STASG (Rewritten)

By faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XLV

5.1K 216 44
By faithrufo

"I've been in love with someone that didn't love me back, and I've been loved by someone that I didn't love back. And I don't know which is worse: to be broken or to break another soul."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

From: Asul

May sabihin ako. Punta ka dito!

Received 5:12pm

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan nang mabasa ko ang text ni Kiko. Hindi dahil excited ako sa kung ano mang sasabihin niya, kundi isa 'tong excuse para makatambay ulit ako sa computer shop at makita si Asher.

"Hindi ka sasabay?" tanong sakin ni Jared.

"Hindi na," sagot ko sakanya. "Kay Asher nalang siguro ako sasabay."

"Asan siya?"

"Andoon sa computer shop," nagmamadali kong sagot. "Sige na, babye!"

"Text me when you get home, okay?"

Lumingon ako at kumaway bago sumagot ng "Yes boss!"

Halos mabunggo bunggo ko na 'yung mga tao sa kakamadali ko. Pero pagka dating sa kanto ng shop ay binagalan ko na lakad ko at nag kunwaring chill lang kahit na nanlalamig at nanginginig ang mga kamay ko. Bakit ba ako kinakabahan? Si Asher lang naman 'yan? Kumalma ka Adrianna!

Madaming nakatambay sa labas ng shop. Mga college, kaibigan siguro ni Ralex ngunit kahit ganun, agad ko paring nakita si Asher. Bukas ang polo niya at suot suot niya nanaman ang gray niyang beanie. Humithit siya sa sigarilyong hawak hawak niya sabay tumawa sa sinabi ng katabi niya. Doon ko lang napansin na si Hannah pala ito. Natigilan ako.

Si Hero ang unang nakapansin sakin, "ADI!" masayang sigaw niya bago lumapit sakin para maakbayan ako. "Mga 'tol!" sabi niya doon sa mga college. "Eto nga pala si Adrianna, bespren niyang si Ashong" Itinuro niya si Asher na nakatitig na sakin ngayon. Napayuko ako at naramdaman kong nag init ang pisngi ko.

Bespren na ulit. Dati syota, pero ngayon bespren nalang ulit.

"Hi," bati ko doon sa mga lalaki. Tinignan ko si Hero, "Asan si Kiko?"

"Andoon sa loob," sagot niya.

Tumango ako sabay nginitian ulit 'yung mga kaibigan nila. Nag dire-diretso ako papasok ng shop, ni hindi man lang nilingon si Asher at Hannah na naka upo malapit sa pinto.

Madilim sa shop pero alam kong si Kiko ang naka toka na mag bantay ng shop ngayon. Naka upo siya sa counter at tutok na tutok sa monitor sa harap niya. Pumasok ako sa counter at tumayo sa likod niya bago hawakan ang magkabila niyang balikat, "Huy."

Nilingon niya ako at agad na ngumisi ng pagka lawak lawak. "Hulaan mo," aniya.

"Ano?"

"Hulaan mo nga."

"Tinubuan ka na ng pangatlong itlog?" Sinimangutan niya ako sabay mahinang sinapok 'yung noo ko. Napatawa ako, "Ano ba kasi?"

Itinuro niya lamang 'yung monitor at pinakita sakin ang isang facebook account ng matandang lalaki. Michael O'Connor ang pangalan nito. Medyo matagal pa akong nag loading bago namilog ang mga mata ko at napayakap ako kay Kiko.

"Oh my God Kiko!"

Tumawa si Kiko at niyakap ako pabalik, "Pupuntahan niya daw ako dito."

Humiwalay ako sa yakap para matignan siya, "Talaga? Omg! P-Pano mo siya nahanap?" Sa sobrang tuwa ko para sa kaibigan ko, nawala na sa isip ko 'yung selos at inis na nararamdaman ko kanina.

"Siya ang naka hanap sakin," aniya. Ngiting tagumpay. "Yung anak niya, nakita daw 'yung pictures ko online."

"Anak niya?"

Tumango siya, "May pamilya na siya. Kamukha ko nga 'yung anak niya e."

"Kapatid mo," sabi ko sakanya.

Nag kibit balikat siya, "Gusto mo makita? Kamukha ko nga e."

"Lalaki din?"

"Oo," sagot niya bago ipakita sakin 'yung picture.

Grayson O'Connor ang pangalan ng kapatid ni Kiko. Hindi niya naman 'to kamukha, medyo hawig lang. Lalo na sa mata, blue din. Blonde ang kapatid niya at sobrang puti ng balat, baka magmukhang aeta si Kiko kapag tumabi siya dito.

"Medyo hawig mo nga.." sabi ko sakanya. Tapos bigla nalang pumasok sa isip ko ang isang kaibigan ko. "Nasabi mo na kay Kei?"

Naka kunot ang noo ni Kiko nung nilingon niya ako. "Bakit ko sasabihin?" taas kilay niyang tanong.

Namilog ang mga mata ko at napa awang ang bibig ko, "Bakit? Ano nangyari sainyo?"

"Ang tagal na naming 'di nag uusap," natatawang sagot niya. Parang hindi pa siya maka paniwala na hindi ko alam.

"Ha? Bakit?"

Nagkibit balikat siya, "Hindi na nagte-text e."

"Baka naman nagpapa miss?"

Napakamot siya sa ulo niya, "Ewan ko."

Umupo ako sa desk sa may tabi ng monitor para matignan siya, "Sayang naman."

Bakit naman hindi na siya tine-text ni Kei? Inilabas ko 'yung phone ko.

To: Kei

Bakit daw hindi mo na tinetext si Kiko?

Sent 5:23pm

"Tinext mo?" tanong ni Kiko. "Ano sinabi mo?"

"Basta," sagot ko lang at hinintay na ang reply ni Kei.

From: Kei

Bakit? Hindi niya na din naman ako tinetext

Received 5:25pm

Napakamot ako sa ulo ko. "Hindi mo na din daw siya tinetext."

Tumawa siya, "Okay."

"Hindi mo na ba siya gusto?" tanong ko. Sayang, bagay pa naman sila.

"Importante pa ba 'yun?" tanong niya pabalik. "Parehas na kaming tinamad. Tapos."

"Ganun lang?"

"Ganun lang," naka ngiting sagot niya bago ipatong 'yung isang kamay niya sa tuhod ko. "People come and go, Adrian. Kapag nag stay, edi okay. Kapag ayaw na, 'wag na pilitin."

"Pero paano 'yung feelings mo?"

Binigyan niya ako ng isang pilyong ngiti, "Anong feelings?"

Napa ngiti nalang din ako at mahinang itinulak 'yung noo niya. Bumalik na siya sa pag c-computer kaya naman naiwan akong mag isip.

Hindi ko magawang magalit kay Kiko. Pero mukha namang hindi affected si Kei. Para bang.. mutual understanding ang nangyari. Parehas nilang alam na tapos na, na hanggang doon nalang kaya hindi na nila pinilit.

Sana ganun lang din kadali para sakin noh?

Hindi nagtagal ay lumabas na din ako ng shop at tumabi kay Enrico, "Asaan si James?" tanong ko sakanya.

"Kanina pa umuwi," sagot niya. "Sinabayan na si Nicolette, masama pakiramdam e."

"Ahhh.."

"Sasabay ka ba sakin?"

Napatalon ako sa biglang pag salita ni Asher. Naka upo parin siya sa inuupuan niya kanina pero bukod na sigarilyo, lollipop ang nasa kamay niya. Nakatitig nanaman siya at nakataas ang dalawang kilay.

"Uh.." Nanuyo bigla ang lalamunan ko. Bakit ba kasi ganun siya makatingin? Parang kakainin niya ako.

"Maya maya pa ako uuwi," aniya.

Napahawak ako sa batok ko. Pakiramdam ko lahat ng tao dito sakin nakatingin. Lumunok ako, "S-Sasabay."

"Okay," aniya bago ilagay sa bibig niya 'yung lollipop at sumandal ulit sa upuan niya. Nag kwentuhan na sila ni Hannah.

Nag iwas na ako ng tingin at inilipat nalang ang atensyon ko sa sapatos ko habang naka kagat sa ibabang labi ko.

Mukha akong tanga dito

"Adi," napa angat ang tingin ko nang tumayo si Ralex. "Gusto mong kumain ng fishball?"

"Libre mo?" naka ngiti pero malamya kong tanong.

"Palagi naman e," aniya.

Tumawa ako, "Tara?"

Tumayo din 'yung isang kaibigan ni Ralex at mukhang sasama samin. "Si Raymark nga pala," ani Ralex habang nakaturo sa kaibigan niya.

Ngumiti 'yung Raymark, "Hi."

"Hello," bati ko pabalik bago tumawa dahil ang awkward ng sitwasyon.

"Tara na," aya ni Ralex.

"Bili niyo akong kwek kwek!" pahabol pa ni Hero nung paalis na kami.

"Iprito mo nalang itlog mo 'tol!" sagot naman sakanya ni Ralex kaya nagsi tawanan kami.

Tahimik lang kami habang namimili. Medyo nahihiya pa akong magturo turo dahil may kasama kaming hindi ko naman ka close. Nakakahiya kung mag Majin Buu ako sa harap niya.

"Aalis na pala si Kiko noh?" mahinang sabi ko kay Ralex.

"Hindi pa 'yun," sagot niya. "Di nun maiiwan si Lola niya ng basta basta."

"Oo nga pala," muntik ko na makalimutan si Lola Anita. Ang nagpalaki at nag aruga kay Kiko.

Natahimik nanaman kami at naisipan kong kausapin na 'yung kaibigan ni Ralex. "Taga saan ka?" tanong ko.

"Ah?" gulat niyang tanong. "Ako ba?"

"Hinde," sagot ko. "Yung kwek kwek ang kausap ko."

Either namula siya sa hiya o nagagalit ang mga tigyawat niya sa mukha. Ano man sa dalawa, napangiti ako.

"Joke," sabi ko sakanya. "Tinanong ko kung taga san ka."

"Aaaah..." tumawa siya.

"Parang tanga 'to oh," sabi sakanya ni Ralex.

"Taga Gordon Heights ako," sagot niya sa tanong ko.

"Ay talaga? GH din ako e. Anong block ka?"

"Nineteen. Ikaw?"

"Six lang ako e. 'Yung bestfriend ko taga block nineteen din."

"Gagu, three lang si Asher." Pag singit ni Ralex na umiinom ng gulaman.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Si Jared ang tinutukoy ko."

"Si tisoy?" kunot noong tanong niya. "Bestfriend mo na 'yon ngayon?" Umangat 'yung gilid ng labi niya. "Pano na si Asher?Magagalit 'yun."

"Tadyakan ko pa siya," sabi ko nang may kasamang irap.

Nilubos lubos ko na ang libre ni Ralex. Hindi ko na din napigilan at nagturo turo na ako ng kung ano ano sakanya.

Idaan sa kain ang stress

Habang lumalamon, nakipag kilala ako kay Raymark. Nalaman kong second year college na siya at nagkakilala lang sila ni Ralex through mutual friends. Hindi naman ganun kalayo ang agwat ng edad namin sa isa't isa. Kahulihan, hiningi niya ang number ko at binigay ko naman 'to sakanya.

"Si Asher 'yun diba?"

Naputol ang usapan namin ni Raymark tungkol sa mga courses na pwede kong kunin sa college dahil sa sinabi ni Ralex. Tinuro niya 'yung jeep na naka parada sa kanto at nakita ko kaagad si Enrico na naghihintay sa may labas nito.

"Bilis!" senyas niya saakin.

"Ah," nabigla ako. "Hala, Lex. Uwi na ako."

"Sige sige," aniya.

"Bye Raymark!" paalam ko habang nagmamadaling maglakad palayo sakanilang dalawa.

Sumakay na si Enrico pagka sakay na pagka sakay ko. Tapos nakita ko si Asher naka upo sa pagitan ng dalawang estranghero, kitang kita sa mukha niya na badtrip siya o sadyang wala lang talaga sa mood.

Magkatabi kami ni Enrico, isiniksik niya ako sa may likod ng upuan ng driver kaya naman wala akong ibang katabi. Mas mabuti na 'yun dahil ako lang ata ang babae sa jeep ngayon.

"Hiningal ako dun ah," sabi ko bago isandal ang ulo ko sa balikat ni Enrico.

"Pasensya na," aniya. "Si Asher kasi e nag dire-diretso."

"Nakalimutan niya sigurong sasabay ako."

"Hindi ah," sabi niya kaya naman napatingin ako sakanya. "Hinahanap ka pa bago kami umalis ng shop e."

"Bakit pala?"

"Ewan ko dyan."

Kumonti na ang tao sa jeep nung malapit na kaming bumaba pero kahit ganun, nanatili parin si Asher na naka upo malayo samin. Ni isang sulyap hindi niya ibinigay. Lahat tuloy ng inis ko sakanya mula nung kelan naipon at pagka baba namin, galit na ako sakanya.

"Ihahatid na kita," bigla nalamang niyang sinabi nung naglalakad na ako paalis.

"Tangina mo," sagot ko.

"Ah," narinig ko ang pag sunod niya at ni Enrico. "Ikaw pa may ganang magalit?"

"Bakit?" Hinarap ko siya. "Ano bang ginawa ko?"

"Alam mong uuwi na tayo diba? Ta's kung kani kanino ka pa nakikipag usap!"

"Uuwi? Diba sabi mo hindi pa? Alangan namang maghintay ako doon at mag mukhang tanga?"

"Bakit ka mag mumukhang tanga e nandoon mga tropa?"

Kinalma ko ang pag hinga at sinamaan siya ng tingin, "Ewan ko sa'yo Asher!" Sabay nag walk out na ako.

"Nakita mo ba 'yung itsura ng kausap niya 'tol?" rinig kong sabi niya kay Enrico. Napahalukipkip ako at nakagat ang loob ng pisngi ko. Kaya naman pala. "Dinaig pa 'yung taong may bulutong sa dami ng tigyawat." Tumawa si Enrico sa sinabi niya. "At anong pangalan non? Pati pangalan mabaho e! Ta's 'yung suot?" Hinablot niya 'yung braso ko at iniharap ako sakanya. Sinamaan ko siya ng tingin pero nagpatuloy lang siya. "Yung uniform niya kasing dilaw na ng ngipin niya."

"Oh e ano naman ngayon?!"

Marahas na binawi ko 'yung braso ko at nagpatuloy sa paglalakad. "Makikipag landian ka na nga lang, sa panget pa!" Sigaw niya at napahalagakpak ng tawa si Enrico.

"Hindi ako nakikipag landian!" hinarap ko siya at sinipa ang binti niya. Agad siyang naka iwas kaya naman hinampas ko nalang 'yung braso niya.

"Oh? Talaga lang ah? Kilig na kilig ka nga e! Diba, Enrico? Nakita mo 'yung ngiti niya?"

"Wag niyo ako isali jan," natatawang sabi ni Enrico.

"Manahimik ka na nga Asher!" sigaw ko sakanya bago ako tumigil sa paglalakad para makurot 'yung tyan niya. "Nakakainis ka na!!"

"Nakakainis ka na din!" sigaw niya pabalik bago pisilin ng matindi 'yung pisngi ko.

"Ano ba!" Sinapak ko siya.

"Aray ko!" Daing niya bago ako ambahan. Napa pikit ako dahil akala ko gaganti talaga siya pero dinutdot niya lang ang noo ko.

Itinulak ko siya palayo sakin at nagpatuloy na sa paglalakad. Mas binilisan ko na ngayon.

Hindi nagtagal ay nagsalita nanaman siya. Ayaw paawat! "Binigay mo ba number mo?"

"Pake mo ba?"

"Wag ka ngang bigay ng bigay ng number mo kung kani kanino!"

"Ano bang pake mo kung kanino ko ibigay?!"

Matagal siyang hindi sumagot. Hindi ko na din siya nilingon para tignan kung anong ekspresyon niya. Gamit ang malumanay na boses, sabi niya, "Ang sakin lang. Maganda ka, uto uto, mag t-take advantage 'yung tuko na 'yon."

Hinarap ko siya at inihampas 'yung bag ko sakanya, "Hindi ako uto uto! Mag kaibigan lang kami!"

Inagaw niya sakin 'yung shoulder bag ko hanggang sa siya na ang may dala dala nito. "Para sa'yo oo, pero para sakanya, iba."

Hindi lahat ng lalaki katulad mo! Gusto kong isigaw pero suminghal nalang ako.

"Selos ka lang e," mahinang sabi ko pero hindi ko akalain na maririnig niya pala.

"Ano naman ngayon?"

Tangina ka, Asher Martinez.

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

A/N: Wala pong portrayers ang characters :)

Continue Reading

You'll Also Like

24M 1M 54
THE LOSERS' CLUB SERIES #2 Someday you'll look back on your mistakes and laugh. To name a few instances, these are those awkward first kisses you sha...
61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
3.1M 131K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
4.6K 179 151
[Misa de Gallo #2] An overriding message of faith, hope, trust and love- "We don't just meet people by accident."