako ay uminom na ako ng tubig na dala niya. Inubos ko 'yon at pumunta ako sa banyo para mag sepilyo.

Hindi agad ako nakatulog dahil marami ata ang nakain ko at dahil na rin siguro mahaba ang tulog ko kanina.

Kinabukasan nang magising ako ay wala na ang sakit ng puson ko kaya nakakilos na rin ako nang maayos.

Naging abala ako sa ospital ng mga sumunod na araw.

"Doc, another patient." I approached them.

It's been a month and half.

Umuuwi na ulit yung mga kapatid at kaibigan ni Kris sa bahay kaya umingay na naman ang bahay at gumulo. Lalo na't tuwang tuwa sila kay Nahla dahil conyo na ito magsalita.

Sobrang dami na niyang natutunan.

Yung ate naman nila Kris na si ate Alexa paminsan minsan ay pumupunta sa bahay. Pati na rin sila tita Kath na gustong gustong puntahan si Nahla.

Palabas na ako sa office ko nang mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa bag ko at sinagot ang tawag.

"Hello, Alexis?" naglakad na ako papunta sa parking lot dahil pauwi na ako.

"A-ate, si N-nahla." isang hikbi mula sa kaniya ang narinig ko kaya agad na bumalot ang kaba sa sistema ko.

"What happened? Is she okay? Pauwi na ako." sunod sunod na tanong ko.

"A-ate kasi may p-pumunta kaninang b-babae." nagmamadali akong pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko.

Narinig ko na kinausap ni Clain si Alexis para ibigay sa kaniya ang cellphone.

"Ate, si Clain na 'to. May babaeng pumunta rito kanina claiming that she's Nahla's mother. Hindi namin alam ang gagawin namin kasi mukhang totoo ang sinasabi niya dahil tinawag siyang mama ni Nahla." mahabang litanya niya.

"Then? Where is she? Ang kuya Kris niyo nandiyan ba?" nanginginig na ang labi ko habang nagsasalita.

"Wala si kuya rito, ate. Kaya wala rin kaming nagawa nung kinuha niya si Nahla." agad na tumulo ang luha mula sa mata ko.

"Call your kuya Kris and tell him about it. Pauwi na ako." agad kong pinatay ang tawag at nagmamadaling nagmaneho pauwi.

Nang makauwi ako ay nag-aabang sila sa pinto. Agad akong bumaba sa sasakyan at lakad takbong lumapit sa kanila.

"Nasaan si Nahla? Bakit hindi niyo pinigilan? Paano kung niloloko lang kayo nung babae na 'yon?" sunod sunod na tanong ko.

Walang sumagot kahit isa sa kanila, yung mga babae ay tahimik na umiiyak at yung iba ay nakayuko.

Tinignan ko yung mga lalaki pero nag-iwas silang lahat ng tingin kaya napasapo ako sa mukha ko.

Nanginginig ang kamay kong pumasok sa loob at umupo sa single couch.

"Ang kuya Kris niyo? Tinawagan niyo na ba?" mahinang tanong ko sa kanila.

"Opo ate, pauwi na rin daw po." sagot ni Aleza.

Pinipigilan kong umiyak sa harap nila.

Bumukas ang pinto at pumasok ang magulang nila Kris.

"Where's Nahla?" kalmadong tanong ni tita Kath.

Walang sumagot sa amin kaya napasapo siya sa noo niya at tumingin sa asawa niya.

"Where's Kris?" saktong bumukas ang pinto pagkatapos iyong tanungin ni tita Kath.

"What happened?" tanong nito.

"Kris," agad akong tumayo at yumakap sa kaniya.

Doon sunod sunod na tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa baywang ko.

"Calm down, Jaine." bulong niya sa akin.

Ipinaliwanag ni Axel ang buong nangyari habang pilit akong pinapakalma ni Kris.

"She even told us to be ready because she will sue us for kidnapping Nahla."

"Kuya Axel is right, sabi pa niya babawiin niya yung karapatan na binigay ng korte sa inyo para kay Nahla."

"Kris, si Nahla. Baka kung anong mangyari sa kaniya." umiiyak na sabi ko sa kaniya.

"Shh, nothing will happen to her, love." hinalikan niya ang noo ko.

"Gago, love raw."

"Sila pala?"

"Fuck, my brother's inlove."

"Shit, hinalikan siya sa noo ni bossing."

"Naging soft boy bigla pagdating kay ate Jaine."

"Shut up, all of you." saway ni tita Kath sa kanila.

"Natandaan niyo ba yung mukha nung babae?" tanong ni tita Kath.

"Yes mom, familiar nga siya sa akin, e. Parang nakita ko na siya somewhere." sagot ni Alexis.

"May cctv dito 'di ba? Can I see it?" agad naman silang tumango.

Pumunta kaming lahat sa training room at tinignan ang cctv.

Kumunot ang noo ko nang makilala ko yung babae.

"Nevari Atchison."

Napansin ko ang tingin nilang lahat sa akin.

"You know her?" Kris asked.

"Yes, she was my classmate when I was a high school student. Kilalang kilala ko siya dahil masama ang ugali niya at kilala siya bilang bully sa school namin. Nagmula siya sa mayamang pamilya kaya rin kilalang kilala siya sa school." mahinang paliwanag ko.

"Love, call our lawyer. I won't let that bitch have my granddaughter. Baka saktan niya si Nahla." rinig kong utos ni tita Kath kay tito Zander.

Tahimik akong umupo sa couch na malapit sa cctv at iniwan silang lahat doon na nakatayo.

Lumapit sa akin si Kris at umupo sa tabi ko.

"Don't worry, we'll have her back." he held my hand and caressed it.

"Thank you," I whispered as I hugged him.

Nakita kong nakatingin si tita Kath sa amin habang nakangiti.

Napansin kong papalapit siya sa amin kaya humiwalay ako sa yakap.

"Son, your dad is calling you." tinapik ni tita Kath ang balikat niya.

"Okay mom. I'll be back, okay?" tumango ako sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala, hindi hahayaan ni Kris at ng daddy niya na makuha nung Nevari na 'yon si Nahla sa atin. Just trust them." marahang hinaplos ni tita Kath ang braso ko.

"Salamat po, tita. I don't know what I would do without you." ngumiti ako sa kaniya.

Niyakap niya ako at marahang hinaplos ang buhok ko kaya napapikit ako.

May tumulong luha mula sa mata ko nang maramdaman ko ang init ng yakap niya.

Ganitong ganito ang pakiramdam ko kapag niyayakap ako ni Kris, at ng dati kong magulang. Pati na rin ng tumayong magulang ko noong ipaampon akong muli.

"Don't worry, she'll be alright." hinaplos niya ang buhok ko kaya mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.

I miss them so much.

Bumalik kaming lahat sa sala habang nag-uusap si Kris at ang daddy niya.

Umalis si Kris at yung ibang lalaki para puntahan si Nevari at Nahla.

Umalis din sila Clain dahil may pupuntahan daw sila. Kanina pa dapat iyon kaso may nangyari kaya hindi agad sila nakaalis.

Kami nila tita Kath at tito Zander ang naiwan.

"Kumain na po ba kayo, tita? Magluluto po muna ako." tumayo ako at pupunta na sana sa kusina nang hawakan ni tita Kath ang braso ko.

"Tutulungan na kita, para mabilis din matapos." ngumiti siya sa akin kaya ngumiti ako pabalik.

"Love, tulungan ko lang si Jaine." tumango lang si tito Zander sa kaniya at bahagyang ngumiti.

Sinundan niya kami ng tingin at napansin kong napatagal ang tingin niya sa akin.

Bahagyang tumagilid ang ulo niya na parang kinikilatis ako at ino-obserbahan ang gagawin ko.

Parehas sila ni Kris kung tumingin sa isang taong hindi nila masyadong kilala o kakakilala lang. Para bang marami na silang naiisip na kung ano tungkol sa 'yo kapag tinignan ka nila nang ganon.

The corner of his lips twitched.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad papunta sa kusina.

Tatlong putahe ang niluto namin ni tita Kath dahil dito raw silang lahat kakain.

Bago pa matapos ang niluluto namin ay nagpaalam si tita Kath na sasagutin saglit ang tumatawag sa kaniya.

Napakunot ang noo ko nang makita ang nakalagay na name ng caller.

A mhàthair.

Nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagluluto.

"Do you like my son?" halos mabitawan ko ang hinuhugasan ko sa gulat nang marinig ko ang boses ni tito Zander.

Hindi agad ako nakasagot kaya tinitigan niya ako at itinagilid na naman ang kaniyang ulo.

"Do you like my son?" pag-uulit niya.

"Po? I mean, yes po. Pero hindi ko po siya nagustuhan dahi—" he cut me off.

"Your yes is enough for me, Jaine. You don't need to explain." maliit siyang ngumiti sa akin.

"I just want to know if you really like my son or not. Because if you don't like him, just stay away from him. But I can see that you really have a feelings for my son, so I won't intervene with you two. Just don't hurt my son, because I can see that he really loves you." halos maluha ako sa sinabi niya.

"I won't promise po, but I don't want to hurt your son either." he smiled at me.

"I want to ask you one thing, Jaine." agad namang kumunot ang noo ko.

"Ano po 'yon?" nagpunas ako ng kamay at humarap nang maayos kay tito Zander.

"Are you willing to marry my son?" my mouth fell open.

"Po? What do you mean, tito?" halos pabulong na lang ang tanong ko.

"Why? You're not? I thought you like my son?" napalunok ako nang makita ang kaseryosohan sa mukha ni tito Zander.

"Just kidding, relax Jaine. I already talked to Attorney Rey earlier, he told me that it would be difficult for you to get Nahla back from her real mother especially if you are not married." nakikinig lang ako sa sinasabi niya.

"No child under seven years of age shall be separated from the mother, unless the court finds compelling reasons to order otherwise. You know about that, right?" tumango ako.

"Nevari has no husband, she can't give Nahla a complete family. But remember, Nevari is a powerful woman. She can give Nahla a luxurious life and do everything she can to have her back. Once you marry my son, you will atleast have a chance to convince the court to let Nahla stay with you. Or maybe try to find some dirt about Nevari so that the court does not favor her." I touched the necklace pendant around my neck.

"I talked to Kris about it, but he didn't agree because he doesn't want to marry you just to have Nahla back." I looked down.

"Think about it, Jaine. I'm not forcing you to marry my son, I just told you everything I heard from Attorney Rey. If you're not yet ready, just tell us." he smiled at me.

I smiled back and quietly turned around to continue washing the dishes.

Bago mag alas nuebe ay nakabalik na silang lahat maliban kay Kris.

"Where's Kris?" tinignan ko ang pintuan kung may papasok pa.

"Hindi namin alam, ate. Pinauna na kami, e. May dadaanan pa raw siya." sagot ni Juliana.

Hinintay pa namin siya saglit bago kumain.

Natapos na kaming kumain at hindi pa rin siya nakakabalik kaya umuwi na sila tita Kath at nagpunta naman silang lahat sa sarili nilang kwarto. Yung iba ay umuwi sa bahay ng magulang nila, katulad nila Alexis.

Hinintay ko hanggang alas dose si Kris kaso lang ay dinapuan na ako ng antok kaya umakyat na rin ako dahil may pasok pa ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at tinanong sa mga naiwan dito sa bahay kung umuwi ba si Kris.

Naabutan daw siya ni Janus kaninang alas sinco ng umaga, kaso nga lang ay paalis na.

Lumipas ang mga araw na hindi pa rin namin nakukuha si Nahla kay Nevari. Habang lumilipas ang mga araw, mas lalo akong nag-aalala na baka hindi na namin siya makuha.

Naging abala rin si Kris at halos hindi na kami magkita dahil lagi siyang maaga umalis at gabing gabi na umuwi.

Alas dos ng madaling araw ay nakaramdam ako ng uhaw kaya bumaba ako para kumuha ng tubig.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay pinatay ko na ulit ang ilaw sa kusina.

Pabalik na sana ako sa taas nang makita ko si Kris na kakapasok lang at tahimik na umupo sa sofa.

"Bakit ngayon ka lang?" lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Just took care of something." he kissed my cheeks and leaned back as he closed his eyes.

Hinaplos ko ang buhok niya at tumayo para kumuha ng tubig sa kusina para sa kaniya.

Habang nagsasalin ng tubig sa baso mula sa pitsel ay naramdaman kong yumakap sa akin si Kris mula sa likod.

"Just five minutes." he whispered.

Binalik ko ang pitsel sa refrigerator at hinayaan lang siyang yakapin ako.

"Are you okay? You look so tired, Alexon." the concern in my voice was visible.

"You should atleast take a rest. Hindi na tayo nag-aabot dito sa bahay, masyado mong pinapagod ang sarili mo." humarap ako sa kaniya.

Humiwalay ako sa kaniya kaya tinitigan niya ako. Kitang kita sa mata niya ang pagod.

"I don't have much time for that, Jaine. I can't waste my time resting while I can't get a hold of her. I can only rest properly once I get her back." I hugged him.

"But still, you need to take a rest. Paano na lang kung magkasakit ka? Sa tingin mo ba matutuwa si Nahla kapag nalaman niyang nagpapakapagod ka masyado nang dahil sa kaniya? No, she will scold you." narinig ko ang mahinang tawa niya.

"I won't complain even if she will scold me." I smiled.

May tumulong luha sa mata ko dahil kahit hindi niya ipakita at sabihin sa akin ay alam kong pati siya ay nag-aalala kay Nahla at nangungulila sa kaniya. 

Hindi siya magkakaganito kung hindi siya nag-aalala kay Nahla. Handa siyang magpakapagod at gawin ang lahat para lang kay Nahla.

"Hayaan na lang kaya natin si Nahla? Totoong magulang naman niya 'yon, hindi naman niya magagawang saktan ang sarili niyang anak. At mukhang masaya naman si Nahla dahil bumalik ang mama niya."

"No love, I don't want to." he said firmly.

"Ayoko rin naman, pero masyado ka na kasing nagpapakapagod para lang maibalik siya sa atin. Wala naman akong magawa kasi totoong magulang naman niya 'yon. E, ayaw ngang ipakita sa atin si Nahla kahit saglit." umiling siya.

"I won't give up until I get our daughter back." mahinang sabi niya.

Doon na sunod sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko na ilang araw ko nang kinikimkim.

"I miss her so much, Kris. Hindi ko na alam ang gagawin ko." humigpit ang yakap niya sa akin.

"Baka natatakot na si Nahla kasi hindi niya tayo nakikita. Baka iniisip niya na hindi na natin siya mahal kasi hindi natin siya pinupuntahan. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Sana pala hindi na ako pumasok noong sinabi niyang huwag na. Sana pala maaga akong umuwi para hindi siya nakuha. Ang daming baka at sana ang nasa utak ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para makita manlang siya kahit saglit."

Parang gripo na ang mata ko sa sobrang daming nilalabas na luha nito.

"Don't cry infront of me, please. I can't stand it." he whispered.

"Gustong gusto ko na siyang makita at mayakap, miss na miss ko na siya pati yung boses niya. Para akong bumalik sa panahong ipinaampon ako ng nauna kong pamilya. Hindi ko alam na mararanasan ko ulit ang ganitong pakiramdam." sinubukan kong punasan ang luha ko.

"Shh, we'll get her back, love." he caressed my hair.

"Paano kung hindi na siya sumama sa atin kasi nandiyan na yung totoong mama niya? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung sakaling mangyari man 'yon. Baka madurog yung puso ko sa pangalawang pagkakataon, hindi ko kakayanin." 

"Stop crying, don't think too much. I'll do everything to get her back, I can risk it all. Stop crying, please." pinaharap niya ako sa kaniya at pinunasan ang luha sa pisngi at mata ko.

Hinatid niya ako sa kwarto ko at hinintay na makatulog ako.

Lumipas ang ilang linggo na hindi pa rin namin siya nababawi kay Nevari.

Ngayong araw kami pupunta sa korte para makaharap si Nevari.

Halo halo na ang emosyon ko dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nakita ko na ulit si Nahla.

Pagkarating namin doon ay wala pa sila kaya umupo muna kami. Bago mag-umpisa ang hearing ay dumating na sila.

Napatayo agad ako nang makita ko si Nahla na hawak ni Nevari.

Nang makita niya ako ay kumaway siya sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya.

Thank God, she's safe.

Nagsimula na ang hearing at ang tanging pinagtuonan ko lang ng pansin ay si Nahla na tahimik na kumakain ng sandwich sa tabi ni Nevari.

"Nahla, may itatanong ako sa 'yo. Ayos lang ba?" tumango si Nahla sa lalaking abogado na nasa harap niya kaya humigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko na nakapatong sa hita ko.

"Kanino mo gustong sumama? Sa mommy Nevari mo o sa mommy Jaine and daddy Kris mo?" kinagat ko ang labi ko habang naghihintay ng sagot mula kay Nahla.

Naramdaman ko ang paghawak ni Kris sa kamay ko pero hindi ko iyon binigyang pansin.

"Pwede po bang parehas? Gusto ko po kasi silang kasama palagi. Pero na-miss ko po ang mama Nevari ko kasi matagal po kaming hindi nagkita. Masaya rin po ako na bumalik na siya para sa akin. For my mommy Jaine and daddy Kris, they made me so happy po kaya ayaw ko po silang iwan." napangiti ako sa sagot niya.

That's my baby.

Natapos ang hearing na hindi ko manlang nalapitan si Nahla dahil agad siyang hinila ni Nevari paalis.

Dumaan pa ang ilang hearing at ngayon ay nasa huling hearing na kami. Napatunayan na rin na siya nga ang totoong ina ni Nahla dahil sa DNA test.

Sa sobrang kaba ko ay masyado ata kaming napaaga ni Kris at nila tita Kath. Ilang minuto lang din ang lumipas ay dumating na sila Nahla.

Katulad nung mga nakaraan ay hanggang kaway at ngiti lang ang nagagawa ko sa kaniya.

Pinapanood ko siya kaya nakita ko kung paano siya makipag-usap kay Nevari.

Nagulat ako nang patakbo siyang lumapit sa amin at hinayaan lang siya ni Nevari.

"Mommy! Daddy!" agad ko siyang ginawaran ng mahigpit na yakap.

"I miss you, baby." I whispered to her.

"I miss you both, mommy." she giggled.

"Kailan ka uuwi sa bahay?" mahinang tanong ko sa kaniya.

"Mommy, sorry po kung umalis ako sa bahay at hindi nagpaalam sa inyo. Na-miss ko lang po si mama." she pouted.

"It's okay, baby. Basta uuwi ka sa bahay." inayos ko ang buhok niya.

"Mommy, sabi po ni mama sa akin kapag natapos daw po tayo rito ay hindi ko na kayo pwedeng puntahan. I asked mama why, sabi po ni mama bawal na raw po kasi kasama ko na siya." natahimik naman ako at tumingin kay Kris.

Kinandong siya ni Kris at hinalikan sa noo.

"Of course you can still see us, baby." Kris told her.

"Kahit ilang beses lang sa isang linggo kung sakaling manalo ang mama mo." dagdag ko.

"Mommy, pwede po bang sumama na ako kay mama?" inosenteng tanong niya sa akin.

"What do you mean, baby? Kasama mo naman si mama mo ngayon, 'di ba?" umayos ako ng upo.

"Sabi po kasi ni mama kapag nakipagkita pa po ako sa inyo pagkatapos nito ay iiwan niya po ulit ako sa inyo at aalis na siya." malungkot na sabi niya.

"Pwede po bang sumama ako kay mama?" nakayukong tanong niya.

"Gusto mo ba?" mahinang tanong ko.

"Opo, na-miss ko po kasi nang sobra si mama." ngumiti siya.

May pumatak na isang butil ng luha mula sa mata ko na agad kong pinunasan.

"Sure baby, after this you can come with your mama." sagot ko sa tanong niya.

Ramdam ko ang tingin sa akin ni Kris at ng magulang niya.

Bumaba siya sa pagkakakandong kay Kris at masayang yumakap sa akin.

"Thank you, mommy!" ngumiti siyang muli sa akin.

"Always anak, mommy loves you so much." hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan ang noo niya.

Tumingin siya kay Kris kaya nginitian siya nito.

"I love you, baby." hinalikan niyang muli sa noo si Nahla.

"Go na, baby. The hearing will start in a minute." humalik siya sa pisngi ko bago bumalik sa mama niya.

Inabutan ako ng panyo ni Kris kaya agad kong pinunasan ang luha sa mata ko.

Natapos na ang hearing at nanalo si Nevari.

Pinanood ko silang dalawa habang nakikipagkamay si Nevari sa abogado niya.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Kris sa baywang ko at ang kamay ni tita Kath sa braso ko.

Kumaway si Nahla sa akin habang palabas sila kaya nginitian ko siya at bahagya ring kumaway.

"I love you, mommy and daddy!" malaki ang ngiti sa labi niya.

"I love you, anak." I mouthed.

Tumalikod na siya sa amin kaya may tumulo na namang luha sa mata ko na hindi na ata maubos ubos.

Bago pa sila tuluyang makalabas ay lumapit ako sa kanila.

"Nevari, wait!" tawag ko sa kaniya kaya tumigil siya sa paglalakad na nakapagpatigil din kay Nahla.

Agad kong niluhod ang isang tuhod ko at niyakap nang mahigpit si Nahla.

"M-mommy will miss you, a-anak." nanginginig ang labing bulong ko sa kaniya.

"Me too, mommy." gumanti siya ng yakap.

"Nahla, let's go." tawag ni Nevari sa kaniya kaya humiwalay na siya sa yakap.

"Bye mommy and daddy!" humalik siya sa pisngi ko at tuluyan nang lumabas.

Bago pa makapagsalita si Kris ay naglakad na ako palabas at hindi siya pinansin.

Wala sa sarili akong sumakay sa shotgun seat ng kotse niya.

I don't know how to approach him. I know that he's also hurting but I can't comfort him when I'm just like him.

Tahimik lang kami sa buong byahe. Nakahiwalay din ng sasakyan sila tita Kath sa amin.

Pagkarating namin sa bahay ay tumayo ang mga kapatid at kaibigan ni Kris na kanina pa ata naghihintay sa amin. At kumpleto rin sila, kasama si ate Alexa.

"How did it go? Where's Nahla?" walang imik akong tumingin kay Aleza na para bang napagtanto ang ibig kong iparating sa paraan nang pagtingin ko sa kaniya.

"I'll go upstairs." halos bulong na sabi ko at tahimik na umakyat.

Ramdam ko ang tingin nilang lahat sa akin hanggang sa makaakyat ako nang tuluyan.

Nang masarado ko ang pinto ng kwarto namin ni Nahla ay agad akong napaupo sa sahig at humagulgol.

"God, give her back to me, please." 

"Kung kailan naman napamahal na siya sa akin, tsaka niyo na naman babawiin. Lagi niyo na lang po ba akong hahayaan na masaktan? Hindi pa po ba sapat na nadurog na nang isang beses yung puso ko? Maawa naman po kayo sa akin. Kasi ako, awang awa na ako sa sarili ko." mas lumakas ang iyak ko.

"I miss you, baby. Please come back to mommy." I touched the picture on the frame.

It was me, Nahla, and Kris. We were teaching her some english words because it was my day off. We are laughing while Kris is taking a picture of us.

Umupo ako sa kama at kinuha ang plushie niya na galing kay Kris. Binigay iyon ni Kris sa kaniya para raw kapag nami-miss niya kaming dalawa ay may mayayakap siya.

It gives comfort to me and her. I laid down and hugged the plushie. 

Wala na akong pakielam kahit pa nababasa ko na yung plushie. Ang gusto ko lang na gawin ay ang ilabas lahat ng sakit at lungkot sa katawan ko.

May narinig akong kaluskos kaya tumingin ako sa pinto.

I saw a shadow walking away from the door. I ignored it and closed my eyes.

I let the dark swallow me.

Kinabukasan nang magising ako ay wala akong naabutan kahit isa sa kanila.

Pinigilan kong tumulo ang luha ko. 

I already miss you, baby.

I promised that I won't ever leave you. But why did you leave me?

A month passed by just like a lighting. 

Ang isang buwan na 'yon ay parang isang taon na sa akin.

Naging mailap ako sa mga kasama ko sa bahay kahit na kay Kris.

Pero kahit pa tinutulak ko sila palayo sa akin, hindi nila ako sinusukuan. Lalong lalo na si Kris.

Siya rin ang nag-alaga sa akin noong nagkasakit ako dahil hindi ko na maalagaan ang sarili ko.

Lagi rin akong wala sa bahay at nasa ospital lang. Madalas ay doon na ako natutulog o kaya naman ay sumasalo ng ibang shift para malibang ang sarili ko.

Pauwi na ako sa bahay ngayon dahil tatlong araw din akong hindi umuwi.

Naabutan ko ang ilan sa kanila sa sala at ang iba ay nasa kusina.

"Hello, ate Jaine! Did you eat na po ba?" tinitigan ko si Alexis.

Siya ang pinaka malapit kay Nahla dahil halos parehas sila ng ugali at personalidad. Parehas din silang conyo kung magsalita kaya talagang nagkasundo silang dalawa.

"I'm still full, thank you." I smiled a little.

"Oh my, you smiled again na, ate. It's been a while since nakita ko yung smile mo." I saw how she teared up.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

Parehas talaga sila ni Nahla.

"I'm sorry if I pushed everyone of you away from me." I hugged her back.

"It's just that I don't want you to see me hurting. Ayokong mahawa kayo sa kalungkutan ko." I wiped my tears.

"It's okay, ate. Naiintindihan naman po namin kung saan ka nanggagaling. Napamahal na rin sa amin si Nahla, kaya hindi rin namin matanggap na kinuha na siya ng mama niya." lumapit din si Aleza sa amin at yumakap.

Sunod sunod na yumakap sa akin ang mga babae habang yung mga lalaki ay pinapanood lang kami.

"Pero ate, dapat hindi kami ang sinasabihan mo ng ganiyan. I think you should tell it to kuya Kris." lumayo ako sa kanila.

"Kaya nga ate, alalang-alala sa 'yo si kuya Kris. Hindi na niya alam kung anong gagawin dahil pati siya ay tinutulak mo palayo." Dana added.

"Oh sakto, 'yan na si retsam oh." lumingon ako sa pinto dahil sa sinabi ni Janus.

"Why?" takang tanong niya.

Lumapit ako sa kaniya kaya tumigil siya sa paglalakad. Yumakap ako sa kaniya nang mahigpit kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"I missed you, I'm sorry." I whispered.

"Stop crying, it's okay."  he hugged me back.

Narinig ko ang bulungan nilang lahat pero hindi ko sila pinansin.

I smiled and closed my eyes for a second before pulling away from the hug.

"Let's get married."


Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 272 21
He pulled me into a dark classroom, turning on the lights, and he pulled me close. "Hey, love." He chuckled as I smiled back. "Just shut up and kiss...
6.1K 288 21
[FINISHED] A girl will cross her path to a guy that will make her feel something she never experienced before.
14.3K 408 12
Wonderful cover by my friend @SparklyMagix! (Who is deactivated now) Artwork itself is by @sunsetslight on tumblr [Update schedule: Whenever I can ma...
7.7K 318 83
he is a man who has nothing to fear even if it is death as long as he can get what he wants or he can just kill his opponent.wala siyang sinasanto ka...