Go to Hell Mr. Principal

By Moonlyka

3.8K 131 14

Zero Xavalde is the definition of a perfect principal. His perfect jawline. Long and rooted hands are what re... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
1st Chapter
2nd Chapter
3rd Chapter
4th Chapter
5th Chapter
6th Chapter
8th Chapter
9th Chapter
10th Chapter
11th Chapter
12th Chapter
13th Chapter
14th Chapter
15th Chapter
16th Chapter
17th Chapter
18th Chapter
19th Chapter
20th Chapter
21st Chapter
22nd Chapter
23rd Chapter
24th Chapter
25th Chapter
26th Chapter

7th Chapter

105 6 0
By Moonlyka

Nanonood ng TV ang mga naka roommate ko sa dorm. Sobrang iingay kasama na doon si Alyssa. Pero kahit ganun pa man ay mukhang masasaya sila.

"Kaynee! Halika dali upo ka dito" Pagtuturo ni Alyssa sa katabi niyang upuan. Tumango nalamang ako at dinala ang malaking unan sa pwesto.

"Guy's si Kayne pala, Kayne si Yvaine, Keirra, Queren at Xeline" Pagpapakilala saakin ni Alyssa sa mga kaibigan niya. Akala ko pa naman wala siyang kakilala dito.

Ngumiti ako at kinamayan sila. "Hi, Yvaine, Keirra, Queren at Xeline" Ngumiti rin naman sila. "Hi sayo Kayne, ang cute naman ng dimples mo" Pabirong sabi ng Queren at pinisil ako.

Napapailing nalang ako dahil sa hiya."Teacher ka rin? Katulad ni Alyssa?" Tanong saakin naman ni Yvaine. "Ah oo eh, pareho kami ng Univ na pag tuturuan eh. Kayo ba anong mga trabaho niyo?" Sabi ko naman sakanila.

Nakita kong nagtaas ng kamay ang Xeline sa tanong ko. "Hi Kayne, ang trabaho ko ay isang waiter sa may kainan doon. Nagpapart time job lang ako dito kasi nag-aaral palang ako. Taking law" Pabulong sinambit nito ang salitang law.

Napapatango nalang ako sa mga sinabi nito. "Alam niyo kahit mahirap ang law napapagsabay ko ang aking trabaho biruin niyo ah "Napapailing nalang nasambit nito. Ang sipag naman ni Xeline.

"Ako naman, nag-aaral rin ako nursing. Sa ngayon wala akong part time job maghahanap palang ako." Sabi naman ni Yvaine. .

"Ako naman Kayne, nag-aaral rin ako ng law kasama ko si Xeline. Sambit naman ni Queren

Napatingin naman ako kay Keirra na abala kakapindot sa cellphone. "Oy ikaw naman Keirra" Pagkukuha ng atensyon ni Queren kay Keirra.

Tumingin naman ito at ngumiti. "I'm sorry, ang job ko ay isang call center agent. Kaya medyo lutang ako puyat eh" Sabi naman ni Keirra.

Napapatango nalang ako sakanila. Karamihan sakanila ay estudyante din. Nakakatuwa naman na makakasama ko sila dito. Nanood lang kami ng telenovela sa TV.

At nang makaramdam ng antok ay pumunta na kami sa kanya-kanyang kuwarto namin. Nagising ako sa malakas na katok kaagad naman akong bumangon. "Oy, Alyssa gising" Pagyuyugyog ko sa braso ni Alyssa para magising. Pero wala lang ito pakealam, wala na akong magagawa kundi buksan ang pinto.

Nanigas ako sa kinatatayuan ng buksan ko ang pinto at ng makitang nandito si Mr. Principal sa harapan ko.

"M-mr. Principal, ano pong ginagawa niyo dito?" Nauutal na aniya ko dito. Wala lang itong emosyon habang nakatingin ng marahang saakin.

"Mr. X-xalvalde" Aniya ko ulit sakanya. Mas lalong nanigas ako sa kinatatayuan ng marahas niya akong hinawakan sa kamay.

"A-anong p-pong gagawin niyo?" Nanginginig na aniya ko. Hindi lang ito nag patinag hinubad niya ang kaniyang suot. Napatulon laway ako ng makita ang katawan niya. Nilibot ko ang paningin at napatuon iyon sa bandang ibaba. Nakita ko ang kaniyang tattoo.

Ngumisi ito at dinala ako sa loob ng bahay itinulak ako nito kaya napasubsob ako sa couch. Napahawak pa ako sa mukha ng maramdamang masakit iyon.

Hindi pa ito nagpatinag hinawakan niya pa ang aking mukha. Napangiwi nalang ako ng hawakan niya ang pisngi ko.

"M-mr Principal, wag please wag" Nagmamakaawa kong sabi halos pumiyok na ang boses ko dahil nararamdam ko ng dumadaloy ang mga luha ko sa pisngi.

Nanigas ako sa kinahihigaan ng puma ibabaw ito saakin at isinakop sa kandungan niya. Napakapit pa ako sa braso nito. Halos maubosan ako ng hininga ng ilapat niya ang labi niya saakin. Nalasahan ko ang malabot nitong labi.

Naramdaman ko ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Gusto kong umalis at itulak ito. At bigla nalang ako nagising na hingal na hingal na pakapit ako sa sintido at hinamas himas iyon.

Ano bang klaseng panaginip iyon! ...

Hinawakan ko ang bandang dibdib ko halos lumuwa na ang aking puso dahil sa nararamdamang kaba. Humiga nalang ulit ako at tinitigan ang kisame. Sumapit ng alas dos ng umaga ay hindi pa din ako makatulog.

Sumasagi pa rin sa aking isipan ang panaginip na iyon..
Nakatulog ako bandang alas kuwatro na ng umaga. Dahil pa din sa kadahilanang iyon.

Napasapo ako sa noo ng tumunog ang alarm clock ko. Nabuhay ang budhi ko ng makita kung anong oras na. Halos mapatalon ako sa kinahihigaan nang malamang.. patay late na ako.

Dali-daling tumakbo ako papuntang banyo. Napasapo nalang ako sa noo ng hindi mabuksan ang pinto. Pinipilit kong mabuksan iyon pero kahit anong pilit ko hindi iyon mabuksan buksan.

"Hello! May tao ba diyan?" Halos matapilok ako sa sariling paa ng bumukas iyon. Bumungad saakin ang lantad na katawan ni Mr. Principal. Gusto ko ng sabunutan ang sariling buhok dahil sa sariling ilusyon ng kinusot ko ang mga mata ko.

Bumungad ang nakasimangot na mukha ni Alyssa. Nagising naman ako sa sariling ilusyon ng pitikin niya ng malakas ang noo ko.

"Aray naman!" Asik ko naman sakanya. "Kayne anong nangyayari sa'yo ha?" Ngunot noong aniya nito.

Napasabunot nalang ako sa buhok dahil sa pagiging lutang. "Ba't ba ang tagal mong maligo ha Alyssa ? Hindi mo kaagad binuksan" Nanghihinang sambit ko naman at yumuko. Hindi ko kayang humarap sa sa harapan niya hindi pa na hiya. Binuksan nga yung pinto kaso lantad na lantad ang hinaharap nito.

"Hmm, sige na ipagpatuloy mo ng maligo. Nakakahiya 'yan"Sabay turo ko sa dibdib nito at tinakpan ang mga mata ko gamit ang isa kong kamay. Habang lumalayo sa pinto ng banyo.

Nagulat naman ang naging reaksyon nito at dali-dali niyang tinakpan ang dibdib niya at malakas niyang pinihit ang pinto papasara.

Pumunta na lamang ako sa higaan nila Yvaine, Queren, Keirra at Xeline. Ngunit napabuntong hininga nalamang ako ng madatnang wala na sila sa sariling higaan. Siguro ay pumasok na sila sa kaniya-kaniyang trabaho at sa eskwelahan.

Naghintay ako ng limang minuto ng bumukas ang pinto at iniluwa doon si Alyssa na nakayuko. Napataas kilay nalang ako ng hindi ako nitong pansinin. Deritso itong pumunta sa higaan niya at hindi ako hinarap.

Napapailing nalang ako sa nangyayari sakanya. Pumunta nalamang ako sa banyo at tuluyang pinaliguan ang sarili.

Sampung minuto akong natapos sa pagpapaligo sa sarili. Binilisan ko talaga ang pagkilos dahil late na talaga ako.

"Alyssa!Uy!" Tawag ko kay Alyssa ng papasakay na kami sa traysikel. Hindi pa rin ako nitong pinapansin. Ano kayang problema nito??

"Alyssa naman!" Medyong papalakas kong sigaw dito. Napabuntong hininga nalamang ako ng tumingin ito sa gawi ko.

"H-huh?" Sambit nito habang naka kunot ang noo. Pinitik ko naman iyon.

"A-aray naman Kayne!" Nababanas na sabi nito. Tiningnan ko lang ito ng masama.

"Kanina pa kitang tinatawag pero hindi mo 'ko naririnig. Malalim 'yang iniisip mo. Siguro iniisip mo yung kanina. Ayan kasi hindi ka muna tumitingin bago mo buksan. " Natatatawang aniya ko dito.

Napasimangot pa ito at tiningnan ako ng masama."Ikaw nga eh lutang ka rin kanina. Ano bang nangyayari din sa'yo ha? Wag mong sabihing ano" Nanunudyok na sambit nito.

Napapakamot naman ako sa noo at tinitigan siya. "Anong ano ba ha? " Nagtatakang sabi ko dito at tiningnan ang labas ng traysikel.

"Kaya nalulutang ka rin kasi may iniisip ka ring tao" Napapailing nasambit nito. Napangiwi naman ang naging reaksyon ko. Gusto ko nalang maging burger!

"Hmm sino namang tao iyon? " Nagtatakang aniya ko dito. Gusto ko nalang sabunutin ang sariling buhok dahil sa tanong kong 'yon.

Halos mauntog ako sa kinauupuan ng tumigil ang traysikel naaming sinasakyan. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating na kami ng aming paroroonan.

Pumasok na ako sa loob ng Univ at pinagmasdan ang mga estudiyanteng abala sa kani-kanilang gawain. Tumingin naman ako sa aking gawi napatampal nalang ako sa noo ng makitang si Alyssa ay nakikipag-usap sa nakaitim na guard.

Minsan gusto ko ng upakan 'tong si Alyssa kasama na si Adhara. Napapailing na lumapit ako dito. Hinawakan ko ang braso nito at binulongan."Diba may gagawin kapa ha Alyssa, bilisan na natin." Pabulong na aniya ko.

Nagunot naman ang noo nito at tumango. "Ah oo nga pala, sige Jakzhun mauuna na ako bye" Napapailing na kumaway ito. Kumaway naman ang sinasabi nitong Jakzhun naminsang kinandatan ako. Haysss...

Pumunta na kami sa kaniya-kaniyang silid. Huminga muna ako ng malalim bago buksan. Panibagong araw panibagong buhay.

Binuksan ko ang pinto at tuluyang nakita ko ang mga estudiyante ko naabala pa rin sa sariling mundo.
Napapailing na binuklat ko ang libro at nagsimula ng magturo.

Ganun pa rin sila Rhenier ay wala pa rin silang pakealam sa paligid. Nakakapagtaka talaga sa kanilang ginagawa. Natapos na rin ang klase kaya nagsilabasan na ang aking mga estudiyante. Lalabas na rin ako upang sundin sila Rheneir para malaman kong ano ba talaga ang kanilang ginagawa.

Mabagal ang mga lakad ko upang hindi nila ako mahuli. Napapakagat labi nalang ako ng madatnan ang kanilang pinuntahan. Nanglaki ang aking mga mata ng makita ang kanilang mga hawak. Kasing laki iyon ng isang pesong asin. Mga lima silang lalaki kaya kada isa ay meron sila.

Napasabunot nalang ako sa buhok ng malamang hindi iyon basta asin kundi isang klaseng droga. Ano bang klaseng kabataan sila? Mas nagtago ako sa isang pader para hindi nila mas mapansing nanonood ako. Mas nakakapagpigil galit ang kanilang ginagawa nilalagay nila iyong droga sa may kutsara at pinapatunaw ito gamit ng kandila. Pagkatapos ay aamoy-amoyin.

Gusto ko ng umatras sa kinatatayuan ko at umalis. Ngunit bago pa ako umalis nanigas ako sa kinatatayuan ng may bumulong saaking tainga na malamig na boses.

"Careful Ms. Morelos" Nang marinig ko ang tinig ay mas lalo akong nanglamig. Dahan-dahan ko iyon nilingon. Napakagat labi ako ng makitang si Mr. Principal ay marahas na nakatitig saakin.

"M-mr. Principal, a-ano pong ginagawa niyo dito Mr. Principal?" Nanginginig na aniya ko dito. Napatampal nalang ako sa noo na baka ilusyon nanaman ito. Hinawakan ko ang pisngi ng Principal at mahinang pinisil iyon. Baka hindi nanaman ito totoo.

"Damn, what are you doing?" Kaagad ko namang binitawan ang pisngi nito. Nang makitang kaya na niya akong patayin sa klase ng tingin nito

"Mr. Principal, y-yung mga estudiyante ko" Nanginginig na sabi ko. Halos hindi ko na kayang pigilan ang sariling hindi mapaluha. Hindi ko naman gusto ang nagyayari sakanila gusto ko lang maging mabuting guro sakanila.

Kaagad ko naman pinunasan iyon. Tiningnan ko ulit si Mr. Principal na nakatitig saakin na walang emosyon. Pinunasan ko ang aking mga luha at tumingin sa harapan na ngunot ako ng makitang wala si Mr. Principal sa harapan.

Gusto ko nalang sabunutin ang sarili sinasabi ko na nga ba ilusyon nanaman ito. Napapitlag ako ng makarinig ng tunog ng baril kaagad ko naman iyon hinanap.

Nanigas ako sa kinatatayuan ng makitang wala ng buhay ang limang estudiyante sa harapan ko. Mas nanglamig ang mga kamay ko ng makitang si Mr. Xalvalde ang may hawak ng baril na iyon. Saan ba dapat ako mag careful sakanila o sa'yo Mr. Principal?

Continue Reading

You'll Also Like

206K 10.4K 89
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
Cry-Baby By Criss

Teen Fiction

3.1M 102K 30
I wiped my eyes once again to see deep piercing green ones looking down at me. More tears came as I saw the root of my anger, and I stood up pushing...
189K 4.6K 29
stiles stilinski had childhood trauma and signs of delusions and schizophrenia were seen in the boy. but as he got older everyone thought it went awa...
4.7M 253K 34
Those who were taken... They never came back, dragged beneath the waves never to return. Their haunting screams were a symbol of their horrific death...