Three Month Agreement

By Pennieee

362K 6.8K 695

Dalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng... More

SIMULA
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
LAST CHAPTER
THREE MONTH AGREEMENT PHYSICAL BOOKS

Chapter 10

4K 60 6
By Pennieee


Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa mga yabag sa loob ng silid ni Seya. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako nang makita ko si Thauce na narito sa loob.

May kausap itong dalawang doctor at tatlong nurse!

"How is Seya's condition, Alvaro?"

Hindi ko alam kung bakit pero napapikit akong muli habang nakahiga sa sofa. Nagpanggap na natutulog pa rin habang nakikinig sa usapan nila.

"Her nose bleed last night. It's not a good sign. We are going to run some tests for today, Arzen. Are you related to this patient? nagulat ako nang sabihin ni Gabrielle na narito ka at may binabantayan na pasyente. Akala ko ay isa sa pamilya mo."

Arzen... second name iyon ni Thauce. Iyong iba ay Arzen talaga ang tawag sa kaniya. Mga close friend kaya? pero sila Errol at ang ibang mga kaibigan niya ay Thauce naman ang tawag sa kaniya.

"She's important to me. Anong oras ite-test?"

Napatigil ako nang marinig ang sinabi ni Thauce. Sinabi niya na importante si Seya... t-totoo ba iyon?

"Now. Hinihintay na lang namin ang kukuha sa kaniya."

Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay naidilat ko ng sandali ang aking mga mata. Nakita ko ang isang stretcher na ipinasok ng dalawang kalalakihan.

"Oh, ito na rin pala," sagot nung Dr. Gabrielle.

Binuksan kong muli ang mga mata ko ngunit hindi buo sapat lang para makita ko sila kahit papaano. Nasa gilid ni Seya si Thauce. Nakita ko na nakatingin si Thauce sa IV ni Seya at pagkatapos ay nakahawak siya sa palapulsuhan ng kapatid ko.

"Okay, Seya, we are going to run some tests again, huh? mabilis lang ito," sabi ng isang doktor.

"Sige po, pero tulog pa po iyong ate ko, napagod po ata siya kagabi."

Nang makita ko na napatingin sa gawi ko si Thauce ay muli kong ipinikit ang mga mata ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! pakiramdam ko ay lalabas na iyon sa loob ng dibdib ko. Tumawag kaya siya kanina? nagmensahe na pupunta dito?

"Malalaman naman niya kapag may nurse na pumasok dito. Don't worry about it."

"Sige po, Kuya Thauce!"

Hindi ako gumagalaw. Mahigpit ang kapit ko sa aking damit hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto at paglabas ng mga nasa loob ng silid. Nang sumara iyon ay hindi ko pa rin idinilat ang mga mata ko.

Umalis na ba silang lahat?

Wala na ba--

"I know that you are awake, Zehra Clarabelle."

Muntik na akong mahulog sa sofa sa gulat nang marinig ko ang boses ni Thauce. Sobrang lapit non! at nang idilat ko ang mga mata ko at umangat ang tingin ko ay nakita kong nasa harapan ko na siya at nakahalukipkip habang seryosong nakatingin sa akin.

"T-Thauce..."

Bigla kong naalala iyong ginawa nangyari kagabi.

Zehra! tigilan mo!

"A-Ano ang ginagawa mo dito ng ganito kaaga?"

Dahan-dahan akong bumangon. Inayos ko ang buhok ko na dumikit sa aking mukha. Tumikhim ako. Hindi ako makatingin sa kaniya at dahil iyon sa naganap kagabi! akala ko ay makakalimutan ko pero dinalaw pa ako hanggang sa aking panaginip!

"You went to my house last night."

Hindi iyon tanong!

"H-Hindi!" mabilis kong sabi.

Iginilid ni Thauce ang ulo niya, nagulat ako nang lumapit siya sa akin at dumukwang. Napaatras ako at napasandal sa likod ng sofa. Inihawak niya ang kamay sa gilid ko sa may sofa at pagkatapos ay may itinaas siya.

"Why are you lying? you went to my house. Sa iyo itong panali ng buhok, hindi ba? I talked to my guards and they said a woman named Zehra Clarabelle Mineses came last night to talk to me. Also, I saw you on the CCTV sa gate pa lang ng bahay ko."

Hinablot ko ang panali ng buhok. Mukhang nalaglag iyon kagabi dahil sa lalim ng halikan namin. Nasa buhok ko kasi ang mga kamay niya!

"Ano ang dahilan mo kung bakit ka pumunta sa bahay ko? ano ang nais mong pag-usapan?"

Nailayo ko ang aking mga mata dahil sa intensidad ng tingin niya.

"S-Sasabihin ko sanang--"

Napahinto ako sa pagsasalita nang hawakan ni Thauce ang baba ko at iniharap ako sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin. Nakagat ko ang loob ng aking pisngi nang mapatingin ako sa kaniya pababa sa mga labi niya.

Biglang nag-init ang mukha ko nang muling maalala ang ginawa namin kagabi. Hindi talaga mawala-wala sa isip ko.

"Ano ang sinabi ko dati na ayokong ginagawa mo, Zehra Clarabelle?"

"A-Ano b-ba?" wala sa isip na sagot ko habang nakatingin sa kaniya.

"Look at my face when you are talking to me. Ayokong kinakausap mo ako nang hindi ka nakatingin sa akin."

Nalamukos ko ang dulo ng aking damit sa kaba nang marinig ko ang sinabi niya. Habang nagsasalita rin siya ay hindi ko mapigilan na hindi sundan ang paggalaw ng mga labi niya. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napalunok dahil sa nararamdaman ko ngayon. Napapapikit rin ako sandali sa tuwing maaalala ko ang halikan na nangyari sa pagitan namin.

Zehra! ano ba! nasa harapan mo si Thauce at mag-pokus ka sa sinasabi niya hindi sa mga labi niya!

"A-Ano..."

Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Nakita kong seryoso siya, ito na yung totoong Thauce, Zehra at kailangan mong umayos!

"K-Kasi..."

Ang kaba ko ay mas nadagdagan nang magtama ang mga mata namin. Hindi na ako nakapagsalita. Nang umayos ng tayo si Thauce at humalukipkip sa harapan ko ay napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at dumistansya na siya!

"About last night..."

Muli akong natigilan sa narinig. Ang kaba ko ay wala nang mapaglagyan! ang bilis rin ng tibok ng puso ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"I remembered it. I also watched the CCTV footage in my living room to make sure that it really happened."

"Sa may sofa, ikaw at ako."

Napaawang ang mga labi ko habang nakatingin sa kaniya. Napatayo ako. Ibig sabihin ay nalaman niya na gumanti ako ng halik! nakakahiya!

"T-Thauce, kasi na--"

"I'm sorry that it happened. I was so drunk last night and I don't have control of myself. I also thought that you're Lianna."

Hindi ako kaagad nakapagsalita nang marinig ang sinabi niya.

A-Ano? ang akala niya ay ako si Lianna kaya niya ako hinalikan?

"I have a meeting. Kung may nais kang pag-usapan ay puntahan mo na lang ako sa opisina ko."

Pagkasabi niya non ay dire-diretso siyang lumabas ng silid ni Seya.

Napataban ako sa dibdib ko nang kumirot iyon.

Napaupo akong muli.

Bakit?

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Nakaalis na si Thauce ilang minuto na rin ang nakalipas pero ako ay nakaupo pa rin sa sofa at hindi makagalaw dahil sa iniwan niyang pakiramdam sa akin. Pagkarinig ko ng sinabi niya na inakala niyang ako si Lianna kaya niya ako hinalikan ay may kurot akong naramdaman sa dibdib ko.

Alam kong hindi iyon tama, hindi ko dapat maramdaman dahil bakit ako masasaktan?

"Zehra... Zehra..."

Tinungo ko ang banyo at naghilamos. Mahigpit akong napahawak sa sink. Ang bigat sa dibdib ko ay naririto pa rin. Ang hindi ko inaasahan ay ang dahilan niya kung bakit naganap ang halik na iyon. Napapikit ako ng mariin at muling naghilamos.

Ang ala-ala ng mainit na tagpo ay narito pa rin sa aking isipan.

"Si Lianna ang nasa isip niya, Zehra. Kaya ganoon na lang ang lalim ng halik. Mahal na mahal niya si Lianna at magtataka ka pa ba?"

Bumuntong hininga ako at lumabas na ng banyo. Kumuha na rin ako ng damit pamalit. Siguro ay sandali lang naman si Seya na ite-test at babalik rin. Nang buksan ko ang aking cellphone ay may mga mensahe doon. Unang-una ang pangalan ni Lea. Kinakamusta niya kaming magkapatid. Nabanggit rin sa mensahe ni Lea ang nanay niya na si Aling Sonya. Kinakamusta rin kami nito.

Mapalad talaga kami ni Seya at biniyayaan kami ng mga mababait na kapitbahay. Pamilya na rin kami kung ituring ng mga ito at halos araw-araw noon ay may libre kaming ulam. Malaki rin talaga ang natitipid ko dahil sa kabutihan nila.

Bago ako magtipa ng sagot ay naalala ko na kailangan kong makausap si Thauce kaya minabuti ko nang tawagan si Lea.

Ilang ring lang rin naman ay sinagot na niya.

"Ay, hello, Zehra?"

Tumikhim ako. Nahihiya dahil hihingi na naman ako ng pabor sa kaniya.

"Abala ka ba ngayong araw, Lea? baka sana maaari na magbantay ka kay Seya ng ilang oras? pero kung hindi ka puwede ay sige, okay lang, baka si--"

"Ay, okay ako! okay lang, trabaho ko rin naman iyon--e-este, para naman kayong ibang tao ni Seya sa amin. Sige, pupunta ako diyan. Ngayon na ba? nakaligo na nga ako, eh, maaari na akong gumora diyan!"

Napataas ang mga kilay ko dahil sa aking narinig. Ayos pala dahil mukhang aalis na lang siya. Nahihiya man ngunit sinabi ko na sa kaniya na mas mabuti kung ngayon na ngang umaga pumunta para makabalik rin ako kaagad.

Nang maibaba ko ang tawag ay tinungo ko ang ref. Kinuha ko ang mga natirang pagkain at iniinit. Napahinga ako ng malalim. Hindi na ako maiilang sa pagharap kay Thauce dahil nabanggit na niya kanina ang nangyaring halik sa pagitan namin. Si Lianna ang dahilan, inakala niya na ako si Lianna.

"Okay na, Zehra. Nalaman mo, at least makaka-move on ka agad sa halik na iyon."

Nakatulong nga dahil hindi na madalas pumasok sa isip ko pero... iba naman ang dalang bigat sa dibdib ko ng dahil sa sinabi ni Thauce.

Iniinit ko sa microwave ang pagkain. Ilang sandali pa bago tumunog ay bumukas ang pinto. Nang makita ko na si Seya iyon ay napalapit ako at hinawakan ang stretcher kung saan siya nakahiga. Natuon ang pansin ko sa uluhan niya.

May mga bagong nalagas na buhok na naman.

"2 days po mare-release ang result ng mga tests. Pakisabi na lang rin po kung may mapapansin pa po kayong pagbabago sa pasyente," sabi ng nurse. Inayos nito ang IV ni Seya.

Nang makalipat na sa higaan si Seya ay kaagad kong palihim na kinuha ang mga nalagas niyang buhok sa stretcher bago iyon ilabas ng mga nurse. Nang nilinga ko ang kapatid ko ay nakangiti ito sa akin. Ibinulsa ko ang buhok ni Seya na nalagas. May kakapalan iyon.

"May iba ka bang nararamdaman?" tanong ko.

Nakangiti siya sa akin. Umiling si Seya at naupo ako sa gilid ng kama niya. Nang mapansin ko ang hawak niyang itim na stuffed toy na pusa ay itinuro ko iyon.

"Saan galing iyan? may dala ka ba niyan kanina?"

Ngayon ko lang iyon napansin. Parang... wala siyang ganoong bagay.

"Ah, ito ba, ate? bigay ni Kuya Thauce, napansin niya kasi kanina na natatakot ako at kinakabahan. Kinausap niya ako at sinabing magiging maayos ang resulta kaya maging matapang dapat ako tapos umalis siya sandali. Pagbalik ay dala na ito, hindi ko rin alam kung saan niya kinuha."

"Ang sabi ni Kuya Thauce sa akin ay nag-a-absorb daw ito ng bad energy saka nakakawala ng takot. Effective siya, ate! kasi kanina nung in-examine ako ay bago ko ito bitawan hindi ako natakot. Ang galing!"

Tipid akong ngumiti nang marinig ang sinabi ni Seya. Mabuti talaga sa kapatid ko si Thauce, naalala ko ang narinig ko sa kaniya kanina na importante si Seya. Iyon ang nakakuha lalo ng atensyon ko. May kung anong bagay akong naramdaman sa dibdib ko nang marinig ang sinabi niya. Ngunit... hindi ko rin matukoy kung totoo ang pag-aalala niya sa kapatid ko o parte ito ng kasunduan.

Napatingin akong muli sa itim na pusa na stuffed toy na hawak ni Seya. Tinititigan niya iyon habang nakangiti.

Pero mukhang totoo ang pag-aalala ni Thauce at hindi ko dapat pagdudahan.

Nang tumunog ang microwave ay lumapit ako doon. Nagsalin ako ng pagkain sa pinggan. Tinanong ko na rin si Seya kung nagugutom siya at sinabi niya na mamaya na lang daw dahil nakakaramdam siya ng antok. Ako na lang muna ang kumain. Nang mapatingin ako sa kapatid ko ay nakita ko na nakahiga na siya at hawak-hawak ang stuffed toy na pusa.

Ayaw nang bitawan.

Nang may kumatok sa pinto ay napatingin ako doon. Pumasok ang kaibigan kong si Lea.

"Zehra, pasensiya na medyo natagalan. Huminto ako diyan sa isang restaurant--" napahinto si Lea sa pagsasalita nang mapatingin sa hawak kong pinggan, "ay kumain ka na? akala ko kasi ay hindi pa. Bumili ako ng pagkain."

Ibinaba niya ang hawak na paper bag sa lamesa. Napatayo ako at lumapit sa kaniya. Sinilip ko ang mga pagkain.

"Naku, Lea, ay kay mamahal ng mga ito, hindi ba? magkano ang mga ito?" tanong ko.

Mahal sa Rebu Restaurant. Kilalang kainan iyon ng mga mayayaman. Bakit naman doon pa siya bumili?

"N-Naku, hindi ko naman pinapabayaran, ano ka ba! saan ko ba ito muna ilalagay? kung hindi ka pa busog ay kainin mo na ito! mainit-init pa!"

Inalis niya sa loob ng paper bag ang mga pagkain. Iba-ibang klase iyon. Walang tapon sa mga sauce at maayos ang lalagyan. Dahil natakam rin ako sa mga pagkain ay kumuha ako. Inalok ko rin si Lea at sinaluhan naman niya ako sa pagkain.

Habang kumakain kami ay patingin-tingin ako sa kapatid ko. Tulog na tulog na ngayon.

Inilibot ni Lea ang paningin sa buong silid ni Seya.

"Ang ganda, grabe. Pang bonggang VIP itong room ni Seya. Mas okay dito, para kang nasa bahay lang! ang kumportable rin dahil halos kumpleto. May kama para sa bantay, may lamesa, tv, may ref, may kusina, galing!"

Ngumiti ako ng tipid. Inililigpit ko na ang mga pinagkainan namin na dalawa. Nang mailagay ko sa ref ang lahat ng natira ay itinapon ko ang paper bag sa basurahan. Tinungo ko ang drawer at kumuha ako ng damit ko.

"Maliligo lang ako, Lea, huh?"

Tumango siya at naupo sa sofa sa tabi ng kama ni Seya. Pagkatapos ng ilang minuto na paggagayak ko ay muli kong tiningnan ang aking cellphone. May mensahe si Errol.

"I am sorry if hindi ako makakapunta ngayon at sa mga susunod na araw sa inyo ni Seya. May kailangan lang akong asikasuhin na mahalaga. Please, take care, Zehra."

Naupo ako sa mahabang sofa at nagtipa ng sagot. Hindi naman kailangan na araw-araw siyang narito. Sapat na yung mga ipinakita niya sa amin ni Seya. Doon pa lang alam ko na ang pag-aalala at pagmamalasakit niya sa amin na magkapatid.

Mapalad rin talaga ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad ni Errol.

Kaibigan... iyon talaga ang tingin ko sa kaniya sa ngayon.

Nang mai-send ko ang sagot ay nadaanan ng aking mga mata ang mensahe ko kay Thauce. Wala siyang reply sa akin. Wala rin tawag. Hindi na rin ako nag-abala pa na magmessage para sabihin na pupunta ako ngayon. Mukhang sa sinabi niya kanina ay alam na niyang pupunta ako.

Pagkatapos ko na mag-suklay ng aking buhok ay nilapitan ko si Seya na mahimbing ang tulog. Hinalikan ko siya sa ulo.

"Sasandali lang ako, Lea, huh? kung may mangyari ay tumawag ka sa akin. Saka kapag emergency, pindutin mo itong buton at may darating na kaagad na nurse," sabi ko.

"Okay, okay!" sagot niya sa akin.

"Sigurado ka ba na walang bayad yung mga pagkain? hindi ba napamahal ka sa mga iyon?"

Umiling siya at tinapik lang ako sa braso.

"Ayos na yun! hayaan mo na! ang mahalaga ay busog tayo. Sige, go na, para mapuntahan mo na ang pupuntahan mo."

Ngumiti ako ng tipid at sandali pang tinitigan si Seya bago ako lumabas ng silid niya sa ospital.

Bago ako pumunta sa kumpanya ni Thauce ay umuwi ako sa bahay. Kinuha ko ang kasunduan namin dalawa. Nang makasakay na ako sa taxi ay pumasok sa isip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Thauce sa sasabihin kong pag-atras sa kasunduan namin.

Hindi ko kayang lokohin si Errol. Hindi ko pala kaya ituloy dahil sa kabutihan na ginagawa niya sa amin ni Seya. Hindi kaya ng kunsensya ko na gamitin siya para lamang makaligtas ang kapatid ko sa sakit.

May paraan pa. Alam kong makakahanap ako ng paraan na hindi ako gagamit o manloloko ng tao.

K-Kaya ko naman siguro, 'no? kaya kong pagtrabahuhan ang pera na magagastos ni Thauce. Kung kailangan kong lumuhod sa kaniya ay gagawin ko. Sa tingin ko ay may awa pa rin naman siya sa amin na magkapatid. Hindi siya magiging ganoon kalambot kay Seya kung wala.

Iyon nalang rin ang pinanghahawakan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

166K 3K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
12.6K 175 4
𝐎𝐍𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆 (𝐏𝐀𝐈𝐍 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄) "I said I was fine, but I never said it didn't hurt." -Honey Balong
3.6M 71.2K 88
Elizabeth Roseann Davis is a wild flower in the garden. She's an arrogant impulsive rebel most of the time. She likes to party and no one can tame he...