Serendipity

By Lovely_0o0_

24.4K 756 196

"I won't let you to love someone other than me. You are mine, honey. Mine. Alone. I wouldn't let anyone to co... More

Serendipity
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 5

1.2K 42 19
By Lovely_0o0_

ANG GULO ni Miss, hindi ko siya maintindihan. Ginugulo niya ako. Bakit naman kasi bigla na lang siya nagawa ng bagay na hindi dapat ginagawa ng isang guro? Lalo na at ngayon lang kami nag-kakilala.

Bahala na nga si Miss.

Hangang ngayon ay nasa labas parin ako at hindi maka-paniwala sa ginawa ni miss, at mabilis parin ang tibok ng aking puso.

Wala lang siguro 'to, baka kinakabahan lang ako kanina kay miss. Ikaw ba naman ang lapitan ng isang napaka-gandang dilag at halikan sa noo, hindi ka ba naman ka-kabahan?

Kaba lang to.

Kabag lang to.

Pumasok na ako sa loob at ngayon ay nasa tapat na ako ng pinto ng apartment ko. Bubuksan ko na sana nang mapansin ko na hindi pala naka-lock ang pintuan. Hindi ko ba ito na i-lock bago pumasok sa trabaho?

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, pag-pasok ko ay wala naman akong nakitang tao, pero may narinig akong ingay na nagmu-mula sa kusina, kaya naman ay dali-dali akong pumunta do'n at may nakita akong isang bulto ng babae na nag a-ayos ng lamesa.

Si ate!

"Ate!" Lumingon siya sa aking direksyon ng marinig ang aking boses. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kinar-roonan niya at patalon na yumakap sa kanya na parang bata, muntikan na kaming matumba 'buti na lang ay mabilis akong nahawakan ni ate sa bewang.

Ang tangkad ni ate, sana ako rin.

"Careful, baby" Natatawang saad sa akin ni ate at pinupog ng halik ang aking muka. Kahit na madalas naman kaming magkita ay lagi ko parin siyang na m-miss. Madalas naman dumalaw si ate sa 'kin pero nitong lingong ito ay ngayon pa lamang siya dumalaw, siguro busy sa trabaho. Isa kasi siyang doctor sa isang sikat na ospital, kaya nga nag-tataka ako kung papaanong mayroon parin siyang oras para sa 'kin, sa trabaho niyang kuha lahat ang oras niya.

Siguro 'pag mahal mo talaga yung tao, kahit ga-ano ka pa ka-busy ay mak-kahanap ka parin ng oras para sa taong 'yon.

Malapit kaming dalawa sa isat-isa dahil halos si ate na ang nag-alaga sa akin nung bata ako, laging busy sina mama sa trabaho, at hindi rin sila kumuha ng yaya para sa 'min. Isang lawyer si mama at doctor naman si papa kagaya ni ate at sa i-isang ospital lamang nagt-trabaho sila ate at papa. Buti na lang ngayon ay hindi na masyadong busy si mama kaya naman ay nag kakaroon na siya ng oras para saaming dalawang mag-kapatid dahil i-ilan na lang ang tinatangap niyang kliyente. Pero si papa ay talagang busy, pero nadalaw parin naman siya pa minsan-minsan.

Sa totoo lang, ayaw nila akong pag-trabahuhin dahil kaya naman daw nila akong pag-aralin, gusto din nila na sa binili nilang condo ako tumira dahil malapit din daw 'yon sa school, pero makulit talaga ako at tinangihan ko. Gusto ko kasing sariling pera ko yung gagastusin ko lalo na at kaya ko naman na mag-trabaho. Nag bibigay parin sila ng allowance ko buwan-buwan, ginagamit ko lang yun kapag para sa pag-aaral pero pag-dating sa luho ko ay sarili kong pera ang ginagamit ko.

"Did you eat na ba?" Malambing ang tono ni ate habang tinatanong ako. Seyoso siya lagi at malamig makitungo sa ibang tao pero pag-dating sa 'kin ay para siyang kandila na natunaw, bumabait. Mabait naman talaga si ate, kailangan lang ay maging komportable siya sa'yo.

Tumango ako sa kan'yang tanong dahil kinain at naubos ko anaman ang ibinigay sa akin ni miss na pag-kain. "Ikaw, ate? Kumain kana?" Malambing kong tanong habang naka-lambitin parin sa kan'ya. Kay ate talaga pinaka-close dahil nga siya na ang nag-alaga sa 'kin, kay ate lang din ako nag-sasabi ng mga problema ko o kung may bumabagabag sa 'kin. Naiba lang nung dumating siya.

"Hindi pa, I actually wanted to eat dinner with you. Nag-luto pa nga ako ng mga favorite mong foods" Saad ni ate habang naka-nguso. Tiningnan ko naman ang lamesa at nakita doon ang mga paborito kong pagkain. "Pero kumain kana pala" Tila nagt-tampo ang boses niya.

"Hmm, ka-kain na lang ulit ako para naman ay may kasabay ka po" Nakita ko naman ang pag-liwanag ng muka ni ate matapos kong sabihin 'yon.

Kumain na kami at nag-kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin nitong mga nag daang araw, sinabi sa akin ni ate na talagang naging busy siya kaya hindi ako na dalaw, may akidente raw kasing nanyari at marami ang nasuganatan kaya naman halos wala silang pahinga nitong lingong ito. Buti na lang at may oras siya ngayon na mag-pahinga.

Ngayon ay nasa banyo si ate sa labas ng kuwarto ko naliligo habang ako naman ay nakaupo sa aking kama. Hihiga na sana ako nang may mahagip ang aking mga mata, ilang piraso ng white tulip croshet na nakalagay sa vase sa study table ko. Tumayo ako at hinawakan ang mga iyon na nag-hatid sa 'kin ng k-kaibang pakiramdam. Habang hawak ko ito ay muli kong nadarama ang pakiramdam na aking kinalimutan noon paman, ang pakiramdam na siya lamang ang kayang ipadama sa 'kin, biglang pumasok sa aking isip ang mga mata nang taong nag-bigay nitong ng bulalalak na ito sa akin. Ang taong hindi ko kailanman mak-kalimutan.

Nasaan kaya siya ngayon? Ayos lang ba siya? Nakakain kaya siya ng maayos? Madalas parin ba siyang inaatake ng sakit niya? Ang daming tanong na nag-lalaro sa aking isipan at i-isang tao lamang ang dahilan. Ang taong matagal ko nang kinalimutan.

Ano bato? Bakit ba naiisip ko na naman siya? Matagal ko na siyang kinalimutan matapos ang ginawa niya. Umiling ako at binitawan ang mga bulakalak.

Gusto ko siyang kalimutan pero hindi ko kayang itapon ang mga bagay na bigay niya sa akin, ang mga alalang ibinigay niya sa 'kin. Hindi ko pa kaya.

Bumalik na ako sa kama at humiga kasabay naman 'non ang pag-bukas ng pintuan sa aking kuwarto at pumasok si ate habang pinapatuyo ang kanyang mahabang buhok. Naka-suot siya ng isang manipis na kulay puting oversized shirt at mikling pambaba na kulay itim. Mahahalata rin na wala siyang soot na kahit ano sa ilalim ng kanyang damit. Sanay na naman ako kay ate dahil lagi siyang ganyan pag sabay kaming natutulog. Minsan nga wala siyang suot na kahit ano, ang sabi niya sa akin ay mas komportable daw siyang walang suot o manipis lang pag natutulog.

"Lets sleep" Mahinag bigkas ni ate at papiki-pikit siya sabay yakap sa akin pahiga, halatang ina-antok na siya dahil sa pagod. Madami nanaman siguro itong ginamot at ngayon lang ulit mak-kapag pahinga.

Tumango nalang ako sabay yakap sa kan'ya at sumiksik sa kanyang leeg. Ilang sandali pa ay nararamdaman ko ang antok at ang pag-bigat ng talukap ng aking mata. Bago paman ako makatulog ay narandaman ko ang pag-dampi ng isang halik sa aking noo. Ang sweet talaga ni ate.

"Goodnight, sweetheart"

LUNES na naman at nasa school ako ngayon papunta na sa room. Si ate ang nag-hatid sa' kin bago siya pumasok sa kanyang trabaho, tumangi pa nga ako dahil baka ma-late pa siya pero ang kulit din ni ate eh, nag-pumilit na ihahatid ako. Pumayag na lang ako dahil hindi naman 'yon magp-patalo.

Buti na lang at tuwing martes lang maaga ang first class ko at bago mag lunch yung first subject ko ngayon kaya naman sapat na ang naging tulog ko. Pero mamaya, siguradong puyat nanaman dahil sa trabaho.

Ngayon ay hindi si miss Talia ang first class ko, pang mamaya pa siyang hapon.

Nasisipan ko na ipag-luto kanina si miss ng tanghaliaan bilang pasasalamat sa pag-hatid niya sa'kin kagabi.

"Baby, Vicky!"

Habang nag-lalakad ako ay may biglang tumawag sa 'king pangalan dahilan upang mapalingon ako sa kanyang direksyon. Teka, Sylvia? Anong ginagawa nito rito? Tumakbo sya papalapit saakin, pinag titinginan na kami dahil medyo malakas ang kanyang boses nung tinawag ako.

"Sylvia? Anong ginagawa mo dito?" Nag-tataka kong tanong sankanya ng maka-lapit na siya sa 'king pwesto.

"I've transferred here, Vicky"

"Talaga ba?" Medyo tumaas ang boses ko dahil sa sinabi niya. Pareho lamang kami ng kinuhang kurso kaya naman ay may tiyansang maging mag-kaklase kami, hindi man lahat ng subject pero siguro naman kahit isa ay may mag-kapareho.

"Yep, I've decided na dito na mag aral, since nandito ka at malapit din iyong school mo ang condo ko" Na ka ngiti nitong wika saakin. Ang sweet din talaga ng boses niya kagaya ng kay ate. Pareho ring conyo.

Nagl-lakad na kami ng mag-kasabay papunta sa room at hawak din niya ang aking kamay habang nag lalakad kami, dahil nalaman ko na mag kaklase kami, nalaman din namin na mag kaklase kami sa lahat ng subject nung tinanong ko kung ano ang schedule na. Tama ako.

Tinawagan ko narin yung kambal kanina kung nasa'n sila at sinabi nilang nasa room na sila. Buti naman at hindi sila late kagaya ng nakasanayan.

Nasa tapat na kami nang pintuaan ng room, nakasarado na ito na siya namang pinagtaka ko.

"Are we late na ba, baby Vicky?"

"Wait, tingnan kolang kung anong oras na"

Tininan ko ang oras sa telepono ko para tingnan kung late na kami pero ten minutes pa pala bago magsimula ang klase namin kay sir Africa.

"Hindi, pa naman" Pag-katapos ko yun sabihin ay binuksan ko ang pintuan at laking gulat ko ng makita na hindi si Sir Africa yung na saloob kundi ay si Miss Talia.

Bakit siya yung nasa loob?

Nakatingin lamang siya sa 'min ng diretso, bumaba ang kanyang paningin sa kamay namin ni Sylvia na mag kahawak parin pala hangang ngayon, napansin ko na tumalim ang kanyang tingin sa kamay namain na mag kahawak kaya naman aya agad kong binitawan ang kamay ni Sylvia kaya napatingin si Sylvia sa 'kin na nag-tataka.

"G-good morning po Miss---ma'am Guevara" Agad kong bawi nang mapag tanto na hindi lamang kami ang nasa loob ng classroom. Baka kasi magalit pag-tinawag kong miss eh may kasama pa naman kami.

Napansin ko na lalong sumama ang timpla ni ma'am nung marinig ako. Bumati rin si Sylvia kay miss pero hindi siya nito pinansin at hindi narin nag-bago nag-bago ang tingin ni miss.

"You. Introduce yourself" Tawag pansin niya kay Sylvia.

"Hello everyone, My name is Sylvia Ybañez from the family of Ybañez and Zhan I am 20 years old and I look forward to be part of this class" Magiliw na pagp-pakilala ni Sylvia sa harapan ng klase. Galing siya sa mayaman na pamilya ng mga Ybañez at Zhan. Meron silang ibat-ibang negosyo na pinatatakabo at tinatangkilik naman ng mga mamamayan ang kanilang mga produkto.

Nag-lakad na kami papunta sa upuan ko, sa tabi ko na lang pinaupo si Sylvia at pumayag naman Si Cris na siyang lagi kong katabi. Nag batian sila Sylvia at yung kambal, alam rin pala nila na umuwi na si Sylvia dito sa pilipinas. Mag-kakilala na kaming tatlo simula bata pa lamang dahil magk-kaibigan yung mga magulang namin noon pa. Sinarado na ni miss ang pinto at pumunta sa lamesa sa unahan. Bakit ba sinarado ka'gad kanina eh hindi pa naman time?

Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell, nag papahiwatig na mag sisimula na ang unang klase.

"Your Professor Africa asked me to be the substitute teacher for this class" Malamig niyang saad. Grabe, hindi man lang sinabi kung ano ang rason. Hindi man lang din nag-goodmorning.

Tinanong ni Miss kung saan nag tapos si sir at ipinag-patuloy ang pagd-discuss. Pero bakit parang wala siya sa mood? Alam kong lagi siyang nakasimangot pero iba ngayon parang bawat salita niya ay may halong sama ng loob.

Kahit nakasimangot siya maganda parin.

Magaling si miss mag-turo, lahat ng estudyante ay nakikinig sa kanya. At talagang mai-intindihan mo yung lesson pag-siya na ang nag-turo
Isang salita niya lang ay kaya ka niyang pasunurin, kahit yung nga kaklase kong hindi nakikinig sa mga prof at natutulog lang sa klase ay himalang nak-kinig 'pag si Miss Talia yung nagt-turo.

Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell kaya naman ay kanya-kanya nang naga-ayos ng mga gamit nila ang mga estudyante.

Lunch na ngayon, ibibigay ko na kay miss yung niluto ko.

"Vicky, Let's go, sabay na tayong tatlo mag lunch" pag-katapos kong mag ayos ng gamit ay kinalwit ako ni Sylvia at nag-aya.

"Oo nga, Thyra. Matagal na nung nag kasabay-sabay tayong kumaing tatlo" Sabi naman ni Mari.

Tama siya, pero kailangan ko munang ibigay yung niluto ko kay miss.

"Sige, mauna na kayo, mayg-gawin lang ako" Pag kasabi ko ' non ay tumango naman sila at hindi na nag-abalang mag-tanong. Pag-kaalis nila ay napansin ko na kami na lang ni miss ang nasa loob ng classroom, nag aayos siya nang mga gamit niya. Kinuha ko na yung gamit ko at pumunta sa harapan kung nasaan si miss.

"Miss Talia, tulungan ko na po kayo" Tila nagulat si Miss nung bigla akong nag salita sa kanyang likuran pero mabilis rin namang nakabawi at bumalik sa seryoso ang muka niya.

"No need"

"Tutulungan ko na po kayo" Ginamit ko kay miss yung magic eyes ko na laging nakakapag Padala kina mama at ate para ibigay yung hiling ko. Ilang sandali niya muna akong tinitigan at may kung ano nanaman sa kanyang mga mata bago siya pumayag.

Kinuha kona yung gamit ni miss, kakaunti lang naman ito kaya hindi ako mahihirapan. Nag-lakad na kami papunta sa office niya, habang kami'y nagl-lakad ay maraming mga estudyante ang nap-patingin sa gawi namin---kay miss. Kung mag lakad kasi siya ay parang isang model kaya nak-kuha niy atensyon ng mga estudyante mapa babae man o lalake.

Nung nasa tapat na kami nang kanyang opisina ay inilagay ko na yung mga gamit niya sa lamesa kung saan ko inilagay yung gamit niya nung nakaraan. Nag-lakad si Miss papaunta sa table niya at umupo sa upuan, hindi parin ako pinapansin. Kinuha ko yung Tupperware at inilagay sa table niya.

Nag-angat si miss ng tingin sa akin at bumaling ang kanyang paningin at na pakunot noo ng makita yung tupperware.

"What's that?" Naka kunot noo na tanong ni miss.

"Tupperware po"

"I mean, ipinag luto ko po kayo ng lunch para po mag pasalamat sa pag hatid niyo po sa 'kin kagabi" Saad ko habang na ka hawak sa batok dahil bigla akong sinamaan ni miss ng tingin. Totoo naman na tupperware yun eh.

Hindi na nag-dalita si miss at bubuksan na yung tupperware at tumambad sa kan'ya ang niluto kong sinigang na hipon, nag-labas narin ako ng ice cream na ang flavor ay cookies and cream. Nakita ko namang nag ningning ang kan'yang mata nung makita yung pag-kain. Paborito siguro 'to ni miss.

Agad din namang bumalik sa seryoso ang kanyang muka ng makita na nakatingin ako sa kanya. Tumikhim siya at inalok ako kung gusto ko siyang saluhan pero tumangi ako dahil may roon din naman ako nasa bag lang. Mamaya ko na lang k-kainin pag nasa cafeteria na ako kung nasaan sina Cris.

Gusto ko munang malaman kung pasok ba sa taste ni miss yung niluto ko o kung masarap ba.

Kumuha si miss ng kutsara at tinikman yung sabaw ng sinigang. Naka masid lamang ako habang nakain siya. Seryoso ang kanyang muka kaya hindi ko malaman kung nas-sarapan ba siya o hindi.

"Ano Miss, masarap po ba?"

"Y-yes" Bakit naman nautal?

Pero may naramdaman akong saya nung sinabi 'yon ni miss, achievement na yun dahil first time ko magluto ng sinigang na hipon, tapos masarap pa daw sabi ni miss.

"Sige po, aalis na po ako" Pag-katapos ko yun sabihin ay tumango na si miss kaya naman ay kumabas na ako at pumunta sa cafeteria.

"Pandak, sa'n kaba nangaling?" Bungad na tanong saakin ni Mari nang makarating ako. May pag-kain na sila sa table pero hindi pa na kain. Hinintay pa nila ako.

"May inasikaso lang" Pag kasabi ko 'non ay umupo na ako sa tabi ni Sylvia at inilabas na yung niluto ko.

"Ano 'yan? Did you cook that ba?" Tanong sa 'kin ni Sylvia habang naka turo sa Tupperware na inilabas ko.

"Oo, gusto niyo ba tikman?" Pag-katapos ko yun sabihin ay kanya kanya naman silang kuha ng kutsara at binuksan yung Tupperware at agad na timikman yung sinigang.

Pag-kasubo nila, ako naman ay naga-abang ng reaksyon nila. Sigurado akong sasabihin nila na masarap dahil sabi ni miss masarap daw.

"Ano, masarap ba?" Nag katinginan naman sila bago sabay sabay na tumango. Ang weird naman nila.

"Y-yeah, it's masarap. Akin na lang 'to, baby. Palit tayo" Bakit ba nauutal? Yung reaksyon nila ay katulad lang nung kay miss. Sumang ayon naman sa kanya yung kambal. Pag-kasabi 'non ni Sylvia ay bigla niya namang kinuha yung Tupperware at ipinag palit yung kanyang pag-kain na Burger and fries.

"Teka, patikim muna nung luto ko" Tinangkang ilayo ni Sylvia sa akin pero mas-mabili ako kaya naman ay nakuha ko, bakit ba ayaw niyang ipatikikm sa akin yung niluto ko?

"Dont!"

Binalak nanaman niya akong pigilan nung susubo na ako pero mabilis kong naisubo at hindi ko alam kung anong mar-ramdaman ko dahil sa lasa.

Ang tabang!

Halos madual ako dahil sa tabang ng lasa. Nagawa ko 'tong ipatikim sa kanila?! Yung ganitong lasa? Ang sabi nila masarap daw. Atsaka kay Miss Talia, na patikim ko sa kan'ya yung ganitong ka-tabang na sinigang? Sabi na dapat tinikman ko muna bago ko nilagay sa tupperware eh.

Nakakahiya kay miss, ang pangit nung lasa.

Continue Reading

You'll Also Like

Sveglio By A

Romance

201K 3.6K 16
Loving you was sunshine, safe and sound A steady place to let down my defenses But loving you had consequences.
90.4K 2.9K 16
A 27 cold, aloof, and strict professor of her own university . A 19 transferee student she's cute, beautiful, and smart she can also pull both gender...
3.2M 185K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
1.9K 81 11
"I thought I'm the strongest, but being betrayed by her almost took every power that I have." Aoi Kaiden Morti, a student who just want to live a nor...