Glamir Series: BRANDON (BoyxB...

By every1lovesnat

24.5K 2K 229

I met a man who looked at me with respect, I met a man with manners and He love me for who and what am I-desp... More

GLAMIR SERIES 1
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note

Epilogue

473 26 6
By every1lovesnat

Glamir Series 1: BRANDON

"Brimo! ang likot mo, bibihisan pa kita!" Hinabol ko ang batang tumatakbo palayo saakin.

Hawak ang damit niya ay nagpaikot-ikot kami sa mga sulok ng bahay dahil sa sobrang likot, hindi ito nawawalan ng lakas at nagawa pang tumawa habang nag-papahabol sa'kin.

"Gosh Brimo, kanino kaba nag-mana?" Anas ko sa bata nang mahuli ito at ikulong gamit ang mga braso.

"Dada!" Anito na ikina-ngiti ko.

No, never akong pinag-habol ni Brandon, sigurado ako na hindi ka nag-mana sa Ama mo, ewan ko kung saan mo namana ang kakulitan mo pero kahit isa saamin ni Brandon ay wala kang pinagmanahan.

"Dada Mael!" Muling sabi ng bata kaya napa-irap ako. Gosh! tuwing maririnig ko ang pangalan ni Ismael ay awtomatikong napapa-irap ang mga mata ko.

"Yes, kay Ismael ka nag-mana sa kakulitan mo!" Umupo kami sa sofa, marahan ko itong hinawakan at maingat nasinuot ang damit, isang bunting-hininga ang pinakawalan ko matapos kong masuot ang damit. Akala ko tatakbuhan nanaman niya ako.

Nang mabihisan ay tinignan ko siya. Napa-ngiti ako ng makita ang sumilay na ngiti sa kaniyang labi dahilan para lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi.

"Ayan ang ngiti mo, minana mo sa Ama mo!" Sabi ko rito at marahang nilandas ang daliri sa maliit niyang ilong.

"Bakit naririnig ko nanaman ang pangalan ko d'yan?" Tanong ng pababa na si Brandon.

Tinapunan ko ito ng tingin.

Habang bumababa siya sa hagdanan, ang kanyang kaswal na ka-gwapuhan ay walang kahirap-hirap na umakma sa pagiging simple ng kanyang suot—isang well-fitted jeans at isang classic na puting T-shirt.

"Mag-bihis kana, ako na bahala sa makulit na batang 'yan." Ani Brandon nang makababa sa hagdan.

"Dapat talaga hindi tayo pumunta sa bahay nila Papa nu'ng nag-bubuntis pako, tignan mo," Tinuro ko si Brimo na ngayon ay nagpa-gulong-gulong sa mat. "Nag-mana tuloy sa Lalaking 'yon!" Dagdag ko, narinig ko lang ang mahinang tawa ni Brandon.

Umakyat ako sa kwarto at inayos ang sarili.

Nag-desisyon kasi kami ni Tim na mamasyal kasama ang mga anak namin, sa park lang naman na hindi kaluyuan dito pero balita ko ay maganda raw ang tanawin doon kapag hapon na.

4pm pa naman ang alis namin, tinignan ko ang phone at nakitang kaka-3pm palang kaya may isang oras pa ako para ayusan ang sarili.

Humarap ako sa salamin at tinitigan ang suot. I observed the unassuming attire that adorned my frame – a plain white shirt, faded jeans, and worn-out sneakers. Simple, yet somehow reflecting the comfort of familiarity.

Matapos mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto, habang pababa ay narinig ko ang anak ni Tim na kausap si Brimo.

"Binili sa'kin 'to ni Daddy, gusto mo?" Rinig kong sabi.

Pagbaba ay tuluyang nakita si Tim, may ngiti sa labi nito habang naka-tingin sa kaniyang anak. Gaya ko ay simple lang din ang pananamit nito. Simple plain pink shirt at short.

"Ang aga niyo naman pumunta rito." Ani ko, lumapit ako kay Tim at niyakap ito.

Nakita ko namang magkasama sila Brandon at Victor sa kusina, sila ang nag-aayos ng mga pakain na dadalhin namin dahil picnic style ang gagawin namin.

"Thak yo!" Rinig kong pasalamat ni Brimo dahil sa pagbibigay ni Timtim ng lollipop sa kaniya.

Apat taon na ang anak ni Tim at diretso na ito sa pag-sasalita, si Brimo ay 3-years-old (Malapit na mag-4Years old) at medyo bulol pa ito sa pagsasalita.

Kaya Timtim ang nickname na binigay ko rito ay dahil palaging lumalapit ito sa'kin kapag umiiyak, tapos hihingin siya ng help dahil inaaway ni Ismael.

Naalala ko nung unang kita namin ni Tim, gaya ng anak ay lumapit ito sa'kin at humingi ng tulong. Natatawa ako kapag naiisip ko na may pinagmanahan siya.

"Wow, nakakapag-salita na ang baby Brimo ko..." Bahagyang yumuko si Tim at ginulo ang buhok ni Brimo na ikina-ngit ng bata.

"Mama, ako 'yung baby mo 'di ba? bakit tinatawag mo rin na baby si Brimo?" Confused na tanong ng sariling anak kay Tim.

"Ikaw naman talaga ang baby ko, pero ang cute-cute kasi nitong friend mo oh." Sabay kurot sa pisngi ni Brimo.

"Tapos na 'to, tara na? o hintayin na natin mag alas-cuatro?" Tanong ni Victor kaya napa-tingin kami.

"Baka ma-traffic tayo, alis na tayo." Suggest ko.

Kinuha na nila Victor at Brandon ang basket na lulan ang mga pagkain namin, kami naman ni Tim ay binuhat ang mga anak at sumunod sa paglabas.

Nang maka-labas ay saglit kong binaba si Brimo para i-lock ang pinto, nang ma-lock ay muli ko itong binuhat at sumakay sa Van.

"Brimo h'wag malikot ah, mag-broom-broom na tayo." Saway ko sa anak dahil pagka-lapag ko sa kaniya sa Van ay naglikot nanaman ito.

Naku, Ismael! tignan mo 'tong ginawa mo sa anak ko, sa dinami-rami ng ibibigay ay kakulitan pa talaga ang naisip mo.

Pumasok ako at tumabi kay Brandon, sa gitna namin si Brimo. Sa unahan naman namin ay si Tim na kandong ang anak tapos si Victor na siyang driver namin.

"Let's go!" Sigaw ng Timtim.

"Ley go!" Sinundan naman ito ni Brimo na ikinatawa namin dahil hindi niya mabigkas ng maayos.

Nang paandarin ni Victor ang van ay naging tahimik na loob, pero hindi pa man kami nakaka-layo ay muli nanamang nag-ingay ang dalawang bata.

Dahil binuksan ni Tim ang radio ay umingay ang loob dahil nasakto pang paboritong tugtog ito ng mga bata.

Kumanta ang mga bata at sinabayan ang kanta, sumunod naman ang dalawang Lalaki na nakipag sabayan sa mga bata ng pagkanta.

Jusko! ano bang mga Tatay 'to.

"baby shark dud-du-ru-ru, baby shark..." Kanta ni Brimo.

"Mommy shark dud-du-ru-ru, Mommy shark dud-du-ru-ru, mommy shark!" Kanta ni Timtim.

Sabay na kumanta ang dalawang Lalaki.

"Daddy shark dud-du-ru-ru, daddy shark dud-du-ru-ru, daddy shark." Kanta ng dalawa kaya nagtawanan ang dalawang bata.

Pinagpatuloy lang nila ang pagkanta habang napapa-iling nalang kami ni Tim sa ginagawang pagiging isip bata ng mga Tatay nila.

"Da, cream!" Tinapik-tapik ni Brimo ang balikat ni Brandon habang tinuturo ang ice cream sa labas.

"Mamaya baby, marami niya'n sa park." Sagot naman ni Brandon. Akala ko ay iiyak si Brimo pero pag-tingin ko rito ay namilog ang mata at halos kuminang dahil sa sinabi ni Brandon.

"Maraming ice cream sa park dad?" Tanong naman Timtim.

"Oo, ilan ba gusto niyo ibibili namin kayo?" Mayabang na sagot ni Victor kaya hinampas ito ni Tim.

"Sumakit ang ngipin niya'ng mga bata, h'wag kang mangako kung hindi mo kayang tuparin." Saway niya.

"Fine," Sukong sagot nito. "Kaya ko naman talagang bilhan sila ng marami..." Dagdag ni Victor pero halos pabulong na.

Mabuti nalang ay maaga kaming umalis dahil tama ang hinala ko, medyo marami ang sasakyan kaya traffic, ang 30 minutes na biyahe at tumagal ng mahigit isang oras.

"Finally narating din!"

Bumaba kami sa van, isang malakas na hangin ang agad na sumalubong sa'min. Sobrang daming tao ngayon sa park dahil weekend, idagdag mo pa na holiday din.

Kinuha nila Brandon ang basket at ang malaking tela na ilalatag namin, kami naman ay binuhat nanaman ang mga makukulit na bata dahil gusto agad magpa-gulong-gulong sa damuhan.

Marami ang napapa-tingin sa'min pero sanay na kami ni Tim, marami ang naka-ngiti at mukhang masaya para sa'min pero meron ding walang reaksyon ang mukha at pinapanood lang ang paglalakad namin.

Hindi kami mahirapan sa paghahanap ng pwesto, may nakita agad kaming isang malaking puno sa ilalim no'n ay doon namin nilatag ang dalang tela at inayos ang mga dala.

Ang dalawang bata naman ay mabilis na tumakbo matapos namin ibaba mula sa pagkakabuhat.

"Brimo h'wag lalayo!" Sigaw ko.

"Vin! bantayan mo si Brimo!" Paalala naman ni Tim

Vincent ang tunay na pangalan ni Timtim.

Nakatagilid ang ulo ko't naka-sandal sa balikat ni Brandon habang pinapanood namin ang aming anak na naglalaro sa malawak na damuhan. Napuno ng saya ang puso ko habang sumasayaw ang damo sa ihip ng hangin, at sa bawat ngiti ni Brimo, nadarama ko ang kasiyahan ng buong pamilya namin.

Nang bumalik ang mga bata na pagod at pawisan ay napag-pasiyahan namin na kumain muna para mabawi ang lakas ng mga anak.

Nakakatuwa ang araw na ito, katabi ko ang mga bata habang kumakain sa piknik. Masarap ang hangin, at puno ng halakhak ang paligid. Nandito ang mga kwento, laruan, at masasayang ngiti ng mga anak. Isang masayang pagsasama ng pamilya na puno ng ligaya at kasiyahan.

"Airplane!" ginaya ng kamay ko kung paano ang pag-landing ng airplane papunta sa bibig ni Brimo, masaya niya naman itong kinain na ikinasaya lalo ng puso ko.

"Airplane!"

Nagulat ako nang gayahin ni Brandon ang ginawa ko, wala akong nagawa kun'di kumagat sa sandwich na sinubo saakin.

"Isip bata talaga..." Natatawang sabi ko matapos kumagat.

Tahimik lang na kumain sila Tim, maayos ang pagkain ni Timtim dahil tinuruan ito ni Tim, meron din kaming mga dala na desert gawa ni Tim.

"Malapit na mag sunset, tara." Pagyaya ni Victor.

Tumayo kami at nag-hanap ng pwesto para mas masilayan ang ganda ng papalubog na araw.

As the golden hues of the sunset painted the sky, I cradled our child in my arms, feeling the warmth of their tiny body against mine. Brandon wrapped his arms around us, a gentle embrace filled with love. Together, we stood, a family, captivated by the beauty of the moment as the sun dipped below the horizon, casting a tranquil glow over our shared world.

Nagpapasalamat talaga ako na nakilala ko si Brandon. He brings so much joy and support into my life. Ang pagiging ama ng aming anak ay isang hindi kapani-paniwalang journey, and I couldn't be more thankful for the love and happiness he has brought into our family.

"Thank you Brandon," Hinarap ko ito, kita ko ang saya sa mga mata niya. "Thank you for making me feel the things, i though i would never feel."

May sumilay na ngiti sa kaniyang labi.

"Primo, ang presensya mo sa buhay ko ay naging isang malaking blessing. Salamat sa walang sawang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin at sa ating anak. Ang mga salita ay hindi sapat para maipahayag ang labis ng pasasalamat na nararamdaman ko... sa hindi maipaliwanag na kasiyahan at init na dinala mo sa aking mundo." Sabi nito and felt the sincerity of it.

In a life full of sadness and pain, I am happy that I met a man who accepted me, ang Lalaking pinaramdam saakin kung gaano ako ka-importante sa kaniya, he made me feel the things I thought I would never feel, he made me feel to me that no matter what problems we go through, he will stay by my side, he will love me no matter who I am and that man is Brandon.

-THE END-

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 87.7K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
115K 3.6K 33
Highest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol ni Arjhay Hyun sa Crown Academy. Gusto ni...
349K 13.7K 48
Most Impressive Ranking #1 in boyxboy out of 8.8k stories. Hoax Azrael Vazanta-a man shrouded in mystery, his emotions concealed behind a mask of cha...
157K 3.2K 31
[COMPLETED] Every story is a mainstream. And then, there's this one. ...... This story is about how love works between two opposite genders. Yoon Ke...