South Boys #5: Crazy Stranger

By JFstories

2.3M 151K 68.7K

As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51

Chapter 23

40.9K 2.7K 1.1K
By JFstories

KALMADO SI ASHER.


Kalmado nga ba talaga? Hindi ako sigurado. Basta buong biyahe ay payapa ang paghinga niya. Wala ring kahit anong bayolenteng reaksyon, subalit tahimik siya at hindi nagsasalita. Hindi ko tuloy masabi kung ano ang nararamdaman niya.


Kapag nagtatama ang aming mga mata sa nasa unahang salamin ng tricycle ay ngingitian niya ako. Nakangiti pero may kung anong dilim sa mga mata. I got it. He was controlling his emotions.


Sa gate kami bumaba at magkahawak-kamay na lang na naglakad papasok ng subdivision. Paliko na kami nang matanaw ko ang sedan ng mga Estrada. Hindi iyon dala ni Rio. Si Tita Rica ang bumaba mula sa driver's seat. 


Kahit madilim ay alam kong nakasimangot ito. Dinig mula rito ang boses nito nang magsalita. "What is happening with you, Rio Theodore? Kung 'di pa nag-text si Madi ay hindi ko pa malalamang nandito ka sa labas ng bahay nila!"


Hinablot ko agad ang braso ni Asher at hinila siya palayo. Hindi ko inaasahan na magigising si Mama at iti-text ang mommy ni Rio. Baka ano pa ang masabi ni Tita Rica kapag nakita ako nito. Mukha ring kapag nakita ako ni Rio ay magmamatigas pang umuwi ito. Ang ma-stress si Mama ang pinakainiiwasan ko.


Nang makalayo kami ni Asher ay saka ko siya hinarap. Wala siyang pagtatanong o pagtataka man lang sa ekspresyon. Parang susunod lang siya sa akin kung ano man ang aking desisyon. Nagpaliwanag pa rin ako, "Iyong bumaba sa vios ay tita ko sa side ni Papa. Ayaw sa amin niyon ni Mama. Baka lang kapag makita ka ay may masabi pang di maganda."


Ngumiti si Asher. "Okay."


Nang dumaan ang sasakyan ng mga Estrada ay hinila ko si Asher sa gilid ng katabi naming mga halaman. Sumunod naman siya ulit sa akin nang walang reklamo. Nagtago kami roon upang hindi kami makita. Nang tingalain ko siya ay ngumiti siya sa akin.


Mga ilang minuto ang nagdaan nang may pumatak mula sa madilim na kalangitan. Umaambon at mukhang mauuwi pa sa pag-ulan. Hila-hila ko na naman si Asher sa pulso niya pabalik sa bahay namin. Nakangiti at walang reklamo pa rin naman siyang sumunod sa akin.


1:00 a.m. na. Madalang na sa ganitong oras ang dumaraan sa kalsadang pamasadang jeep, lalo ang mga tricycle. Puwede namang maghintay si Asher ng masasakyan kaya lang ay mababasa siya ng ulan. Pasisilungin ko muna siya sa amin.


Pagdating namin ay patay na ang lahat ng ilaw sa bahay. Umakyat na ulit si Mama sa kuwarto nito at malamang na tulog na. Ang akala siguro nito ay tulog na ako sa aking kuwarto, kaya dahan-dahan ang pagbukas ko ng pinto para hindi makagawa ng ingay.


Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ay hindi pa nabubuksan ang ilaw na yumakap agad ako kay Asher. Nagulat pa siya pero sandali lang. Nang tumingala ako ay yumuko na rin siya agad para magdampi ang mga labi namin sa isa't isa.


Mapusok siya laging humalik pero parang mas mapusok pa ngayon. Through this, he released his suppressed feelings. Walang kahit katiting na kainosentehan sa mga mata niya nang sandali siyang dumilat. Kahit sa dilim at kapirasong liwanag ay purong mapang-angkin ang emosyon doon na masisinag.


He was also more aggressive. His burning kisses fell on my neck causing me to lean against the closed door.


Alam ko na magsa-suffer siya pagkatapos nito, pero hindi ko siya pinahinto. I just waited to see how far he would go, only to be dumbfounded because he now seemed to have no intention of restraining himself.


I clung to his shoulder when I felt his touch on my bare skin. Nakapasok na sa loob ng t-shirt na suot ko ang mga kamay niya. Nasa aking tagiliran noong una hanggang sa tumaas na sa aking likuran.


Hinayaan ko siya at ipinikit ang aking mga mata. Napaawang na lang ang mga labi ko sabay sa aking pagliyad sa kinasasandalang pader nang maramdaman ang mga labi niya sa bandang dibdib ko. Unang beses ito. "A-Asher..."


Nakaangat na ang shirt ko, kasama ang panloob, kaya sa dilim ay nakalantad na ang itaas na bahagi ng aking katawan. Ramdam ko ang pagdapyo sa balat ko ng lamig, na agad ding tinutupok ng maiinit niyang halik.


Nang ikulong ng kanyang bibig ang dulo ng aking isang dibdib ay impit na napasinghap ako. Pinagsawa niya roon ang sarili. Salit-salitan hanggang sa siya na rin ang sumuko. Ang hirap niyang paghinga at pati ang malakas na tibok ng kanyang puso ay dinig na dinig ko.


Ang isang kamay niya ay na kanina ay humahaplos sa likod at tagiliran ko ay bumaba na sa aking pantalon. Sumapo iyon sa aking pang-upo upang isalubong ako sa naninigas na bahagi ng katawan niya. Pero alam ko na hindi na iyon sapat sa kanya.


Iginalaw ko ang aking mga kamay na nasa na bewang niya nakahawak. The tips of fingers were now in the garter of his briefs, causing him to groan. Should I indulge him more?


Itinulak ko siya, hindi para humiwalay sa kanya, kundi para pagpalitin ang puwesto naming dalawa. Siya na ngayon ang nakasandig sa dingding. Sa katiting na liwanag na lumalagos mula sa kurtina namin ay nakita ko ang mapupungay na tingin niya sa akin. Hinihintay niya kung ano ang aking gagawin.


Tumingala ako upang abutin ang mga labi niya. Kinagat ko nang marahan ang ibabang bahagi, kasabay nang pagbaba ko sa garter ng shorts na kanyang suot. Ngayon ay siya na ang kumagat sa ibabang labi ko. Marahan lang subalit matagal.


Meron akong ideya dahil kahit walang karanasan ay hindi naman ako tanga. Sinikap ko na lang na 'wag higpitan dahil baka masaktan ko si Asher. Sandali lang ay para na siyang kukumbulsyunin.


"Ahhh..." ungol niya habang nakatingala.


Salamat sa kakaunting liwanag dahil kahit paano ay nakikita ko siya. Pinanood ko kung paano magsalubong ang mga kilay niya, umawanag ang bibig niya, muling maglapat, at kung paano halos dumugo na ang ibabang labi niya dahil sa kanyang pagkakakagat.


"Ah, Lai... Ahhh...!" Kapit na kapit siya sa bewang at balikat ko. "Aaahhhghh... Ahhhh..." Ang kanyang makinis at mabangong leeg ay pawisan, habang ang lalamunan niya ay umaalon nang taas-baba.


Even though Asher appeared to be in pain, I knew he was feeling the other way. Pinagpatuloy ko ang ginagawa nang may pag-iingat. Tantyado lang, dahil ang pinakahuling gusto kong mangyari ay ang masaktan siya.


Alam ko noong malapit na siya, naninigas na ang katawan niya, and his thing was now throbbing like crazy as if it wanted to break free from my grip. He inhaled deeply as if he was about to pass out and after that, I heard something dripping on the tiles.


Nanghihinang ungol ang kumawala sa mga labi ni Asher nang bumagsak siya sa balikat ko at yakapin ako. "Lai... Ah, Lai, pagod..."


Nakangiti na niyakap ko rin siya. Ah, what a spoiled baby...


Tutal ay nagpapatila pa kami ng ulan, kaya naman pinagpahinga ko muna siya sa sofa dahil hinang-hina siya. Noong kaya niya na ulit tumayo nang hindi nanginginig ang mga tuhod ay doon ko na siya pinauwi.



NANDITO NA NAMAN AKO.


After a week of studying in the hopes of graduating from school for a good life, before returning home to a fake ideal life, and before having fun with the person I used to just dream about, dito na naman ako unang dinala ng mga paa ko.


Dito sa lugar na wala dapat kinalaman sa akin, pero makailang ulit nang binalikan ng mga paa ko. Ngayon ay nakatago ulit ako sa isang poste. Nakatanaw sa naglalakad na babae. Kay Linda na kauuwi lang mula sa trabaho nito.


Naglalakad lang lagi at hindi ko pa nakita na nag-tricycle. Pagkauwi sa bahay ay imbes makapagpahinga ay sasalubungin pa ito ng patong-patong na problema. And I doubt kung nakakain man lang ba ito pagka umuuwi sa kanila.


Nag-iisang madilim ang bahay nila sa looban dahil nga nabaklasan na ng kuryente sa kanilang kinakabitan. Hirap daw kasi silang makabayad. Sa eskinita pa lang ay mauulinigan na ang reklamo ng nanay, tatay, mga kapatid, at iyakan ng kanyang mga pamangkin. Naroon na rin pala sa kanila ang menor de edad niyang bagong hipag na buntis.


Wala naman akong pakialam. Kahit pa nga may mamatay sa miyembro ng pamilya nila. Kadugo ko man kasi sila ay hindi ko naman sila mga kilala. Para sa akin ay ibang tao sila. Kaya bakit? Bakit nga ba ako nagsasayang ng panahon sa kanila?


Ah, damn Rio. Kasalanan ng siraulong iyon ang lahat ng ito.


Isang batang babae na sa tantiya ko ay naglalaro sa edad na nine to ten years old ang kasunod ni Linda na papasok sa eskinita. Payat na payat din ang batang babae. Sa kanang kamay ay may bitbit itong plastic na ang laman ay giniling na bigas. Iyong ginagawang am kapalit ng gatas.


Lumabas ako mula sa aking pinagtataguan at sinitsitan ang batang babae. Lumingon naman siya sa akin. Nagtataka siguro kung sino ako. Inilabas ko ang aking cell phone. "Gumagawa ako ng video," ani ko.


"Po?" inosenteng tanong ng batang babae. Ang suot ay lumang malaking t-shirt at pudpod ang tsinelas na gamit.


"Video. Iyong ina-upload sa Internet. YouTube, hindi mo ba alam iyon?"


"Alam ko po. Nakikita ko sa compshop pag nadaan ako, nanonood sila ng mga video. Mga kanta, sayaw, at iyong iba ay maiiksi pong movie."


Napangiti ako. Matalinong bata siya. "Ganoon ang ginagawa ko. Nagre-record ako ng video na ina-upload ko sa YouTube. Mga kuwento tungkol sa mga iba't ibang tao. Ikaw, puwede ba kitang ma-interview?"


"Baka hanapin po ako sa amin, eh."


"Sandali lang naman tayo. Saka, babayaran kita pag pumayag ka." Dahil doon ay kuminang ang mga mata ng bata, subalit may pag-aalinlangan pa rin. "'Wag kang mag-alala, hindi naman ako bad. Tsaka, maraming tao rito o. Puwede kang sumigaw anytime."


Ngumiti na ang bata sa wakas. Napapayag ko na sa isang mini interview kuno. Tinanong ko lang siya ng ilang tanong. Kung anong klaseng buhay ba meron sila. Ilan sila sa bahay, sino-sino ang kasama, at kung anu-ano pa.


Batay sa sagot ng batang si Betchay na panganay sa tatlo, ay isang extended family raw pamilya nila. Magkakasama sila sa iisang bubong ng kanyang Lolo Nonoy, Lola Lydia, nanay na si Laura, tatay na si Rodel, mga kapatid ng nanay niya na sina Linda at ang bunso na si Limuel, at ang buntis na girlfriend nito na si Maricar. Si Linda raw ay wala pang asawa.


May isa pa raw siyang tiyahin na si Lenlen. Anim naman ang anak. Minsan daw ay nasa kanila rin kasi binubugbog daw iyon ng asawang lasenggo. Sumatotal ay malaking pamilya sila.


"Okay na po ba ang interview niyo sa akin, ate?" kalabit ni Betchay sa akin. Hinihintay na ang kapalit na aking ipinangako kanina.


"Oo. Pero hindi pera ang ibibigay ko." Hinila ko ang bata sa pinakamalapit na grocery store. Nang magsimula na akong mamili ay nakamasid lang sa akin ang batang babae.


Kalahating kaban ng bigas, ilang pirasong delata, noodles, kape, Milo, mga sachet ng sabon at shampoo, at isang box ng Nestogen na gatas, isang pack ng diaper, para sa sanggol nitong kapatid. Halos lumuwa ang mga mata ng bata nang maibalot na lahat ng aking binili na umabot lang naman sa kulang-kulang apat na libong piso.


"Amin po lahat iyan?" hindi makapaniwala na tanong ni Betchay.


"Deserve mo lahat iyan kasi mabait kang anak sa mama at papa mo at ate sa mga kapatid mo."


Mangiyak-ngiyak ang bata at hindi na halos makapagsalita. Pinaghahaplos ng maliit na kamay niya ang mga nakaplastic na groceries. May kung anong pitik naman sa loob ng dibdib ko ang tanawin na iyon.


Ipinilig ko ang aking ulo saka kaswal na kinausap ulit si Betchay. "Kapag tinanong ka kung saan galing ang mga iyan, sabihin mo lang na sinuwerte ka na ma-interview ng gumagawa ng video."


Naluluha na ngumiti sa akin si Betchay. "Sana po, ate, sa amin ka na lang nakatira para palagi kaming maraming pagkain!"


"Ayoko sa inyo, mahirap lang kayo." Ibinigay ko pa sa kanya ang sukli na one hundred seventy pesos. "O, iyo na rin iyan. Itago mo dahil baka hingin ng lolo mo at ipangbili pa ng gin. Baon mo iyan sa school mo."


Nakangiti pa ring nagpasalamat si Betchay. Dahil marami-rami ang mga dadalhin ng bata ay tutulungan na lang daw ito ng anak ng bantay sa tindahan. Malayo na sila ay nililingon pa ako para kawayan. Nang makapasok na ang bata sa eskinita ay saka na ako tumalikod para umuwi na sa Pascam.



WALA NA NAMAN SA BAHAY SI MAMA.


Nakababa na ako sa multicab nang mabasa ang text nito sa akin. Naroon daw ito sa unang asawa ni Tito Eloy. May sakit daw kasi at walang mag-aalaga sa mga anak, kaya naroon nga si Mama para makialaga sa mga batang pamangkin.


Gusto niya na nag-aalaga. Gusto niya ng mga bata. Napabuga ako ng hangin dahil sa pagbigat ng aking dibdib. Ah, nami-miss ko si Asher. Nami-miss ko siya dahil pagod na pagod ako. Gusto kong magpahinga.


Pagdating sa bahay ay lalong sumama ang timpla ko nang makita ang pares ng black shoes sa may pintuan. Pabalandra kong binuksan ang screen door kaya nagulat ang lalaking nakaupo sa sofa. Muntik pa nga siyang mahulog sa sahig. "Tangina!"


Si Rio ang lalaki. Poise na poise pa naman. Naka-uniform pa ng Lyceum. Polo at slacks. Sa paahan ay naka-medyas na lang dahil iniwan ang sapatos sa labas. Mabango. Mukhang pagkagaling sa school ay dito dumeretso.


Nang makita ako ay agad na umamo ulit ang mukha. Napatayo agad at pasimpleng nahimas ang suot na polo at slacks. "Hi, Lai."


Napatingin ako sa center table. Meron doong box ng donuts.


"Ah, kaaalis lang ni Tita Madi noong dumating ako. May importante raw siyang pupuntahan at baka gabihin siya ng uwi."


"Alam ko, nag-text siya."


Napakamot siya sa kanyang makinis na pisngi. "Ahm, galing kasi ako sa SM tapos nakita ko iyong favorite mong donuts kaya binili ko." Itinuro niya iyong box ng donuts. "May dala rin akong softdrinks, nasa ref niyo."


Kumunot ang noo ko. "Alam mo na uuwi ako?"


Umiling agad siya. "Ah, no. Nagbaka sakali lang ako. And I'm glad that I did."


Pinakatitigan ko si Rio. Ang amo-amo talaga ng mukha niya, iyong papasa ng anghel sa sobrang amo. Mukhang napakabait. Hindi halatang meron ding saltik.


Nang mapansin ang pagtitig ko ay para siyang naiihi na biglang napaiwas ng mga mata. "Ah... Lai." Napaubo pa siya. Bigla siyang hindi mapakali. "A-ano, ikukuha na kita ng platito para sa donuts—"


Patalikod na siyang nang magsalita ako. "Ayoko ng may ibang tao sa bahay namin. Umuwi ka na sa inyo at baka hinahanap ka na rin ng mommy mo."


May gumuhit na hapdi sa mga mata niya. "Lai, hindi mo ba ako puwedeng kausapin nang maayos? I really want us to talk..."


"Puwede naman kung magkadugo tayo. Pero 'di ba, hindi? So, hindi magandang tingnan na dalawa lang tayo rito, tapos may pagnanasa ka pa sa akin diyan!"


"I don't care what other people think. I'm sick of being careful not to disappoint them. Gagawin ko na ngayon ang gusto ko. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sa 'yo."


"Ows? Kahit alisan ka ng mana ng parents mo?"


Napangiwi siya. "Ano naman ang ipapamana nina Mommy at Daddy sa akin? Mga loan nila sa bangko?"


Oo nga. Mga simpleng mamamayan lang kami na nagsisikap. Iyong parents naman niya ay mukha lang mayaman dahil mayayabang, pero mas marami pa ang credit cards kaysa sa debit cards.


"Anyway, go home, Kuya Rio." Diniinan ko ang salitang 'kuya'. Ngayon ko na lang siya ulit tinawag na ganoon.


Napasimangot naman siya. "Why are you calling me that now, Lai?"


"E sa gusto ko, Kuya Rio. At saka, wala rin naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, kaya lang ay may pakialam ako sa sasabihin ng mga magulang ko—at ng boyfriend ko."


Napakurap siya sabay tapik sa kanyang tainga. "Lai, I think something blocked my ears because I didn't hear the last words you said."


Hindi ko na siya pinagkaabalahang sagutin. Tinalikuran ko na siya at umakyat ako patungo sa ikalawang palapag ng bahay. "Basta lumayas ka na habang mabait pa ako!"


Nasa kuwarto na ako. Hindi ko pa naisasara nang tuluyan ang pinto nang pigilan ni Rio. Sumunod siya sa akin. Humihingal pa siya. "Lai, I don't want to leave. Let's talk, please?"


Napahumindig ako. "Ayoko nga, di ba?! At bakit ka sumunod dito?!"


Imbes sumagot ay natigilan siya nang ma-realize na nasa kuwarto ko siya. Napahawak pa siya sa kanyang bibig na tila hindi makapaniwala. Parang sira.


Pumasok siya nang tuluyan sa kuwarto ko. "Whoa, Lai! You've got a nice room although it's small. Maliit lang naman kasi ang buong bahay niyo, ano? Parang kasin laki lang ng sala namin. Ah, no, garahe pala!"


Nagtagis naman ang mga ngipin ko. It didn't like it. Hindi ko gusto na may ibang tao sa kuwarto ko. My room was restricted even to my parents because it was my private space. So, what right did Rio have to be here and freely roam his eyes over my personal belongings?


Pinipilit ko na lang talagang maging kalmado, pero sa dami ng nangyayari sa buhay ko nitong mga nagdaang buwan ay pakiramdam ko kaunti na lang ay sasabog na ako. Kaya dapat umalis na Rio. Kailangang umalis na siya para makapagbihis na ako. Dahil pupunta ako ng Buenavista. Kailangang-kailangan kong pumunta roon bago tuluyang mapatid ang aking pasensiya!


"Hindi ka ba talaga aalis?" malamig na tanong ko sa kanya.


Nagtataka naman na lumingon si Rio sa akin. "Hey, are you angry?"


Akala niya ba ay nakikipagbiruan ako? Gusto ko na siyang kalmutin sa mukha niya.


"'Di ba dapat nga ako iyong magalit?" Humalukipkip siya at lumabi.


Cute siya sa ganoon, pero kung itatabi siya kay Asher ay umuwi na siya. Hinding hindi niya matatalo ang cuteness ng baby ko!


"Plinano mo lahat, di ba? You used me. You played with me." Hindi siya galit, sa halip napakahinahon ng boses. "And you succeeded, Lai. I like you now. I like you so much that I am willing to take the blame when the truth about your adoption comes out."


"Kapag hindi ka umalis sa kuwarto ko, makikita mo ang hinahanap mo!" seryosong banta ko sa kanya.


Imbes na matakot ay ngumiti ang mga labi ni Rio. Sa gulat ko ay prenteng nahiga pa siya sa kama ko. "Hmn, why? Anong gagawin mo? Wala rito si Tita Madi. Kahit pa nandito siya, anong kaya niyang gawin sa akin? Takot lang niyon sa mommy ko."


Kumuyom ang mga palad ko. "Papunta ang boyfriend ko."


Doon nabura ang ngiti niya. Salubong ang mga kilay na bumangon siya. "Again, I just heard it wrong, didn't I?"


"Hindi. Tanga."


Dumilim na ang maamong mukha ni Rio. "May boyfriend ka? Niloloko mo ba ako?!"


"M-may boyfriend nga ako!" Sinikap kong magmatapang kahit kabado na. Dahil dalawa lang kami rito. Mukha lang matino ang lalaking ito, pero may tagas din siya sa ulo. "May boyfriend ako. Schoolmate ko dati. Pupunta siya rito ngayon!" Hindi ko sigurado kung pupunta si Asher dahil biglaan ang aking uwi ngayong araw.


"Fuck, I can't believe this! You've got yourself a boyfriend even though you know that I like you!"


Napalunok ako nang makita ang galit sa mga mata ni Rio. Namumula na ang lalaki.


"Lai, why? Nag-boyfriend ka kahit alam mong gusto kita! For the first time, sinusuway ko sina Mommy! Tinatawag ko nang tita si Tita Madi kahit ayaw ko sa kanya, tinanong ko rin si Renren kung ano ang skincare niya, kasi balak kong sabihin sa 'yo para hindi ka na magka-pimple sa noo! At ibinili kita ng favorite mong donuts kahit hindi ako sure na uuwi ka! Can't you see? I like you that much!"


Paatras ako nang paatras dahil palapit siya. Isang hakbang na lang patalikod ay pader na ang nasa likod ko. Para namang tore ang lalaki sa harapan ko. Sa kanyang tangkad ay hanggang leeg niya lang ako.


Akma akong itutulak ng malaking kamay ni Rio sa pader nang makarinig kami ng tunog ng doorbell sa ibaba. Nanlaki ang mga mata ko.


Nanlisik naman ang mga mata ni Rio. "Is that him, huh? Iyon ba ang boyfriend mo? Paalisin mo siya kung ayaw mong basagin ko ang mukha niya!"


Doon bumalik ang tapang ko. "Baka mukha mo, basagin niya!"


Napanganga si Rio sa sinabi ko. Hindi niya yata inaasahan. Bago pa siya magsalita ulit ay sumigaw na ako. Nagsisisigaw ako na aakalain mong may sunog. "Ahhhh! Ahhhhh!!!! Ahhhhhhh!!!!!!"


Nag-panic naman si Rio sa gulat. "Hey, tumahimik ka!" pigil niya sa akin pero ayaw kong magpapigil.


Sigaw ako nang sigaw na parang baliw. May pagtili pa. Wala akong pakialam kahit marinig pa ng mga kapitbahay. Ilang saglit lang ay may sumipa na ng pinto sa sala. Kasunod ay ang pagbukas ng pinto naman nitong kuwarto ko.


Sa pagpikit ko at muling pagmulat ay wala na si Rio sa aking harapan. Nasa sahig na siya habang duguan ang bibig niya. Isang matangkad na lalaki ang bumabanat sa kanya. Sa gulat siguro at dahil di naman sanay sa basag-ulo ay hindi siya makapalag.


Tumigil naman na ako sa pagsigaw at nanood na lang. Napangiti ako nang mapaubo na si Rio ng dugo. "Sinabi ko na sa 'yo, mukha mo ang mababasag, hindi ka nakinig."


Kung hindi pa ako sumipol ay hindi pa siya titigilan ni Asher kahit para na siyang lamog na gulay sa sahig.


Nang lubayan siya ni Asher ay saka ko siya nilapitan at inapakan sa tiyan. Si Asher naman ay yumakap sa aking bewang. And then we kissed in front of him.


Kandaubo si Rio ng dugo habang nakatingin sa amin.


Pagkatapos maghiwalay ng mga labi namin ni Asher ay binalingan ko ulit si Rio. Hawak ko ang ulo ni Asher habang nakatingin sa kanya. "Kuya Rio, I want you to meet Asher. My boyfriend... And also my loyal dog."


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
165K 9.1K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1M 13K 61
COMPLETED. I'M 20 BUT STILL NBSB SEQUEL. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Wala lang akong tiwala sa mga nakapaligid sa kanya. At kahi...
128K 518 112
Just a list of the stories that I read with its main/lead characters. Compilation. Recommendations. Mostly Series. Known and Underrated Authors. Rom...