𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬...

By sanzscripts

2.3K 188 17

(ON-GOING) STARTED: January 2, 2024 Nyx Diamond Del Fianza is a dedicated straight-A student who strictly pla... More

AUTHOR'S NOTES
01: Alarm Clock
02: Drunk Sapph
03: MedCert
04: Operation Connection
05: Bookworms
06: The Deal
07: His Friends
08: The Highest Peak
09: Negotiation
10: Drunken Advices
11: A New Bucketlist
12: Diamond
13: Trippin'
14: Trash
15: Boracay
16: Confessions
17: Getting in the Mood
18: Heaven or Hell
19: Back Home
20: A Stranger
21: Something Fishy
22: Ambiguous Evidence
23: Who to Trust?
24: Closer to the Truth
25: No Label
26: Restart
27: She didn't know
DEDICATION
28: Sold Out!
29: Anxious
30: Travel Home
31: FAD
32: Everything
33: The Fading Gem
34: S.H.H.
35 (Part 1): Ravi's POV
35 (Part 2): Ravi's POV

PROLOGUE

177 12 1
By sanzscripts

🎵🎵"Alas-nuwebe na, traffic pa, kailangan ko nang magmadali,


At magta-time in pa. Male-late na naman ako sa trabaho kong ito,


Siguradong sabon ang aabutin ko, Sa aking among guwapo!


Na hindi ko kayang abutin! Hanggang tingin na lamang ba ako


Sa aking Prince Charm-" 🎵🎵


"Aray naman! Nyx!" sigaw ng pinsan kong si Sapphire nang batuhin ko siya ng matigas na unan.


"Ingay mo! kita mong nagre-review ako!" inirapan ko ito kaya natahimik ang loka.


"Next month pa naman ang final exam maka-review ka naman akala mo bukas na" pabulong ang pagkakasabi nito ngunit rinig ko pa rin.


"Anong sabi mo?"


"Wala, sabi ko ice cream muna tayo. Tara?" pagpapalit nito ng topic.


"Ikaw nalang, marami pa akong kailangan i-review" kailangan ko talagang mag-review kung gusto kong panatiliin ang pagiging Top Dean's Lister ko. Hindi kasi tulad ng iba na matalino talaga, ako kailangan kong mag-aral ng mabuti dahil hindi naman ako ganoon katalino.


"Alam mo Nyx, sa kaka-aral mo niyan, mamamatay ka ng maaga" pinangliitan ko ng mata si Sapph kaya natawa nalang ito. Alam niya kasing mabilis ako mainis mas lalo kapag pag-aaaral ang pinag-uusapan.


"Ang sabihin mo maganda ang pangarap na naghihintay sa akin" inilagay ko nalang ang earphones ko sa aking tainga 'saka pinalakasan ang music sa aking selphon.


"Edi wow! Maka-bili na nga muna ng ice-cream" padabog itong lumabas ng kwarto namin saka nilakasan ba naman ang music niya. 


Nakakairita.


Kung bakit pa naman kasi kailangan pang kasama ko itong pinsan kong si Sapph sa dorm namin eh. Kaya ko naman kung ako lang. Mas mapapanatag nga ako kapag ganoon. 


Unting tiis nalang Nyx, makaka-graduate ka na ng College at mache-check mo na ito sa bucket list mo. 


Tinitigan ko ang aking listahan ng mga plano ko sa buhay sa aking kulay orange na notebook. Ever since I was a child ginagawa ko na ito, kaya naman nasanay na ako. It keeps me on track on what my goal is. My goal to be a Top-Notch Lawyer. Ito kasi ang huling hiling ng mama ko bago siya pumanaw sa mundong ito.  


Naalala ko nanaman


-Flashback-


Nakaupo ako sa labas ng ospital kung saan inaantay ko si mama lumabas ng operating room. I looked at the sky and saw how it changed colors.  Sunsets have always been there to comfort me whenever I feel like crying. Pakiramdam ko gumagaan ang loob ko kapag nakakasaksi ako ng sunset.


"I wish my mom's operation will be successful" hiling ko sa palubog na araw. My mom always told me na kapag nag-wish ka raw sa sunset it will come true. Sabay kami lagi ni mama humihiling  sa langit kapag palubog na ang araw. 


We wished that every day would be a blessing and it did. She wished for me to be a top student, so I always tried my hardest to be on top. She wished for me to be healthy, and so we always ate food which were healthy. Sinabi niya rin sa akin na kapag humiling daw tayo sa sunset dapat may ginagawa rin tayo para mangyari iyon. Hindi sapat ang paghiling lang.


"Ms. Del Fianza, nakalabas na si mama mo sa operating room. Pwede ka ng pumasok sa private room niya" nagningning ang mga mata ko sa langit pagkasabi ng isang nars sa akin.


"Salamat po," bulong ko sa himpapawid at agad akong tumakbo paloob.


"Ma!" sigaw ko sabay yakap sa braso ni Mama.


"Diamond..." nanghihina niyang sabi.


"Ma, my wish came true! Your heart operation is successful" napaluha pa ako habang sinasabi ko sa kan'ya iyon.


"Thank you, Love" she kissed the back of my hand.


3 days passed at unti-unting bumalik ang lakas ni mama. Kinukwentuhan ko siya lagi about sa mga achievements ko sa school and she was so proud of me. After school dumederetso ako rito sa ospital upang pagsilbihan si mama. 


Hindi naman ito nagiging hadlang dahil may bucket list akong sinusundan. Itinuro rin kasi sa akin ito ni mama para raw alam ko kung malapit ko ng abutin ang mga pangarap ko.


"Happy Birthday, Diamond" 


"Ma..." puno ng mga balloons ang kwarto ni mama rito sa ospital at may cake pa siyang hawak hawak.


"Ma naman, hindi niyo naman pong kailangan mag-effort pa. Ang gusto ko lang naman gumaling na kayo para maka-uwi na tayo agad" 


"Ikaw naman, minsan ka lang maging 10 years old. Syempre e-effort-an ko talaga 'yan kahit pa nandito ako sa ospital" tumakbo ako sa kan'ya at niyakap siya ng mahigpit. 


Napaubo ito kaya naman kinuha ko muna ang hawak niyang cake at inilagay ito sa ibabaw ng mesa. Patuloy pa rin ang pag-ubo nito, inalalayan ko siya para makahiga ito sa kama.


Hindi pa rin tumigil ang kanyang pag-ubo hanggang sa may lumabas ng mga dugo dito. Napansin ko ring may tumulong dugo sa kan'yang ilong kaya tumawag na ako ng Doktor. Pero bago pa ako makalabas hinawakan ni mama ang aking braso.


"Diamond, Love. Tignan mo 'yong langit sa labas. Sunset na. Alam mo ba ang wish ko? Wish ko na maging masaya ka habang inaabot ang mga pangarap mo" nakatulala lang ako habang pinagmamasdan siyang nagsasalita. 


Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko nag-papaalam si Mama. Ang bigat sa puso.


"I wish you will live your life to the fullest." 


*Cough*

*Cough*


"Ma! Tatawag ako ng Doktor" lalong bumigat ang pakiramdam ko nang hindi na tumigil sa pag-ubo si mama, kasabay nang paglabas ng dugo nito sa ilong at bunganga. 


"I love you anak, always remember that I'll be watching you every time the sun sets." 


"Tulong!!!! Tulong!!!!" halos magasgas na ang lalamunan ko sa kakasigaw. Ayaw kasi bitawan ni mama ang braso ko kaya hindi ako makaalis sa tabi niya. 


Agad pumasok ang medical team sa kwarto ni mama at hinila ako palayo sa kan'ya.


"Hanapin niyo si Dr. Jung, ASAP! At ilabas niyo muna ang anak ng pasyente rito" pag-kasabi ng isang nurse doon ay naramdaman ko nalang na binuhat ako ng lalaking nurse habang patuloy na dumadaloy ang luha sa aking mga mata.


Kitang-kita ko kung paano nangisay si Mama habang may tinuturok sa dextrose na naka-kabit sa kaniyang kamay. Nakita ko rin kung paano naging puti ang mga mata nito. 


She was declared dead after that. 


Sa bawat pag-pikit ko, iyon ang pumapasok sa aking isipan. Halos hindi ako makakaen dahil sobrang na-trauma ako sa nasaksihan ko kay mama.


It took me about a year to fully accept that I lost her. That's when I realized that she wanted me to reach my dreams and to live life to the fullest. Ayokong makita ako ni mama na hindi gumagawa ng paraan upang maabot ang pangarap ko, ang pangarap niya para sa akin. Doon na ako nagsimulang bumangon ulit at ipinagpatuloy gumawa ng bucket list.


Sila Tito Klyde at Tita Junifer ang tumayong mga magulang ko pagkatapos ilibing si Mama. Kapatid ni Mama si Tito Klyde at close naman namin ang pamilya nila kaya komportable rin akong magpakupkop sa kanila. Ayaw ko lang minsan ang nag-iisa nilang anak na si Sapphire dahil mukhang walang gustong gawin sa buhay. Puro nalang siya laro at hindi ko man lang makitang nag-aaral.


Eventually, I got used to Sapphire's personality and she got used with mine. May mga panahong hindi kami magkatugma ng gustong gawin pero at the end of the day, we managed our differences.


-End of Flashback-


"Hoy! Nyx Diamond Del Fianza!" nawala ang nakasuot kong headset sa aking tainga dahil hinila ni Sapphire.


"Ano ba Sapph! Kita mong nag-aaral ako eh!" pagsusungit ko sa kan'ya.


"Hello! Kanina pa kaya kita tinatawag. Bumili pa man din ako ng paborito mong New York Cheesecake" she pouted at me. Alam niyang kahinaan ko ang New York Cheesecake because it reminds us of the one that my mom makes.


"Ano to? pampalubag loob?" nakunot pa rin ang noo ko habang inaabot ang isang slice ng cake.


"Ito naman sungit masyado. Sige ka baka di ka makapag-asawa niyan"


"Wala akong balak, wala sa bucket list ko" I tasted the cake, but it was nothing compared to the one mom used to bake.


"Edi ilagay natin!" she insisted.


"Ayaw!" 


Ganito kami palagi pero sanay na kami sa isa't-isa. Kahit ganito kami, mahal ko ang pinsan kong ito. Siya lang ang pinsan kong nakaka-gets sa pag-iisip ko. Hindi katulad ni Topaz na tingin sa akin ay alalay.


"Nyx! Sunset!" Napatingin ako sa labas ng sabihin ni Sapph iyon. 


Sabay kaming dumungaw sa labas ng bintana at nag-wish.


"I wish, makahanap ako ng poging fafa" natawa ako sa wish ni Sapph. When I told her the story about my mom and I wishing upon a sunset, siya na mismo nagpapa-alala sa akin na mag-wish kami ng sabay kapag sunset na. That's what I like about her, kaso minsan non-sense mga wish niya. 


"I wish, to top the final exams next month." Nakapikit ako habang hinihiling iyon.


"KJ mo naman Nyx, 'yan nalang lagi mong wish. Wala bang iba?" 


"Eh ikaw? Kelan mo papalitan ang wish mo na makahanap ng poging fafa?" 


"Syempre pag-nahanap ko na siya"


"Edi ako rin, papalitan ko lang ang wish ko pag-na top ko ang exam"


"Lagi ka namang top notcher sa mga exam mo eh"


"Pake mo!" lumaki ang mata ko sa pagkakasabi ko kay Sapph na iyon dahil first time ko ginawa 'yon


"Sabi ko na naiimpluwensyahan din kita eh" Ipinalo ba naman sa akin ang orange kong notebook, inagaw ko naman kahit halos matumba na siya sa pagkakaupo.


Natawa nalang kaming dalawa at pinagmasdan ang paglubog ng araw. 


Binuksan ko ang aking notebook at binasa ang  isang nakalista sa mga pahina nito. Napangiti naman ako.


Review three subjects. Checked.


*****

#WUASPrologue




Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.2M 30.7K 98
Dominic De Salvo has it all. Until an incident in his life came kung saan gusto niya na magbago. Walk away sa mga ginagawa niya that he believes na n...
4.3M 121K 60
R-18 | COMPLETED (Contains Book 1 and Sequel) Warning: Not suitable for young readers and sensitive minds. This novel may contain strong and potent...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...