Lost Stars (On-Going)

By Aimeesshh25

2.4K 225 16

Lost Series #1 Story of Chenny and Axel More

Lost Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 4

57 8 2
By Aimeesshh25

Kabanata 4

Lumipas ang mga araw, mga linggo hanggang sa umabot ng ilang buwan. Nanatili ako sa pamamahay ng mga Walkins. Laking pasasalamat ko dahil nakaipon ako kahit papaano.

Hindi ko rin inakalang, dito na rin ako aabutin ng ikalabing pitong kaarawan ko. Walang may alam kahit isa, dahil hindi ko naman talaga sinabi kahit sa batang Walkins.

Ayaw ko na paghandaan niya pa ako, hindi naman sa nag-aassume ako. Alam ko lang ang ugali ni Jerace at tiyak akong magpapahanda iyon kapag nalaman na kaarawan ko.

Niyaya ko lang siyang kumain sa pambansang fast food. Iyong jollibee. Takang-taka naman siya at nanlibre raw ako, ngunit bukod roon, hindi niya na nalaman kung anong meron nang araw na iyon.

Ayos lang naman sa akin. Ang presensya niya ay sapat na.

Binati ako ni papa at sinikap pa niyang makapagpadala ng regalo sa akin. Nais niya akong pauwiin, ilang beses siyang nagtext at tumawag na umuwi ako sa birthday ko dahil magpapahanda raw siya.

Hindi ko lang maintindihan sa sarili ko kung bakit tumanggi ako.

Sa unang pagkakataon ay tinanggihan ko si papa.

Ayaw ko lang na makita ni mama na handa si papa na gumastos para lang sa akin. Alam kong doble ang galit na mararamdaman ni mama at ni Ate George sa akin kapag nagkataong natuloy nga ang plano ni papa sa akin.

Masaya naman na ako na sinasagot ni papa ang mga tawag at texts ko. Masaya ako dahil pinadalahan niya rin ako ng regalo at iyon ay bagong dress na kulay pula at pink. Gustong-gusto ko ang mga iyon at bumagay rin sa hugis ng katawan ko.

Sa tuwing day off ko naman ay palagi lang akong namamasyal sa parke, malapit lang din iyon sa bahay ng mga Walkins. Suot ko palagi ang regalo ni papa sa akin.

"Pasaan ka, Chenny?"

Nakangiting mukha ni Ate Berna ang sumalubong sa akin.

"Bihis na bihis ang aming dalaga. Pasaan ka? Umalis na si Jerace kanina ah?" Ibinaba niya ang hawak na basahan at parang nanay na tumingin sa akin. "Ikaw ba ay may nobyo na?"

Namula ang mukha ko. "Ate Berna, wala ah! Lalabas lang ako saglit, mamasyal lang."

Tumawa ito. "Sinong kasama mo? Wala si Jerace at na kina April iyon, alam mo na busy sa mga gawain sa school."

"Ako lang po, Ate Berna. Sa may bayan lang naman ang punta ko."

Tumango siya at muling kinuha ang basahan. "Ipapahatid kita kay Fred. Hintayin mo ako diyan-"

"Wag na po! Ate Berna, ayos lang ako. Magc-commute na lang po ako."

Nanliit ang mga mata niya. "Oh sha sige na. Basta uuwi ka rin agad bago mag gabi."

Tumango ako at ngumiti saka nagpaalam na rin sa kaniya. Sanay na ako kay Ate Berna, para kasing anak ang turing niya sa akin. Sa totoo lang, mas gusto kong kasama ang mga tao rito kaysa sa bahay kaya halos minsanan na rin ako umuwi sa bahay namin sa Batangas.

Suot ang bistida na kulay pink at simpleng flat shoes naman ang aking pambaba. Basta ko na lang ding nilugay ang kulay brown kong buhok. Tuwang-tuwa palagi si Jerace sa buhok ko, sabi pa niya ay mas mukha raw akong tao kaysa sa kaniya. Tinatawanan ko na lang ang mga biro niyang ganoon. Sino pa bang tatalo sa kagandahan niya?

Hindi ko na rin masyadong nahahatid si Jerace sa school nila, palagi niya na rin namang kasama iyong si April. Nakakatuwa at nagdadalaga na rin talaga siya.

Pinara ko ang jeep nang makitang patungo ito sa bayan. Mabilis lang ang naging byahe kahit na ayaw ko pang bumaba ay wala naman akong nagawa.

Tinungo ko ang mall at dahan-dahan pang naglakad palapit. Grabe talaga, hindi pa rin ako makapaniwalang, nakakaya ko nang pumasok sa ganito. Kung noon ay naghihintay lamang ako ng kung anong tira ni Ate George.

Palagi kasing ganoon ang routine. Sa tuwing pasko o kahit anong okasyon. Mamimili sina Mama ng mga damit, bag at kahit sapatos. Tapos kung ano ang ayaw ni Ate George, iyon ang akin.

Nasanay ako sa ganoon kaya ang simpleng regalo ay sobra na para sa akin.

"Magkano kaya ito?" Binaliktad ko ang hawak na bistida at nanginig ang kamay ko nang makita ang presyo.

Wow! 1500?! Grabe naman!

Napalunok ako at agad na binitawan iyon. Tumalikod ako at naglibot pa sa boutique.

"Not yet done love?" Malambing na sinabi ng lalaki.

"Yes, love. Wala akong mapili! Ang gaganda!"

Napalingon ako kung saan nanggagaling ang mga boses. Nangunot ang noo ko nang makita ang mukhang magjowa sa may bandang likuran ko.

"Bilhin mo lahat ng gusto mo, akong bahala." Kumindat ang pamilyar na lalaki. Hindi ko kasi siya makita ng ayos dahil nakatagilid ito sa akin.

"Aww..really? You'll do that?" Nakangiting ani ng babae.

Napatango-tango ako. Infairness ang ganda ng babae, bagay nga sa kaniya lahat ng dress na hawak niya.

"Ito love! Bagay ba sa akin? Ang ganda nito, kulay pink, tapos gusto ko rin 'yong dark red!"

Tumawa ang lalaki at aksidenteng nagtama ang paningin namin. Hilaw akong napangiti nang mamukhaan ko siya.

Ah kaya pala pamilyar. Anak pala nila Ma'am Abby at Sir Darren.

Tumaas ang kilay niya sa akin, tila hindi ako kilala. Well, hindi niya naman talaga ako kilala. Isang beses lang kaming nagkita, iyon ay yung sinama pa ako ni Jerace sa kanila, hindi naman inaasahan iyon. Hindi naman talaga dapat ako kasama, syempre si Jerace makulit.

Nang nakita ko siya ay medyo kinilig ako, may itsura naman kasi talaga.

Hindi lang may itsura. Pogi pala.

Namula ang pisngi ko sa naisip. Naalala ko na naman tuloy ang nakakahiyang nagawa ko noon.

"Jerace, dito na lang ako. Nakakahiyang sumama pa sa hapunan niyo."

Sumama ang tingin ng bata. "Ano ka ba, Chenny! Bakit ka naman mahihiya? Eh pamilya ka namin."

Natigilan ako. Pamilya nila ako? Ang sarap sa puso. Parang uminit bigla sa puwesto namin.

"K-Kahit na. Saka nasa ibang bahay tayo 'no. Baka hindi sanay sila Ma'am Abby na kasabay ang kasambahay."

Nakitaan ko ng sakit sa mga mata si Jerace. Napamaang ako kaya umiwas ako ng tingin.

"C-Chenny, nakakainis ka naman eh! Bakit naman ganiyan ang iniisip mo?" Hinila niya ang kamay ko. "Sige na, sumabay ka na."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ko talaga kayang sumabay sa kanila, lalo na at nasa ibang bahay kami. Makakasabay ko rin ang pamilya ni Ma'am Abby, masyado naman yatang kalabisan.

Napansin ni Jerace na hindi talaga ako sasama kaya naman bumuntong hininga siya at maya-maya'y ngumiti ng bongga.

Kinabahan ako.

"Sa'yo na lang ako sasabay! Sa labas na lang tayo kumain!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Jerace! Ano ka ba! Hahanapin ka nila Ma'am Kate."

"Magpapaalam ako! Saka hindi naman sa labas mismo! What I meant is..diyan tayo sa may garden nila." Kumindat siya sa akin at dire-diretso nang tumungo sa dining area ng mga Raizin.

"Hintayin mo ako diyan ah! Papaalam lang ako!"

Tumango ako at napatingin sa kabuoan ng living room nila. Maganda ang bahay. Pero hindi ko rin alam eh, lahat naman ng bahay basta bato at may pintura, maganda para sa akin.

Kulay white at cream ang kulay ng living room nila. Ang gandang tingnan, malinis. Sinuyod ko ng tingin ang mga paintings na nakasabit. Ang gaganda rin. Sino kaya ang mahilig magpinta sa kanila? O baka naman binili?

Napatingin ako sa family portrait na nakasabit. Kung ganoon, dalawa pala ang anak nila Ma'am Abby at Sir Darren. Ang galing naman, babae at lalaki.

Pinagmasdan ko ang mukha ng bunso nilang anak. Maganda, medyo hawig ni Ma'am Abby na may halo rin ng asawa niya. Tiyak akong babaha ng manliligaw rito. Ang ganda niya sobra.

Lumapit pa ako at tinitigan naman ang binata sa gilid. Swabe siyang nakangiti na parang nakakaloko, nakakagat kasi siya sa may bandang ibaba ng labi niya at parang nanghahamak ang mga mata. Natawa ako at tinuro ang mukha niya.

"Siguro, iniinis mo ang photographer 'no? Ang kulit ng ngiti mo ha. Bad 'yan." Mahina pa akong tumawa.

"Hindi ah. Sadyang ganiyan ako ngumiti."

Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa may likuran ko. At halos panawan ako ng ulirat nang makilala kung sino iyon.

'Yong lalaki sa picture..nasa harapan ko?!

"Bad na agad? Hindi ba puwedeng pogi lang ngumiti?" Nanunuksong aniya.

Hindi ako nakapagsalita. Tila nalimutan ko ang mga letra.

Nanliit ang mga mata niya sa akin. Tinitigan niya ako bago ibinaba ang sukbit na bag. Nakauniporme siya na katulad ng suot ni Sir Drain, iyong crush ni Jerace.

Kung ganoon, sa school din ni Jerace ito nag-aaral?

"Sinong kasama mo?" Tiningnan niya ako. Umupo siya sa may couch nila. "Bisita ka ba ni Mommy?"

Hindi ulit ako nakasagot.

"Ah!" Biglang lumambot ang mga mata niya na siyang ikinagulat ko. "Kung ganoon bisita ka ni Daisy 'no? Baka nasa kuwarto niya 'yon." Ngumiti pa siya ng matamis sa akin.

Napamaang ako. Sinong Daisy?

Napalingon ako sa portrait nila at naisip kong baka 'yong kapatid niya si Daisy. Kaya ba lumambot ang tingin niya sa akin?

Mapagmahal na kapatid naman pala. Nice.

"Bakit hindi ka na nagsasalita?" Nanlaki ang mga mata niya. "Nalunok mo ba ang dila mo?!"

Umirap ako. "OA."

"OA? Ako?"

Nakagat ko ang dila. Ano ba 'yan! Naisatinig ko pala! Nagagaya na ako kay Jerace.

"A-Ah wala po. Hindi po ako bisita ni Daisy. Kasama po ako nila Ma'am Kate." Magalang na sinabi ko at yumuko pa.

Narinig ko ang pagclick ng dila niya. Muli akong napatingin sa kaniya. Nakakatawa pa kasi mukha siyang tanga na nakatingala sa akin.

Gulat siyang tumayo at inayos ang sarili. "Oh sorry. Nasaan sina Tita Kate?" Lumingon siya sa daan papuntang dining area.

"Naroon na po. Maghahapunan na rin po sila, baka hinahanap na kayo, sir."

Napakurap-kurap pa siya sa akin at parang nawiwirduhang tumalikod. Iniwan niya na ang bag sa may couch at ayos lang naman dahil wala naman akong balak nakawin.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang naglakad na siya palayo sa akin.

"Teka..hindi ka sasalo sa amin?"

Muli kong nahigit ang hininga nang lumingon siya sa akin.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit nangingislap ang paligid ko. Parang biglang naging blurred ang lahat at siya lamang ang tanging malinaw.

Medyo gulo ang buhok niya sanhi yata nang biglaang pagtayo kanina, namumula rin ang bandang pisngi, dahil na rin sa mestizo siya kaya kaunting hawak ng mga kamay ay mabilis iyong mamula. Pansin din ang natural na pagkapula ng kaniyang mga labi. Nangingintab din ang mukha sa sobrang kinis at puti!

Lord, bakit mukha pa siyang babae sa akin?

"A-Ah! Hindi na po, sir. Ayos lang po ako."

Kumunot ang noo niya bago tumango at tumalikod na.

Nanghihina akong napaupo sa malambot nilang upuan. Parang nawalan ako ng tuhod bigla. Ano ba itong nararamdaman ko?

Narinig ko pa ang tawa ni Jerace at ang boses ng lalaki kanina. Mukhang nagbibiruan ang mga ito. Pasimple akong lumapit sa may pintuan at sinilip ang nangyayari.

Binibiro yata ni Jerace ang lalaki na siyang ikinangisi nito. Muling dumagundong ang dibdib ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanila.

Napatingin naman ako sa pamilya nila. Masayang nagkukuwentuhan ang mga lalaki. Inaasikaso pa ni Ma'am Abby ang pinggan ng isang batang babae. Sa tingin ko ay si Ma'am Daisy iyon.

Sumalo na sa kanila iyong lalaki kanina. Lalong umingay ang hapag. Wala sa sarili akong napangiti.

Nakakatuwa at buo silang lahat.

"Chenny!"

Inayos ko ang sarili at hinintay ang paglapit ng makulit na si Jerace.

Nginitian ko lang si Sir Axel at tumalikod na.
Siguro iyong kasama niya ay ang girlfriend niya. Walang duda naman sa tawagan pa lang.

Nalaman ko kay Jerace ang pangalan ng lalaki, makalipas ang ilang araw matapos nang una naming pagkikita. Nakukuwento niya rin kasi sa akin. Namangha ako sa pangalan niya. Medyo maganda eh.

Nakumpirma ko na rin kung ano itong nararamdaman ko sa kaniya. Crush daw ito sabi ni google at sa naririnig ko rin kay Jerace, baka nga may crush ako kay sir Axel.

Crush is paghanga lang naman. Hindi ko naman siguro ikamamatay ang pagkakaroon nito. Saka wala pa naman sa isip ko ang pag-ibig na 'yan.

Muli akong naglibot at nang makitang puro ganoon ang presyo at ang iba naman ay mas mahal pa, lumabas na rin ako. Nakita ko pang abala pa rin ang dalawa sa paghahanap ng dress. Nakangiti si sir Axel at titig na titig sa babae.

Hindi ko alam na may girlfriend na ang lalaki. Wala namang nakukuwento si Jerace sa akin. Sabi pa nito ay playboy raw iyon kumpara sa pinsan. Saka pabago-bago raw ang babae nito.

Siguro ngayon, iba na. Pansin ko kasing tunay niyang gusto ang babaeng kasama niya. Iba siya makatitig eh.

Nang mapagod at magutom ay kumain na lang ako sa fast-food na mcdo. Ang dami kasi ng fries nila, saka gustong-gusto ko ang spaghetti rito.

Tahimik akong kumain at muling naglibot. Laking pasasalamat ko at nakabili naman ako ng bagong dress at isang top na kulay green.

Ang cute tingnan ng dalawang paper bag na hawak ko.

Nakakatuwa na kahit papaano may nangyayari naman sa buhay ko, kahit paunti-unti.

Continue Reading

You'll Also Like

904K 20.7K 29
• completed • She was just the silent girl, the girl with a broken past, the girl who was too naive and too innocent, but to him she was his world. #...
26.9M 729K 43
[VERSION WITH EXTRA CHAPTERS OUT ON AMAZON!!!] [This Wattpad Version is the Unedited first draft.] Having a crush on someone isn't easy, especially w...
15K 336 35
XAIVER ACOSTA the proffesional Doctor who discover cure of virus Meets the rugged flight attendant who's have a virus. Her name is ZAIRA MAE RAMZ Cur...