21

32.2K 1.3K 634
                                    

• 🏐 •

Wala sa sarili akong bumalik sa dugout habang hawak iyong binigay ni number eleven na bouquet ng chocolates. Namamalayan ko na lang na nasa earth pa ako kapag may nakakabanggaan ako sa paglalakad. Ilang beses akong nag-sorry pero parang hindi ako nadadala kasi balik agad ako sa pagtulala.

Pero sino ba naman kasi ang hindi mawawala sa sarili kapag iyong taong gusto mo, e, unexpectedly kang binigyan ng bouquet ng isa sa mga pinakapaborito mo?

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

Binigyan ako ni number eleven ng chocolates.

With S! Plural! Not just one but more than one chocolate!

At hindi lang basta chocolate! Bouquet ng chocolates na magandang naka-arrange!

Tinignan ko ulit iyon. Parang mapupunit na iyong bibig ko kasi hindi ko talaga mapigilan na mapangiti. Grabe... parang first time ko ulit kiligin. Kailan ba iyong huli? Hindi ko na matandaan.

Grabe ka na talaga, MVP.

"Chill, Kai," bulong ko sa sarili. "Iyong puso mo."

Huminga ako nang malalim. Hindi talaga siya healthy para sa 'kin. Literally and mentally. Literally kasi ang dami niyang binigay na chocolate at hindi ko ko alam kung paano uubusin iyon. Mentally... kasi nagsisimula na akong mag-overthink.

At ayoko i-overthink ang mga bagay, bagay, 'di ba? Pero hindi ko na mapigilan.

Kasi... bakit binigyan niya ako ng ganito?

Alam ko namang friends na kami kahit wala namang verbally agreement sa pagitan naming dalawa. Babatukan ko talaga siya kapag hindi pa kami friends sa lagay na 'to. Pero at the same time, e, napapaisip talaga ako kung ganito ba talaga kapag friend niya? Nagbibigay rin ba siya ng ganito sa iba niyang friends? Isa ba 'to sa mga privileges kapag kaibigan mo siya?

Baka kasi... alam mo iyon... hindi naman pala ako ang una na binigyan niya ng ganito... na itrato nang ganito...

Sabi niya friends din sila ni Nica Guerrero.

Nakatanggap din kaya siya ng chocolates galing kay number eleven? Dinala din kaya siya sa Tanay? Nililibre ng ice cream? Pinapadalhan minsan ng pagkain at iced coffee? Binibigyan ng encouraging words kapag dina-doubt mo iyong sarili mo?

Gano'n din kaya kabait si number eleven sa kaniya?

Kasi... baka ako lang ang nag-iisip na... special ako.

Wait.

Bakit ba kasi iniisip ko na magiging special ang trato sa 'kin ni number eleven? Umaasa na ba ako na... pareho kami ng feelings?

Na gusto niya rin ako?

Mabilis akong umiling. Kinilabutan din ako sa mga tumatakbo ngayon sa isip ko. Grabe, Kaizen! Binigyan ka lang ng chocolates, e, tumitindi na ang mga ilusyon mo? Hindi ba pwedeng gano'n lang talaga si number eleven? At nasa 21st century na tayo. Pwede na ngayon magbigay ng chocolate sa kaibigan, 'no. Oo, tama. Pwede na iyon kaya hindi ko dapat lagyan ng malisya kahit puro malisya na lahat sa part ko.

Kaya ikalma mo, Kai.

Imposibleng may gusto iyon sa 'yo. Tamang motivation mo lang si number eleven. Happy crush lang...

Imposible ba talaga?

Oo, imposible!

O baka indenial ka lang kahit halata namang gusto ka rin niya?

Gusto niya rin ba ako? Posible ba talaga iyon? Ako kasi, gusto ko talaga siya pero... hindi! Imposible talaga!

Oo nga, Kai. Posible. Binigyan ka nga ng chocolate, e. Ikaw ba, bibigyan mo ng bouquet ng chocolate, for example, si Jerome? Hindi, 'di ba? Unless gusto mo siya-

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon