Vanilla Sky (Lesbian Love Sto...

By dark19

32.2K 3.4K 657

(CallenxDaphne's love story) Lesbian love Story More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24

25

894 85 24
By dark19

Callen's POV

Nasaan na nga ba ako?

Napatingin ako sa dokumentong hawak ko. Page 156. Wala man lang akong naintindihan dito sa binabasa kong proposal.

Natigilan ako.

Nawala sakin lahat. Lahat ng nagpapasaya at kulay sa mundo ko nawala sakin. Hindi ko namalayan na Kulang palang lahat ng ginawa ko para maprotektahan ang lahat ng iyon. Pakiramdam ko ako yung dumurog noon sa mga kamay ko.

Napatingin ako sa mga kamay ko. Naging peklat na yung mga sugat na natamasa ko nung pinaamin ko yung kapatid ni Axcel. May pitong tahi din sa ulo ko dahil sa sugat na natamo ko at dalawang saksak sa tagliran yung napapremyohan ko dahil sa mga hayop na yun. Grabe yung iyak nina Mommy habang dinadala ako sa emergency room noon. Hindi ko alam bakit namamanhid ang pakiramdam ko noong mga oras na iyon. Gusto ko ng bumigay pero lumalaban yung isip ko dahil sa sinabi ni Dada.

Kailangan daw ako ng mag iina ko na hanggang ngayon ay hindi ko makita.

Kailangan nila ako? Pero bakit hindi nila ko sinama?

Ayaw nila sa akin. Bakit nga ba nila ako gugustuhin? Ako ang nagpalalim ng pighati ni Daphne.

"Ano? Kailangan mo na ng secretary?" untag ni Ishan sakin kaya napatango ako.

Napakahirap ba naman magbasa at umunawa kapag ganitong araw araw loaded yung isip ko.

"Okey ka lang?" muling tanong nya sa akin. Hindi ko alam yung isasagot ko dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko ay namamanhid na yung buong pagkatao ko.

"Dumadating tayo sa buhay ng isang tao para hindi kunin yung heartaches nila.... hindi natin kayang gawin yun kase wala tayong super power. Ang pwede lang natin gawin para sa kanila ay yung manatili at tumulong tayo sa tabi nila hanggang sa makacope up sila sa pinagdaanan nila. At kahit na gaano kadilim yung pinagdaanan nila....dapat iparamdam natin sa kanila  na sila at sila pa din yung pipiliin natin." lintaya ni Ishan habang nagtatype sa laptop nya.

Nasaktan ako.

"Ginawa kong lahat iyon.... tinanggap kong lahat sa kanya... pero bakit ganito?" saad ko at napadukdok ako sa lamesa ko.

"Nasaktan sya dahil pakiramdam nya ay pinaglaruan natin yung buhay nya. Na mababawa sa mga mata nya yung pagmamahal mo dahil sa huli kapakanan ni Riyon ang pinaramdam mo sa kanya." saad nya.

Napaangat ang mukha ko at napatitig sa kanya.

Naghubad ng salamin sa mata nya si Ishan bago napatingin sa akin.

"Tama na yung oras na ibinigay mo kay Daph, Suyuin mo na sa paraan na alam mo." natatawang saad nya. Doon ako natauhan.

Pagod na pagod ang pakiramdam ko ng makarababa ako ng sasakyan. Wala naman akong ginawa maghapon sa opisina bakit ganito yung pagod ko. Nagulat pa ko sa sarili ko bakit dito ako umuwi?

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Kuya Sonny.

"Napagod ako magbasa kuya." saad ko pagkapasok ko ng pintuan. Ewan paano kami naging close ng kuya ni Daph. Grabe din kase yung iyak ko sa harap ng pamilya nya nung nalaman ko na tumakas si Daph at iniwan ako.

"Nandyan din sina Kuya mo kausap sina Mama nasa kusina." saad ni kuya Sonny pagkasara ng pintuan at nagtungo sa kwarto nya dahil nagtatapos daw sya ng report. Dumeretso ako sa kusina at nagmano ako sa magulang ni Daph bago ako nakipagbeso sa kuya ko at sa asawa ng kuya ko.

Napamahal na din kaming magkapatid sa pamilya na ito sa totoo lang na kahit si Kuya Yuan ay madalas dito kasama yung pamangkin ko.

"Kumain ka na?" tanong ni Mama sakin.

"Opo, kasabay ko po si Ishan." saad ko pero ewan may luto si Mama na hindi ko matanggihan. Itong tinola. Kaya ang ginawa ko ay nagsandok sa mangkok at tumabi sa kuya ko at humigop ng sabaw.

"Stress eating...." saad ni Ate Yan.

"Wala naman akong ibang gagawin kundi ito lang...." saad ko

May iniabot sa akin si kuya na envelop at ng tanggapin ko iyon ay nagkatinginan sila nina Mama at si Papa ay nakangiti sa akin.

"Ikaw ng bahala...." saad ni Papa sakin.

"Problemahin mo na lang yung pirma." saad ni Kuya na natatawa.

Pagbukas ko ng envelop ay parang di ako makahinga. May basbas nila 'to!

Daphne's POV

Napalunok ako at hindi ko man lang mahawakan maige yung baso ng tubig sa harap ko.

Kailangan kong humakbang paunti unti at alam ko na isang paraan ito para magawa ko iyon.

Kita ko ang paghihirap sa mga mata nila at pangungulila. Kaya parang dinadagukan din ako sa puso ko. Hinugot ko sa bag ko ang isang brown envelope at nilapag iyon sa harap ko. Napabuntong hininga ako bago ko iyon pinadausdos dahan dahan papunta sa harap nila. Hindi ko alam bakit lumuwag ang pakiramdam ko dahil sa luhang kumawala sa mga mata nila.

Napayuko yung dalawang attorney sa magkabilang gilid namin.

Hindi ako makapagsalita dahil sa emosyon na bumabalot ngayon sa pagkatao ko.

Pagkabuklat nila sa envelope na iyon ay doon na nga lalo silang napaluha dahil sa saya. Nilakasan ko yung loob ko at tumingin sa kanila.

"Hope it will help Riyon...." nakangiting turan ko at napasinghap ako ng hawakan ng Mommy ni Riyon ang mga kamay ko.

"Thank you...." naiiyak na saad ni Ma'am Carol at ewan bakit napaluha din ako.

"Yun nga lang po..... hindi nyo po sya makakasama sa Pilipinas." anas ko. Dahil hindi that's the consequences of everything she did kahit di naman nya gustong gawin.

"Ayos lang iyon....mas ok na makalabas sya. At habang buhay namin na tatanawin na utang na loob ito Daphne." Naiiyak na turan ni Ma'am Amber.

That's a letter of forgiveness na may thumb mark at pirma ko. Medyo inabot lang ng isang taon yung proseso pero at heto na lang yung hinihintay nila.

Sa pagmamahal ko kay Roi ay ayokong masira yung buhay nya. Malaking factor doon yung pinagsamahan nila ni Riyon. Ayokong mawala sa kanya si Riyon. Ayokong may mawala sa kanya... lalo na si Riyon.

After ng pag uusap namin ng mga magulang ni Riyon ay nagtungo na ako sa daycare center na pinapagpasukan ko kay Caleb. 8am to 11am lang kase ang pasok nya kaya sa umaga ay lagi ako nakaantabay sa oras para masundo sya.

Hindi pumayag si Kaia na lumayo kami. Lahat na yata ng pananakot ay inabot ko sa babaeng yun. Napaka manipulative.

Napakabusy nya ngayon sa expansion ng planta ng wine nila sa Italy at tuwing sabado at linggo ay nandito sya sa amin.

Kinukuha nya kong secretary nya pero hindi ako pumayag dahil sobra sobra na yung tulong nya sa aming mag ina at napaka OA nyang magpasweldo sa akin nang subukan ko magwork sa kanya.

Yung kahit man lang sa mga sarili kong diskarte ay mabuhay ko si Caleb.

"Mommy!!!" matinis na sigaw nya kaya natauhan ako at napangiti sa kanya at sinalubong yung maliit nyang yakap.

Lahat nagbago ng makasama ko si Caleb. Yung pag asa na maibabangon ko yung sarili ko sa madilim na nangyare sakin. Kapag nakikita ko yung mga mata nya at yung mga ngiti nya ay nagkakaroon ng liwanag yung buhay ko. At sa tuwing tinatawag nya ko ng 'Mommy' ay nabubuo ang pagkatao ko at may mainit na bagay yung humahaplos sa puso ko.

Habang gumagawa ng assignment yung anak ko ay nagchecheck ako ng email ko. Ang hirap maghanap ng trabaho.

Pagdating ko sa may dulong bahagi ng email ay nabasa ako....

Interview!

May interview ako bukas!

Yes!

Nagconfirm ako na aattend ako. Sakto pagkasend ko ay tapos na yung anak ko sa paggawa nya ng assignment na pagkukulay ng prutas.

"Mommy look." saad nya at napangiti ako ng makita ko yung ginawa nya. Sa mga simpleng ginagawa nya ay sobrang proud ko sa kanya. Ganito yata kapag magulang ka na tipong akala mo ay isang tanyag na pintor na yung anak mo sa mga mata mo.

"Wow ang galing naman ng baby ko!" proud kong sabi habang tinitingnan yung gawa nya.

Gusto ko na ganito lang kasimple yung buhay namin.

Kinabukasan nga ay nandito ako sa lobby ng isang kilalang kumpanya dito sa Austria. Medyo strict sila kapag sa ganitong process ng pagtanggap ng empleyado na tipong panel kung panel interview. 

Tinawag ako ng isang hr at pinapasok sa isang silid doon at binabaan ng kalahating dangkal na papeles.

"Please read and sign it within 10minutes so we can proceed to initial interview." saad nya. pero jusko paano ko matatapos ng sampung minuto ito ang dami! Sa totoo lang wala ako maintindihan kaya paspas yung pirma at basa ko na di naman pumapasok sa isip ko. Pakiramdam ko nga sa mga oras na 'to para akong na scam!

Kakapusin na ko sa oras kaya panay pirma na lang yung ginawa ko dahil karamihan ay rules and regulatiin ng kumpanya nila. After nga ay pumasok ang Hr Manager para daw sa initial interview. Yung mga tanong ay more on sa pasensya ko kung hanggang saan ito. Parang ang toxic naman dito. Bakit ganito yung tanungan na tipong jojowain ko yung boss nila!

"Your final interview will be on 8th floor." saad nya habang iniisa isa nya kung napirmahan ko bang lahat ng dokumento na inilatag nya sa akin. Ewan bakit ako kinabahan bigla sa mga papel na yun.. napapilig ako ng ulo ko. Kailangan ko ng trabaho para sa aming mag ina para hindi kami umaasa kay Kaia.

Sinamahan nya ko sa 8th floor at tinuro nya sa akin na maupo muna sa mini lobby katapat ng lamesa para sa secretary ng mismong may ari.

Ginapangan ako ng takot ng tawagin na ko pumasok na sa silid ng may ari. Nakaharap ito sa malaking salaming bintana at may kausap yata sa telepono.

Hindi nakaligtas sa tenga ko na parang nagmamadaling lumabas yung secretary at pagtunog ng lock ng pintuan.

Parang napanawan ako ng hininga ng humarap sa akin yung nakaupo at blangko ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Roi....." mahinang anas ko.

.....

Nanlalamig ang mga palad ko sa mga oras na 'to at parang hindi na sya yung Roi na nakilala ko base sa paraan ng pagkakatitig nya sa akin ngayon. Parang salaming walang buhay na yung mga mata.

Hindi ko na kailangan yung trabahong 'to. Patayo na ako para sana umuwi ng magsalita sya.

"You sign with the agreement that you will finish this interview..... unless you want to sued and be banned to the other companies along Austria." saad nya kaya napaupo ako ulit. Animal! Napakautak!

Sabi na mali yung pinirmahan ko bakit kase nataranta ako kanina!

"What?" sya pang galit sa lahat ng kagaguhan nilang magkakaibigan.

"How dare you para iwan mo ko ng ganun ganun na lang?" malamig na tanong nya.

"Closure ba ang gusto mo?" nakakainis bakit nasasaktan ako sa paraan ng pakikipag usap nya sakin!

Lalong nawalan ng gana yung mga mata nyang nakatitig sa akin.

Napabuntong hininga ako dahil feeling ko nakakasakal yung iisang hangin na hinihinga namin ni Roi sa kwartong to!

"Tapusin mo na yung interview na 'to at ibagsak mo na ko kase gustong gusto ko ng umuwi." sabi ko dahil naiinis ako sa sarili ko dahil kahit niloko ako ng hayop na ito eh walang nagbago sa nararamdaman ko. Nakakaiyak dahil mahal ko pa din sya!

"Fine!" saad nya bago ipinatong sa harap namin yung isang folder. "Madaling madali? Feeling maganda...." bubulong bulong nya kaya napaikot sa ere yung mga mata ko. Hudas pa din!

"Aware ka naman sa posisyon na inoofer sayo di ba?" tanong  nya habang binabasa yung laman ng folder. Napatango ako at walang ganang napasandal ako sa kinauupuan ko.

"Good! So you agree?" nakakalokong ngisi na yung naglalaro sa mga labi nya kaya napaupo ako ng maayos.

"Aba teka! Anong agree? Napakabobo mo namang mag interview napakalabo!" reklamo ko. Balak kong magbara barang sagot parang ibagsak nya ko.

"Woh! bakit nung ininterview mo din ako years ago puro lait inabot ko sayo huh! Wala kang narinig sa akin....Saka teka nga bakit ka ba nagrereklamo eh pumirma ka na.." aba't ang gagong 'to sya pa may ganang magalit ngayon.

"I agree? in what position ba? Nakakasora sa wala talaga ako maintindihan sa job offer nyo ngayon dahil ang layo na sa napag usapan natin sa email! Tapos patanga tanga ka pa sa pag iinterview ngayon!" wala na at talagang di ko na napigilang hindi magwala.

Ngayon ay sya ang napasandal at nakangisi sa akin  habang amuse na amuse ang mga matang nakatingin sa akin.

"Position?" ngisi nya bago tinulak ng daliri nya yung folder palapit sa harap ko.

"My wife..... my happy ever after..... my better half or whatever you want to call it. I'll accepted you Mrs. Altemirano." saad nya at doon ako parang nawalan ng ulirat habang nakatingin doon sa folder at ayaw mag sink in sa isip ko lahat ng pinagsasabi nya. Jusko sana naman di nya hinalo yung mga dokumentong tumatakbo sa isip ko doon sa mga pinirmahan ko kanina!

Pag angat ko ng paningin ko ay nakatawid na si Roi at magkalapat na yung mga labi namin.

Ang hayop na 'to bakit ganito????

..................

Sorry for delayed UD.

Thank you for reading.

Vote and comment kayo

~dark19


Continue Reading

You'll Also Like

178K 9.8K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
281K 4.8K 24
Dice and Madisson