Three Month Agreement

By Pennieee

362K 6.8K 695

Dalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng... More

SIMULA
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
LAST CHAPTER
THREE MONTH AGREEMENT PHYSICAL BOOKS

Chapter 22

3.5K 71 9
By Pennieee


Nasa gilid ako at nakatingin lamang sa kapatid ni Thauce na chinecheck ngayon si Seya. May kasama na itong dalawang nurse ngayon sa loob. Nakikinig lang ako sa usapan nila at hindi ko masundan kapag may mga binabanggit silang mga salita tungkol sa medisina.

Nasa sampung minuto na silang narito sa silid. Isa sa mga napansin ko kay Dr. Ariq ay iba ang aura niya kumpara kay Thauce. Palangiti ang doktor na nasa aking harapan. Mabiro rin ito at malambing ang boses.

Si Thauce rin kaya noon? paano niya kaya kinakausap noon ang mga pasyente niya? Ganito rin kaya? Ngumingiti siya?

Ay! ano ka ba, Zehra! pati ba naman iyon ay gusto mong malaman? Pati boses ay gusto mo marinig?!

"Arzen requested for a private nurse?" tanong nito sa dalawang kasama.

"Yes po, Doc."

Hindi ko inasahan nang lingunin ako ni Dr. Ariq. Ngumiti siya sa akin at tumango-tango. Nanghaba rin ang nguso niya.

"My stubborn brother," ang sabi nito habang umiiling.

Alam niya na si Thauce ang nag-opera. Nakaramdam ako tuloy ng kaba. Ang sabi ni Lianna ay magagalit daw ang ina nila dahil sa ginawa ni Thauce.

"Okay, mauna na kayo sa susunod na pasyente, kakausapin ko lang sandali si Zehra."

Lumabas na ang dalawang nurse na kasama ni Dr. Ariq. Akala ko ay si Thauce ang pupunta ngayon para matingnan ang kalagayan ni Seya dahil siya ang nag-opera dito. Pero malabo na ngang mangyari iyon.

Lumapit sa aking pwesto si Dr. Ariq at itinuro niya ang dulong bahagi ng silid na medyo malayo kay Seya.

"Wala naman negative reaction kaming nakita, pero under monitoring pa rin si Seya at dito muna siya ng ilang linggo para masigurado ang paggaling niya. Arzen also wanted to make sure that Seya is free from cancer. May mga notes siyang isinulat kung ano ang mga susunod na hakbang. He studied Seya's condition well, that fckng genius," sabi nito na napapailing pa.

"For a short period of time he was able to learn what to do to save your sister. Nakakapanghinayang lang talaga na tumigil na siya sa propesyon na ito."

Napakapit ako sa dulo ng aking damit. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Biglang pumasok sa aking isipan ang itsura ni Thauce habang nakasuot ng gown ng doctor.

Makikita ko rin kaya siya ng nakasuot ng pang-doktor?

Parang hindi...

"I am being talkative, Zehra. Ako talaga ang doktor ni Seya, ako ang magoopera pero nagkaroon ng conflict. Pero masaya ako na si Arzen ang gumawa non. Hindi ko ito inaasahan," ngumiti ito.

"Sayang, pagkakataon ko na sana rin para makita siyang mag-opera ulit pero hindi ko naisip na mangyayari ito at siya ang magoopera kay Seya. The people who was with him when the operation happened was lucky. I envy them. They saw how great my brother is. He's a monster in the operating room. At kung siya talaga ang nasa loob ay wala kang dapat na ipangamba sa kapamilya mo. He will definitely do everything to save a life. He's called the miracle doctor for a reason."

Nasalubong ko ang tingin ni Dr. Ariq. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Arzen was able to enter the operating room again because of Seya. Alam ko na totoo ang malasakit niya sa kapatid mo, Zehra. Kung hindi ay hindi niya pag-aaralan ang kondisyon nito. He will not invest his time studying her disease. He will not put himself in danger. Kilala ko si Arzen."

Totoo ang malasakit? H-hindi ba dahil sa kasunduan namin dalawa? Dahil sa pagmamahal niya kay Lianna?

Iyon ang dahilan na naiisip ko kung bakit ganito na lang ang mga ginagawa ni Thauce para sa amin.

"He cares for Seya."

Sandaling sinulyapan ni Dr. Ariq ang kapatid ko na tumitingin-tingin lang sa gawi namin. Nang ngumiti sa akin si Seya ay gumanti rin ako ng ngiti sa kaniya.

"And... for you."

Hindi ko inaasahan ang pagtukoy niya sa akin.

"S-Sa akin, po?"

Tumango siya.

"Hindi mo ba type ang kapatid ko? single naman 'yon saka bagay kayo. Parang type ka rin naman niya. Sana magkatuluyan kayo kasi mabait ka. Bahagian mo siya ng kabaitan, ha? para mabawasan na rin ang kasungitan."

Napasinghap ako sa sinabi niya sa akin.

"A-Ay hindi po! s-si Lianna po ang mahal ni T-Thauce. Hindi po niya ako type. Nagkakamali po kayo doon. H-hindi po..."

Ang bilis ng tibok ng puso ko! nararamdaman ko rin ang aking sikmura na parang pinipilipit. Ano ba itong kapatid ni Thauce?

Tinitigan niya ako ng kakaiba.

"Ooh, so alam mo rin pala na si Lianna ang mahal ni Arzen?"

Doon na ako napatigil. Nang mapansin ni Dr. Ariq ang aking dahan-dahan na pagyuko ay hinawakan niya ako sa aking balikat at tumawa siya.

Pinagti-tripan niya ba ako?

"I will go now. Let's talk some other time. Siguro iyong hindi na dito sa ospital. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa 'yo," sabi nito sa akin at nang tumigin ako sa kaniya ay naroon na naman ang malapad niyang ngiti.

"S-Sige po, Dr. Ariq. Maraming salamat po ulit."

Yumuko ako sa kaniya. Bumaling naman siya kay Seya.

"Bye, Seya!" pagpapaalam niya sa aking kapatid.

At nang ibalik sa akin ang mga mata ay muli akong yumuko.

"You are a great woman, Zehra."

Iyon ang nakapagpatayo sa akin ng tuwid ngunit at nang makita kong nakatalikod na si Dr. Ariq at naglakad na palabas ng silid ni Seya ay iniangat ko ang aking tingin at sinundan siya ng aking mga mata.

"No wonder why my brother was so confused and in denial right now pero sana naman ay huwag tumagal iyon."

Nagsalubong ang aking mga kilay. May mga sinabi pa siya pero hindi ko na iyon narinig pa sa hina.

Nang makalabas ng silid si Dr. Ariq ay napapitlag ako nang marinig ang malakas na boses ng aking kapatid.

"Ate! ang gwapo!!" sabi ni Seya sa akin. Napatili pa siya. Mabilis ang ginawa kong paglapit at kinurot ko siya sa kaniyang pisngi. Sabi ko na, iba iyong paghawi niya ng buhok niya kanina at pagkakautal nang batiin niya si Doc.

"Seya! ang opera mo!"

"Naku, ate! crush ko na ata si Doc! hala! ang pogi-pogi, saka grabe ang bango-bango niya!"

Sinuway ko si Seya at napailing ako. Ito talagang kapatid ko.

"Ate, mas bata ata siya kay Kuya Thauce! o baka same age? hala, ang gwapo niya, ate. Iba ang dating niya sa akin! Ang bilis ng tibok ng puso ko ate! Ibig sabihin nito ay type ko na si doc! Gusto ko na siya!"

"Seya..." umungol ako. Naiiling sa kaniyang reaksyon. Namumula pa ang kaniyang mga pisngi at mga tainga. Mukhang nagulat nga ata talaga siya sa kapatid ni Thauce.

"Ang daming mga gwapo dito sa Martini's Hospital ate na mga batang doktor pero itong si Dr. Ariq ang natypean ko. Ang gwapo naman niyang tunay! saka ang ngiti... hala, ate in love na ata ako."

Natawa ako sa pinagsasabi ni Seya. Tumayo na lang ako at lumapit sa drawer.

"Sige lang, kiligin ka lang diyan, ha? at ako ay maliligo muna. Mabilis lang ito. Kapag may kailangan ka ay tawagin mo lang ako."

Mukhang lutang pa siya dahil kay Dr. Ariq dahil nakahawak pa sa mga pisngi niya si Seya at nakatulala. Hindi ko naman maikakaila. Gwapo ngang talaga si Dr. Ariq pero--

Napahinto ang aking mga kamay sa pagkuha ng damit nang pumasok sa isipan ko si Thauce.

Napatikhim ako at hindi ko namalayan na sumilay ang ngiti sa aking mga labi.

Pero mas gwapo si Thauce para sa akin.

"Sandali lang akong maliligo, Seya, wala naman nang doctor na darating dahil na-check ka naman na. Bibilisan ko na lang at kung may kailangan ka ay tawagin mo ako."

"Okay, ate!"

Pumasok ako sa loob ng banyo hawak ang aking mga damit. Hindi ko isinarado ng tuluyan ang pinto para marinig ko ang boses ni Seya kung tatawagin niya ako.

Nag-alis na ako ng aking mga saplot at pumailim sa shower.

Naalala ko ang kapatid ni Thauce.

Hindi ko inaasahan iyong maagang pagdating ni Dr. Ariq dahil nga ang alam kong punta ng mga doktor ay alas nuwebe o alas diyes.

"Saka ang akala ko ay si Thauce... pero tiyak nga na ibang doktor dahil sa hindi naman siya ang dapat na mago-opera kay Seya."

Nang dumampi sa aking balat ang malamig na tubig ay nagulat ako. Kaagad kong ginamit ang heater, akala ko ay kaya ko ang lamig hindi pala.

Nagsimula akong magsabon ng aking katawan. Nagshampoo na rin ako at isinabay ko na. Hindi ako maaaring magtagal sa paliligo dahil baka mamaya ay tawagin ako ni Seya.

"Ate..."

At iyon na nga! kaiisip ko lang ito at tinawag na ako!

"Sandali lang, Seya!" sigaw ko at saka ako nagbanlaw ng mabuti. Pagkasiguro na wala nang mga sabon ay kinuha ko ang puting tuwalya na nakasabit sa gilid at itinapis iyon sa akin. Hindi ko na pinunasan pa ang aking buhok at binuksan ko na ang pinto ng banyo para itanong ang kailangan ni Seya.

"Bakit? may iuutos ka ba? Patapos na ako–"

Ngunit napatigil ako at napanganga nang makita ko kung sino ang nasa tabi niya. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ngunit nagtagal rin iyon kay Thauce.

Uminit ang aking mukha, ramdam ko hanggang sa aking mga tainga.

"Ate... hehe."

Mahigpit na napakapit ang aking kamay sa tuwalya nang magtama ang mga mata namin ni Thauce. Napalunok ako nang pasadahan niya ng tingin ang aking katawan. Humalukipkip pa siya at ngumisi nang ibinalik ang tingin sa aking mukha.

"Good morning, Zehra Clarabelle."

Hala!

"T-T-Thauce..."

"Yes? Are you going to talk to me..." muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa, "with that look?"

"H-Hindi!"

Mabilis akong napatalikod at pumasok muli sa loob ng banyo. Napalakas rin ang sara ko sa pinto. Hindi ako kaagad nakaalis sa likod non dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Naninikip ang aking dibdib at ang aking tiyan ay nanakit bigla!

Si Thauce... nakita niya ako...

Napababa ang aking mga mata sa aking katawan at mahina akong napatili.

"Nakakahiya!" napapadyak ako. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang lumabas ng banyo!

"Take your time, Zehra Clarabelle. I don't want you rushing like that again. Huwag mo nang uulitin at baka ibang doctor pa ang makakita sa 'yo."

Parang tinakasan ako sandali ng kaluluwa nang marinig ang sinabi ni Thauce. Rinig na rinig ko!

Napasinghap ako dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Pagkahiya, kaba, pagkagulat. H-Hindi ko na alam!

Natutop ko rin ang aking bibig at ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha nang maalala ko ang itsura ni Thauce lalo ang suot niya.

Nakasuot siya ng doctor's gown! May stethoscope rin sa kaniyang leeg na nakasabit! Iniisip ko lang kanina ang itsura niya bilang isang doktor pero ngayon ay heto na!

Bagay na bagay sa kaniya...

"Zehra... Zehra, kumalma ka."

Taas baba ang aking dibdib. Sinusubukan ko na maging maayos muli ang aking sarili ngunit biglang pumasok muli sa aking isipan ang mukha ni Thauce na nakatingin sa akin.

Ang mga mata niyang lumakad sa aking buong katawan.

Ang pagngisi niya.

"Ahhh!"

Imbis na tapusin ang pagligo at magbihis na ay hinubad ko ang tuwalya sa aking katawan at nagbuhos ng malamig na tubig.

Hindi ito normal... hindi normal ang nararamdaman ko.

Ilang beses na siyang pumasok sa isipan ko. Hindi siya mawala-wala sa isip ko. Siya ang dahilan kung bakit hindi normal palagi ang tibok ng puso ko...

"Zehra..."

Nailapat ko ang aking mga kamay sa dingding habang patuloy sa pagtulo ang malamig na tubig.

"Zehra, may gusto ka kay Thauce..."

"Gusto mo siya..."

Continue Reading

You'll Also Like

231K 4.7K 30
Travis, a BS Biology student from Conzego College of the South was not sure of the path he took. But when his best friend, Mikaella, was diagnosed wi...
470K 7.8K 47
Tala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delg...
3.1M 85.2K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...