Don't Break My Heart(Under Re...

By miss_mrc

3.1M 37.7K 1.6K

CURRENTLY EDITING (SOME CHAPTERS AY WALA) "Minahal kita ng tapat at wagas. I did everything to make you stay... More

Dont Break My Heart
Simula
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
A.N
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12 (Calvin Santos)
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT
Special Announcement
Book 2
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
author
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
Announcement
CHAPTER 14
Unwanted series
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
Questions and answers
CHAPTER 21
CHAPTER 22 (part 1)
CHAPTER 22 (PART 2)
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26 (part 1)
CHAPTER 26 (PART 2)
A.N
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29 (part 1)
A.N (again)
CHAPTER 29 (part 2)
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
Unwanted series
missing scenes of chapter 29
CHAPTER 33 (part 1)
CHAPTER 33 (part 2)
CHAPTER 34 (Part 1)
CHAPTER 34(part 2)
CHAPTER 34 (part 3)
CHAPTER 35 (part 1)
CHAPTER 35 (part 2)
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 38 (PART 2)
SUZY RAIN HEMILTON
CHAPTER 39
CHAPTER 40
Meet the cast in true life
CHAPTER 41
CHAPTER 42
SUZY RAIN HEMILTON
A.N
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
Announcement.
SPECIAL CHAPTER 5
Special Chapter 6
HARRY DELA CRUZ
LAST CHAPTER
a.n
Thea Lime Salvatore

CHAPTER 7

46.5K 627 23
By miss_mrc

SUZY RAIN CARIAS HEMILTON

"Akala ko dika na papasok."bungad kong tanong sa lalakeng kaharap ko ngayon. Kahit makikita mong naiirita ang mukha nito bumagay parin ang suot nitong uniform ng SHA.

"Tsk, kung pwede nga lang hindi na. Letseng arranged marriage na'to! Winasak na nga ang relasyon namin ng girlfriend ko! Guguluhin pa ang pag-aaral ko? Kailangan ko pa talagang mag transfer dito? Para ano? Para masigurado nilang magiging maayos ang samahan natin?"

"Gusto nilang magkasundo tayo Calvin."mahinang sabi ko. Pagdating sa lalakeng to ang hina hina ko. Ang bilis bumigay ng puso ko.

"At umasa ka naman? Hindi na tayo magkakasundo Suzy! Fucking life!" Marahas na nagbuga ito ng hangin.

Napaatras ako ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat. Mahigpit ang pagkakahawak nito.

It hurts Calvin. Gusto kong sumigaw! Magreklamo! Pero diko kaya. Hindi ko kaya. Why am I like this!

" No matter what happens! Sisiguraduhin kong dika magiging masaya sa piling ko Suzy. You ruined my life! You took away my happiness! Sinira mo ako Suzy kaya sisirain ko din lahat sayo." Napapikit ako at pilit iniindi ang sakit. Mas lalong humigpit ang pagpisil niya sa mga balikat ko.

"Gagawin kong impyerno ang buhay mo."

"Ca-calvin masakit na. Tama na please." I can't take it anymore. Sumasakit na ang puso ko sa mga sinasabi niya.

"Masakit? Iyan pa lang ang ginagawa ko masakit na? Paano ako Suzy? PAANO AKO! HINDI BA AKO NASASAKTAN NGAYON! INIWAN AKO NG BABAENG MAHAL KO! IT'S ALL YOUR FAULT!"

Sa sobrang panghihina ng katawan diko namalayan ang paglayo sa akin ng isang tao sa mga kamay ni Calvin. Nakakulong ako sa mga bisig ng lalake. Tila ba prino-protektahan ako sa sakit. At bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Am i bad? Is it really my fault? Ako na lang ba lagi ang sisisihin sa lahat?

Ganito ba kasakit ang magmahal? Nagmamahal lang naman ako! Pero bakit ganito? Kailngan ko pa bang danasin ang sakit? Hindi ba pwedeng maging masaya naman ako!

Why? Why me?

"You crossed the line Mr. Santos." I heard Thea's voice. "Wala kang karapatan para saktan ang kaibigan ko. Wala ka ring karapatan para isisi ang lahat sa kanya. If lalake ka talaga! Bakit di mo gawin yang gusto mo? Bakit ka nagpapadala sa utos ng ama mo? Iniwan ka ng babae mo dahil nalaman na ikakasal ka sa iba? Eh bat di mo hinabol? Alam mo Mr. Santos? Isa kang malaking duwag! Hindi mo matanggap na wala kang magawa sa sitwasyon na'to kaya isinisisi mo ang lahat kay Suzy."

"Alam nating lahat! Na ang babaeng iyan! Kayang kaya niyang itigil ang plano nila.  Pero ano? May ginawa ba siya? Wala diba!"

Tama na please, ayoko nang makinig.

"Stop please." Tila hangin na lumabas ang mga salitang binigkas ko.

"Just hold me tight." Sabi ng lalakeng nakayakap sa akin. Naramdam ko ang dalawa niyang kamay na nakatakip sa magkabila kong tenga. "Gagawin ko ang lahat para di'mo marinig ang mga masasakit na salita. Ituon mo lang ang atensiyon mo sa aking dibdib. Kung gaano kabilis ang tibok nito."

Kahit mahirap pinilit kong wag makinig sa sinasabi ni Calvin. Itinuon ko ang pansin sa tibok nang puso ng lalakeng yakap yakap ko. "I loathe her." Huling mga salitang narinig ko kay Calvin. Wala na akong naririnig pa bukod sa pabilis na pagtibok ng puso ni Harry.

Oo, amoy palang alam kong si Harry ang taong nakayakap ngayon sa akin. Sa bilis nito para itong nakisali sa isang fun run.

"Hindi mo kailangang masaktan dahil lang sa lalakeng yan. You are a precious gem na dapat iniingatan lagi. Alam kung hindi sapat ang mahigpit kong yakap para alisin ang sakit na nararamdaman mo ngayon pero hayaan mo sana akong gawin ito kahit saglit lang."

Harry, bakit ang bait mo sa akin? Bakit ka ba ganito sa akin? Sino ka ba talaga. Simpleng tao ka lang ba na may malasakit sa kapwa kaya mo ito ginagawa?

"Can you take me far away?"

"Of course my princess." Hindi ako nagreklamo nang maramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. "Pipilitin kong alisin ang sakit." Nagpatangay na lamang ako sa paghila niya.

Habang naglalakad, nakatingin lamang ako sa mga kamay naming magkahawak. Mahigpit ito na tila ba ayaw niya akong pakawalan. Marami naring ibang estudyante ang nakapalibot sa campus at rinig ko ang mga sinasabi nila.

"Balita ko may isang lalake ang nanakit kay Suzy doon sa field. Sinisigawan daw nito ang ating prinsesa."

"Balita ko din na yung lalakeng iyon ay ang future husband daw ni Suzy. "

"Bakit hawak kamay sila ni Harry? May relasyon ba sila?"

"Sila na ba?"

"Bakit parang umiyak ang prinsesa natin?"

Hindi ako nagtaas nang tingin, wala din akong pinansin kahit na isang estudyante lalo na yung mga nagtatanong sa akin kung okay lang daw ako?

I will never be okay. Siguro nga mamaya ngingiti na naman ako pero sa loob ko sobrang wasak na ito noon pa.

"Upo ka." Pinagmasdan ko ang paligid ng huminto kaming dalawa sa paglalakad. Nandito kami ngayon sa mini forest ng campus. Prohibited ang lugar na'to. Tanging mga school faculties at kaming tatlo nina Thea at Dafnie ang pwedeng pumasok.

Umupo ako sa may bench at tinitigan si Harry. "Paano ka nakapasok sa lugar na'to?"

"Tamang timing lang, kapag walang bantay sa'ka ako pumapasok. Masarap magbasa ng libro dito. Maraming puno at masarap ang hangin. Pwedeng pwede para mag senti." At umupo din ito sa tabi ko.

"Can you please tell me who is that guy?"

"He is Calvin Santos, magkaibigan ang mga magulang namin kaya naipagkasundo kaming dalawa. Alam mo naman ang mga mayayaman gagawin ang lahat para mas dumami ang pera."

"May I ask kung bakit dika umatras sa plano ng mga magulang mo?"

"I can't, utang ko ang buhay ko sa kanila. Wala akong karapatan para sumuway."

"Aside from that, do you have any other reasons kaya di ka nag back out sa arrange marriage na'yan?"

Isang rason lang naman.

"I love him. "

At ang sakit niyang mahalin. Mula noon hanggang ngayon ang sakit sakit parin. 

"Siya ang lalakeng una kong minahal. Magkababata kami, siya lagi ang nagtatanggol sa akin. Ang itinuturing kong kuya noon. Mabait siya dati. Ni ayaw niyang nakikita akong umiiyak. Pero nagbago ang lahat dahil sa isang pangyayari. Ang lalakeng tagapagtanggol ko noon? Ngayon siya na ang dahilan kaya ako umiiyak."

"Ang swerte naman ng lalakeng iyon." Nagkatinginan kaming dalawa. Ang lungkot ng mga mata ni Harry. "Ang swerte niya dahil minamahal siya ng isang babaeng nagngangalang Suzy."

"Harry." Alam kong mayroon kang gustong sabihin. Ano bang pumipigil sayo para magsalita. Napabuntong hininga na lamang ako. "Thank you sa ginawa mo."

Ngumiti ito ngunit alam kong pilit lamang iyon. " Gagawin ko lahat mapasaya ka lang." Saka ito tumayo at ginulo ang buhok ko.

"I know, gusto mong mapag-isa tama?" Napatango ako. Yeah, gusto kong ibuhos lahat ang sakit sa pamamagitan ng iyak.

"Iiwan muna kita. Pero pag okay ka na hanapin mo lang kami. Hihintayin ka namin."

"Thank you so much."

Muli niya akong hinagkan sa noo bago
tumalikod at naglakad papalayo.

At doon kusang nagsilabasan ang mga luha kong tumigil kanina.





"Let's talk about sex baby. Let's talk about you and me. Let's talks about all the good things and the bad things that may be. Let's talk about sex. Let's ta-"

"Dafnie can you shut up?" Naiinis na sabi ni Thea kay Dafnie. Ako sana ang magsasabi nun kaso naunahan niya ako.

Nandito kami ngayon sa harapan ng gate. Hinihintay ang kanya-kanyang sundo. Matapos kong mag emote sa mini park kanina pinilit kong maging okay at bumalik sa classroom para ipag patuloy ang klase. Hindi na muling nagsalita ang tatlo about sa issue. Balik normal ang lahat na para bang walang nangyari. Pabor naman sa akin dahil ayokong maalala. And si Calvin? Di na pumasok, i don't know kung saan nagpunta.

"Why?" Napamewang si Dafnie. "Im just singing."

"Oo nga pero kailangan bang iyon ang kantahin mo? About sex? My goodness Dafnie kababae mong tao."

"Hoy Thea! Narinig mo na ba ang salitang trip by trip? Tsk! Palibhasa kasi wala ka pang first kiss."

Heto na naman sila, magbabangayan sa isang walang kwentang bagay. Hindi ko nga alam kung bakit sila naging magkaibigan.  Wait, ilang beses ko na bang naitanong sa sarili ko'to?

"Eh ano ngayon kung di pa ako nahahalikan? Duh haller Dafnie! Pareho tayo diba? May pa sabi-sabi pa ng true love jan. And baka nakakalimutan mo rin na   mas nauna akong magkaroon ng boyfriend? Or should I say sa ating tatlo ako pa lamang ang nagkakaroon ng boyfriend! " Napamewang narin si Thea

"Ikaw nga nauna, well anong nangyari? Nawala din sa lahat hindi ba? Iniwan ka niya Thea. Yung I love you at I'm yours na sinabi niya noon sayo nasaan na? Nawala ka lang saglit napalitan ka na sa puso niya. Thea, ang love ay hindi totoo. Hindi ba ikaw narin ang nagsabi na manloloko lahat ang mga lalake? Kaya dapat silang paglaruan?"

"Dafnie lumagpas ka na sa line." Seryoso kong sabi. Ang ayoko sa lahat ipinapamukha kay Thea ang naging pagkakamali niya.

Ang pagtitiwala at labis na pagmamahal sa lalakeng wala namang ibang ginawa sayo kundi magsinungaling at paasahin ang puso mo.

Magmula ng araw na naghiwalay sila ng kasintahan hindi na nagbalik pa ang dating Thea na naniniwala sa forever at happy ending.

I know, isinara at iwinaksi na ni Thea sa puso at isipan ang salitang love. Well, i don't blame her. Iyan ang nagagawa nang salitang brokenhearted o kaya naman iniwan at pinaasang may forever.

I'm sure her past will be my future. At ang sakit na hanggang ngayon ay nararamdaman niya ay mararamdaman ko rin balang araw.

Mukang nahimasmasan si Dafnie sa mga sinabi. Punong puno ng pagsisisi ang kanyang mga mata. "I'm sorry Thea. Hindi ko alam ang sakit na pinagdaan mo dahil hindi ko pa nararanasan ang magmahal."

Lier, sabi ko sa isipan. Alam ko ang lahat Dafnie. Wala mang alam si Thea ako madami.

Napabuntong hininga si Thea at sabay ngiti kay Dafnie. This time ako naman ang nakahinga nang maluwag. Wala talaga sa aming dalawa ang makakaresist sa Sorry ni Dafnie. Paano ba naman, wala sa bokabolaryo niya ang salitang sorry. So, alam naming dalawa ni Thea na isinantabi ni Dafnie ang pride para lang masabi iyon.

"It's okay, may kasalanan din naman ako."

"Kumanta ka na ulit Dafnie." Pang-e-enganyo ko. Para mabawasan ang tense sa paligid.

"Fine sabi mo eh princess." Sabay kaming nagkatinginan ni Thea at napailing na lang sa kinanta ni Dafnie. Ang hirap niyang i-predict.

"Baby all through the night I'll make love you. Like you want me to."




"Bye Suzy! See you tomorrow." Sabi ni Thea pagkababa ko sa kanyang kotse. Hinatid niya ako dahil wala raw si Butler Kim para sunduin ako.

"Bye, take care and good night."

Pagkaalis niya saka ako tumingin sa relong nasa kanang kamay ko. Pasado alas siyete na pala. Lagot ako nito sana lang hindi pa sila nakauwi. Si Dafnie kasi inaya pa kaming mag bar, lubusin daw namin ang moment.

Maingat kong binuksan ang pintuan at ipinasok ang kalahati kong mukha upang silipin kong clear ba ang area. Nang wala akong makitang tao pumasok na ako at kampanteng naglakad sa malawak na sala.

Feeling princess ang peg! But wait I'm a real princess.. Haha nababaliw parin ako hanggang ngayon.

Paakyat na ako ng hagdan nang biglang may nagsalita sa likuran.

"At saan ka naman nagpunta?"

Huminga ako nang malalim at tinignan si papa na prenteng naka upo sa may mahabang sofa. Ang galing paano siya nakapunta diyan, I swear wala talaga akong nakitang tao kanina.

"I'm waiting Suzy."

"Nagbonding lang po kami nina Thea at Dafnie."

Biglang tumaas ang isang kilay niya. Putcha! Mas magaling pa si papa sa ganyan. "Palalagpasin ko ang gabing to but next time ayoko nang maulit pa to. Do you understand me?"

"Yes papa."

"Have a sit, may pag-uusapan tayong importante."

Sumunod ako sa utos niya at umupo sa single sofa na nasa harapan niya. "Asan si mama?"

"Natutulog na napagod sa trabaho."

"Ano pong pag-uusapan natin?"

"It's about your engagement party."

Hayan na naman po tayo. Wedding, engagement, future husband. Nakakasawa na promise.

"Nabalitaan kong nandito na sa Pilipinas ang Tita Mandy mo. Dahil dun we decided na bukas na natin pag pla-planohan ang magiging kasal ninyo. 

"Pero pa, hindi bat parang ang aga?Isa pa ang bata ko para maikasal."

"Eighteen ka na, legal na yun. Were doing this para sa future mo. Ikaw ang magmamana nang lahat, shares,companies, houses or should i mean mansions at mga lupain. Kailangan mo nang makakatulong para doon."

"Pero pa-"

"No But's, para din sayo to Suzy.'

" okay pa."

"Be sure na matutulog ka nang maaga ngayon. Para naman maayos kang makikiharap sa mga bisita."

"Opo." Tumayo na ako at walang ganang tumungo sa kwarto.

Inihagis ko ang dalang bag at walang ganang humiga sa kama. Papikit na sana ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito mula  sa bulsa ng pantalon at tinignan kong sino ang caller.

Unknown number

"Hello?"

"Paano mo nagawa sa akin to?"

Huh? Lol pinagsasasabi nang lalakeng to. As far as I remember, wala pa akong nagawang kasalanan sa kahit sino man. Pinagloloko ba ako nang taong to.

"Who you?"

"Suzy mahal ko! Bakit mo ako kinalimutan." Sh*t this time naririnig ko na ang paghikbi niya.

And what did he said? Mahal ko?

"I-Im so sorry pero hindi kita kilala. Kung nang jo-joke ka lang please stop it. Hindi nakakatuwa."

"Your so unfair, iniwan mo akong nag-iisa. Please try to remember me. I know you can."

"I SAID STOP IT!" natatakot na ako.

"Please love, bumalik ka na hi-"

Bago pa niya matapos ang sinasabi ay tinapos ko na ang tawag. Shete na malagkit! Kinikilabutan ako. Sa susunod hindi ko na i-a-accept ang tawag nang isang unknown caller.

At ang pagkakaalam ko wala pa akong naging ex lover. Kaya imposible ang sinasabi niya. Baka isa siya sa mga stalker ko. Tsk! Kakaiba talaga ang ganda kong taglay.

Makatulog na nga lang. Makikipagkita pa ako sa future husband ko kuno.

_____

Vote and comment

Continue Reading

You'll Also Like

13K 460 49
Alice, a normal girl in town, mistakenly ride the pirate ship owned by Kapitan Lexus. The Sunset's Paradise (Piratas Series #1) Cover made on Wombo D...
625K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
31.9K 601 10
Merichelle Tang, Isang eleganteng babae na nagkagusto kay Princeton Leighton Yang, CEO ng isang music company. Perpekto na ang lahat ngunit isang sik...
1.5M 22.2K 97
Si Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay...