Go to Hell Mr. Principal

By Moonlyka

3.8K 131 14

Zero Xavalde is the definition of a perfect principal. His perfect jawline. Long and rooted hands are what re... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
1st Chapter
2nd Chapter
3rd Chapter
4th Chapter
5th Chapter
6th Chapter
7th Chapter
8th Chapter
9th Chapter
10th Chapter
12th Chapter
13th Chapter
14th Chapter
15th Chapter
16th Chapter
17th Chapter
18th Chapter
19th Chapter
20th Chapter
21st Chapter
22nd Chapter
23rd Chapter
24th Chapter
25th Chapter
26th Chapter

11th Chapter

85 6 0
By Moonlyka

Nakahinga ako ng maluwag ng malamang weekend na bukas. Makakapagpahinga na ako at hindi ko na makikita ang Mr. Xavalde na iyon.

"Kayne! anong gagawin mo ngayong weekend?" Papasigaw na tanong saakin ni Alyssa ng makasakay na kami ng traysikel.

Napabuntong hininga naman ako at tiningnan siya. "Wala naman akong gagawin, bakit?" Pabalik na tanong ko dito.

"Ano kasi mag outing tayo!" Hagikhik na usal nito. Napatampal ako sa noo at agad na umiling.

"Outing?" Ngunot noong tanong ko dito. Ngumisi ito at taas noong umu-o.

"Saan naman?" Habol na tanong ko rito. Ngumisi lang ito at tumango tango. "Basta lang" Pabulong na aniya nito.

Nakarating na kami sa aming tinutuloyan at ito namang si Alyssa ay abala sa pagsasabi kila Keirra, Queren at Yvaine 'tska kay Xeline sa pa outing kuno nito.

Napapailing nalang ako at pumunta sa sala. Humiga ako sa couch at pumikit.

Napahawak ako sa noo ng makaramdam ng sakit ng ulo. Kaagad ko naman iyon hinimas-himas. Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa may lagayan ng mga gamot.

Nakahawak pa rin ako sa sintido ng makabalik sa sala.

"Kayne anyari sa'yo?" Napapailing na tanong Yvaine saakin. Tumikhim ako bago bumaling.

"Medyo masakit lang ulo ko" Paghihimas ko naman sa noo ko. "Bili ka bagong ulo" Nanguyom ang mga kamao ko ng marinig kung sino ang nagsabi nito. Alyssa!

"Alyssa naman eh, masakit na nga ulo ko nanggugulo ka pa" Napapailing na bulyaw ko dito. Bumuntong hininga ito at tumabi saakin.

"Alam mo Kayne baka buntis ka" Napasamid ako sa kinauupuan ng walang prenong sinabi niya ang mga ito.

"Nababaliw kana ba Alyssa? Tumigil ka muna hindi ako sasama sa outing niyo" Bulyaw ko naman dito. Nagulat ako ng hawakan niya ang mga braso ko.

"Hindi pwede Kayne! kaya magpagaling ka diyan bye" Sunod-sunod na sabi nito at agarang umalis.

Napabuntong hininga ako at pumikit.
"Kayne, tawagin mo lang ako pag may maramdaman kapa bukod sa sakit ng ulo. May gamot ako diyan" Napapailing na sabi ni Yvaine bago tuluyang umalis.

Napabuntong hininga ako tuluyang pinatulog ang sarili. Nagising ako ng tumunog ang tiyan ko. Napakamot ako sa ulo at 'tsakang tumayo.

Napahawak ulit ako sa ulo ng hindi makaramdam ng sakit. Nabuntong hininga ako buti naman hindi na masakit ulo ko.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng makakain. Gutom na gutom ako nagtimpla rin ako ng kape. Atsakang nag punta sa may labas. Napapikit ako ng sumagi saakin mukha ang malamig na simoy ng hangin.

Humigop naman ako ng kape. Nakaramdam naman ako ng sakit ng tiyan nanaman. Napapailing na nagpunta ako sa banyo. Napatampal ako sa noo ng malamang may dalaw ako.

Napapailing na nagpunta ako sa aking bag. Napabuntong hininga ako ng maubusan ako ng sandwich. Napapailing na tumingin kila Alyssa para sana humingi kung sakali.

Napakagat labi ako ng madatnang mahimbing na silang natutulog. Napapailing na kumuha ako ng jacket at sinabit iyon sa bewang ko.

Bibili nalang ako tutal alas dyes pa lang naman. Bukas pa naman sa ganitong oras ang ibang tindahan.
Bago ako lumabas nagsuot ako ng sombrero.

Nakahinga ako ng maluwag ng mapayapa akong nakabili. Akmang lalabas na ako ng may nagsalita sa likuran ko.

"Hey, young lady" Napakagat labi ako ng marinig ang boses na 'yon. Lumingon naman ako dito. Hindi na ako nagulat ng tumingin ako sa mga mata niya.

"M-mr. Principal?" Ngunot noong aniya ko dito.

"Here's the coffee, sa'yo na" Sabi nito at inabot saakin ang kape. Tumingin muna ako dito bago ibaling ang mga tingin sakanya.

Ngunot noong nakatitig ako dito. Napailing ito at hinawakan niya ang isang kamay ko at inilahad ang kape dito. Nakatulala naman ako ng naglakad ito paalis. Nag so-sorry ba siya dahil sa ginawa niya saakin kanina sa opisina? At dahil sa kape okay na kami ganun?hmm..Nakakapeste!

Napapailing na lumapit ako dito. At sinundan ang malalaki niyang hakbang. Napakagat labi ako at tumingin ulit sakanya.

"Mr. Principal" Tawag ko naman dito. Lumingon naman ito at tinitigan ako.

"A-ahh salamat dito" Napapailing nasambit ko dito at ako'y napapikit ng tikman ko ang kapeng binigay niya saakin. Tinikman ko nalang ang kape baka nga nagso-sorry siya.

Tumango lang ito at dali-daling naglakad. Kaagad ko naman itong hinabol. Bakit ang bilis ng lakad nito?

"Hey, Ms. Morelos why are you following me?" Napapitlag ako sa paglalakad sa paraan sa pagtanong nito.

"H-hindi 'no, doon 'yong pupuntahan ko pareho lang tayo ng daan na pupuntahan. Eh ikaw ba't hindi ka nagkotse para maka-uwi ka agad" Sabi ko naman kaagad dito.

Napapailing itong naglakad. "At this time I don't use the car. I prefer to walk" Seryosong usal nito habang nakapamulsa.

Tumango-tango naman ako dito"Eh ano bang binili mo sa ganitong oras?" Tanong ko dito. Napapikit ito at tuluyang umunang maglakad saakin.

"Ms. Morelos, it's none of your damn business" Pabulong na sabi nito. Napapailing nalang ako sa tanong kong 'yon.

Tinuon ko nalang ang sarili sa paglalakad A-aray!" Napakagat labi ako ng natapilok ako sa kalsada. Napatampal ako sa noo ng hindi ako kaagad makatayo. Ang tanga naman eh!

Napabuntong hininga ako ng lumingon sa paligid buti naman nasa madilim kami na parte kaya walang masiyadong tao. Lumingon naman ako sa harapan. Napatulon laway ako ng makitang nakaawang ang panga ng Principal habang mariing nakatitig saakin.

Tinuro ko naman ang paang masakit."Ang sakit ng paa ko" Maiyak-iyak na bulyaw ko. Napailing ang principal at pinantayan ang mga titig namin.

Napasinghap ako ng walang pasubaling binuhat ako nito. "Mr. Principal anong ginagawa mo? ibaba mo 'ko" Natatarantang bulyaw ko dito. Napapikit nalang ako ng makaramdam ng kirot sa paa.

"Don't move" Seryosong sabi nito habang nakatuon ang mata sa daan.

"Aahh sumakay nalang tayo sa kotse mo para hindi kana mahirapan" Nag-aalangang sabi ko dito.

"No need, I prefer to walk while holding you like this" Sabi nito sa baritonong boses. Napatingin naman ako sa mukha nito papunta sa adams apple niyang gumagalaw. Namula ang magkabilaang pisngi ko.

Napapatulon laway nalang ako habang nakatitig doon. Pabilis na pabilis ang mga paggalaw nito. Napapakagat labi nalang ako at tumingin sa ibang direksyon.

Pero ang makasalanang kong mga mata ay hindi iyon maiwasang tumingin.

"Don't look at me like that." Napatampal ako sa noo ng tumingin ito sa gawi ko. Kaagad naman akong lumingon sa ibang direksyon.

Nakahinga ako ng maluwag ng makapunta na kami sa harapan ng tinutuloyan ko. Napabuntong hininga ako ng dahan-dahan niya akong binaba mula sa kandungan niya.

"A-ahhm thank you Mr. Principal sa paghatid" Napapailing na aniya ko dito.

"Does your foot still hurt?" Kalmadong sabi nito. Pinakiramdaman ko naman ang paa ko kung masakit pa ba. Napailing naman kaagad ako ng hindi makaramdam ng kahit anong sakit. Mukhang gumaling kaaagad.

Tumango lang ito at pamulsang umalis. Napasinghap ako ng maalala ang damit na hiniram ko sakanya. Kaagad ko namang hinawakan ang laylayan ng damit niya sa likuran.

Ngunot noong humarap naman ito saakin. "What?" Nagtatakang aniya nito. Ngumiti naman ako napahawak sa batok.

"A-ano kasi Mr. Principal yung damit mo, teka lang ha..." Sabi ko dito at dali-daling tumakbo papunta sa loob para kunin ang damit na hiniram ko noon. Pero bago ako makaalis ay napakapit ako sa sahig ng matumba nanaman ulit ako. Akala ko ay magaling na ito. Pero mukhang nagkakamali ako.

Kaagad namang lumapit itong si Mr. Principal saakin at tinulongan ako. "Are you okay?" Nag-aalalang aniya nito. Napabuntong hininga ako at itinuro ang paang masakit nanaman ulit.

"Masakit nanaman ang paa ko Mr. Principal" Napapaiyak na sabi ko dito. Napabuntong hininga ito at hinawakan ang paa ko. Nanglamig ako sa pwesto ng ilapat niya saakin ang malamig niyang kamay. Nanigas ako sa kinauupuan ng dahan-dahan niya iyong hinihilot-hilot. Napapalunok ako ng tumitingin sa mapuputi at mahahaba nitong daliri.

"Am I doing this all right?" Mahinang usal nito na sapat nang marinig. Tumango naman ako sa tanong nito. Napalunok ako ng dahan-dahan niyang pinapalandas ang daliri doon sa paa ko. Napapapikit naman ako sa sarap nanararamdam.

Nagising ang budhi ko ng umarko ang sensasyong bumabalot sa isip ko. Kaagaad naman akong tumayo at tumaliwa. Napasinghap ako ng muntik nanaman akong matumba. Napakagat labi ako at dahan-dahan pinakiramdaman ang binagsakan ko. Nanlaki ang aking mata ng tumingin kung sinong sumalo no'n. Mr. Principal..

Malalagkit ang mga tingin nito. Kaagad naman akong bumitaw. "O-okay na ako Mr. Principal hehe" Napabuntong hininga ako ng lumayo ito sa katawan ko. "Kukunin ko na 'yong damit " sambit ko dito at dali-daling tumakbo upang buksan ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag ng makaramdang hindi na masakit ang paa ko. Mukhang epektib ang paghihilot ng principal sa paa ko.

"Oh ito" Napapailing na pag-aabot ko dito. Napabuntong hininga ito at tiningnan iyon.

"I do not accept things that have been used by others" Tumikhim ito at mariing tinitigan ako.

Napalunok ako at tumango habang nakakikipag laban sa mga titig nito. Niyakap ko nalamang ang damit na hawak-hawak ko.

"I'm leaving, goodnight" Seryosong sabi nito at pamulsang umalis. Tumikhim ako ng marinig ang huling sinabi nito.

Napailing ako at walang pasubaling sumigaw "Goodnight Mr. Principal!" Napatakip ako sa bibig baka mayroong nakarinig sa sigaw 'kong 'yon.

Mahinang natawa ako ng marinig ang mahinang pag-ubo nito. May tinatagong bait pala 'tong si Mr. Xavalde eh..

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 430 55
[ONGOING] - [SNAIL UPDATE] ✓ We all lie. We all have a darkest secret. We all have a devil/demon inside. Wicked Angel (Part Two) The Truth Untold T...
103K 1.4K 51
𝐈𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐝𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐭𝐨 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 , 𝐀𝐚𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐰 𝐢𝐧 𝟏𝟎𝐭𝐡 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐞, 𝐰𝐡𝐢𝐥𝐞 𝐬𝐡𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐬𝐡...
80.8K 2.1K 31
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...