South Boys #5: Crazy Stranger

By JFstories

2.3M 151K 69K

As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51

Chapter 19

39.6K 2.9K 948
By JFstories

TEXT MO SA AKIN KUNG NASAAN KA, PAPUNTA NA AKO.


Nakaupo ako sa gutter ng kalsada. Sandali lang ay nasisilaw na ako sa liwanag ng paparating na tricycle. Mula sa likod ay bumaba roon si Asher. "Dito na lang, boss. GF ko iyon."


Napaka-pajama na siya na kulay baby blue, sa pang-itaas naman ay puting t-shirt, at sa paahan ay itim na slides na hindi pa yata magkapareho ang kulay. Pagkabayad na pagkabayad niya sa driver ay dere-deretso na siya agad sa akin. 


Inalalayan niya ako na makatayo mula sa pagkakaupo sa gutter. Hinawakan niya agad ako sa pisngi. "Okay ka lang?"


Tumango ako. Tapos na akong umiyak pero namumugto pa rin ang mga mata ko.


"Asher, ayaw ko pang umuwi..."


Nagtataka naman siya. "Ha? May pasok bukas at maaga ka pang uuwi ng Manila, 'di ba?"


"Hindi," maliit ang boses kong sabi. "W-wala kaming pasok bukas."


"Mukha mo walang pasok."


Napanguso ako. "Wala nga. At wala rin si Mama sa bahay kaya ayaw ko pang umuwi."


"Pero gabi na, Lai. Dapat umuwi ka pa rin." Napahaplos siya sa kanyang leeg. "O, sige. Tara, samahan muna kita sa inyo hanggang sa umuwi ang mama mo. Ano, G?"


Doon ako maliit na ngumiti at tumango. Tinanggap ko na ang kamay ni Asher at magkahawak-kamay kaming naghintay ng dadaang jeep o tricycle sa kalsada. Tricycle ang dumaan. Nagpa-special na siya pauwi sa amin sa Pascam.


"Baka maubos ang baon mo," ani ko. Kabababa lang namin. Buong one hundred ang ibinayad niya sa tricycle. Special siya papunta, tapos special pa pagsundo sa akin. Naka-two hundred na siya. 


"Meron. Malaki allowance ko ngayong week dahil good mood ang nanay ko. Tapos, nanalo pa tropa sa bilyar noong isang araw, kaya mapera ngayon boyfriend mo. Sabihin mo kahit ano, bibilhin ko."


Muli ay napangiti na naman ako. Magaan talaga ang buhay sa lalaking ito. Kumbaga ay parang ang easy lang.


Niyaya ko na siya sa loob. Walang pasabi na dumeretso naman siya sa kusina para ikuha ako ng isang baso ng malamig na tubig. "O, Lai, inom ka muna."


Uminom naman ako. Hindi ko naubos ang laman ng baso, may natira pang kaunti. Siya ang umubos niyon sa isang lagok.


Sa sala lang kami pumuwesto. Tahimik lang, nagpapakiramdaman. Mga ilang minuto rin bago ko siya narinig na mahinahong boses niya. "Lai, puwede mo na bang sabihin sa akin kung bakit nandoon ka?"


Napayuko lang ako.


Sinilip niya ang mukha ko sa pagkakayuko. "Ano bang nangyari? Pero sige, kung ayaw mong sabihin ay okay lang naman. Hayaan mo na lang akong magtampo. Pero promise, tampo lang ito. Hindi ako maghihinala o anupaman, kasi me tiwala naman ako sa 'yo."


Kumiling sa kanya ang mukha ko. "Bakit ang cute mo?"


Napaungol siya. "Awww, cute lang? Me problema ka nga!"


Sumeryoso na ako habang nakatingin sa kanya. Nang bumaba ang aking mga mata sa mga labi ni Asher ay para ba akong biglang natakam. Kasi naman, angat na angat ang pagkapula ng mga iyon kahit pa moreno siya. "Asher, kiss tayo..."


Napaatras agad siya habang pinanlalakihan ng mga mata. "Gagi, ano?!"


"Ayaw mo ba?"


"Bakit ka biglang nagyayaya ng ganyan, ha?" Dinuro ako sa ilong ng mahabang hintuturo niya. "Siguro me nangyari nga! May problema ka ba, ano?!"


"Wala nga." Lumabi ako. "Sige na nga, 'wag na lang kung ayaw mo."


Iiwan ko na siya sa sofa nang marinig ko siyang mahinang magsalita. "Nag-toothbrush ako bago tayo nagkausap sa phone kanina."


Sa pagtingala ko sa kanya ay siya ring pagyuko niya sa akin. Ang awkward nga lang dahil planado. Naiilang kami kung sino ang mauuna o kung dapat sabay ba. Sinubukan namin ni Asher parehong pumikit na lang, pero dahil sa walang makita ay hindi sumasakto sa mga labi namin kapag magki-kiss na kami. Palaging nagkakasalisi. May pagkakataon pa na nagkauntugan na kami.


"Magtitigan muna tayo," suhestiyon ni Asher.


Nagtitigan naman kami. Sa umpisa ay nakakailang, tapos kalaunan ay nauuwi naman kami sa tawanan. Sa inis ay pinaghahampas ko na siya ng unan. "'Wag na nga lang!"


Napasandal siya sa sandalan ng sofa. Sumandal na rin ako. Nakatulala lang kaming dalawa sa nakapatay na TV sa sala. Doon ay nakikita namin ang aming malalabong repleksyon.


Mayamaya ang nagsalita ako. "Asher, thank you."


"Kahit 'di ko alam kung para saan, welcome."


Umayos ako sa pagkakaupo at tiningnan siya. Nakapikit na siya. Mukhang inaantok na. Lunes na nga pala bukas. May pasok din siya nang maaga, pero gabing gabi na ay nandito pa siya para lang samahan ako. Iyong cell phone naman niya ay kanina pa panay ang vibrate. Inilagay niya sa silent para hindi ko malaman na may tumatawag sa kanya. Mukhang hinahanap na siya kasi sa kanila kanina pa.


In less than a year of dating Asher, I was surprised by several things I discovered about him. I thought I already knew him from head to toe, but I was wrong. May mga side pa pala siya na hindi ko pa lubusang alam at ngayon pa lang nakikita. Na ang isang Asher James Prudente ay puwede palang maging softy sa isang babae. That he could also be extra sweet, dramatic, and clingy.


I still couldn't believe that in such a short period, he didn't only notice me, but that I had also become part of his life. Na girlfriend niya na ako ngayon at boyfriend ko na talaga siya. Ang aking pahinga ay hindi ko na lang basta pinapantasya, kundi tunay na nakakasama ko na.


Umusod ako palapit sa kanya para mas mapagmasdan siya. Maangas man ang paraan ng pagkaguwapo niya, ay payapa ang kanyang aura kapag nakapikit siya. Para bang isang mabigat na kasalanang nakakakonsensiya ang istorbihin siya.


Kaya lamang, ang aking mga kamay ay hindi nakatiis na hindi siya abutin. Ang mga daliri ko ay marahang tinulay ang pagkakaukit ng kanyang panga, papunta sa makinis niyang pisngi, at nang tumaas sa kanyang makakapal at itim na itim na kilay ay bahagyang gumalaw ang mahahaba niyang pilikmata.


"Asher, inaantok ka na?" paanas na tanong ko sa kanya.


"Hmn." Ungol ang sagot niya.


Ang aking hintututo ay bumaba sa bridge ng matangos na ilong niya, at ganoon na lang ang pagsinghap ko nang makarating sa kanyang mapupulang mga labi ay hinuli ng kanyang bibig ang aking daliri.


"Asher..." Nag-init ang aking pisngi nang maramdaman ang magaan na pagkagat niya sa hintuturo ko.


Namumungay ang mga mata niya nang dumilat siya. Nabawi ko ang daliri ko pero may kapalit ito. At noong hawakan niya ako sa batok ay alam ko na ang kasunod. I voluntarily leaned forward to reach for his lips. And this time, we successfully kissed. Ang halik na pinagsaluhan namin ay magaan lang subalit matamis at mainit.


Asher's hands on my neck slowly moved down to my waist as he dominated my lips. I was so taken with the way he kissed me that I was unable to remember how or when I sat on his lap. 


Nagising lang ako nang may maramdamang nakakatusok sa kinauupuan ko. Napadilat ako bigla. My darling baby was no longer a baby down there!


Of course, alam ko naman. Pero kasi dapat baby pa rin siya! Kaya bakit ganito? At bakit hindi na gentle ang pag-kiss niya sa mga labi ko? Parang lululunin niya na naman ako!


Ako na ang magtatangkang lumayo nang kusang umalis sa mga labi ko ang mga labi ni Asher. Natapos ang pagsasalo ng mga labi namin nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. Kakabahan na sana ako nang malala, pero doon na rin siya huminto. Like he really did that to stop himself.


Niyakap na lang niya ako habang nakayakap din ako sa kanya. Nagkasya kami na ganoon lang, nakakalong pa rin ako sa kanya at nakasubsob sa balikat niya.


Kalahating oras na ganoon ang posisyon namin, hanggang sa humupa na rin iyong nagwawala sa kanyang ibaba. Mapupungay na antok ang mga mata niya nang tingnan ko siya. Naaawa na ako kaya ako na ang nagsabi na umuwi na siya.


Inihatid ko siya hanggang sa pinto. Bago umalis ay hindi na hug ang paalaman namin. Yumuko ulit siya at tumingkayad naman ako para muling magdampi ang aming mga labi. "Goodnight, Lai..."


"Goodnight, Asher..."



DANG, I WAS REALLY HAVING A GOOD LIFE!


Excited si Mama na ipakita sa akin ang laman ng unang package ni Papa mula nang bumalik ito sa ibang bansa. Meron akong bagong iPhone, branded t-shirts, sneakers, at chocolates. Early Christmas gifts daw nila iyon ni Papa para sa akin.


Hindi na nga ako kinukulang, hindi nagugutom kahit kailan, ay kompleto pa sa mga materyal hanggang luho. Magaan ang buhay, walang kaproble-problema, taliwas sa nakikitang senaryo ngayon ng mga mata ko.


Iyong babaeng sinusundan ko ay may hawak na plastic kung saan naroon ang sa aking tingin ay nasa limang kilong bigas. Galing siya sa trabaho ayon sa suot na t-shirt na may tatak ng garments factory. Kahit payat na payat ang braso ay kinakaya niyang bitbitin ang plastic ng bigas. Dumaan pa siya sa pasarang talipapa upang bumili ng kalahating kilo ng galunggong.


Bukod sa pagtawad ay humirit pa siya sa tindera. "Padagdag naman, pasara naman na kayo. Pabilasa na rin naman na ang mga isda dahil anong oras na."


"Ikaw talaga, Linda, saksakan ka ng barat na bata ka! Pasalamat ka talaga, gabing-gabi na! Bilasa na nga talaga ang mga isda dahil kahapon pa ang mga iyan na hindi maubos sa pagbenta!"


Linda. Linda nga pala ang pangalan niya. Nang lumingon siya ay agad akong nagtago sa likod ng poste. Hinintay ko siya na pumasok muna sa eskinita bago ako muling sumunod sa kanya. Sa bungad pa lang ay nauulinigan ko na ang palitan ng boses.


"BAKIT NGAYON KA LANG, LINDA?" Boses ng matandang lalaki. Iyong tatay. "MAY DALA KA BANG PAGKAIN? KANINA PA KAMI WALANG KAIN."


Sumagot naman si Linda. "BIGAS ANG DALA KO AT HILAW NA ISDA. MAY NAIWAN PA NAMANG ISANG GATANG DIYAN KANINANG UMAGA, BAKIT HINDI NIYO PINAGHATIAN NA LANG MUNA?"


"INILUGAW NA NG ATE LAURA MO KANINA. WALA PA RAW KASING DELIHENSIYA ANG ASAWA NIYA. ALAM MO NAMANG KAPAPANGANAK LANG, KAILANGAN KUMAIN DAHIL MAGPAPASUSO SIYA."


Sumunod ay boses ng isang inuubong matandang babae. "LINDA, MAY SAKIT PALA ANG ANAK NG ATE LENLEN MO. PAHIRAM DAW MUNANG PANGBILI NG TEMPRA. SA SAHOD NG BAYAW MO SA KATAPUSAN BABAYARAN."


Sumilip ako sa bahay na gawa sa yero ang mga pader. Malabo ang liwanag sa loob. Mukhang sa iisang bombilya lang ang bukas, o iisang bombilya lang talaga ang meron sa kanilang sala. Kahit ganoon ay natanaw ko si Linda. Ang namumutlang mukha niya ay kababakasan ng matinding pagod.


Sa harapan ni Linda ay nakatayo ang isa ring payat na matandang babae. Naka-duster ito at magulo ang buhok. Halatang hirap na hirap sa pagkilos habang panay ang pag-ubo. May kung anong tumarak sa puso ko habang nakatingin ako rito.


Lumayo na ako sa may bintana. Naninikip ang dibdib ko. Napagpasyahan ko na umuwi na. Pero bago umalis ay kinuha ko ang aking wallet sa bag. Doon ay inilabas ko ang pinagbentahan ng aking lumang phone, kasama na ang aking natatabing pera. Nasa nine thousand pesos lahat. Inilapag ko iyon sa tapat ng pinto.


Paalis na ako nang may magsalita mula sa likod ko. "Para saan ito? Limos?"


Paglingon ko ay iyong dalagang payat na ang pangalan ay Linda ang aking nakita. Seryoso ang ekspresyon niya pero hindi naman galit.


Dinampot niya ang lilibuhing iniwan ko sa pinto nila. Tiningnan niya iyon at binilang. "Naks, kaya mong basta-basta magluwal ng ganitong halaga? Samantalang ako, halos isang buwan ko ng sahod ito sa Epza."


Nang iumang niya pabalik sa akin ang pera ay hindi ko makuhang magsalita.


"Laila, di ba? Laila pa rin ang ipinangalan nila sa 'yo."


Nag-init ang gilid ng aking mga mata sa pagpipigil ng luha.


"Mukhang maganda talaga ang buhay mo, ano? Magaganda ang mga gamit mo, rebonded pa ang buhok mo, naka-braces ka pa at may pambili ng salamin sa mata. At nakakapag-aral ka pa ng college o. Mahal na mahal ka talaga ng mga magulang mo. Kaya bakit ka pa pumunta rito? Hindi ka bagay rito."


"LINDA, SINO ANG KAUSAP MO RIYAN?" Boses mula sa loob ng bahay.


Bumadha ang pagpa-panic sa mukha ni Linda. "Umalis ka na." Nilapitan niya ako at halos ipagtulakan. "Umalis ka na. Hindi ka dapat magpakita rito! Masisira ang maayos na buhay mo kapag nakita ka nila! Kaya umalis ka na ngayon pa lang! Alis na at 'wag ka nang babalik pa!"


Sa pagtutulak niya sa akin ay napunta na ako sa dilim papasok sa makitid na daan ng eskinita. Doon na kumawala ang mga luha na kanina ko pa sinisikil na huwag kumawala.


Uuwi na ako. Uuwi na ako dahil baka hinahanap na ako ni Mama. Tama nga ako dahil sa pag-uwi ko, nasa pinto si Mama, na hinihintay ang pagdating ko.


Napakalambing na inasikaso agad ako ni Mama. "Anak, bakit ngayon ka lang? Anong oras na, o. Niluto ko ang paborito mong ulam. Kumain ka muna, ha?"


Pinaghainan pa ako ni Mama. Masigla na kinuwentuhan ako tungkol sa pinanood niya sa TV na drama, sa usapan nila ni Papa, at sa mga plano nila. Normal lang naman na pangyayari, pero ngayon ay hindi ko na magawang ituring na normal pa rin.


My heart felt empty when I finally entered my room. My eyes were filled with bitterness as I gazed at the stuff around me. Ang tanong na nasa isip ko, 'para sa akin nga ba talaga dapat ang lahat ng ito?'



DAHIL SEMBREAK NA AY NASA BAHAY AKO. Maiksing bakasyon lang pero bumalik pa rin ako sandali sa Manila. Sa ikalawang araw pa ako umuwi ng Cavite dahil may mga tinapos pa sa university.


Hindi ko rin magawang magtagal sa bahay. Ewan ko ba. What I used to consider my sanctuary now felt unfamiliar to me.


Bandang hapon ay sa Buenavista nga ako dinala ng aking mga paa. Kahit pinalalayas ako ni Tita Judy ay hindi ako lumayas. Nakabulagta lang ako sa kama niya.


Nang lumilim na sa labas ay nilapitan niya ako at sinipa ang aking paa na na nakalaylay sa kama niya. "Hoy, Laila! Bangon na riyan, aba! Tapos na akong maglaba. Samahan mo muna ako sa labas. Magbabayad ako ng upa ngayong buwan kay Aling Ason!"


Bumalikwas naman agad ako ng bangon. Nangalkal ako sa mga gamit niya at nang makita ang lip tint niya ay agad kong ipinahid sa aking mga labi.


Nakurot ako ni Tita Judy sa tagiliran ko. "Pakaharot mo! Hoy, paalala lang, ha? Hindi ka pa graduate! Tigilan mo ang landi, mahal ang bigas! Mahal ang gas! Mahal ang tubig at kuryente! Mahal lahat!"


"Tita, mahal ka rin niya kaya 'wag ka nang mag-alala!" Pagkasabi'y nauna na akong nanakbo sa labas dahil hinabol na ako ng lumilipad niyang tsinelas!


Maamo na ang aking ekspresyon nang magpunta na kami sa bahay ng mga Prudente. Iyong bukas ng mukha na pagkabait-bait. Ang mga lakad ko naman at galaw ay saksakan ng hinhin. Sa aking peripheral vision ay kita ko ang gigil ni Tita Judy sa akin.


Hindi pa kami gaanong legal ni Asher sa kanila, pero obvious namang may hinala na ang pamilya niya. Besides, his family was used to him always being in a relationship. Naninibago lang ang mga ito dahil hindi na siya ngayon papalit-palit ng girlfriend.


Si Aling Ason ay may kakuwentuhan na naman sa may gate. Nang mapatingin sa amin ay napangisi agad sa kausap na kumare. "Pamangkin ni Judy. GF ngayon ng bunso ko."


"Ay, siya nga? Mukhang matino iyan, ah?"


"Oo nga. Ilang buwan na pero mukhang sila pa rin. Ayos lang, gusto ko iyan. Matalino raw, college na, at isang anak lang. Pag nagkataon, walang poproblemahin ang bunso ko."


"Ay, dapat lang, Ason. Sa mga anak mo, iyong bunso mo ang pinaka-baby mo. Nag-agaw-buhay ka pa nga, di ba nang ipanganak mo iyon, 'di ba? Dapat lang talaga na sa maayos na babae mapunta!"


Paglapit namin ay saka tumigil ang dalawa sa pagpapalitan ng bulungan na malakas naman.


Ngiting-ngiti sa akin si Aling Asong. "Laila, ano? Pamangkin ni Judy? Ano ang course mo?"


"BS Accountancy po."


"Aba'y, magaling!" Ang mga mata ng ginang na may false eyelashes ay nagningning. "Ganyan din ang kurso ng anak ng isang kumare ko sa Dasma. Aba, nasa abroad na ngayon. Mayaman na. Talino, sipag at tiyaga lang talaga, di 'ga?"


"Ehem, Aling Ason, magbabayad na ho sana ako sa upa," sabat ni Tita Judy.


"Ay, sige." Ngingiti-ngiti pa rin ang ilaw slash speaker ng tahanan ng mga Prudente. Hinahagod naman ngayon ng tingin si Tita Judy. "Ikaw ba, Judy, wala ka pa bang balak mag-asawa? Ilang taon ka na nga ba?"


"Thirty na po last month." Hindi sinagot ni Tita Judy ang isa pang tanong ni Aling Ason.


Noong paalis na kami ay naulinigan pa namin ang continuation ng chikahan ng magkumare sa daan. "Ason, 'kita mo iyang si Judy, pawala na sa kalendaryo, pero ni boyfriend ay wala pa. Masyadong seryoso kasi sa buhay. Ang siste ay pulos bahay-trabaho lang."


"Oo nga, Mars. Pero masuwerte ang magiging biyenan niyan ni Judy, dahil mukhang maalam siya sa buhay na babae. Hindi kawawa ang mapapangasawa niya dahil marunong pang humawak ng pera. Mukha ring madiskarte at hindi maarte. Kung ganyan ang magiging asawa ng Abel ko, aba'y hindi ako tutol."


Nang tingnan ko ang reaksyon ni Tita Judy ay pulang-pula ang mukha ng aking mahal na tiyahin. Pigil ang ngiti na napapasipol na lang ako habang naglalakad kami. Pag-uwi sa apartment niya ay doon niya ako natampal.


7:00 p.m. na ako nagpaalam na uuwi. Paglabas sa gate ng apartment ni Tita Judy ay bumukas din ang gate sa bahay ng mga Prudente. Ang pagkalabog ng dibdib ko ay mas tumindi nang mula roon ay matanaw ko ang paglabas ng isang matangkad na lalaki. Naka-itim na cargo shorts at t-shirt, at nakasuot ng sombrelo na itim din.


Malayo pa lang ay nasasamyo ko na ang gamit niyang pabango. Nakakahalina sa ilong ang pagka-presko. Nakapamulsa siya sa suot na cargo shorts nang lumapit sa akin. "Uuwi ka na?"


"Oo. Ihahatid mo ba ako?"


Ngumiti siya. "Kailangan pa bang i-memorize iyan?"


Magkasunod na kaming tinungo ang hiway. Sa jeep ay panay ang sulyap ni Asher sa akin habang magkatabi kami. Ang mga tingin ay niya ay partikular na nagtatagal sa mga mata ko, tila may hinuhuli sa mga ito. Alam ko na kahit aking piliting maging masigla, mapapansin at mapapansin pa rin niya na meron akong dinadala.


Pagdating sa subdivision namin ay walang kibuan kami na naglakad sa dilim hanggang sa makarating sa amin. Ramdam ko na gusto niya akong usisain, pero si Asher iyong tipo na kahit makulit, kayang ilugar ang kakulitan. Ayaw niya akong pilitin.


Nang nasa amin na ay nauna akong huminto. Tiningala ko siya. Ang mga mata niya na malamlam ay tila pinapanatag ang aking kalooban. Nang yakapin niya ako at makulong sa kanyang mga bisig ay doon ako napahikbi, pero hindi ko sa kanya ipinarinig. Ayaw kong malaman niya.


Nang maghiwalay kami ay nakangiti na ako at masiglang nagpaalam na. "Salamat ulit sa paghatid, sige pasok na ako! Ingat ka sa pag-uwi mo!"


Sumaludo siya.


Nakapasok na ako sa gate at akmang isasara na iyon nang marinig ko siya na magsalita. "Lai."


"Hmn?" Nagtatakang tumingin ulit ako sa kanya.


Malabo man ang liwanag ay nakita ko ang pagkakangiti ng kanyang mga labi. "Lai, kahit ano pa ang mangyari. Tandaan mo lang, kakampi mo ako lagi."


Pagkuwa'y nakapamulsa na si Asher na tumalikod at naglakad paalis. Naiwan ako na tulala habang ang mga luha sa aking mga mata ay tuluyan nang kumawala. At bago pa siya tuluyang makalayo, ay natagpuan ko na lang ang sarili na hinabol siya at niyakap sa bewang mula sa kanyang likuran.


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

128K 518 112
Just a list of the stories that I read with its main/lead characters. Compilation. Recommendations. Mostly Series. Known and Underrated Authors. Rom...
10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...
167K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...