Jersey Number Eleven

By xelebi

2M 81K 35.7K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. More

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

13

32.6K 1.2K 433
By xelebi

• 🏐 •

At dahil nanalo kami laban sa Westmore, syempre tutuparin ko iyong pinangako kong libre kay number eleven. Ayaw pa nga niya no'ng una pero pinaalala ko na may deal kami. Hindi ko nga alam kung nahihiya lang ba si MVP o baka naman iniisip niyang wala akong pera panlibre sa kaniya.

Pero kahit ano pa iyon, hindi ako papayag na hindi siya i-treat lalo na ngayong sobrang saya ko pa rin na nanalo kami sa Westmore after 3 long years. Wala na akong pakialam kahit team B nila ang natalo namin. A win is a win, 'no. May feeling din kasi ako na baka last win na namin iyon sa kanila, e.

Sabi kasi ni coach na baka bigla nilang ipasok ang ibang member ng team A nila sa lineup lalo na't palapit na ang semifinals.

Pero syempre kahit sino pa iyan, go Creston U pa rin!

One game at a time.

Hanggang makarating sa finals and hopefully makuha ang championship.

Malaking boost kasi iyon sa team sa pagpasok ng mismong season. Pero at the same time, nakakatakot manalo sa mga off-season tournaments. May sumpa raw kasi.

Kung sino ang mag-champion sa off-season, e, hindi magcha-champion sa in-season.

At iyon ang nangyari sa Easton. Sila ang reigning champions ng off-season pero alam ng lahat na silver medal lang sila no'ng in-season na. At wala pang nakaka-break ng sumpa na iyon.

Sana Creston na.

kaireyes: Dito na ako.

Inagahan ko ang punta rito sa meeting place namin ni number eleven. Dito pa rin sa may waiting shed na nasa tapat lang mismo ng main building ng Westmore University.

Naupo muna ako saka nanood lang ng mga rabbit video sa IG. Nang ma-satisfy ay in-open ko naman iyong front cam ng phone ko para tignan kung okay pa iyong hitsura ko.

Nadala kasi ako no'ng una kaming nagkita ni number eleven, e. Posturang postura siya tapos ako madungis. Kaya nag-effort talaga akong magbihis ngayon. White shirt na pinatungan ng dark brown na plaid long sleeved polo. Hinayaan kong nakabukas lahat ng butones. Tapos maong pants at black Converse. Nagdala na rin ako ng maliit na sling bag para sa cellphone at wallet ko.

Inasar pa nga ako kanina ni Jerome bago umalis na may ka-date daw ako. Pinipilit niya pa rin iyong idea na may girlfriend ako. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang isipin.

Aalis lang, may ka-date na agad?

Hindi ba pwedeng kakain lang kami ni number eleven?

"Ay number eleven!"

Napatalon ako sa gulat nang biglang may bumusina sa harap ko. Pagtingin ko ay may kulay dark blue na sasakyan doon. Nakababa na ang bintana at napatayo ako nang makita sa loob no'n si number eleven!

Wait, siya ba iyon? Naka-kotse siya?

Kumurap ako. Oo nga... naka-kotse nga siya! Marunong pala siyang mag-drive.

Alam kong rich kid si number eleven pero bakit may dala siyang sasakyan? Saan ba balak kumain nito? Hindi niya pa kasi sinasabi sa 'kin, e. Tinanong ko siya kagabi pero isang maikling secret lang ang sagot niya. Pa-suspense pa si MVP.

Ngumiti siya nang magkatinginan kami saka sumenyas na pumasok na ako. At kahit medyo naguguluhan, e, sinunod ko siya.

Pagkaupo ko sa passenger seat ay may inabot siyang iced coffee. Naks! May pa-kape!

"Good morning," bati niya.

"Good morning," bati ko rin. "Thank you sa kape," sabi ko saka nilibot ang tingin sa loob nitong sasakyang dala niya. Sa kaniya kaya 'to? Ang ganda, e. Ang linis pa tapos mabango rin. Hindi nakakahilo iyong amoy.

"Seatbelt, please."

"Ay, oo nga. Sorry," sabay suot ko ng seatbelt. "Ang ganda ng kotse mo. Ay, wait, sa 'yo 'to, 'no?"

Ngumiti si number eleven. "Yeah. Got this from my parents for my 18th birthday."

Napatango-tango ako. Rich kid talaga! No'ng nag-eighteen ako, sapatos ang regalo sa 'kin nina mama't papa, e.

"Ready to go?"

"Wait," sabi ko kasi medyo nabibilisan ako sa mga nangyayari. "Sa'n pala tayo pupunta?" Tanong ko kasi ang akala ko ay diyan lang kami sa malapit. Nag-assume na ako na sa malayo kami pupunta kasi para saan 'tong sasakyan niya kung sa kanto lang kami kakain?

"Tanay."

"Tanay? As in Tanay, Rizal?"

"Yes. Okay lang ba?"

"Okay na okay! Basta hindi Thailand."

Natawa si number eleven at nagsimula nang mag-drive. Sa totoo lang, na-excite ako. Hindi ko na lang masyadong pinahalata kasi baka isipin ni number eleven na ang ignorante ko masyado.

Actually, first time kong makakapunta sa Tanay. Ang tagal ko na ring gustong pumunta ro'n pero hindi lang matuluy-tuloy kasi busy at wala ring kasama. Ang dami ko kasing napapanood na mga vlogs tungkol sa do'n lalo na iyong mga overlooking views at kainan. Pero syempre, wala pa ring tatalo sa Baguio.

Nilingon ko si number eleven na nakatingin ngayon sa kalsada. Buti na lang talaga ay maayos ang damit ko ngayon. Paano ba naman kasi, ang lakas na naman ng dating niya sa suot niyang white polo shirt. Ang linis niya tignan tapos binagayan pa iyon ng clean cut niyang buhok.

Nakaka-intimidate sa totoo lang.

Napatagal yata ang tingin ko sa kaniya kaya lumingon siya sa 'kin. Saglit nga lang kasi nagda-drive siya. Napansin ko ring namula iyong tenga niya. Baka nilalamig?

"Magkano pala 'to?" Inunahan ko na siyang magsalita.

"Hmm?"

"Itong iced coffee. Magkano?"

"Oh. It's okay."

"Anong okay? E, 'di ba ako ang taya ngayon? Mag-aambag din ako sa gas. Malayo ang Tanay, 'di ba?"

Natawa siya saka ako nilingon.

"Kai, just relax, okay?"

Pero hindi ako natinag sa kaniya. Ilang minuto rin yata kaming nagtalo kung sino ang manlilibre. Pasalamat talaga 'tong si number eleven at hindi pa gano'n kakapal ang mukha ko. Sa huli, ako ang nanalo.

"Congratulations again on your win," sabi niya nang huminto kami sa red light.

Napangiti ako nang malaki. "Salamat. Buti hindi ka galit."

Kumunot ang noo niya. "Why would I be mad?"

"Kasi natalo iyong school mo?"

"It's alright. Losing is part of the game. Besides, I was actually rooting for you to win so..." nagkibit balikat siya.

Natawa ako pero at the same, e, natuwa na malamang kami ang gusto niya manalo. Coming from MVP iyon, a! O baka sinasabi niya lang iyon kasi kasama niya ako ngayon.

"Totoo?"

"Yeah," tumango siya na para bang proud siya sa sinabi niya.

"O sinasabi mo lang iyan kasi ililibre kita?"

"No. Really. I wanted you to win," sagot niya saka ako nilingon. Nagkatinginan kami. "I always want you to win, Kai."

Unti-unting nawala iyong ngiti ko.

Hindi ko alam kung ako lang ba iyon pero may kung ano sa mga mata niya nang magtama ang tingin namin. Seryoso lang naman siyang nakatingin sa 'kin pero... may iba, e.

Iyon na naman iyong... hindi ko ma-explain.

Parang... no'ng sinabi niya na pwede naman daw kaming magkita kahit anong oras ko gusto... na for some reason ay hindi na nawala sa isip ko. Hindi ko lang masyadong iniisip kasi... para saan?

Buti na lang ay nag-green light na kaya nagkaroon ako ng excuse na pasimpleng mag-iwas ng tingin. Umandar ulit kami at nilipat ko ang mga mata ko sa labas. Napapakurap sa mga establishments na dinaraanan namin ngayon.

Ewan ko pero biglang... may something.

Tumikhim ako para mawala iyong something. "Lagot ka sa teammates mo 'pag nalaman nilang kami ang chini-cheer mo no'n."

"I think mas lagot ako kung hindi kita ichi-cheer."

"Ha?" Kumunot ang noo ko.

Ngumiti lang si number eleven saka nag-focus na ulit sa pagda-drive. Ewan ko pero bigla akong may na-realize. Ang ganda pala talaga ng smile niya sa malapitan-

Shit... iyon na naman iyong something!

Napailing ako sa naisip saka lumingon ulit sa labas. Umayos ako ng upo lalo na no'ng may naramdaman akong malikot sa loob ng tiyan ko. Uminom ako ng kape para sana mawala iyon pero mas lalo lang lumala.

Tsk. Mukhang tinatawag pa yata ako ng kalikasan.

Continue Reading

You'll Also Like

297 60 11
The sinking ship represent Leiro Dewey Salazar's life, he always see his life as battleship fighting his own unpredictable waves, but when his ship s...
149K 2.7K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
33.3K 1.7K 76
ONLINE LOVE DUOLOGY #1 An Epistolary (Chat Fiction) Landiang nabuo't nagsimula online, mauuwi kaya sa totohanan?