Queen of Section A |✓ (Part t...

Od KimTaetae569261

24K 807 123

Masaya si zen nang nakapasok sya sa section A. Hindi nya akalain na Magiging kaibigan at makakasama nya sa ar... Více

PART TWO
CHARACTER:)
CHAPTER 109
CHAPTER 110
CHAPTER 111
CHAPTER 112
CHAPTER 113
CHAPTER 114
CHAPTER 115
CHAPTER 116
CHAPTER 117
CHAPTER 118
CHAPTER 119
CHAPTER 120
CHAPTER 121
CHAPTER 122
CHAPTER 123
CHAPTER 124
CHAPTER 125
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
CHAPTER 142
CHAPTER 143
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170
CHAPTER 171

CHAPTER 163

365 12 2
Od KimTaetae569261



"Sa tingin mo ba magagawa ng pagtalon mo sa bintana ang makatakas dito?".





Malakas na tinulak ako ng isa sa mga kasamahan ni Xavier pabalik sa kwarto. Dahil doon, tumama ang likod ko sa pader kaya napa aray ako sa sakit.





"Huwag mo ng subukan,masasaktan ka lang" nakangising sabi nya bago nag lakad papalapit sakin, nakaupo ako sa gilid at masamang nakatingin sa kanya, sa kanila,  pumantay sya sakin bago hinawakan ang baba ko. "Napaka ganda mo, tapos mag aasawa ka ng mamamatay din? Tsk, sayang ka, Zen Wesley"  tuwang tuwang sabi nya sakin.






Malakas ko syang tinulak gamit ang paa ko dahilan para tumalsik sya, Umatras ako ng umatras ng masama nya akong tiningnan habang nakahawak sa tyan nya. Karma mo yan.





"P-paalisin nyo ako! Ano bang kailangan nyo sakin?!" galit na galit kong sigaw sa kanya. Ina! Ako na naman!, Anong alam ko sa problema nila?.




"Ah!" malakas na sumigaw ako ng hablutin ni Xavier ang buhok ko na parang galit na galit, naiiyak na ako hindi lang sa kaba, pati na din sa sakit.






"Nang dahil dyan sa boyfriend mo, nag kakagulo na ang lahat! Isama mo pa yang mga tarantado mong mga kaibigan! Ang titigas ng bungo, akala mo kung sino!" sa bawat sigaw nya syang pasakit ng pasakit ng ulo ko.





Masama ko syang tiningnan habang namumuo ang luha sa mga mata ko.
"W-wala akong a-alam.... W-walang kasalanan s-si nicholas.." pag mamatigas ko, lalo syang nagalit sa sinabi ko.






"Huwag mong pahirapan, baka matuluyan yan" rinig kong sabi ni sky pero ayaw mag pa awat ni Xavier.




"Hindi naman nya ginusto to, kayo ang may kasalanan!, hindi sya--"





"Wala kang alam!" tumagilid ang mukha ko ng sampalin nya ako, naramdaman ko agad ang hapdi at pamumula, lalo lang akong umiyak at humikbi ng hawakan nya ang magkabilang braso ko at iharap sa kanya.






"Mamamatay tao yang boyfriend mo! Hindi mo ba alam na gumagamit sya ng baril para---"









"Kasi p-pinipilit n-nyo sya!" putol ko sa kanya, natigilan sya sa sinabi ko, Kahit nanghihina ay nagawa ko pang sumigaw at labanan sya. Kasi totoo naman, hindi kasalanan to ni nicholas, sila ang may kasalanan nito.







"A-alam ko, Pero hindi naman nila ginusto yun! Hindi nya ginusto yon!..." patuloy ko. "B-bakit ba kasi pinipilit nyo silang bumalik sa grupo nyong wala namang kwenta kung ayaw nila! Ano bang mapapala nila dyan? Nakakain ba yan? Hindi naman diba!" sigaw ko sa kanya.







Mas lalong hinigpitan ni Xavier ang pag kaka hawak sa balikat ko kaya napadaing ako, Masama ding nakatingin sakin si sky na may hawak na baril, napatingin naman ako kay loki at zero na nag aalalang nakatingin sakin, Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil sa nangyayari.











"Hindi mo alam ang sinasabi mo"
Mahinang sabi ni Xavier.
"Nang dahil kay nicholas, nag hihirap ngayon si dita, pinatay nya ang angkan nina dita at kalahati nalang ang natira,... Sa tingin mo ba, gawain ng tinong tao yun?" seryoso ang boses nya, Nakatingin din sya sakin na parang nag iintay ng sagot.







"Mayabang, mapag mataas at hari kung umasta, akala mo kung sino, kung hindi sa pera at kompanya nya hindi sya aangat ng ganyan!.....
Kung hindi lang sa boss namin, baka patay na ng maaga yang boyfriend mo..... ano? Gawain ba ng tinong tao yan? Sabihin mo zen"
Inalog nya ako. "Nag kakagusto ka sa taong mamamatay tao?".





Napahinto ako.




Nung makilala ko si nicholas... Oo, mayabang syang tingnan, mukhang hari umasta at sobrang taas kung mangarap.







Mapanakit, kahit babae sinasaktan, mahilig mag mura, hindi ata mabubuhay sa isang araw yun nang hindi nagmumura.






Nasanay ako, sa pag papahirap nya, pero nung nag tagal, sya ang unang gumawa ng paraan para maging close kami, masungit man, nararamdam kong nagawa sya ng paraan.





Mamamatay tao?,.... Anong pake ko?. Kampon man sya ng kadiliman...kaya nyang mag bago, ramdam ko yun, ayaw nya yun, ramdan ko din yun.






Hindi nya ginusto ang lahat ng to, nararamdam ko yun, kahit nasa tabi nya ako nung mga araw na nahihirapan sya, nung mga araw na wala syang makausap sa lahat ng problema, kahit ako, nandyan sya sa tabi ko kapag kailangan ko ng kasama at kausap, sandalan kapag umiiyak ako, kayakap kapag kailangan ko ng ginhawa, halik na hindi ko maranasan kahit sino man.







Bakit ganto?, Napaka sama ng mundo para sa aming dalawa.







May araw at gabi din na darating na wala kaming problema. Araw at gabi na hindi namin iisipin ang ibang tao.




"I love you zen, i truly love you"






Tumulo ang mga luha ko sa naalala,
Ito na yun, may dahilan na ako para lumaban, para iligtas sya. Ginawa nya ang lahat para sakin, gagawin ko din ang lahat para sa kanya.







"G-gusto...." humikbi ako ng humikbi dahilan para matigilan sila. "g-gusto ko s-syang..." Hindi ko maituloy ang sinasabi ko, "Makita.... please, S-si nicholas... Ok lang b-ba sya?"






Hinawakan ko ang magkabilang braso ni Xavier, Nag mamakaawa kung ayos lang ba sya. Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko, Malakas akong umiiyak at nag mamakaawa sa kanila, Gusto ko ng umuwi, gusto ko na silang makita.






Napahiwalay ako kay Xavier ng tumayo ito, Walang emosyon tumingin sya sakin bago tumalikod at nag lakad papalapit kina sky na nakatingin sakin.






"Huwag nyong hayaan makalabas yan, Kailangan pang makita ni boss ang babaeng yan" huling sabi nya bago tuluyang lumabas.







Mabilis na lumapit naman sakin sina loki at zero at inalalayan akong makatayo, nanghihina ako sa pagod, Namumula na din ang mata ko,gusto ko na muna matulog.






"Miss, Ok ka lang?..." nag aalalang tanong ni loki bago ako niyakap at tinapik tapik ang likod ko. "Shh, wala na sila, Huwag kana matakot miss"








Unti unti akong tumahan, may inutos si loki kay zero pero hindi kona napansin yun, Napatuon nalang ako ng ulo sa dibdib ni loki dahil sa pang hihina, at ang tangi ko nalang naalala ay nawalan ako ng malay.





*********





Alas otso ng gabi ng magising ako, Dinalhan ako nina zero ng madaming pagkain at mga damit pang babae, Meron din silang first aid kit para sakin, Nasabi nilang sa lapag nalang daw sila tutulog o kaya sa labas ng pinto para bantayan ako.







Hindi na din bumalik sina Xavier, Wala na din akong balak tingnan sila.
Alam kong malaki ang atraso nila pero napaka lala naman nito, kaya na nilang pumatay sa ginagawa nila.






Wala din akong cellphone, Nag tanong ako kay loki at zero kung pwede makahiram pero pinag bawalan daw sila ni sky mag dala. Wala akong pang tawag, wala akong mahihingan ng tulong, aasa nalang ako sa dalawang lalaking kasama ko.






"Ah, Zendaya Wesley? Ikaw pala yun?, Naririnig ko kasi na mayaman ang kompanya nyo, sa iba't ibang bansa"  pag kukwento ni loki.





Nakaupo ako ngayon sa sahig habang naka sandal sa kama, nasa harap ko naman ang dalawa habang nag kukwento ng kung ano ano.







"Kuya mo ba si Ace Wesley?" tanong nya kaya tumango agad ako. "Hala hehe!, Nakikita ko sya sa magazine! Lodi ko yun eh!, Heto oh!..... Stolen picture ko sa kanya hehe, Pinang wallpaper ko din yan, buti may print ako!" pinakita nya sakin ang nakatuping bond paper at naningkit ang mata ko ng makita ang picture ni kuya na nakikipag usap sa isang business man, Seryoso pa ito at nakasalamin.







(--__--) May fans pala kuya ko.




"Ikaw zero? Idol mo din ba si ace?" tanong ni loki kay zero na nag liligpit ng damit na dala nya sakin.





"50 percent" maikling komento nito.






Napangiti ako, Buti nalang ang bait nila sakin, kung hindi ay baka baliw na ako mag isa dito. Mag iisang araw na din ata ang pananatili ko dito, na kwento pa sakin ni loki na dalawang araw ang tulog, akala nga daw nya tegi na ako eh (--__--).






Hinahanap kaya nila ako?, Ano kayang ginagawa nila ngayon?, alam kong may plano sakin sina Xavier at sky, hindi din ako natutuwa dahil kailangan pa daw akong makita ng boss nila.... Yung "Oliver" na sinasabi ni Veronica noon sakin.







Tumingin ako sa dalawa. "Kilala nyo ba si Oliver?" mahinang tanong ko sa kanila, Uunti untiin ko ang dalawang to, baka may masagap ako.







Tumingin naman sakin si loki at masayang Tumango tango. "Yup! Sya ang boss namin! Boss ni Xavier, boss ni sky, boss ni nicholas at boss ni kole! Hehehe!"






"Mabait ba sya?" seryosong tanong ko.





"No" napatingin ako sa kay zero. "Masahol sya sa pera, Pumapatay ng mas mataas sa kanya... Kaya ayaw nyang hayaan sina nicholas na makaalis sa grupo na to dahil sa pera din" paliwanag nya sakin kaya napa upo ako ng tuwid.





"Ano?" pag ulit ko.





"Nicholas is rich, has a lot of money, has his own company in addition to his older brother and his family... nicholas' father is included in this group, but he wants to leave, oliver doesn't agree, and because he wants to get the money of the Arrington, he took nicholas instead of his father to be closer to him" Walang palyang sabi nya.






"Maraming gustong makipag kasosyo sa kay nicholas pero tumayanggi sya.... Many other companies also want to arrange marriages with Arrington but he refuses.."






Natigilan ako sa sinabi nya, Wala syang sinasabi tungkol dyan, pero alam kong wala akonv karapatan dahil may sarili syang problema.






Nasabi na sakin ni. Veronica yan, nasabi na din ni nicholas. Kung ganoon, kaya ayaw ni oliver na hayaan makalaalis sina nicholas at buong section A sa grupo nila ay dahil sa pera.



Kaya siguro sa kaadikan ng boss nila kay nicholas ay nagalit sina sky dito, naiisip ko na baka dahil sa selos o kaya ano. Ang alam ko kasi kaya nagagalit sila kay nicholas dahil sa nangyari sa kanila nina dita.







Bigla kong naalala si dita, Nasaan na kaya sya? Kasabtwat kaya sya dito?, Alam kong galit sya kay nicholas at kampi sa kanya sina Xavier, pero alam kaya ng boss nila ang lahat ng nangyayari sa kanila?.




"E si.... Dita? Kilala nyo?" tanong ko ulit.




"Kasama sya nina Xavier kanina" komento ni loki kaya napalingon ako sa kanya ng kunot ang noo. "Hindi mo nakita?, Ay nag kakagulo nga pala kayo ni Xavier nun miss, hindi mo siguro sya napansin kanina, nakatingin lang sya sa iyo" pag kukwento nya.








Muli akong napasandal sa kama. Tiningala ko ang ulo ko at malalim na napabuntong hininga.





Nandito sya kanina, at hindi kopa napansin, siguro dahil sa nangyari kay Xavier, hindi ko na din napansin ang nasa paligid noon, pero nakita ko si sky pero sya hindi. Nakita nya ako kanina.




"Mabait yun sa amin ni zero, kaso nung namatay ang isang kaibigan nila medyo nag bago si dita, doon din nagalit sina boss nicholas at kole sa kanya" paliwanag ni loki sa akin.





"A-anong pangalan ng kaibigan nila?"







Nag katinginan silang dalawa, parang nag dadalawang isip pa sila na sabihin sakin, gusto ko malaman, gusto ko rin malaman ang dahilan.




"Karzen third lamores".




SUNSHINEWEB

HI GUYS PLEASE VOTE COMMENT AND SHARE
THANKS EVERYONE

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

3.3K 251 20
The first girl who attended at an all boys school! Kaillene attended at an all boys school disguising herself as a male person. The Valle University...
9.6K 257 35
imagine, you're the only girl in you're section with full of boys, and yung mga lalaking iyon ay barumbado, Anong gagawin mo? follow: mspretty
221K 4.9K 38
{ Once Upon A Time Fanfiction } ❧ Peter Pan + Rapunzel ❧ There are things about Neverland that no one would have ever guessed. The story begins in 16...
18.3K 5K 21
A girl name HEAVENLY, sounds innocent right? she look innocent too, but who knows what she can do!