South Boys #5: Crazy Stranger

By JFstories

2.3M 151K 68.9K

As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51

Chapter 8

37.6K 2.6K 932
By JFstories

BAKIT SILA MAGKASAMANG DALAWA?


Hindi ako pinatulog ng aking nakita kahapon. Sa puyat ay maaga pa lang kinabuhan ay nasa school na ako. Nasa may bench ako habang patingin-tingin sa labas ng schoolgate. Parang gigil na girlfriend na naghihintay sa taksil na boyfriend.


Mga kalahating oras bago dumami ang mga estudyante, at bago rin dumating ang taong talagang hinihintay ko. Pumasok siya sa gate na walang pakialam sa paligid. Naghihikab pa habang ang atensyon ay nakatuon sa hawak na cellphone.


Ramdam ko ang pagkulo ng aking dugo nang hindi pa siya agad umalis malapit sa gate. Nanatili siya roong nakatayo na tila may hinihintay. Bagay na hindi ko pa natandaan na kanyang ginawa sa mga past girlfriends niya.


Mula sa gate ay pumasok ang isang babaeng kilala ko. Kumuyom ang mga palad ko nang makita ito. Ang kaklase ko sa section, si 'Lou' o Marilou dela Cruz. Straight na straight ang maiksing buhok na akala mo ay dinilaan ng sawa sa sobrang kintab. 


Hinarang niya ang babaeng bagong dating. Noong umpisa ay parang timang na umiiwas si Lou sa kanya, kalaunan ay nakanguso na ipinabitbit na sa kanya ang bag na dala-dala.


Hindi naman ngayon ang una. Balewala na dapat sa akin kahit may bagong babae na naman siya, kaya nagtataka rin ako sa sarili kung bakit iba ang dating sa akin ng mga nakikita ko.


Hindi pa sila. Nililigawan niya pa lang si Lou. Sa lahat ng naging girlfriend niya, wala naman siyang niligawan nang ganito. Wala siyang ipinagdala ng bag sa mga ito. Pero bakit si Lou?!


Si Lou na pigil ang mga ngiti at pilit na nagsusungit kunwari. May paiwas pa itong nalalaman, pero noong tawagin si Asher ng mga babae nilang nakasalubong sa daan, ay doon pumantay ng paglalakad si Lou sa lalaki.


Bago ako nakatayo mula sa bench ay inabot pa ako ng ilang sandali. Hindi agad ako nakakilos dahil parang may kung ano na masakit sa loob ng aking dibdib. Ngayon ko lang iyon naramdaman kaya hindi ko iyon magawag pangalanan.


Sa bagal ng aking paglalakad ay hindi ko inaasahan na magpapang-abot pa kami ni Asher sa daan. Sa corridor kami nagkasalubong, papunta ako sa room habang siya ay paalis na mula sa paghatid sa kaklase kong si Lou. Napahinto siya nang makita ako.


Bumukas ang natural na mapupula niyang mga labi na akmang may sasabihin, nang iiwas ko sa kanya ang aking paningin. Nabitin ang kung ano mang dapat na sasabihin niya sa akin.


Nakalampas na ako sa kanya ay nakatigil pa rin siya. Ramdam ko rin sa aking likuran ang paghabol ng mga mata niya.


Hindi naman siguro siya nagtataka. Hindi naman kasi kami close na dalawa, ni hindi kami magkaibigan, kundi saktong magkakilala lang.


Pagpasok sa room ay dumako ang tingin ko kay Lou na nagbubuklat na ng notebook sa upuan nito. Tinabihan ito ng isa naming kaklase at kinuwento.


Naulinigan ko ang pag-uusap nila dahil sinadya ko na makinig. Ang kaklase namin na si Irish ay natural pa na malakas ang boses. "Lou, sino iyong naghatid sa 'yong semi-calbo na guwapo?"


"Wala iyon," balewala naman na sagot ni Lou.


"First time na may naghatid sa 'yo, 'tapos wala lang? Tell me, is he the one you were talking about last time?"


Itiniklop ni Lou ang binabasang notebook at matamis na ngumiti. "Yup, it's him. He's cute, isn't he?"


Napangiti rin si Irish na kausap ni Lou. "Not just a cutie. He's very handsome and hot, actually. And he looks like a rulebreaker bad boy."


Nangalumbaba si Lou sa armchair nito habang ngiting-ngiti pa rin. "I know. Kaya nga kahit wala akong balak sagutin ay ini-entertain ko pa rin. Nakakapanghinayang kasi kung ba-basted-in ko agad, di ba?"


"You're right. Pero paano si Jordan?" usisa ni Irish. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may gusto si Lou sa Top 1 namin.


Inilapit ni Lou ang bibig sa tainga ng kausap, pero ang bukas ng mga labi ay nabasa ko. "Actually, I'm using this guy to make Jordan jealous."


"Oh, smart move! So, why not make this hot guy as your boy best friend? Para kung sakali ay reserba na rin!"


Naghagikhikan ang dalawa nang biglang bumagsak ang upuan ko sa sahig. Lumikha iyon ng kalabog na malakas, dahilan para mapatingin sa akin ang lahat.


"Laila, iyong upuan mo," sabi ng kaklase ko na malapit sa akin.


Isang blangkong tingin lang ang inambon ko rito at ni hindi pinagkaabalahang sagutin. Parang napapaso tuloy na hindi na ito nagsalita pa ulit.


Ang iba naming kaklase sa room ay mga napatingin sa akin, may nagtangka na lumapit pero umatras din, at habang ang iba ay nakuntento na lang na pagbulungan ako.


"May sanib na naman si Valmorida," bulong na malapit sa aking dinaanan kumpulan ng mga kaklase kong lalaki.


Walang nagtangka sa akin na magbiro o sumita. Mula pa noon ay hanggang parinig at bulungan lang talaga sila. Hindi ko masabi kung advantage ba ang ganoon kapag nasa higher section ka.


Padaskol at taas-noo na akong naglakad palabas ng pinto. Nasa ten minutes pa bago ang bell kaya tumambay muna ako sa quadrangle. Binalikan ko sa isip ang lesson kahapon sa unang subject. Gusto ko na bibo ulit ako mamaya sa iba kong mga kaklase.


Dalawang minuto pa lang ako na nakaupo sa bench sa gilid nang matanaw ang lalaki na papunta sa maliit na booth ng school supplies malapit sa stage. Sa isang iglap, nawala lahat ng tumatakbo sa isip ko.


Nakapamulsa ang isang kamay sa suot na pants, ang isa ay hawak pa rin ang phone, at poise na naglalakad sa kung saan mang pupuntahan. May ilang tumatawag sa pansin niya na sinasagot niya lang ng simpleng tingin.


Ang ekspresyon ng mukha ni Asher ay maloloko ka dahil seryoso. Walang makakaisip na anumang oras ay puwede na naman siyang matalisod sa bato, makabangga ng kung sino o kaya ay mahulugan ng wallet sa daan. Ganoon siya ka-clumsy. And yup, isa lang ako sa iilang may alam.


Asher bought a ballpen when he got to the school supplies store. Ang palagi niyang binibili ay black HBW. Inilagay niya iyon sa bulsa ng kanyang polo. Pagtalikod niya ay siyang pagharap niya sa gawi ko. Nakita niya ako.


Akma siyang hahakbang papunta sa akin nang bigla akong tumayo. Bago siya makalapit ay lumihis na ako para umalis. Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang pagak na tawa niya. Pagkatapos ang yamot na salita.


"Ebarg."


Tiim ang mga labi na nagmabilis na ako sa pag-alis at iniwan na siya. Wala ako sa mood ngayon na alalahanin kung ano man ang iniisip niya.


Pagdating ko sa room ay nakapasok na pala ang aming first subject teacher. Mula sa aking malamig na ekspresyon ay matangis na ngumiti ako at tinulungan ito sa mga dalang gamit. "Good morning, Ma'am, tulungan ko na po kayo!"


Pag-upo sa upuan ay dama ko pa ang pagtingin ng aking mga kaklase. Nasa mga mata nila kung gaano sila napa-plastic-an sa akin. Hindi ko naman sila pinagpapapansin.


Hindi na ako lumabas kahit noong mga dumating na breaktime. Sa loob na lang ako ng room at isinubsob ang sarili sa pag-aaral at pagpapakitang gilas sa lahat ng teachers namin.


Ang dalawang kalaban ko sa ranking ay parehong hindi maramdaman. Si Lou ay kahit nagkaklase ay panay ang pagsi-cellphone. Si Jordan naman na lagi naming Top 1 ay sa kauna-unahang beses ay absent ngayon.


Hindi ko mapapalampas ang ganito kapambihirang pagkakataon. I was not fine, but I would never let my emotions mess with my studies.



PALABAS AKO NG GATE NANG MAKITA KO SI ASHER.


Hindi ako magla-library pero nagpang-abot pa rin kami. Maaga silang pinauwi. Palingon-lingon siya na halatang may hinahanap. Nang mapatingin sa akin ay napa-tsk siya.


Wala akong balak pansinin siya nang talagang harangan niya ang daan ko. Muntik pa akong masubsob sa ilalim ng leeg niya. "Si Lou?"


Salubong ang kilay na tiningala ko siya. "Hindi ako pinag-aaral ng mga magulang ko para lang maging tanungan sa mga nawawalang kung sino."


Nagsalubong din ang mga kilay niya. "Teka nga, badtrip ka ba?"


Imbes na sagutin siya ay naglakad na ako paalis.


"Hoy!" sigaw niya na habol sa akin.


Huminto ako at nilingon siya. "Nagsasayang ka lang ng oras mo. Hindi ka niya sasagutin dahil may iba siyang gusto."


Tumiim ang mapupula niyang mga labi dahil sa sinabi ko. Na-hurt ba siya? Tama lang iyon sa kanya. Masaktan na siya ngayon pa lang, para di na siya magsayang pa ng lakas at panahon, at para din agad na siyang maka-move on.


Madilim ang ekspresyon niya na ibinato ang paningin sa ibang direksyon. Sakto naman na dumating na si Lou na hinihintay niya.


"Did you wait long?" malambing na tanong ng babae sa kanya.


"Ha?" Napakurap naman siya rito. "Gutom ka, gusto mong footlong?"


Mahinang natawa ang babae sabay hampas sa bandang sikmura niya. Nakasunod ako ng tingin kaya kitang-kita ko ang pasimpleng pag-atras niya para lumayo. Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi.


Tumalikod na rin ako para iwan na silang dalawa. Bahala na silang maglokohan, matatanda na sila. Kaya na nila iyan.


Sandali lang din ako sa bahay pagkauwi. Dadalhin ko ang padala ni Papa para kina Tita Judy at Tito Eloy sa apartment ni Tita Judy sa Buenavista. Ilang shirts, lotion, sabon, chocolates, at mga delata.


Nagpa-special ako na tricycle para sa mismong apartment na ni Tita Judy ang baba ko. Wala akong balak makita si Asher o kahit pa iyong maldita niyang aso na si Honeybunch.


Naka-teacher uniform pa si Tita Judy ng pinapasukan na gradeschool nang pagbuksan ako ng pinto. Mukhang kauuwi lang. Inabot ko agad ang aking mga dala sa kanya.


"Tita, sa 'yo na lang din itong speaker para kapag gusto mong mag-soundtrip dito." Ibinigay ko pati ang isang maliit na speaker na padala ni Papa.


Wala kasi talagang gaanong gamit si Tita Judy. Maliit na ref, plantsa at thermos lang ang de-kuryente niyang gamit. Meron lang din siyang isang kama at maliit na closet.


Wala rin kahit display sa paligid, maliban sa kanyang graduation photo na nakasabit. Si Tita Judy lang ang nakatapos sa kanilang tatlo na magkakapatid nina Mama at Tito Eloy.


Iginapang talaga ni Tita Judy ang sarili. Nag-working student bilang assistant teacher sa isang kindergarten sa Buenavista habang nag-aaral ng college. Napaka-goal oriented at never pang nagka-boyfriend. Plus, man-hater na yata siya since birth.


"Ah, tita, painom pala!" Uhaw na kasi ako kanina pa. Pumunta na ako sa mini ref para kumuha ng tubig, nang matigilan dahil may can ng softdrinks sa loob.


Hindi nagso-softdrinks si Tita Judy. Never. Bukod sa masyado siyang health conscious, para sa kanya ay gastos lang ang mga ganoong bagay. Sobrang kuripot niya kasing tao.


Taka na nilingon ko siya. "Tita, kailan ka pa nag-softdrinks?"


Napanganga muna siya sa akin bago nauutal na sumagot, "Ah, a-ano? Kuwan, sa 'yo talaga 'yan!"


Sumang-ayon na lang ako, kahit ang weird ng reaksyon niya.


"Tita, paihi." Ganoon kasi ako tuwing umiinom, naiihi agad. Hindi na ako nahabol pa ni Tita kasi nakapasok na ako sa banyo niya.


Pagkaupo ko sa toilet bowl ay nagmuni-muni pa ako. Nang lumipas ang aking paningin sa sa boxers na nakasabit sa likod ng pinto ay napanganga ako. Kailan pa nag-boxers ang tita ko?!


Napatayo agad ako sabay hablot ng boxers sa likod ng pinto. Kay Tita Judy ba ito? Bakit ang print ay Batman? At ang laki ng kaha sa harapan!


Paglabas ko ay parang hilong talong na palakad-lakad si Tita Judy. "Hoy, Lai? Di ka pa ba hahanapin? Saka gabi na, walang kasama ang mama mo sa inyo!"


"Bakit ba parang pinapauwi mo na ako?" Nakakahalata na ako. Nitong nakaraan ay palagi siyang ganyan. Parang ayaw niya na akong dadalaw sa kanya rito.


Kumalansing ang munting gate sa labas ng apartment niya. May nagtatangka na magbukas. Para kaming nasa race ni Tita Judy sa pag-uunahan na tingnan kung sino man ang nasa labas.


Nauna ako sa paglabas ng pinto. At ganoon na lang ang aking gulat nang makita ang matangkad at guwapong lalaki na nakatayo sa tapat ng gate. Ang panganay na barako ni Aling Ason at panganay na kuya ni Asher, si Abel Jesus Prudente!


Pinamewangan ko agad ang lalaki. "Bakit po?"


Nang makita ako nito ay napakamot ito ng ulo. "May yelo?"


Yelo? Kailan pa nagbenta ng yelo si Tita Judy? At saka, wala bang ref sa bahay ng mga Prudente?!


"Ah, wrong house. Bye." Parang bula na naglaho na agad ito.


Pagbalik ko sa loob ng apartment ay nakasubsob na sa sofa si Tita Judy. "Tita, nagkamali. Akala may yelo ka."


Pag-ahon ng ulo niya ay tabingi ang kanyang ngiti. "Ah, uso iyan dito sa street, madalas magkamali."


"Ows talaga ba?"


Umayos na siya sa pagkakatayo. Tumikhim at sumeryoso na. "Ah, oo nga pala, Lai, ano pala ang sabi ng mga Valmorida nang makitang may padala rin sa amin ang papa mo?" pag-iiba niya sa paksa.


"Wala naman, pero as usual, sumimangot ang mga pagmumukha."


"Hay naku, iyan talagang mga kamaganakan mo sa side ng tatay mo. Hanggang ngayon ay gigil pa rin sa mama mo at sa amin. Akala mo naman ay napaka-perpekto nilang mga tao."


Ganoon talaga. Si Papa kasi ay nakatapos ng college, galing sa buena familia, at may ex-fiancée dati na nurse sa Amerika. Para sa kanila, walang binatbat si Mama na isa lang dating tindera ng karinderya.


Ang tingin ng mga Valmorida ay gold digger si Mama at mang-aagaw. Wala pa kasing dalawang buwan na cool-off sina Papa at ang ex-fiancée nito ay nabuntis na agad ang mama ko. Pinakasalan ni Papa si Mama sa huwes agad-agad, kaya pagkauwi ng ex-fiancée ni Papa sa Pilipinas ay huli na ang lahat.


Nakaidlip ako sa kama ni Tita Judy. Paggising ko ay 8:00 p.m. na. Nagpaalam na ako na uuwi dahil bukod sa miss ko na si Mama, ay parang kanina pa talaga ako gustong palayasin ng mahal kong tiyahin.


Pagdaan ko sa bahay ng mga Prudente ay bumilis ang aking mga lakad. Hindi ko siya gustong makita. Masama pa rin talaga ang aking loob na hindi ko maintindihan.


Malapit na ako sa main road nang may humintong tricycle. Napasinghap ako nang makita kung sino ang matangkad na lalaking bumaba mula roon. Si Asher!


Gulat na gulat ako habang nakatingin sa kanya. Anong oras na pero naka-uniform pa siya. Saan siya galing?!


Kina Lou ba?! Parang gusto ko siyang sugurin at sabunutan bigla, kahit semi-calbo nga pala siya. Magkasing kapal lang ang buhok niya sa ulo at sa kanyang itim na itim na kilay.


Matapos niyang magbayad sa driver ay naglakad na siya papasok sa street. Huminto lang siya sa nang makita kung sino ang kasalubong niya sa daan. Ang mga labi niya na kahit sa dilim ay masisinag na mapupula ay bilang napaawang.


Nagulat din ba siya na nandito na naman ako? Kailangan ko bang ipaliwanag sa kanya kung sino dito ang aking sadya? Pero ano ba ang pakialam ko kung ano man ang isipin niya?


Hindi ko dapat iniintindi si Asher ngayon. May babae na naman siya. Siguro din ay hindi ko pa talaga panahon. Mali lang talaga, dahil napaaga iyong pagpansin niya sa akin. Hindi niya pa dapat ako makikilala. Wala iyon sa plano.


We were both not ready yet. I still had goals to achieve while he was still in the phase where he was not yet emotionally mature, still had a wandering eye, and still had plenty of options. Sa madaling sabi, isip-bata pa siya at hindi pa sawa.


Kumbaga ay magkaibang-magkaiba pa ang mga priorities naming dalawa. Naglalaro pa siya. Masasaktan niya lang ako. Just as now, he had no idea he was hurting me.


Kaya dapat ay ngayon pa lang, putulin ko na muna kahit ang simpleng pagkakakilala namin sa isa't isa.


Sinalubong ko ang mga titig niya. "Inihatid mo ba siya sa kanila?" I asked him this to annoy him. Kilala ko kasi siya, naiirita siya kapag may nang-uusisa sa kanya.


Hindi naman niya sinagot ang tanong ko.


"Basted ka, ano?"


Hindi pa rin siya kumibo.


Mapanuya na ngumisi ako. "Buti nga sa 'yo."


Nakatingin pa rin siya sa akin. Ang mga mata niya ay malamig kahit madilim.


"Sinabi ko na sa 'yo, nagpapagod ka lang sa wala. Gusto ka lang ni Lou dahil sa itsura mo, pero wala talaga siyang balak seryosohin ka. Alam mo kung bakit? Dahil hindi katulad mo ang magugustuhan niya!"


Wala pa rin siyang kibo pero salubong ang mga kilay niya at kuyom ang kanyang mga kamay. Siguro ay napipikon na siya sa akin. Siguro ay gusto na niya akong sapakin. May mapait akong nalalasahan sa aking bibig dahil sa mga isiping iyon.


Gusto ko siyang magalit para hindi niya na ako ulit pansinin. Para kalimutan niya na muna ako. Iyon ang naiisip ko na paraan, pero bakit ang sikip sa dibdib ng pakiramdam?


Yumuko na ako para iwasang makita pa ang ekspresyon niya. Iiwan ko na siya nang mahina siyang magsalita. "Lai, di ba?"


Napatingin muli ako sa kanya. "Ha?"


"Lai," ulit niya sa pangalan ko. "Galit na galit ka."


Ano? Sa aking pagkawindang, mula sa pagiging seryoso niya ay tipid niya akong nginitian.


At ang hinding-hindi ko inaasahan na marinig ay malambing na sinambit ng mga labi niya...


"Lai, hindi ko alam ang nagawa ko, pero... sorry na."


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
128K 518 112
Just a list of the stories that I read with its main/lead characters. Compilation. Recommendations. Mostly Series. Known and Underrated Authors. Rom...
166K 9.1K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...