Adonis

By mayflores430

19.7K 866 94

Kinakabahan si Donnar kapag nalalaman niyang may babaeng nagkakagusto sa kanya. Iniiwasan niya ang mga ganoon... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Epilogue

Chapter Nine

940 44 1
By mayflores430

Chapter Nine

Adonis

IYON ang gabi ng ringhop at ako ang escort niya. Napakaganda ni Atalanta. I knew she was tensed. Huli siyang dumalo sa isang party five years ago pero alam kong kaya ng kapatid ko ang maki-socialize. Ito rin ang unang beses na hindi ko siya nakitang naka-goth outfit. She was wearing a light blue long gown. She looked very amazing.

"Relax. Everything will be fine," sabi ko sa kanya habang sakay kami ng kotse patungo sa hotel na gaganapan ng ringhop.

"Kinakabahan ako eh."

"You're beautiful." She smiled at me.

Nakarating kami sa hotel. Nakaabrisite si Lan sa akin habang papasok kami sa loob. Napapabaling ang lahat ng nakakakita sa amin, napupuno ng paghanga. We actually looked like a couple dahil nga sa magkaiba kami ng hair color.

"Lan! Kuya Donnar!" tawag ni Raphael sa amin. Hinihintay niya kami sa labas ng ball room na gaganapan ng ringhop. Raphael was wearing a black tuxedo. Nilapitan niya kami.

"Kanina ka pa?" tanong ni Lan sa nobyo.

"Hindi naman. Kasama ko sina Daddy at Mommy."

"Puntahan na natin sila," sabi ko. Pumasok na kami sa ball room. Mukhang pinaghandaan talaga ang nasabing okasyon para sa mga ga-graduate. Everyone was in their formal attire, mapa-estudyante man o professors.

"Good evening, Mr. and Mrs. Larriega," bati ko sa mga magulang ni Raphael nang makalapit kami sa mesa ng mga ito. Tumayo ang ama ni Raphael at nakipagkamay sa akin.

"Good evening, Mr. Bradford."

"Good evening po," bati ni Lan sa mga ito. Nakipag-beso-beso si Lan sa mommy ni Rap saka nagmano sa daddy ng boyfriend nito.

"Ang ganda mo, hija!" Raphael's mom exclaimed.

"Salamat po."

We joined the Larriegas at the same table. Kanya-kanya kami ng usapan. I am talking to Don Paeng while Lan was talking to Raphael and his mom. Kahit na may kausap ako, hindi ko pa rin mapigilang isipin kung nasaan na si Missy. Hindi ko pa siya nakikita.

After few minutes, the programme started. The candidates for graduation together with their respective parents and guardians did the processional entrance. Sumunod sa amin ang mga professors, deans at ang panghuli ay ang mga guests. Present sa nasabing okasyon ang best friend ni Raphael na si Gary at sumama sa table namin. Hindi ko pa rin makita si Missy.

Naging napakaganda ng formal dance nina Lan. My sister looked very happy dancing with Raphael. Nakatoka naman akong kumuha ng video ng formal dance presentation nina Atalanta. Utos iyon nina Mama at ng mga kapatid ko.

"Your sister is very beautiful," sabi ni Mrs. Larriega sa akin.

"Thank you, ma'am."

"They look good together," Gary commented. Raphael's parents agreed. "Sandali, dapat kasali si Missy sa sayaw na 'yan pero hindi pa siya dumadating."

I began to worry. The last time we talked, she was very excited to attend the event. Ngayon niya raw ipapakita sa akin ang listahan ng mga gusto niyang gawing happy memories kasama ako. Matapos ang formal dance ay may nagsalitang guest speaker kaya nag-excuse muna akong magbabanyo pero ang totoo ay lumabas ako ng ball room.

Naglakad-lakad ako sa labas ng venue, nagbabakasakaling makita siya. Napunta ako sa balconies ng hotel and I was happy and amazed to see her there. Nakasandal siya sa isang malaking column at nakatingin sa labas ng hotel. She was wearing a pink long gown. She looked like a princess ready for a dance.

"Mississippi!" tawag ko sa kanya. Agad siyang napatingin sa gawi ko.

"Donnar?" gulat niyang tanong. Nilapitan ko siya. Ilang beses siyang napakurap. Siguro nanibago siya dahil naka-tux ako na black at nakatali sa likod ang may kahabaan kong buhok.

"You look very handsome," astounded niyang sabi.

"Thanks. Halika na. Malapit ng magsimula ang ringhop ceremony," yaya ko sa kanya. I held her hand pero tila ayaw niyang sumama. "May nangyari ba?" I asked her.

"Ako lang ang walang guardian doon."

"Kung wala kang guardian, I'm here."

"Donnar..."

"What would be the title of this moment?" tanong ko sa kanya, trying to cheer her up.

Sandali siyang natigilan at nag-isip. "When Donnar became my guardian." Natawa ako. Ngumiti na siya. May kinuha siyang papel mula sa dala niyang handbag. Iniabot niya iyon sa akin. Napangiti ako nang mabasa ko ang mga nakasulat doon.

"These are nice memories to make," sabi ko.

"Really?"

"Yeah." May nabasa akong nakakatuwa sa listahan. "Hindi ka na nakasali sa formal dance presentation."

"Oo nga eh," she was sad by the news. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang mag-bow ako sa harap niya saka inilahad ang aking kanang kamay.

"May I dance with you?"

"What! Here?" napalingon-lingon siya sa paligid. "Hoy, wag kang ganyan –" napasigaw siya nang abutin ko ang kanyang kamay at maingat na hapitin ang kanyang bewang. Pareho na kaming natatawa habang nagsasayaw ng waltz sa balcony.

"What's the title of this moment?" tanong ko sa kanya habang nagsasayaw kami.

"When I danced with Donnar," she smilingly answered. "In the hotel's balcony," dagdag niya na tumatawa. "Thank you, Adonis Narcissus."

"I promised to make happy memories with you, right?"

Ilang minuto kaming nagsayaw doon, hindi alintana ang mga makakakita sa amin. Pagdating sa kaligayahan ng babaeng ito ay nawawalan ako ng hiya. Mas mahalaga sa akin na mapangiti siya at mapasaya, de bale ng magmukha akong nakakatawa at corny.

Natigil kami sa pagsasayaw nang mag-ring ang cell phone ko. I answered it.

"Donnar, where are you? The ceremony is about to start," tinig iyon ni Lan. Agad ko ng hinila pabalik sa venue si Missy. Laking tuwa nina Lan nang makita si Missy. She joined our table. Ayaw pa sana niya pero napilit siya nina Lan at Raphael.

"Kuya, may sasabihin ako sa'yo," sabi ni Gary sa akin saka may ibinulong at sekretong iniabot. I smiled and nodded. Nag-thumbs up ako at tinanguan ang parents ni Raphael.

Nang magsimula ang ringhop ceremony, isa-isang tinawag ang mga candidates for graduation. Napansin kong tensed si Missy. Oo nga naman, walang guardian na dumalo para sa kanya. Nang tawagin ang pangalan niya ay tumayo ako at inilahad ang aking kamay sa harap niya. She was shocked yet she held my hand and went with me on the stage.

"Wala sa akin ang college ring ko. Hindi ko pa nakukuha," nag-panic siya pero 'di ko pinansin. I took her college ring from my pocket. Iyon ang iniabot sa akin kanina ni Gary.

Nagulat siya nang makitang nasa akin iyon. "How did you –"

"I have connections."

Isinuot ko sa left middle finger niya ang kanyang college ring. Everyone applauded pero narinig ko na may kasamang panunukso ang ilan lalo na mula sa mismong table namin.

"Congratulations," I whispered. She smiled pero naiiyak. Bumalik kami sa aming mesa. Maya-maya pa ay tinawag na si Lan pero sa halip na ako ang sumama sa kanya patungong stage, it was Raphael's dad who escorted her. Nagulat din si Lan sa changes na iyon pero sumama naman. Palihim kaming nag-high five ni Gary. Actually, it was Raphael's dad who requested it and I agreed. Umugong ang masigabong palakpakan at hiyawan mula sa audience. Alam yata ng lahat ang kaugnayan ni Lan sa pamilya ni Larriega at kung makakasal nga ang dalawa in the future, wala ng magiging problema sa pagkilala sa isa't isa.

"Very touching," Missy said while looking at Lan and Raphael's dad. Her eyes were happy with a glimpse of loneliness. Naiisip niya marahil ang kanyang parent na hindi nakadalo sa ringhop. I held her hand. I love the warmth of her hand. Ramdam ko rin ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

Nang si Raphael ang tawagin ay mommy nito ang nag-escort rito. Over all, naging memorable ang gabing iyon para sa lahat.


AFTER few days.

Nagmamadali akong lumabas ng silid ko. It's weekend at may importante akong lakad. Pagbaba ko ay nakita ko si Lan malapit sa fountain. Doon ito nagbabasa.

"Good morning, Lan."

"Good morning, Donnar. May lakad ka?" Tumango ako. "With Missy?" Mahirap namang

magsinungaling kaya tumango ako. "I'm glad that you're making each other happy pero ano ba ang real score?"

"Honestly, I don't know. What matters to me now is that we enjoy each other's company. I love being with her," pag-amin niya. Tumango-tango si Lan.

"Diyan kami nagsimula ni Raphael."

"Lan, anuman ang kahihinatnan ng feelings ko ngayon para kay Missy, sisiguraduhin kong hindi ko 'yon itatago sa inyo. I'll tell you."

"I'm happy for you, Donnar."

"Thanks. Bye, sis." I kissed her on the cheeks saka lumabas ng bahay. Hindi ako nagdala ng kotse. Nag-taxi ako patungo sa tagpuan namin ni Missy, sa isang park. Nang dumating ako doon ay naroon na siya. Blouse na pink, pedal shorts at sneakers ang kanyang suot. Ang wavy niyang brownish hair ay naka-ponytail sa gilid ng kanyang ulo. She brought a cute backpack na kulay pink din. She's very cute.

"Donnar!" her eyes sparkled when she saw me. "Ang gwapo mo!"

I just smiled as a response to her compliment. Kahit na yata ano pa ang gawin ko eh sasabihan niya pa rin ako ng ganoon. I was wearing a white t-shirt, jeans and sneakers. I pony-tailed my hair and wore a bullcap. Medyo mainit kasi and until now, 'di pa rin ako sanay sa level ng init sa Pilipinas.

"So what's our first nice memory for today?" I asked. Ngumisi siya at hinawakan ang kamay ko. Nagpahila naman ako. This day, I'll make as many nice memories as I can with her. Buti na lang at hindi na ako gaya noong bata pa ako na madaling mapagod. Kung saan-saan kasi ako hinila ni Missy. Our first stop was sa kabubukas pa lang na ocean park. Dahil wala pa gaanong tao ay nakakapag-ingay kami, si Missy lang pala. Aliw na aliw ito sa mga isda at nagawa pa nitong makipag-selfie habang nasa likod nito ang isang pating. Nadamay siya sa selfie na pinag-gagagawa nito. Nanood pa kami ng dolphin show na ikinatuwa niya ng husto. Nang palabas na kami ng ocean park ay binilhan ko siya ng stufftoy na dolphin sa souvenir shop.

From the ocean park, we went to an amusement park. Wala yatang kapaguran ang babaeng ito. Kung saan-saang rides ako hinila. Ferris wheel, rollercoaster, carousel, bump cars at kung saan-saan pang rides na 'di ko alam ang pangalan. Bata pa ako nang huli akong makapasyal sa isang amusement park. Hindi naman ako takot sa heights pero mahilo-hilo ako sa dami ng rides na sinakyan namin pero si Missy? Sa limang magkasunod-sunod na rides ay hindi man lang nakaramdam ng pagkahilo. Nagutom lang.

Ibinili ko siya ng hotdog at cotton candy. Habang kumakain kami ay nakatingin siya sa horror train kaya may ideya na ako kung ano ang gusto niyang isunod na ride. Pagkatapos kumain ay nagpunta agad kami sa horror train.

Hindi ako natakot sa horror ride na iyon pero nabasag yata ang eardrum ko sa sigawan ng mga kasama ko roon lalo na si Missy na sa simula hanggang sa huli ay panay ang tili at ang higpit ng hawak sa balikat ko. Kung meron man akong ikinatuwa ng husto sa ride na iyon ay nang biglang may lumitaw na zombie kunwari at pinagsasampal ni Missy. Ang lakas ng naging tawa ko. Kung totoong tao iyon, baka namaga ng husto ang mukha no'n dahil sa lakas ng mga sampal ng babae. Sana lang hindi 'yon totoong tao na naka-make-up lang.

Namumutla si Missy nang matapos ang horror ride pero natatawa pa rin ako.

"You're making fun of me," nakalabi niyang puna.

"No. I just pity the zombie man inside."

"Nakakatakot ang mukha niya eh." Napapailing na lang ako. "Sandali, bago tayo umalis eh mag-selfie muna tayo," sabi niya sabay kuha sa kanyang cell phone. Nag-selfie nga kami. I brought her a key chain from the amusement park.

From the amusement park ay nagtungo kami sa isang park na talaga. Nakakita kami doon ng kalesa kaya hindi na kami nagdalawang–isip pa. We rode a kalesa all around that big park. Selfie dito at selfie doon ang ginawa ni Missy. Pati ang kutsero ay hindi nakaligtas sa selfie queen. Kinulit ni Missy ang mamang kutsero na pasubukin siyang magpatakbo ng kalesa. Nang si Missy na ang nagpapatakbo sa kalesa ay kinunan ko siya ng mga pictures. Nagawa pa nitong mag-selfie habang nagpapatakbo.

Hindi ko kayang i-enumerate lahat ng kalokohang pinaggagagawa ng babaeng ito. Mas gusto ko na lang siyang tingnan na masaya. Kung saan niya ako hilahin, game ako. I already conditioned myself that for a month, I will be this lady's companion.

During weekend kami mas nakakagala pero kapag weekdays ay 'di gaano kaya naman I always looked forward to the weekends. Kung itatanong niyo ang feelings ko, masaya ako. Habang tumatagal, nakakasanayan ko na ang presensya niya sa buhay ko. Hindi man namin pinag-uusapan ang nalalapit naming paglalayo, I know she dreaded that day but I know she's prepared. I already conditioned myself about that day, too.


A NIGHT before graduation ay inimbita ako ni Missy sa isang dinner. It was in a restaurant. Konti lang ang tao at may maliit na stage na may nagpi-piano. And since iyon ang huling gabi na makakasama ko siya, nakakaramdam ako agad ng 'di maunawaang lungkot. Hindi pa nga siya umaalis eh nami-miss ko na siya.

"Thanks," sabi niya sa akin.

"What for?"

"For everything that you've done for me. For all the wonderful memories."

She was very beautiful but her eyes were so lonely and sad. Madalas kong mapansin ang ganoong expression sa mukha niya kahit na nga ba nakangiti siya. I worried about it pero sa tingin ko, isa iyon sa mga bagay na alam kong hindi niya sasabihin sa akin.

Tumayo si Missy at nagtungo sa stage. Kinausap nito ang pianist. The pianist gave way and Missy sat on the pianist' seat.

"Good evening ladies and gentlemen," bati niya sa mga naroroon. Everyone's focus now was on her. "This is a very memorable night for me and for my special one but I can't tell him straight into his eyes what I really feel right now." Tumingin siya sa akin. "Let me tell you what I feel in this way."

And she began to play the piano. After a moment, I heard her singing.

Broken this fragile thing now and I can't, I can't pick up the pieces

And I've thrown my words all around but I can't, I can't give you a reason.

I feel so broken up, and I give up. I just want to tell you so you know...

Here I go, scream my lungs out and try to get to you

You are my only one I let go,

There's just no one that gets me like you do

You are my only, my only one...

Made my mistakes, let you down and I can't, I can't hold on for too long

Ran my whole life in the ground and I can't, I can't get up when you're gone

And something's breaking up. I feel like giving up

I won't walk out until you know...

She's telling me goodbye through that song. I can see the tears in the corner of her eyes yet she was fighting back her tears. Naikondisyon ko man ang sarili ko sa ideyang maghihiwalay kami pero hindi ako naging handa sa emosyong bumalot sa akin sa mga sandaling iyon.

Here I go so dishonestly leave a note for you my only one

And I know you can see right through me so let me go

And you will find someone

Here I go, scream my lungs out and try to get to you

You are my only one I let go,

There's just no one, no one like you

You are my only, my only one

I stood and went up the stage beside her as she finished the song. She was already crying.

"Donnar..." humihikbi niyang bulong.

"I will title this moment, the night I sang for Donnar," sabi ko sa kanya. Lalo lang siyang napaiyak. I cupped her beautiful face and kissed her lips. She kissed me back. I heard people applauding yet hindi na iyon ang mahalaga. I just want to kiss her and let her feel that I will really miss her.

But, this will not be the last time. I will surely find her.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 166K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2M 81K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.3K 106 44
Completed | ° Irisviel, was a teenager who choose to close the door and every opportunity to meet and be friends with other people. Was hopeless in e...
1.3K 63 35
In Greek mythology, Aphrodite is the goddess of love and beauty. Pero sa totoong buhay, ang Aphrodite, na kilala ng karamihan dahil sa pagiging DJ...