Go to Hell Mr. Principal

By Moonlyka

3.8K 130 14

Zero Xavalde is the definition of a perfect principal. His perfect jawline. Long and rooted hands are what re... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
1st Chapter
2nd Chapter
3rd Chapter
4th Chapter
5th Chapter
6th Chapter
7th Chapter
8th Chapter
9th Chapter
10th Chapter
11th Chapter
12th Chapter
13th Chapter
14th Chapter
15th Chapter
16th Chapter
17th Chapter
18th Chapter
20th Chapter
21st Chapter
22nd Chapter
23rd Chapter
24th Chapter
25th Chapter
26th Chapter

19th Chapter

77 2 0
By Moonlyka

Nakakuyom ang kamao kong lumapit dito. "Mr. Principal, papatayin mo ba ako ha?"

Hindi ito nagsalita bagkus tumalikod ito at bumalik sa kaniyang sasakyan.

Kaagad ko naman itong pinigilan pero bago ko iyon na gawa. Nakapasok na siya sa loob ng sasakyan niya.

"Principal! Lumabas ka diyan!" Pagalit na sigaw ko dito habang pinupokpok ang bintana ng kotse niya. Nang-usok ang ilong ko sa galit ng dahan-dahan niyang pinatakbo ang sasakyan.

Kaagad naman akong pumunta sa harapan ng kotse nito para mapigilan siya.

"Damn, Ms. Morelos what the hell are you doing?" Pasigaw na sabi nito.

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka lumalabas diyan!"

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan ng sasakyan niya ng makitang papalabas na ito. Bago ko pa man makalapit dito mabilis na niyang pinaharurot ang sasakyan kaya nagulat ako at natumba.

"Aray!"

Napasinghap ako ng makaramdam ng hapdi sa paa. Napabuntong hininga ako ng makitang may galos doon.

Napaangat ang tingin ko ng makitang nakatayo na ang principal sa harapan ko. Kaagad naman akong umiling at dahan-dahang tinatayo ang sarili. Bago ko pa man magawa iyon napasinghap ako sa gulat ng binuhat ako nito.

"B-bitawan mo 'ko Mr. Zero Xavalde!" Napakagat labi ako ng isigaw ko ang buong pangalan nito.

"What again? Ms. Kayne Morelos?"
Napalunok ako ng marinig ang malamig na boses nito.

"Sabing bitawan mo 'ko hindi kaba nakakaintindi ha?" Naiinis na bulyaw ko dito.

Pero hindi lang ito nakinig bagkus dinala ako nito sa loob ng sasakyan niya. Napapailing na tiningnan ko ito ng isambit niya saakin ang seat belt.

Napatulon laway ako habang pinagmamasdan ang malapitan niyang mukha saakin.

"You are so pretty" Nagsitayuan ang buhok ko sa katawan ng marinig ang sinabi niya.

Kaagad naman akong lumingon sa ibang direksyon. Napabuntong hininga ako ng makaramdam ng lumayo ito sa'kin. Nanglaki ang mga mata ko ng lumingon ako dito. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya saakin.

Nakaramdam ako ng tuyo sa lalamunan. Nang makita ang kulay berde niyang mga mata sa malapitan.

Kaya kaagad ako pumikit. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata ng makaramdam ng walang galaw mula dito. Bago ko pa man tuloyang mabuksan ang mga ito napasinghap ako sa upuan ng dumapo ang mga labi niya sa mga labi ko.

Nanghina ang mga kamay ko parang nawala ang lakas nito para itulak siya. Napapikit nalang ako at ninamnam ang malambot na labi nito sa labi ko.

Nagsitayuan ang buhok ko sa katawan ng marinig ang tibok ng puso ko.

togodogtogodogtogodogtogodog....

Nagkaroon ako ng lakas para itulak siya. Pero ng itinulak ko na siya napatumba siya saakin habang paring  nakalapat ang mga labi nito saakin.

"Aray!" Kaagad ko naman siyang itinulak ng makaramdam ng sakit sa paa.

Napakagat labi ako ng makita itong nakaibabaw saakin. Habang paring nakatitig saakin.

Napapatulon laway ako sa paraan ng pagtitig nito saakin. Napasinghap ako sa gulat ng lumapit ito saakin at hinalikan ang pisnge ko.

Hinampas ko naman ang dibdib nito." I like your dimple"

Tinulak ko agad ito ng narinig ang mga sinabi nito. Napapakagat labi nalang ako sa mga nangyari.

"Sa'n m-moko dadalhin?" Napapailing na tanong ko dito.

Lumunok ito at nagsalita"Somewhere"

Nangunot ang noo ko at tiningnan siya."Saan nga?uuwi na ako"

Nainis ako ng hindi ito nagsalita. Napabuntong hininga ako at tiningnan nalang ang labas ng bintana ng kotse nito.

Tumigil ang kotse nito ng nag red light na hudyat na kailangan ng tumawid ang mga tao.

Napahawak ako sa may bintana ng makarinig ng tunog ng bell ng ice-cream na papunta sa aming gawi.

Napapailing napapaisip ako kung bakit sa ganitong oras ay may nagtitinda nito.

Tumikhim ako ng makakita ng bata na papunta sa may ice-cream vendor. Mukha itong madungis.

Napapahalinghing ito habang pinagmamasdan ang nakakatakam na ice-cream.

Kaagad naman akong kumilos at bubuksan ko na sana ang pinto ng may kamay na humawak doon.

"What did you tryin' to do?" Malamig na usal nito.

Hindi ako nagsalita bagkus inalis ko ang kamay niyang 'yon. At walang pasubaliy lumabas ako sa kotse nito.

Napapailing na lumapit ako sa may vendor at lumapit sa bata.

"Hi, bata! gusto mo din ng ice-cream?" Nakangiting usal ko dito.

Humalinghing itong tumango at nahihiyang tumingin siya saakin.

"Ahh ganun, dalawa nga po manong"  Sabi ko agad kay manong vendor.

"Ah okay thank you manong, ito po bayad" Nakangiting sabi ko kay manong at tumango naman ito.

Binigay ko naman sa bata ang isang  ice-cream. Nahihiyang tinanggap niya ito.

"S-salamat po" Tumango naman ako at nginitian ito.

"Uh walang anuman, sige punta kana sa mama mo" Tumango naman ito at dali-daling pumunta sa mama nito na abala sa pag-aayos ng mga karton.

Nakangiting pinagmasdan ko sila. Bumalik naman ako sa kotse habang kumakain ng ice-cream.

"Hey where's mine?" Napalingon ako ng may nagsalita sa katabi ko. Napailing agad ako ng malamang kasama ko pa pala ang principal.

"Ah, wala ka bibilhan nalang kita"  Pagmamadali kong pagbaba sa kotse nito.

Napatigil naman ako ng nagsalita ito. "No, thanks I want that" Napatigil ako ng tumigil ang mata nito at dumapo sa ice-cream na hawak ko.

"I-ito? Nakain ko na ito e" Pagdadahilan ko naman dito.

Napatigil ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko. At dumila sa ice-cream na hawak ko.

Nanigas ako sa pwesto sa ginawa niya. Napatulon laway ako habang pinagmamasdan siyang dumidila sa ice-cream. Napailing ako ng sumagi sa isip ko ang pagdila niya saakin noon.

Magaling pala siya sa ganito. Napakagat nalang ako sa loob ng pisnge sa iniisip.

Kaagad ko namang iniwas ang ice-cream na hawak ko at tiningnan siya ng masama.

"A-ano ba ang problema mo ha?Sabing akin 'to eh. Sa'yo na nga lang" Naiinis na bulyaw ko dito at binigay ang ice-cream sakaniya. Nanigas ako sa pwesto ng tumulo ang ice-cream sa aking binti.

Napapailing na lumingon ako kay Mr. Principal. Napalunok ito ng dumapo ang mga mata niya doon.

Tumikhim ako ng tumingin ito saakin at ngumiti ng nakakapang-asar. Umarko sa isip ko ang gusto nitong gawin kaagad ko naman itong itinulak.

Naalarma naman ito kaagad ng nagsign na nang go. Pinatakbo na niya ang kotse. Nakahinga ako nang maluwag ng makaligtas ako sa gusto nito.

Napalunok ako ng dumapo ang kamay nito sa binti ko. Napakagat ako ng may tissue itong hawak at dahan-dahan niya iyong pinupunasan.

Inagaw ko naman ang tissue na hawak nito. Naiinis na talaga ako sa pinanggagawa niya.

Napatigil ako sa pagpupunas ng tumigil ang sasakyan. Napalingon naman ako sa paligid nangunot ang noo ko ng malamang hindi ito ang bahay na tinutuluyan ko.

Napalingon ako ng bumababa ang principal sa kotse at pumunta sa may upuan. Bumaba naman din ako at pinagmasdan ang paligid. Napangiti ako ng makita ang magandang paligid.

Ang ganda naman ang park na 'to. Umupo naman ako sa may tabi nito.
Nangunot ang noo ko ng tumayo ito at umalis. Sinundan ko ito ng tingin. Napabuntong hininga ako ng makitang pumunta ito sa may tindahan. Napapailing na lumingon ako sa paligid at ninamnam ang sariwang hangin.

"Hey!" Napalingon ako sa pinanggalingan na boses. Napalunok ako ng makitang lumuhod ito saakin.

"W-wait M-mr. Principal anong gagawin niyo?" Natatarantang bulyaw ko dito.

"Don't move" Garalgal na tinig nito. Hinawakan niya ang tuhod ko at nilagyan ng band aid.

Pagkatapos nitong lagyan tumayo ito ng tuwid at pamulsang humarap saakin.

"About earlier I-i'm sorry" Nahihiyang usal nito habang inaayos ang kaniyang necktie. Nainis ako ng hindi niya maayos ang kaniyang necktie.

Kaya tumayo ako at pinantayan siya ng tingin. Tumingkad ako para maabot ang kaniyang necktie at inayos iyon. Hindi makakaila na sobrang tangkad niya.

"A-ayan!" Pagkasabi ko na iyon tumalikod agad ako at nahihiyang umupo. Hindi ko alam kung anong lakas ang nag bigay saakin na gawin ko iyon sakaniya.

"T-thank you"

Nangunot ang noo ko nga marinig ang sinabi niya. Ba't siya nauutal.

"N-naiinis parin ako sa'yo" Naiinis na bulyaw ko dito at tumayo para umalis.

Nagmamadali akong naglakad papalayo sakaniya. Nang dahil sakaniya muntik na akong mapahamak.

"Wait, Ms.Morelos!" Tawag nito saakin pero hindi lang ako nakinig deri-deritso akong naglakad.

Habang humahakbang ang paa ko sa aking dinadaanan hindi ko nalang pinapansin ang nasa paligid ko. Hanggang sa hindi ko namalayang may kung ano akong naaninag na ilaw saaking mata.

Nanglaki ang aking mga mata na may sasakyan na pala napapunta saakin. Mabilis ang pagpapaharurot nito. Halos wala akong marinig na tunog mula dito at sa paligid.

Katapusan ko na!

Katapusan ko na!

Katapusan ko na!

Katapusan ko na!

Katapusan ko na!

Katapusan ko na!

Napapikit ako ng makaramdam na dahan-dahan na itong lumalapit saakin. Napasinghap ako ng may yumakap saakin at hinawakan ang aking ulo at parang prinoprotektahan ako. Bigla nalang kaming gumulong sa kalsada at napunta kami sa may kung ano.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. At malabong mukha ng principal ang aking nakitang nakayakap saakin.

Nakita ko ang dugo na dumadaloy sakaniyang ulo. Dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang mukha.

Halos matabunan na ng luha ang buong mukha ko. Sabay-sabay na silang dumadaloy doon.

"M-mr. Principal g-gisingMahinang boses ang aking pinakawalan. Hanggang sa nilamon na ako ng dilim.

Continue Reading

You'll Also Like

214K 5K 55
โ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. โž kate martin x fem! oc
271K 7.8K 133
"๐‘ป๐’‰๐’†๐’“๐’†'๐’” ๐’“๐’†๐’‚๐’๐’๐’š ๐’๐’ ๐’˜๐’‚๐’š ๐’๐’‡ ๐’˜๐’Š๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’‡ ๐’Š๐’ ๐’•๐’‰๐’†๐’Š๐’“ ๐’†๐’š๐’†๐’” ๐’š๐’๐’–'๐’๐’ ๐’‚๐’๐’˜๐’‚๐’š๐’” ๐’ƒ๐’† ๐’‚ ๐’…๐’–๐’Ž๐’ƒ ๐’ƒ๐’๐’๐’๐’…๐’†."
309K 18.5K 40
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
162K 3.7K 62
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad