Love Me Harder

By JFstories

46.3M 1.2M 486K

Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Mon... More

Prologue
KYO MONTENEGRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
// Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
//Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
EPILOGUE
Just a Bonus Chapter: After The Weddings
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 8

851K 26.2K 13.1K
By JFstories

Chapter 8

TOTOO BA ANG sinabi ni Lord K? RIP na raw si Ariel? I just can't believe it. I didn't see it coming. Parang kailan lang kasi ay bumubula sa laway ang kanyang bibig. At kahit galit ako sa kanya ay mabigat pa rin sa dibdib kong malaman na pinaslang sya.

"He's dead." Sabi pa ng binatang may magagandang mga mata sa harapan ko. "So, how come did you speak to him on the phone a while ago?"

Fine. Pero bakit nya ginawa iyon? He killed my BF on a second time around? At isa pa, tao iyon! Hindi iyon hayop na pwede nyang kitilin ang buhay kapag trip nya lang.

"B-bakit mo sya pinatay?" gumaralgal ang boses ko. "A-anong kasalanan nya sa'yo?"

Akala ko pa naman, may buti pa syang naitatago sa loob nya pero mukhang wala na pala talaga. Ang mamamatay tao, mamamatay tao na forever! He's a mortal sinner! Nagsayang lang ako ng laway sa mga pinagsasabi ko kanina! He's a hopeless case!

Pumaling ang kanyang ulo. "I see pain in your eyes." His jaw clenched. "Do you love him?"

Oo hindi ko mahal si Ariel pero tao pa rin sya. Tao pa rin na inalisan ng karapatang mabuhay sa mundo.

I stood up nang ilapag nya ako. Nakatingala ako sa kanya kaya nakita ko ang asul nyang mga mata na nagmamatyag sa akin. Wala syang ni katiting na idea kung paano nya ako nawasak. Hindi lang dahil pumatay na naman sya kundi dahil din sa realization na wala talaga syang pakialam sa nararamdaman ko.

"Why did you do that?" he asked. Pumamulsa sya after he took a deep breath. "I heard you. You act like you were speaking to him but you really not. Why?"

Ewan pero kusang naglandas ang aking mga luha. "H-hindi mo alam kung bakit?" lumapit ako sa kanya gamit ang mabibigat kong mga paa ay pinagsusuntok ko sya sa dibdib. "Kasi pinagseselos kita! Kasi gusto kong malaman kung espesyal nga ako sa'yo kaysa sa iba! Kasi..." bahagya akong napahinto. "Kasi... gusto kong maranasan... na maging... syota mo..."

Nakakahiya, napaamin nya ako. Nakakahiya, napaamin nya ako. But so what? At least napakawalan ko na ang nasa puso ko. Bet ko naman kasi talaga sya and I was hoping na baka bet nya rin ako since he's wasting his precious time on me. Umaasa rin ako na baka naman nang dahil sa pag-ibig ay magbago sya. Baka lang naman.

"Kasi..." unti-unting nanghina ang aking mga salita. "...I want you to love me..." pinamulahan ako. "...harder..."

Naman! Bakit may pahabol pang salita?

Iniwasan ko ang bughaw nyang mga mata. Hindi sya tumutugon sa mga nasabi ko sa kanya ngunit alam kong nakatitig lang sya sa akin.

Kainis! Wala man lang ba syang sasabihin?!

I can't take this anymore. Kailangan ko nang tanggapin na wala syang feelings sa akin. Hello? Wala naman talagang feelings ang isang murderer. Bakit ba umasa pa ako? Tanga lang? Hay, kahit kailan talaga ay malas ako sa lalaki. Promise after this, hindi na talaga ako magbo-boyfriend forever. Work-work hard na lang for the future tapos pag may paycheck na, gonna spoil my family and then travel-travel alone. Yeah, that's the new plan. Walang pasubaling nilampasan ko na sya at dumerecho ako palabas ng pinto. 

Nang makarating ang elevator na sinakyan ko sa ground floor ay sinalubong ako ng isang matangkad lalaki na may dilaw na buhok. The guy was wearing a black suit and black masquerade like Lord K. Dilaw ang kanyang kilay na kasing kulay rin ng kanyang mga ngipin nang bigla syang ngumiti.

"Dete pe eng deen, Mem..."

Slang?

Nilingon ko muna ang aking likuran bago ako sumakay sa isang koste kung saan nya ako iginiya papasok. Wala man lang bang balak si Lord K na habulin ako? Galit ako sa kanya, ah, kaya dapat aluhin nya ako.

Ah, whatever. Iba na nga pala ang plano. Kailangan ko na syang kalimutan at maging masaya and productive sa buhay. 

Pagpasok ko ng sasakyan ay nangasim ang aking mukha. Bakit amoy singit ang loob ng kotseng ito? 'Tas nagsalita pa itong lalaking madilaw ang ngipin. "Seen pe teye, Medem?"

Napangiwi ako. "S-sa amin..."

Natawa sya nang may pagbuga.

What the heck?! Bakit amoy labanos ang kanyang hininga?!

Maige na lang at pinaandar na nya ang sasakyan. Kamuntik ko na kasi syang masepilyuhan. FS kasi, ang kapal ng tinga nya! Iyong tipong kailangan mo talagang magpigil sa paghinga kapag kausap mo sya.

FS means Fuckshet nga pala.

Tumunog ang CP ko. Napalunok ako nang makita sa screen ang pangalan ni Bonux, ate ni Ariel.

"H-hello..." sa huli ay sinagot ko ang tawag ng nasa mid-30's na kapatid na babae ng ex-BF ko.

"Ruby, si Ariel kasi..." aniya sa kabilang linya. Basag ang tinig nya.

"A-ate, punta na lang po ako sa inyo." Pagkasabi ko ay ibinaba ko na ang telepono. Bumaling ako sa driver na dilaw ang buhok at kilay. "Sir, dyan na lang ako sa tabi..."

"Just tell me where the place is and let me take you there." Inihinto nya ang minamanehong kotse. "Ibenelen ke seken ni Lerd Ke..."

"Sege, peenderen nye ne kese nehehele ne ke..."

...

I WAS SHIVERING nang makarating ako sa malawak na bakuran nila Ariel. Dito ako nagpahatid sa mismong bahay nila. Hanggang ngayon ay kabado pa rin ako habang naglalakad patungo sa pinto. Paano ko ipapaalam kay Ate Bonux at sa pamilya nila na ako ang dahilan kung bakit namatay ang si Ariel? Ako ang may kasalanan kung bakit sya pinatay ni Lord K.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ng up and down nilang townhouse ay huminga muna ako nang malalim. Akma pa lang akong kakatok nang bumukas ang pinto. My eyes widened sa nasaksihan ko.

"Surprise!" sigaw ni ate Bonux. Nasa likuran nya si Ariel na kasisigaw lang din.

"A-Ariel?" napanganga ako.

Lumapit sa akin si Ariel na may matamis na ngiti sa mga labi. Ang napaka-guwapo niyang mukha ay masayang-masaya.

"Happy monthsary, Ruby." May hawak pa siyang bulaklak. "Gusto kong bumawi sa'yo."

Samantalang ako ay hindi makapaniwala. Akala ko kasi ang kabaong nya ang madadatnan ko rito sa kanilang bahay. Pero heto sya at makulay ang laway. "A-ah..."

"Will you forgive me?"

"A-akala ko..." kandautal ako.

"Akala mo ano? Na nakalimutan ko?"

"Ha?"

Humawak sya sa aking kamay at inilagay doon ang mga roses. "I'm sorry..."

Wala akong masabi kundi ang mapatanga sa kanya. I thought he was killed by Lord K. Then what the hell is the meaning of this. Niloko lang ako ng lalaking iyon? Anong dahilan at ginawa nya iyon? Para ano? Para ba -

Shet!

Napapikit ako. Hindi ko alam pero napangiti ako.

"Okay na tayo?" napahagikhik si Ariel. Akala naman nya ay sya ang dahilan ng pangngiti ko.

Yari sa akin ang pogi na iyon. He told me that para paaminin ako? Grrrrr! Malilintikan talaga sya sa akin.

Tumalikod ako at umibis palabas ng pinto. Hinabol naman agad ako ni Ariel. "Saan ka pupunta, mahal ko?" talsikan ang laway nya.

I closed my eyes bago ko sya nilingon. "S-sorry..."

"A-anong sorry?"

"A-ayoko na, Ariel."

Bumagsak ang panga nya.

Huminga ako nang malalim. "Pinatawad na kita sa ginawa mong pang-iiwan sa akin sa liblib na daan sa gitna ng madilim na gabi. Pinatawad na rin kita sa paninigaw mo at sa pagpaparamdam sa akin kung gaano ako kawalang kwentang girlfriend dahil hindi ako pumayag na makipag-do sa 'yo. Pinatawad na kita." Ngumiti ako sa kanya. "Kaya sana mapatawad mo rin ako dahil ayaw ko na. Ariel, salamat sa lahat pero tapusin na natin ang relasyong ito dahil ang totoo, sa simula pa lang, ibang lalaki na talaga ang tunay na minamahal ko." 

Ayaw ko na syang tingnan. Tuluyan ko na syang tinalikuran at mabilis na lumabas ng kanilang gate. Lucky me dahil naroon pa rin ang sasakyan ng lalaking may dilaw na buhok at kilay. I entered his car nang nagmamadali.

Binuhay nya ang makina. "Seen teye, Medem?"

"Delhen me ekey key Lerd K..."

...

PAGKABABA KO NG koste ay tumuloy agad ako sa elevator. Pagdating ko sa itaas ay pumasok ako sa pulang pinto kung saan naroon si Lord K. Hayun sya at nakatalikod na mukhang abala sa kopitang kanyang sinisimsim.

This bastard! Pagkakataon ko na ito para atakihin sya.

I took off my shoes at saka mahinay na lumakad palapit sa kanya. Alam ko naman na hindi nya maririnig ang paglalakad ko dahil wala ng sapin ang aking mga paa.

Nang abot kamay ko na sya ay bumwelo ako upang pektusan sya. Target kong hampasin ng palad ko ang kanyang batok nang makabawi naman ako sa kanya.

I was about to strike at him nang mapahinto ako. Maging ako ay hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko sya kayang saktan.

"Why did you stop?"

Napatalon ako sa gulat nang magsalita sya nang hindi ako nililingon.

So, alam nya? Ang talas naman ng pakiramdam nya!

"Go on." Utos nya matapos nyang iangat ang kanyang kopita. "Hit me as long as you want." Nagsasalita sya nang hindi ako nililingon.

Napaatras ako. "B-bakit mo ginawa iyon? Bakit mo ako niloko? Sabi mo pinatay mo si Ariel. Eh, bakit hayun at buhay na buhay na naglalaway? "

Wala syang imik sa pagkakaupo na para bang wala ako sa paligid.

"Dahil ba gusto mo lang akong paaminin?" pinamulahan ako. "Dahil ba gusto mo lang magmukha akong tanga sa harapan mo?"

He's still not answering.

Nag-ulap ang paningin ko. I don't know kung bakit nasasaktan ako. "Dahil ba wala kasi akong experience pagdating sa kama kaya masarap akong pag-trip-an? Dahil ba kasi wala akong alam sa sex kaya masarap akong paglaruan?"

He's just sitting.

"After nito, ano? Mawawala ka na naman? Tatawagan mo na namna ako para magpaalam?"

I heard his sigh habang nakatalikod sya sa akin.

"Lord K naman..." pinunasan ko ang aking mga luha. "Tao rin ako at marunong masaktan. May kahihiyan din ako na kailangan kong ingatan..." napahagulhol na ako. "You're so unfair, eh." Napahikbi ako. "P-paano na ako ngayon? N-nasabi ko na sa'yo ang nararamdaman ko, paano na ko nito? N-naiinis tuloy ako sa'yo, anong gagawin ko?"

"Nothing." Tipid nyang sumagot.

"Ha?"

Tumayo sya at humarap sa akin. He walked towards me sanhi para maamoy ko ang mabango nyang amoy. He's wearing a fitted shirt again kaya nakahubog ang maganda nyang katawan. His masquerade detailed how beautiful his eyes. I've seen him like this before na para bang pag-aari nya ang lahat.

"Nothing." He said again. "Just let me..."

I swallowed deeply. "Just let me, ano?"

"Just let me... love you..."

Huminto ang pag-inog ng aking mundo.

Lalo na sa pahabol nyang salita.

"...harder..."

JAMILLEFUMAh

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
23M 588K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
854K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
25.9M 784K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...