Lost Stars (On-Going)

By Aimeesshh25

2.4K 225 16

Lost Series #1 Story of Chenny and Axel More

Lost Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 8

49 6 0
By Aimeesshh25

Kabanata 8

Isang linggo.

Isang linggo na ang lumipas ngunit sa tuwing naalala ko ang itinanong ko sa kaniya noong gabing iyon ay tila parang bagong-bago pa rin!

Nakakainis, bakit ko ba naman kasi biglang itinanong?

Saka..hindi ako ganito eh. Ang alam ko, matalino ako. Kaya nga, nanghihinayang sa akin sina Jen at Cha dahil hindi na ako nakasabay sa kanila sa pag-aaral.

Pero, bakit iba na ako mag-isip ngayon? Halos isang taon pa lang naman ako rito sa Maynila ah!

Muli kong inalala ang naging sagot ni Axel sa tanong ko.

"Crush mo ba ako?"

Umihip ang malamig na hangin, bakas ang gulat sa kaniyang mukha. Bahagya pa siyang napaatras sa akin.

"A-Ah..ang ibig kong sabihin–"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla na lamang siyang bumulanghit ng tawa.

Nangunot ang noo ko. Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng buong mukha ko. Hindi lang pisngi!

"W-Wait!" Tawang-tawa ang lalaki sa harapan ko. Umayos siya ng tayo at pumameywang pa sa akin.

"What was your question again?" may ngiting nakakaasar na nakaplaster sa mukha niya.

Bumuga ako ng hangin, iyong tipong dama niya ang bigat noon.

"W-Wala.." umiwas ako ng tingin. "N-Nabigla lang ako."

"Hindi iyan ang sinabi mo," nangingiti pa rin ang mokong. "Tinatanong mo kung may crush ako sa'yo?"

Kumibot-kibot ang mga labi ko, hindi ko mahagap ang tamang letra sa mga oras na ito!

"Chenny? Tama ba? Iyon ang narinig ko kanina," tumingin pa siya sa itaas na parang nag-iisip. Hinangin ang buhok niya kaya medyo humarang ang bangs niya sa may noo.

Taray, may bangs. Siguro nabored rin siya. Ewan kung anong klaseng gupit iyan, parang may bangs pero maangas naman tingnan.

"Oh..nagtanong lang naman ako..saka..joke 'yon!" Kinapa ko ang braso at nagkunyaring may lamok doon.

"Hmm," pinagmasdan niya ako. Tinitigan niya pa ang kabuoan ko bago ngumiti. "Nautuwa lang akong kasama ka."

Eh?

"O-Okay," umatras na ako at tumalikod sa kaniya. "H-Hintayin ko na lang sila Jerace sa labas."

"Madilim diyan, dito na natin sila hintayin," dinig ko ang pagsunod niya sa akin.

Umirap ako. "Huwag mo na akong sundan!"

"Oh? Okay!"

Kung hindi niya pala ako crush at natutuwa lang siyang kasama ako, huwag na lang. Hindi ko naman kailangan iyon. Nakakahiya talaga. Bakit ko ba kasi naisipan na itanong iyon?

Siguro, dahil gusto ko nga siya kahit hindi halata..kahit nakakainis..kahit nakakapikon siya magsalita.

Saka diba, Chenny? Gusto mo na naman siya noon pa. Noong nakita mo siya sa bahay nila at mas lalo mo pa siyang ginusto noong nakukuwento na sa'yo ng magaling mong alaga ang tungkol sa kaniya.

Mas bumilis ang mga lakad ko. Hindi ko namalayang nakalabas na pala ako ng gate. Nilingon ko ang likuran at nagulat ako nang wala na siya sa likuran ko.

Akala ko hinahabol niya ako?

Nabatukan ko ang sarili. Ang kapal-kapal ko talaga! Kakaiba na itong mga naiisip ko.

Hoy, Chenniah Jaime! Bakit ka niya hahabulin ha? Nababaliw ka na ba? Isang hamak na kasambahay ka lang ng mga Walkins! Porket nagpapicture sa'yo, feelingera ka na agad?

"Hindi ako 'to," umiiling-iling ako at akmang sasabunutan ang sarili nang matigilan.

Magugulo ang buhok ko. Sayang naman ang pagkulot sa akin ni Ate Berna.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kalangitan. Siguro kung narito si Mama, tatawanan ako noon sa mga naiisip kong imposible. Lalo na niyon akong ipapahiya kapag narinig pa ang itinanong ko sa lalaki kanina.

Nalilimutan ko na yatang kasambahay ako nila Jerace dahil lamang sa mga nangyari ngayong gabi.

Tiningnan ko ang suot kong dress. Mamahalin ang mga suot ko pero hindi naman ako ang bumili.

Hindi ako dapat maghangad ng mas mataas pa. Alam kong hanggang doon lang ako sa guhit. Sisikapin kong hindi lumagpas doon.

Tiningnan ko ang gate nila ganoon na rin ang buong bahay.

Sana hindi na tayo magtagpo ulit, Axel. Sana huling beses na ito. Bukod sa nakakaasar ka, ayaw kong mas mahulog pa sa sariling bitag.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin sila Jerace. Umuwi na rin kami noon at nagpahinga. Mabilis akong nakatulog at maaga ring nagising dahil nangangatok si Jerace at sinabing paparating si April.

"Ayos ka lang ba, Chen?"

Nabulabog ang iniisip ko nang makitang nakadukwang sa akin si Ate Berna habang may hawak na mga trash bags.

"A-Ate!" Tumayo ako agad at inayos ang hawak sa walis tingting. "N-Nakakagulat naman kayo."

Kumunot ang noo niya sa akin saka tiningnan ang kanina ko pang winawalis.

"Ikaw ang nakakagulat, kanina pa kitang inutusan dito, hindi ka pa rin tapos."

"Ah!" Napakamot ako sa noo. "Pasensya na, Ate Berna..nawili akong magwalis eh..ayaw kong matapos agad."

"Ganoon ba?" Tumingin siya sa hawak niya. "Oh sha, itapon mo nga ito roon sa labas, may mga lagayan doon. Ayusin mo ang mga lagay ha, bukas pa yata dadaan iyong mga nangongolekta."

Tumango ako at itinabi na muna ang walis. Binigay niya rin agad sa akin ang dalawang trash bag at tinitigan ako.

"Ayos ka lang ba? Namimiss mo na ba ang papa mo?"

Natigilan ako.

Sa mga dumaan na araw, ni hindi ko naisip ang mga tao sa bahay. Kahit si papa. Ano ang dahilan bakit nakalimot ako?

"A-Ah, opo.."

Ngumiti siya sa akin. "Magpaalam ka lang sa akin kapag gusto mong umuwi, papayagan ka naman nila Kate."

Tumango ako at nagpaalam na sa kaniya. Tahimik kong tinungo ang labas at bumungad sa akin ang tahimik na daan.

Ito rin talaga ang maganda rito eh. Palibhasa ay subdivision kaya wala talagang katao-tao sa labas. Hindi tulad sa mga payak na kabahayan lamang.

Iniayos ko na lamang ang mga bitbit doon sa lagayan at nang matapos ay handa na sanang pumasok sa loob nang may bumusina sa likuran ko.

Nagtataka ko iyong nilingon. Isang sasakyan na kulay black, hindi ko alam ang tawag sa ganoong sasakyan, pero mukhang mahal.

Baka bisita nila Ma'am Kate. Hinintay kong bumaba ang bintana noon ngunit mukha kaming timang dahil para lang kaming nagtititigan ng sasakyan.

Muli iyong bumusina! Aba't!

Lumapit ako at kinatok ang bintana. "Pakibaba po!"

Ilang katok pa ang ginawa ko, pero iyong bintana sa likuran ang bumaba.. na sana'y hindi na lamang.

Anong ginagawa ng lalaking ito rito?

"Hello, Chenny," ngumisi si Axel at buong yabang pang tumango sa akin.

Bumaba rin ang bintana sa kinakatok ko kanina at bumungad sa akin si kuya Kid.

"Magandang hapon, Ma'am Chenny!" Maligayang bati nito na agad ko namang inilingan.

"Naku kuya Kid! Chenny na lang po, huwag niyo na akong tawaging Ma'am." Nahihiyang ani ko at gulat pang umatras nang bumaba ang lalaki sa likuran.

"Pinagpaalam na kita kay Tita Kate, kaya tara?" ngumiti siya sa akin at ayan na naman 'yang mala joker niyang mukha.

"A-Anong tara?"

Pinagpagan ko ang kamay at diretsong tumingin sa kaniya. Umirap naman siya sa akin. Tumaas ang kilay ko.

He sighed. "Tara? As in let's go! Ikimashou! Gaja! Or allons-y!"

"Eh?" Anong sinasabi ng kumag na ito?

"Hmm, ano pa bang ibig sabihin ng tara?"

"Ano ba! Ang ibig kong sabihin kung saan tayo pupunta? Bakit mo ako pinagpaalam kay Ma'am Kate?"

"Ah! Magpapasama sana ako sa'yo magkape." Kaswal na sinabi niya.

Napakurap-kurap ako. Tiningnan ko si kuya Kid na mukha namang robot lang doon sa gilid namin.

"A-Ano kamo?"

Kumunot ang noo niya. "Bingi ka ba, Chenny?" Tinarayan ko siya kaya ngumiti ito. "Joke lang!"

"Tsk. Kahit kailan ka talaga. Marami pa akong gagawin–"

"Napagpaalam na kita eh, paano ba 'yan?"

"Bakit ka ba sa akin nagpapasama? Wala ka bang kaibigan?"

"Aray. Grabe ka naman sa akin. Por que sa'yo nagpasama, wala na agad friends?"

"Eh bakit nga ako?" Tumaas ang kilay ko. "Ano na naman ba ang kailangan mo sa akin?"

"Magpapasama nga akong magkape. Pajulit-julit ka naman eh hindi ka naman si Juliet," sumandal siya sa sasakyan.

"Ha?"

"Halaman."

Umirap ako nang matindi! Iyong tipong makikita niya ang utak ko sa mga mata!

He chuckled. "Sige ka, baka mahanginan ka."

"Tsk! Hindi ako sasama. Saka friday ngayon! Tutulungan ko si Jerace sa mga homeworks niya!"

"Tss. Wala si baby girl, kasama siya ni Ely boy."

Nangunot ang noo ko. "Bakit niya kasama si sir Drain?"

"Teka, sir ka pa rin ng sir? Parang others ka naman."

Muling umikot ang mga mata ko.

"Bakit nga? Akala ko pa naman nasundo na siya ni Mang Fred."

Umikot din ang mga mata niya sa akin. Napamaang ako.

"Alaga mo siya pero hindi ka updated sa buhay niya?" Humakbang siya palapit. "Nililigawan na siya ng pinsan ko, hindi mo alam?"

"Baka nililigawan niya ang pinsan mo. Magkaiba iyon–"

"Aish! Basta, tara na!" Parang bata niyang hinila ang kamay ko pero hindi ako nagpadaig!

"B-Bitawan mo nga ako! Hindi ako sasama sa'yo, marami pa akong gagawin!" Pilit kong inalis ang kamay niya.

"Ano ba ang gagawin mo? Sabi ni Tita Kate, wala ka na raw gagawin ah?"

Ngumuso ito at mas hinigpitan pa ang hawak sa akin.

Bumuntong hininga ako. Magkasing edad lang naman kami pero bakit parang mas matanda ako kung umasta sa kaniya?

Isang maskara lang talaga iyong mga aesthetic posts niya sa ig! Isip-bata!

"Anong akala mo ba sa akin? Anak ni Ma'am Kate?"

Tiningnan ko si kuya Kid na tahimik lang naman pero nakakailang na sa harapan niya pa kami naggaganituhan.

"Axel, hindi ako basta nakikitira rito. Kasambahay ako, baka nalilimutan mo," seryosong ani ko.

Natigilan ito bago bumuntong hininga. Hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko kahit inaalis ko na iyon sa hawak niya.

"Sinabi ko naman..na nagpapasama ako sa'yo, kaya ayos lang iyon kina Tita Kate. Mabait naman sila, Chenny."

"Ano ba? Ang kulit mo ah!"

"Aish!" Tumalikod ito sa akin at nagpameywang. "Nakakainis naman. Sino na lang ang kasama ko? Hindi ko naman puwedeng isama si Daisy, bata pa iyon.. baka mapaso iyon sa kape..eh si Ely boy? Hindi rin! Aish! Si kuya bata naman, tahimik lang ito eh, hindi rin siya puwede!"

Umirap ako sa mga sinasabi niya. Sigurado ako na sinasadya niyang iparinig sa akin ang mga ito para makonsensya ako. At ano ba kasing pakialam ko? Wala akong pakialam kahit wala siyang kasama.

Gusto pala magkape bakit hindi na lang sa bahay nila?

Bumukas ang gate sa likuran namin kaya agad akong napatingin doon. Parehas na nagulat kami ni Ate Berna nang magtama ang paningin namin.

"Chen? Oh? Sir Axel?"

Mabilis na tumingin si Axel at agad na ngumisi. Kumunot ang noo ko.

"Aling Berna!" Lumakad ito palapit sa matanda at humawak pa sa braso niya.

"Anong ginagawa mo rito sir Axel? At bakit nasa labas kayo? Pasok kayo!"

"Hindi na po, Aling Berna. Nag-uusap lang kami ni Chenny saka may pakiusap ako e," kumindat ito sa akin.

Umiwas ako ng tingin. "P-Papasok na po ako–"

"Eh kaso si Chenny, Aling Berna..ayaw akong samahan. Paano po ba iyon? Naipagpaalam ko na naman po siya kay Tita Kate eh," nagpapaawang sinabi nito kaya mabilis akong napalingon sa kanila.

Nanliit ang mga mata sa akin ni Ate Berna at sinesenyas ang lalaking parang tuko kung kumapit sa kaniya.

Hilaw akong ngumiti.

"C-Chen? Bakit hindi mo samahan si sir Axel?" Ani ng matanda.

Bumuga ako ng hangin at tiningnan ang salarin sa tabi niya.

"Mag-iingat kayo ah?" Hinawakan pa ni Ate Berna ang buhok ko at inayos iyon.

Nagtagumpay nga ang mokong na si Axel. Wala naman akong magawa at baka kagalitan pa ako ni Ate Berna.

"Ate..hindi pa ako nakakapagpalit ng damit–"

"Ayos naman ang suot mo ah? Ang ganda nga eh, kulay orange–"

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki kaya nagkunyari siyang kausap si kuya Kid.

Ngumiti si Ate Berna sa akin. "Tama si sir Axel. Ang ganda mo sa suot mo, buti at nakabistida ka."

Bumuntong hininga ako at tumango na lamang sa kaniya. Nakakahiya rin naman kasi kung magpapalit pa ako at mag aayos sa loob.

Nagpaalam na rin si Axel sa matanda bago kami sumakay sa sasakyan nila. Tahimik lang ako sa may likuran at katabi siya.

Inis kong tiningnan ang suot na tsinelas. Nakakainis naman. Akala ko pa naman hindi ko na siya makikita pa. Tapos biglang ganito? Nakabistida akong orange tapos nakatsinelas?

Ni wala akong kaayos-ayos!

"Are you mad?"

Nilingon ko siya at nakatingin na siya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko kaya nagkunyari akong iritado.

Tatanda yata ako ng maaga rito sa Maynila. Ang katarayan nila mama at ate George ay kayang-kaya ko pang tiisin pero bakit sa isang ito, pikon na pikon ako?!

"Ano ba ang trip mo?" Malumanay na ang boses ko. Napagod na rin akong magtaray.

"Gusto ko nga lang magkape."

"Eh bakit nga kasi akong sinama mo? Ako ba ang pagtitimplahin mo ha?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Chen, grabe ka naman sa akin. Hindi kita uutusan, may barista naman doon for sure."

"Axel, maging seryoso ka nga."

Ngumuso ito. "Fine." Bumuntong hininga ito. Sumulyap pa siya sa unahan at muling tumingin sa akin.

"May gusto sana akong hinging pabor sa'yo," biglang seryosong sinabi niya.

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Ano naman kayang pabor ang hihingiin nito?

"Ano iyon?"

"Doon na natin pag-usapan," ngumiti siya sa akin. "Ililibre kita, promise."

"Tsk. Ikaw naman sadya ang magbabayad kasi wala akong dalang pera."

Humalakhak ito. "Kahit may dala kang pera, ako pa rin ang magbabayad."

"K."

"Lamig."

Nagtaka ako nang hindi ko na kilala ang daan na tinatahak namin. Tiningnan ko ang labas at nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nakalagay sa sign board.

Nasa tagaytay kami?!

"B-Bakit tayo nandito?" Gulat ko siyang nilingon.

"Magkakape," kumindat siya sa akin at may sinabi kay kuya Kid na hindi ko na nasundan dahil sa gulat.

Siraulo talaga itong lalaking 'to! Magkakape? Sa tagaytay pa?

Pero may kakaibang sayang bumalot sa puso ko nang sa wakas ay tumigil na rin ang sinasakyan namin.

"Gaja," aniya at lumabas na ng sasakyan.

Nangunot pa ang noo ko sa sinabi niya.

"Dahil mabait ako ngayon, pagbubuksan kita," ngumisi ito at bahagya pang yumuko habang hawak ang pinto ng sasakyan.

"Thanks," umismid ako at lumabas na. Napanguso ako nang mapadako ang tingin ko sa suot na tsinelas.

"Hmm? What's wrong? Bakit nakanguso ka diyan?" Sinilip niya ang mukha ko.

"Nakatsinelas lang ako." Tiningnan ko siya. "Kung alam ko lang na papunta tayo rito, nakapag ayos sana ako!"

Napamaang siya bago natawa.

"Mag ayos? Eh ayaw na ayaw mo nga sumama kanina."

"Malay ko bang nant-trip ka!"

"Hindi ako ganoon, Chenny." Tiningnan niya ang suot ko. "Tsaka ang ganda nga ng suot mo eh. Bagay iyang brown mong tsinelas sa orange mong dress. You looked.."

"What? Ano na naman?" Lumakad na ako kahit hindi ko alam kung pasaan kami.

"You looked like..an orange," he chuckled.

Sabi ko na eh. Walang kakwenta-kwenta.

Humabol siya sa akin sa paglalakad. Nilingon ko ang likuran namin at buti na lang nakasunod rin si kuya Kid.

Nagtataka kong tinahak ang daan na puno ng mga halaman. Pasaan ba kami? Bakit parang may balak yatang magtanim itong si Axel kaysa magkape?

"Huwag ka na ngumuso diyan. Bibili tayo mamaya ng sandals mo," biglang bulong niya sa akin.

"Ha? Huwag na! Hindi naman kailangan."

"I insist. Libre ko nga diba? Sulitin mo na." Tumaas-baba ang mga kilay niya saka nauna na sa paglalakad.

Tinawag niya pa si kuya Kid na agad namang lumapit sa akin. Pinagmasdan ko sila at napangiti ako. Mukha silang magkaibigan lang ni kuya Kid. Nakaakbay si Axel dito habang may sinasabi. Hindi rin naman kasi nalalayo ang height nilang dalawa kahit na medyo may edad na rin si kuya Kid.

Char's Garden Cafe?

Basa ko sa nakasabit pagkapasok namin sa loob. Hinanap ko sina Axel at nagulat ako nang makitang komportable siyang nakaupo sa may kahoy na upuan at nakikipagngitian pa kay kuya Kid.

Tiningnan niya ang tabing upuan niya at takang inilibot ang paningin. Natawa ako at lumapit na sa kanila.

"Chenny, saan ka ba sumuot?" Gulat na aniya. "Upo ka nga rito baka mawala ka eh."

"Magkakape lang tayo rito?" Tanong ko at umupo na katabi niya.

"Syempre hindi. Kakain na rin," bahagya siyang lumapit sa akin. "Sa tingin mo ba magkakape lang kami ni kuya Kid?"

Nangunot ang noo ko. "Malay ko sa'yo, ikaw ang nagsabi na magkape eh!"

"Biro lang naman."

"Ano ba iyong pabor na hihingiin mo–"

"Mamaya, kain muna tayo," ngumiti siya sa akin at inabot ang hawak na menu. "Pili ka na."

Tiningnan ko iyon at tipid akong napangiti na halos kilala ko lahat ng mga pagkain. Tiningnan ko si Axel na nakikipagkuwentuhan na kay kuya Kid.

Sinadya niya bang sa ganitong cafe lang kami pumunta? Nagtitipid ba siya? Kumakain ba talaga siya sa ganito?

Pakiramdam ko kasi ay hindi siya kumakain sa mga ganitong budget friendly na café.

Bigla siyang lumingon sa akin kaya itinaas ko ang kilay ko. Wala ng pake kahit nahuli niya akong nakatitig sa kaniya.

"Nakapili ka na?"

"Wala akong mapili."

Tiningnan niya ang hawak ko. "Gusto mo bang mag bagnet kare-kare? Paborito namin iyon ni kuya Kid."

Nanliit ang mga mata ko. "Sige, iyon na lang din."

"Okay. Ikaw pare? Dagdagan mo pa iyong kanin mo." Biglang lingon niya sa kaharap namin.

Napanguso ako para pigilan ang pag ngiti nang sumagot si kuya Kid.

"Tama na. Bubusugin mo na naman ako. Okay na ako sa chicharong bulaklak."

"Owkay!" Tumayo si Axel at siya pa ang lumapit sa may counter.

Napatingin ako kay kuya Kid na nakatingin na rin sa akin.

"Pasensya ka na kay Axel, Chenny ah? Sadyang makulit ang batang 'yon, may gagawin ka pa yata. Pasensya na."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ayos lang po Kuya Kid! Medyo sanay na naman po sa kakulitan niya."

Tumawa ito. "Bihira lang kasi iyan payagan lumabas, kaya yata nagkukulit ngayon at nakakita ng kaibigan sa'yo."

Napakurap-kurap ako. "Wala ho ba siyang kaibigan?"

"Meron naman, kaclose niya nga halos lahat ng mga pinsan niya."

"Eh bakit ho parang isip-bata siya?"

Humalakhak si kuya Kid. "Hindi ba at malalambing ang ganoon?"

"Eh?" Napangiwi ako. "Paano naman ho naging malambing?"

"Syempre, naiilabas niya ang pagiging bata sa'yo."

Hilaw akong ngumiti at tumango na lamang sa kaniya.

Nagbabasa yata ng mga novels si kuya Kid. Kakaiba kasi ang pagbanggit niya roon. Ano naman kung naiilabas niya ang pagkaisip bata sa akin?

Teka, baka akalain nito na babae ako ni Axel!

Dumating na rin ang lalaki at namangha ako sa mga in-order niya. Ganado silang kumain ni kuya Kid kaya naman nahawa na rin ako. Kaniya-kaniya muna kaming kain at halos walang pansinan.

Nangingiti ako sa isip habang napapatingin sa dalawa. Para talaga silang magkabarkada lamang. Wala ring kaarte-arte sa pagkain si Axel.

Bigla ko tuloy naramdaman na parang magkapantay lang kami.

Ang akala kong uuwi na kami ay hindi nangyari. Dumaan kami sa sikat na kapehan. Kilala ko iyon sapagkat, iyon palagi ang pinagmamayabang sa akin ni Ate George kapag lumalabas sila ng nobyo niya.

Nagpaiwan na sa may kotse si kuya Kid kaya naman kami na lamang dalawa ni Axel ang pumasok.

Siya na rin ang nag order. Hindi ko rin naman alam kung anong magandang order-in sa mga iyon.

"Hindi ka pa ba busog?" Tanong ko nang makabalik siya.

"Busog na," umupo siya sa harap ko. "Ngayon tayo mag-uusap."

Rumagasa ang kaba sa dibdib ko. Inayos ko ang upo at paulit-ulit na tinapik ang kamay sa hita. Hindi pa nakakatulong ang malakas na aircon dito sa loob kaya naman para akong nanginginig sa kaba.

"Ano ba iyong pabor na hihingiin mo?"

Bumuntong hininga siya. Tinitigan niya pa muna ako bago sumulyap sa phone niya at muling tumingin sa akin.

"Be my girlfriend."

Continue Reading

You'll Also Like

510K 27.8K 18
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
9.9M 644K 75
Yaduvanshi series #1 An Arranged Marriage Story. POWER!!!!! That's what he always wanted. He is king of a small kingdom of Madhya Pradesh but his pow...
3.6M 153K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
904K 20.7K 29
• completed • She was just the silent girl, the girl with a broken past, the girl who was too naive and too innocent, but to him she was his world. #...