South Boys #5: Crazy Stranger

By JFstories

2.3M 151K 68.9K

As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51

Chapter 16

44.7K 3.5K 2.1K
By JFstories

ALANG-ALANG SA BABY NATIN. PLEASE, 'WAG KA NA SANANG MAGALIT SA AKIN.


Namimilog ang mga mata ng pinsan kong si Rio habang nakatingin sa amin, narinig nito ang lahat, sigurado ako! Hindi na ako nagpatumpik-tumpik, bigla kong inilang hakbang ang pagitan namin ni Asher, sabay hawak sa pulso niya at hinatak siya palayo.


Tigagal pa rin si Rio habang habol ng tingin sa amin. Nang mahimasmasan ito ay nakalayo na kami.


Para namang may gulong ang mga paa ko habang hila-hila si Asher. Kung saan-saan na kami nagsususuot. Hingal-aso ako nang bitiwan ko siya.


Tumingin-tingin pa ako sa paligid dahil baka nakasunod pala sa amin ang pinsan ko, mabuti ay wala ito. Nang tingalain ko si Asher ay humihingal din siya pero mukhang masaya.


"At bakit ang saya mo? Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!"


Nakangiti pa rin ang natural na mapupula niyang nga labi, in fact, parang pati ang pilyong mga mata ay nakangiti rin sa mga oras na ito.


"Yari ako pag nagsumbong iyon sa amin!" himutok ko.


Doon nabura ang ngiti niya. "Sino ba iyon? Akala ko ba, 'di mo kilala? Kabit mo ba iyon?"


"Pinsan ko iyon!"


"Ah..." Sukat ay napangiti na ulit siya. "Pinsan mo pala. Kaya pala magaan ang loob ko sa kanya."


Kinurot ko siya na natatawang iniwasan niya naman.


Nauna na siyang maglakad habang nangingiti pa rin. "Tara na, bili na tayo ng materials para sa project mo."


"Hmp! Kung di ka lang cute!"


Lumingon siya sa akin hanggang sa patalikod na siyang naglakad para nakikita niya ako. "Cute lang ba?"


"Cute ka lang ngayon kasi may ginawa kang kalokohan. Try mo ulit next time, baka gumuwapo ka na ulit sa paningin ko."


Sa huli ay sabay na kaming naglakad na dalawa. Sinamahan nga ako ni Asher sa paghahanap ng mga material para sa project ko.


Dahil inabot na kami ng dilim ay hindi siya pumayag na hindi ako ihatid pauwi sa amin. Oras na ng hapunan, naisipan ko na yayain na siya na pumunta sa bahay. Gusto ko na ring unti-untiin si Mama na makilala ang kanyang future mamanugangin.


Nahihiya pa si Asher noong una, pero sabi niya, mas nakakahiya raw kung hindi siya magpapakita kay Mama. Natuwa naman ako dahil kahit halatang kabado ay desidido siya. At na-appreciate ko iyon sa kanya.


"Good evening po," bati niya kay Mama pagpasok namin sa pinto.


Mahinang napa 'oh' naman si Mama. Na-shookt si Madi o Madeth Enfante Valmorida dahil ngayon lang ako nag-uwi ng 'friend' since elementary. At lalaki pa ang aking inuwi.


"Ma, si Asher po." Hindi ko pa ipinakilala na boyfriend ko, hindi naman nag-usisa si Mama. Gayunpaman, kakaiba ang mga tingin at ngiti nito. Halatang simpleng nang-iintriga.


Proud naman ako na papasukin sa bahay namin si Asher. Hindi man malaki ang bahay namin ay malinis naman. Proud na proud din ako na ipatikim sa kanya ang masarap na luto ni Mama. Ang ulam namin ngayong gabi ay chicken humba.


"Sa iisang school pala kayo," ani Mama habang nasa hapag kami.


"Nanay niya rin ang kahera ni Tita Judy sa Buenavista, Ma."


"Siya nga?" Napangiti si Mama. "Pambihirang pagkakataon, ano?"


"Oo nga po," magalang na sagot naman ni Asher. Mukha namang feel-at-home na siya, kasi pangalawang dagdag na niya ng kanin.


Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin si Asher. Eat and run siya. Hanggang sa labas ng gate ng bahay lang namin. Ayaw niyang magpahatid sa mismong gate ng subdivision dahil gabi na raw.


"Mabait ba ang mama ko?" tanong ko sa kanya.


"Oo. Pero nakakakaba pa rin. First time ko, e."


"Ingat ka!" Kumaway ako habang habol ng tingin ang paglayo niya.


Wala na si Asher ay nakatanaw pa rin ako sa daan. Hindi pa ako titinag kung hindi pa may tumikhim sa aking likuran. Sa likod ko ay naroon pala si Mama.


"Mukha namang mabait na bata," komento ni Mama na nakatingin din sa daan na dinaanan ni Asher. "Halatang may pagka-pilyo, pero marunong rumespeto."


Masayang niyakap ko si Mama. Sabay na kaming pumasok sa loob pagkatapos.



SI ATONG-TABACHOY!


Tapos na ang klase namin at hinihintay ko si Asher sa may quadrangle nang makita ako ni Atong. Ayon kay Asher ay na-suspende raw ito at ang mga alipores nito noong mga nahuli. Matapos ang dalawang linggo ay naririto na ulit.


Dinuro agad ako. "Oy, ikaw iyong babaeng humila kay Asher noong nakaraan, ah! Ikaw iyong syota ko!"


Pumintig yata lahat ng ugat ko sa sentido dahil sa sinabi nito.


Ngingisi-ngisi ito paglapit sa akin. "Oy, baket ka andito, hinahanap mo ko, ano?"


Tumingin muna ako sa paligid bago ito nilapitan. Sa lace ng aking ID ay kinuha ko ang nakalambitin na maliit na teddy bear. Cute iyon pero kapag tinanggal ang ulo ay may maliit na patalim na lalawit. Pasimple ko iyong itinutok sa tagiliran ni Atong.


"Kapag sinaksak ko ito sa 'yo, magkakaroon ng puncture wound ang first layer ng taba mo."


Ang nagniningning na mga mata ni Atong ay halos lumuwa sa pagkagulat. "Uy, gago masaksak mo nga ako!"


Napaatras ito pero seryoso ang mukha na umabante rin ako. "Alam mo bang kahit saksakin kita, walang maniniwala sa 'yo kapag isinumbong mo ako? Alam mo kung bakit? Unang-una, nasa lowest section ka, may record pa sa guidance. Eh, ako?" Itinaas ko ang aking ID gamit ang isang kamay. "Nakikita mo ito? Nasa special section. Kilala ako ng mga teachers na mabuting estudyante."


"Nagdyo-joke ka lang, di ba?" Sinimulan na itong pagpawisan.


"Bakit, natatakot ka ba?" Inalis ko ang patalim sa tagiliran niya at itinutok na lang iyon sa akin. "What if sarili ko ang sugatan ko at sabihin ko na ikaw ang may gawa? Natatakot ka pa rin ba?"


"B-baliw ka ba?!"


"Ano ang mas gusto mo, taba? Magkagripo o tuluyang masuspende at makasuhan pa dahil nanaksak ka ng graduating student mula sa science class?"


Tagaktak na ang pawis ni Atong nang mula sa building ng Grade 11 ay may matanaw ako. Si Asher na ngayon ay nakatingin na rin sa amin habang salubong ang mga kilay.


"Hoy!" sigaw niya dahil nakitang kasama ko si Atong.


Bigla kong itinago ang aking teddy bear slash secret weapon. Ang malamig na ekspresyon ko ay agad kong pinalitan ng ekspresyong malambot at may halong takot. "A-Asher," garalgal na sambit ko sa pangalan niya sabay hikbi pa.


Si Atong ay napapantastikuhan naman sa biglang pagbabago ng mukha ko. Napabulalas ito. "Putangina..."


Inilang hakbang ni Asher ang pagitan namin saka ako hinawakan sa braso. "Anong ginawa sa 'yo?!" pasigaw na tanong niya.


Nangangatal naman ang mga labi na humawak ako sa kanyang braso. "W-wala... Wala pa, kasi mabuti dumating ka. P-pero bigla niya akong nilapitan kanina. Parang may sasabihin siya," sumbong ko habang mababasa ang takot sa aking mga mata.


Madilim ang mga mata na hinarap ni Asher si Atong. "At anong sasabihin mo sa girlfriend ko?"


Si Atong ay nginisihan ko nang tingnan ako, pero agad ko ring binalik ang takot na ekspresyon dahil baka lingunin ako ni Asher.


"G-girlfriend?" gulat na tanong ni Atong. "Girlfriend mo iyan?!"


"Oo, girlfriend ko, may angal ka?" Nakataas ang noo at maangas na balik ni Asher dito. "Girlfriend ko ito, kaya anong sasabihin mo sa girlfriend ko?!"


"W-wala! Wala akong sasabihin!" agad na tanggi ni Atong. "Wala akong ginagawa riyan! Siya nga ang may balak na—"


"Asher, hayaan mo na!" naiiyak na awat ko kay Asher. "H-hindi naman na siguro siya lalapit sa akin dahil alam niya ng girlfriend mo ako. Natakot lang talaga ako sa kanya kanina."


Iyong gulat at pagkakangiwi ni Atong ay wala nang mapaglagyan. Iiling-iling ito na umatras na. "Putangina, wala akong kinalaman sa inyong magsyota!" Sabay takbo na nito palayo.


"Okay ka lang?" puno ng pag-aalala na tanong ni Asher sa akin ang kami na lang. Masuyo niya pang hinaplos ang pisngi ko.


Humihikbi akong tumango. "Okay lang. Medyo natakot lang talaga ako. Mabuti at dumating ka."


Umigting ang panga niya. "'Wag kang-alala, sisiguraduhin ko na hindi ka na niya lalapitan. Akong bahala."


"T-thank you..." Nang hawakan niya ang kamay ko ay sumunod na ako sa kanya patungo sa gate. Dahil siguro sa pag-aalala niya ay nakalimutan niya nang secret on pa lang kami sa iba.


Nakalimutan niya na rin na magka-holding hands na kami. Balewala na kahit may mga makakakita sa amin. Pigil-pigil naman ang ngiti ko.


Ang mga nakasalubong namin sa daan ay mga napapataas ang kilay, lalo na't bago kami makarating sa gate ay anim sa ex niya yata ang nakasabay namin sa daan. O, ano kayo ngayon? Magaganda nga kayo, walang nakaranas sa inyo na mai-holding hands!


"Okay ka na?" Pagdating sa labas ng gate ay tinanong ulit ako ni Asher. Hindi siya mapalagay na na-trauma ako dahil sa Atong na iyon.


Kimi akong ngumiti at marahang tumango. "Uhm, okay na..."


Hinawakan niya ako sa ulo. "Basta 'wag ka nang matatakot, ha? Ako ang bahala sa 'yo. Tara na, hahatid kita sa inyo."


Hindi roon natapos ang paghatid at minsan pati ay pagsundo ni Asher sa akin. May mga pagkakataon din sa mismong bahay namin niya ako sinusundo, kaya kilala na talaga siya ng mama ko. At ngayon nga, ilang buwan na kaming dalawa.



GOING STRONG.


Ilang buwan na, wala kaming problema. Maliban sa nakakalungkot dahil nalalapit na ang mga araw na magka-schoolmate kami. Sa katapusan na kasi ang tapos ng klase. Mag-Grade 12 na si Asher, habang ako naman ay ga-graduate na.



GRADUATION NIGHT. Dumating na nga ang graduation. Ang dating pinakaaabangan ko, ay ngayo'y tila ba naging napakalungkot na pangyayari. Graduate na ako. Sa susunod na pasukan ay hindi na kami sa iisang school ni Asher.


Kung may nakakasaya naman na nangyari ngayon ay dahil umuwi si Papa mula sa abroad. Sila ni Mama ang nagsabit sa akin ng medal. Hindi ako ang nangunguna, kundi pangalawala, pero masayang-masaya ang mga magulang ko.


"Sorry, Ma, Pa, hindi ako ang nag-valedictorian. Sinikap ko naman po." Totoo na kahit may boyfriend ako, hindi ako nagkulang sa pagsisikap. Talagang sunog kung sunong ng kilay ang ginawa ko, may exam man o wala. Pero hanggang dito na lang talaga ang aking kinaya.


Sa kabila ng aking pagpupursige, si Jordan Moises Herrera pa rin ang may pinakamataas na grades sa huli. Pero hindi naman na ako naiinis ngayon dito. Matalino talaga ito kaya deserve nito.


"Ano bang sorry?" Nakakunot ang noo ni Papa sa akin. "Para sa amin ng mama mo, ang unica hija namin ang pinakamatalino!"


"At pinakamabait, pinakamalambing, at pinaka..." Ibinitin ni Mama ang dulo.


Lumabi ako. Natatawa na niyakap nila ako. Sabay pa sila ni Papa. "Syempre, pinakamaganda!"


Napabungisngis na ako. "Iyon!" Ginanti ko ang mga yakap nila. Hindi man ako ang hinirang na valedictorian, bawing-bawi naman ako sa pagkasuwerte sa mga magulang.


Simpleng handaan lang dahil wala naman kaming inimbitang bisita. Masaya kahit pa simpleng dinner lang kaming pamilya. Iilang putahe lang pero bongga naman sa sarap ang luto ni Mama.


Pagkatapos ng late dinner ay ibinigay sa akin ni Papa ang regalo nila sa akin ni Mama. Isang gintong kwintas na ang pendant ay half moon. May nakasulat iyon na pangalan ko. Laila.


Hinagkan ako ni Papa sa noo matapos isuot ang kwintas sa leeg ko. "Anak, kasing taas man ng buwan ang pangarap mo, naniniwala kami ng mama mo na makakaya mo. Basta, naririto lang kami palagi para sumuporta at magmahal sa 'yo."


"O bago pa tayo magkaiyakan, magpahinga na tayo," ani Mama na bagaman naluluha. Kinindatan ako nito bago umakyat ng hagdan.


Gets ko na iyon. Alam ni Mama na may nag-iisa akong bisita. Nauna na sila sa itaas ng bahay habang ako ay kunwari'y magliligpit muna rito sa ibaba. Magliligpit naman talaga ako, pero meron pa akong iba pa talagang sadya.


Pagkatapos magpunas ng mesa ay nag-beep na nga ang phone ko. Nandiyan na ang hinihintay ko!


Paglabas ko ay aking natanaw na agad sa lamppost sa kanto ang isang matangkad na bulto. Nang humakbang siya palapit ay saka ko siya nabistahan nang buo. Naka-white plain shirt, navy blue stripe cargo shorts, at black Adidad slides sa paahan. Meron din siyang suot na itim na sombrelo.


Ilang dipa pa ang layo namin ay nasasamyo ko na ang mabangong amoy niya. Parang CK iyong pabango. Iyong iba ay kanyang natural na amoy at ng sabon na ginamit niya sa pagligo. Ang sarap sa ilong dahil preskong-presko.


"Congratulations." Tila musika ang baritonong boses sa aking pandinig.


Iyon ang unang nanulas sa mga labi niya na kahit bahagyang madilim ay hindi maitatagong natural na mapupula pa rin.


"Thank you. Gusto mo bang kumain?"


Napahaplos siya ng malaking kamay niya sa kanyang leeg. "Kumain na ako sa amin."


Alam ko namang ganoon ang sasabihin niya. Syempre, gabi na, hindi na nga naman siya papasok sa bahay namin, lalo pa at naroon ngayon si Papa.


Itinaas ko ang aking bitbit na paper bag. "Baka pati desserts ay tanggihan mo pa. Gawa namin ito ni Mama!" Sa paper bag ay naroon ang salad na inilagay ko sa tupperware. Ginawa namin ni Mama kagabi. Ibinilin talaga nito sa akin na ipatikim daw sa kanya.


Doon gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Asher. "Oy, mukhang masarap! Syempre, 'di ko tatanggihan!"


Napabungisngis na ako. Sa clubhouse kami ng subdivision tumambay. Dalawa lang kami rito kaya hindi kami sa masyadong madilim pumuwesto. Mahirap na dahil baka mapituhan kami kapag may guard na nag-ikot mamaya.


Pinagsaluhan namin ni Asher ang dinala kong salad. May baon din ako na tag isa kaming kutsara at dalawang maliit na bote ng C2. Kumbaga ito ang bukod na celebration namin ng graduation ko.


Paubos na ang salad nang aking mapansin na hindi na kumakain si Asher. Nakatingin na lang siya sa akin. Bigla naman akong na-conscious. "Bakit ganyan ka makatingin?"


Matamis siyang ngumiti. "Ang cute mo kasing kumain."


Ayun, na-conscious tuloy ako lalo. "Nakakainis ito!"


"Wait, may cream ka sa labi." Pagkasabi'y inabot ng daliri niya ang gilid ng aking bibig.


Pumitlag ang puso ko sa kanyang ginawa. Nakangiti naman siya habang malapit na malapit na ngayon ang aming mga mukha.


Napapansin ko na parang may kakaiba talaga kay Asher. Sa pagkakatanda ko kasi ay ako ang patay na patay sa kanya. Pero bakit nitong mga nakaraan, ay parang patas na kami? O feel ko lang iyon dahil assumera ako ng taon?


Sinimplehan ko ang pagtabig sa kamay niya dahil tila bigla akong napaso. Kunwari ay iinom ako ng C2, e wala na palang laman.


"Baka kabagan ka, hangin na lang ang nandiyan sa bote mo." Inabot niya sa akin ang bote niya ng C2 na meron pang kalahati. "'Wag kang mag-alala, nag-toothbrush ako bago ako pumunta rito."


"Bakit?" parang tanga na tanong ko.


Napakurap naman siya. "Ha? Bakit ako nag-toothbrush bago pumunta rito?"


Nakalabing inirapan ko siya. "Ang tanong ko, bakit mo binibigay sa akin ang drinks mo? Iyo iyan, e!"


"So kung akin ito? Iyo naman ako."


"Sira!" Inagaw ko na sa kanya ang bote at tinungga iyon, bago pa ako ma-dehydrate sa kilig dito.


Nangingiti lang naman siya habang pinapanood ako sa pag-inom ko, iyan tuloy ay kandabulunan ako.


Niyaya ko siya na maglakad-lakad muna. Pampatagtag sa desserts na pinagsaluhan namin. At saka, ayaw ko pang umuwi. Gusto ko pa sana siyang makasama, pero alam ko naman na mayama lang, kakailanganin na rin niyang umuwi bago pa siya mapagsarhan ng gate sa bahay nila.


"Nasaan ba iyong kuya mo?" tanong ko habang naglalakad kami.


Ang panganay na kapatid niya kasi ang may hawak ng susi ng gate nila. Ito ang batas sa bahay nila. Kapag nakauwi na raw ito ay wala nang makakalabas at makakapasok pa. Ipina-padlock daw kasi nito ang gate nila.


"Dang yabang niyon, porke't may trabaho na siya," bubulong-bulong na sabi ni Asher. "Pag siya e puwede gabihin, kami e hindi. Daya, e."


Ganyan lang talaga silang magkakapatid magmahalan, pero 'wag ka, noong may na-dengue sa mga kuya niya, lahat sila nag-iyakan sa pag-aalala.


"Anong oras ba siya uuwi?" tanong ko. "'Di ba kanina pa tapos ng work niya? Nakauwi na siya, umalis ba ulit?" Kunwari ay wala akong ideya.


"Ewan ko ba roon," nakangusong sagot ni Asher. "Pagkarating, naalis din agad matapos kaming pag-uutusan na akala mo hari siya. 'Tapos, wala nang nakakaalam kung kailan ang balik niya. Minsan maaga-aga pa, pero madalas ay madaling araw na."


Batas nga.


Nang tingnan ako ni Asher ay nahuli niya ang pagngiti ko. "Oy, bakit ganyan ngiti mo? Naguguwapuhan ka ba roon sa kuya ko?"


Napatingala naman ako sa kanya. "Ha?" Saan naman galing ang tanong niyang iyon?


Huminto siya sa paglalakad at pinamewangan ako. "Hoy, Laila, naguguwapuhan ka ba sa kuya ko?"


Hindi ko na napigil ang pagngiti. Naisipan ko siyang inisin. "Uhm, medyo?"


Halos magbuhol naman ang mga kilay niya sa sagot ko. "Anong medyo?!"


"Basta medyo." Naglakad na ako habang nakasunod siya sa likod ko.


"Oy, Lai! Paano ngang medyo? Mas guwapo sa akin?!"


"Secret."


"Lai!" Sumigaw na siya. Nagtahulan tuloy ang aso ng mga nakasaradong kapitbahay.


Doon siya nilingon sa bandang kantong madilim. Humihingal pa siya sa pagsunod sa akin. Bago pa siya magtatalak ay inunahan ko na. "Mas guwapo ka pa rin," nakangiting sabi ko.


Para siyang bata na inuto. Umamo bigla. "Totoo?"


"Syempre, guwapo ang kuya mo, kasi kapatid mo siya. Guwapo kayong lahat na magkakapatid. Pero para sa akin, ikaw ang pinakaguwapo. Kahit magsama-sama pa sila, hindi sila uubra sa 'yo. Kaya nga ikaw ang boyfriend ko, 'di ba?"


Napaubo siya. Yumuko at napahawak sa kanyang bibig.


Naglakad na ulit ako habang nangingiti. Nang pumantay siya sa ng paglalakad sa akin ay narinig ko siyang nagsalita. "Lai..."


"Hmn?" Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa ibang direksyon. "Ano iyon?"


Tumikhim muna siya. "May favor sana ako, kung okay lang..."


Napatigil ako sa paglalakad at tiningala siya. Kahit may kadiliman, natitiyak ko na namumula siya. Na-curious tuloy ako sa kung ano ba ang gusto niyang sabihin sa akin.


Tumikhim siyang muli at pagkuwa'y mahinang nagsalita. "Puwede bang sa akin ka lang maguguwapuhan?"


Napakurap ako. "Ha?"


"Uhm, puwede bang ako lang palagi ang titingnan mo, ako lang palagi ang guwapo sa paningin mo, at... kung puwede lang, ako lang ang mamahalin mo—"


Hindi niya na natapos ang sinasabi. Hindi ko na napigil ang aking sarili. Tumingkayad ako at inabot ang kanyang mga labi. Mabilis lang na pareho naming ikinagulat. Namimilog ang mga mata niya sa akin.


Kahit ako ay natanga sa sariling ginawa. Did I just really kiss him?!


Napanganga ako. "Uhm, i-iyon ang sagot ko." Kandautal ako. "Uhm, basta iyon." Sa hiya ay tumalikod na ako dahil hindi ko na kayang salubungin pa ang gulat niyang mga mata.


Pero bago ako tuluyang makatalikod ay hinuli na ni Asher ang aking pulso. Ako naman ang gulat na napatingala sa kanya, para lang matulala dahil bigla siyang yumuko.


Nanlaki na lang ang mga mata ko sa sumunod na tagpo. Magkahinang na ang mga labi naming dalawa, dahil si Asher na mismo ang umabot sa mga labi ko sa pagkakataong ito!


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
164K 9.1K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
128K 518 112
Just a list of the stories that I read with its main/lead characters. Compilation. Recommendations. Mostly Series. Known and Underrated Authors. Rom...
1M 13K 61
COMPLETED. I'M 20 BUT STILL NBSB SEQUEL. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Wala lang akong tiwala sa mga nakapaligid sa kanya. At kahi...