Chapter Seven

943 44 1
                                    

Chapter Seven

Mississippi

TAPOS na ang thesis at defense pero hindi pa rin tapos ang pakikibaka ko.

"Walang ibig sabihin ang holding hands na iyon," paliwanag ko habang nasa library kami ng school. Kasama namin ni Lan si Raphael at ang best friend nitong si Gary na ngayon lang rin namin nahagilap dahil sa sobrang busy. Napag-usapan na naman kasi ang tungkol sa umagang iyon na nakita ni Lan na magkahawak-kamay kami ni Donnar. Ilang linggo na iyong nakakaraan at mula no'n ay hindi ko pa nakikita ang lalaking iyon.

"Wala naman akong sinasabi na may ibig sabihin iyon," nakangiting sabi ni Lan.

"Wala ka ngang sinasabi pero ang ngiti mo meron."

"Missy, tanggap ko ng hindi mo na talaga ako crush," pati si Gary ay nakisali na sa panunukso. "Tanggap ko ng may bago ka na."

"Crush, crush pa rin kita."

"Pero mas crush mo si Kuya Donnar," patuloy na panunukso ni Gary. Natahimik kami nang makadinig ng tunog ng maliit na bell. Ibig sabihin, pinapatahimik kami ng librarian.

"Crush lang naman 'yon, no big deal," I whispered but audible enough to let them hear what I'm saying. "Kaya Lan, tigilan mo na 'yang ngiti mo na 'yan."

"Wala naman talagang ibig sabihin ang ngiti ko," Lan said.

"Kunwari pa 'to."

"Kung wala naman pala iyong ibig sabihin, bakit defensive ka?" pati si Raphael ay nanunukso na rin. Sarap pag-uuntugin ng ulo ng tatlo.

"Hindi ako defensive. Ayoko lang na nag-iisip kayo ng hindi tama."

"Okay," sagot ni Raphael pero kakaiba ang ngiti. "Siya nga pala Missy, tungkol doon sa ringhop at graduation ball -"

"Everything is fine regarding with the ringhop and graduation ball. Ako pa!" sabi ko. I wa the VP of the student council and Raphael was the president pero pareho na naming iniwan ang mga posisyon na iyon sa susunod na batch. Kaya nga lang, kailangan pa rin naming maki-cooperate sa mga bagong officers since para sa mga graduatings din naman ang mga pagtitipon na iyon. Doon ako pinakamahilig. I like to organize events.

"Thanks Missy."

"This time, hindi pwedeng hindi dumalo si Lan," sabi ni Gary.

"I will come," Lan assured us. Siyempre natuwa kami. The last time na may gathering sa school ay hindi dumating si Lan. Buong event naghintay si Raphael sa kaibigan na hindi talaga nagpakita. Pero dahil sa pangyayaring iyon din na-realized ni Lan ang halaga ni Raphael. And the rest is history. Masaya talaga ako para sa dalawang ito. Gagawin ko ang lahat maging memorable lang ang ringhop at graduation.

"Sino pupunta sa ringhop para sa'yo, Lan?" Gary asked.

"Donnar is the only one with me so he will come to our ringhop," sagot ni Lan. Si Pretty boy pala ang pupunta para kay Lan. "How about you, Missy? Is your mother coming to the ringhop?"

The question caught me off-guard. Bilis, Missy! Mag-isip ka ng matinong sagot!

"She's still in her carribean cruise," sagot ko.

"How about your dad?" Rap asked.

Nagkibit-balikat lang ako. "Baka si Gary na lang ang imbitahin ko," nakangisi kong sabi. They looked worried pero hindi nag-komento.

AdonisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon