Time Escape (Currently Editin...

Oleh CamsAnn

513K 12.8K 1K

I don't know how and I don't know if it's magic or miracle, but suddenly, I escaped time. The only explanatio... Lebih Banyak

Note
Prologue
Fantasy #1: Time to Escape
Fantasy #2: Driving Me Crazy
Fantasy #3: Childish
Fantasy #4: Don't Stare
Fantasy #5: Look at Me
Fantasy #6: Pain of Reality
Fantasy #7: Destiny
Fantasy #8: I'm Sorry
Fantasy #9 : Only A Month
Fantasy #10 : I Love You
Fantasy #12 : Kind of Love
For You
Fantasy #13 : Playful Fate
Fantasy #14 : Might Be The End
Fantasy #15 : Miracle
Fantasy #16 : A Dream?
Fantasy #17 : Hasmin
Time Escape
Epilogue

Fantasy #11 : Contentment

17.3K 498 23
Oleh CamsAnn

Fantasy #11 : Contentment

~

"Ilang linggo na rin ang lumipas," biglang sabi ni Tacio.

     Tama siya, mula noong umalis ako ng hospital at noong nagsabi siya ng 'I love you,' mga dalawang linggo na ang nakakaraan.

     "Oo nga, saktong isang buwan na pala 'ko rito sa inyo, first monthsary na natin," sabi ko.

     "Ano 'yon?" tanong niya.

     Doon ko lang na-realize kung ano ang nasabi ko. Parang hindi appropriate ang monthsary, parang pang-couple 'yon.

     Napatayo ako sa duyan na inuupuan ko habang siya, nakatayo pa rin sa harap ko.

     "A-ahh wala 'yun. Ang ibig ko lang sabihin, July 17 ngayon, saktong isang buwan na noong nagsimula akong mapadpad sa buhay niyo, sa buhay mo," sabi ko.

     "June 16 ka unang dumating rito. Pero una mo 'kong nakausap noong paggising mo kinabukasan, June 17."

     Namangha naman ako na mas tanda niya 'yung saktong araw.

     Naglakad ako at nilagpasan siya. Huminto ako sa tapat ng malawak na lupain. Naramdaman ko naman na tumabi siya sa 'kin. Pareho kaming umupo sa lupa.

     "Ang ganda ng tanawin, napakasimple, napakanatural," sabi ko habang nakatingin sa ganda ng kalikasan. Ang daming puno at mga halaman sa paligid. Tanaw ang mga bundok at ang mga ibon na malayang lumilipad. Freedom.

     "Parang ikaw. Simple. Natural," bulong ni Tacio.

     "Bolero na rin pala ang mga lalaki ng 1989," natatawa kong sabi.

     "Tss. Bakit ano ba ang mga lalaki sa 2015?"

     "Hmm, ibang-iba. Siguro epekto na rin ng pag-unlad ng sensya at teknolohiya, iba na ang mga tao, ang mga pananaw nila saka pag-iisip. Hindi na simple-minded."

     "Mukhang ayos nga. Sabi mo umunlad 'di ba?" tanong niya.

     "Ewan ko ba. Hindi dahil umunlad, okay na. Maraming nagbago dahil sa pag-unlad na 'yon. Iba na kasi ang mundo sa 2015 Tacio, halos nakaasa na sa teknolohiya, maraming nangyayaring krimen at higit sa lahat, nakakalungkot pero unti-unting nasisira ang kalikasan."

     "Makakalikasan ka pala."

     "Noong nasa college ako, karamihan ng mga programa tungkol sa kalikasan, sinasalihan ko. Tree-planting at kahit maglinis sa bawat community, go na go ako. Pati mga paraan para maging eco-friendly may idea ako. Maliit na bagay lang 'yon pero napapasaya ako no'n. Pero nang lumala 'yung sakit ko, hindi ko na nagagawa 'yung mga 'yon."

     "Dahil sa sakit mo na ayaw mong sabihin sa 'kin?" tanong niya.

     "Nakakalungkot, tama ka. Pero nang napadpad ako rito, sumaya ako, sobra."

     "Hindi ka ba masaya sa buhay mo sa hinaharap?"

     "Masaya, syempre 'yun ang nakasanayan ko. Kaso kakaiba 'yung ganito, simpleng buhay lang."

     Nakita kong napangiti si Tacio nang nilingon ko siya. Natahimik kami saglit bago ako magsalita ulit.

     "Pero kahit gaano ko kagusto rito, hindi ako para rito. Hindi ito 'yung panahon ko."

     Natahimik kami ng ilang minuto. Malakas na hangin lang ang bumabalot sa 'min.

     "Ayaw mo na ba rito?" biglang tanong niya.

     "Gusto. Gustong-gusto," ngumiti ako nang mapait. "Pero hindi mo ba napapansin?"

     "Alin?" tanong niya.

     "Para 'tong panaginip Tacio."

     Inakbayan niya ako. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

     "Gano'n din 'yung naiisip ko sa totoo lang. 'Yung nandito ka, parang isang magandang panaginip na ayaw ko na sanang matapos. Natatakot ako. Baka bigla na lang tayong magising sa katotohanan," sabi niya.

     "Oo nakakatakot pero kailangan maging malakas tayo para harapin ang reyalidad. Dapat maintindihan natin na 'yung totoong buhay ay hindi ito, kundi ang buhay pagkatapos ng magandang panaginip. Hindi 'to totoo Tacio, dapat tanggapin natin 'yon."

     "Kung gano'n bakit ka napadpad dito kung hindi ka para rito?"

     Naramdaman ko ang panggigilid ng mga luha ko dahil ramdam ko 'yung lungkot sa boses niya.

     "May dahilan kung bakit ako napadpad dito. Siguro para malaman ko 'yung totoo, para sumaya 'yung puso ko. Minsan mahirap talagang intindihin ang buhay pero alam ko, nakatakda tayong magkita Tacio."

     "Nakatakda lang ba tayong magkita?"

     "I'm afraid it's a yes. Maybe, we just have to meet at some point of our lives and that's it. We have separate roads, we are not destined to stay at that spot forever. We need to face different worlds."

     "Hindi ko man naintindihang mabuti 'yang sinabi mo, basta alam ko, napakalaki ng ginampanan mo sa buhay ko. Walang nakakaalam kung anong mangyayari, pero gusto kong malaman mo, binuo mo 'yung buhay ko, Lei."

     Bigla akong tumayo at tumalikod. Pinahid ko muna ang mga luhang kanina pa tumulo. Mabuti at nakalugay ang buhok ko kaya natatakpan kanina.

     Gustuhin ko man mag-stay, alam kong mali.

     Nang okay na ako, nilingon ko siya. Nakatayo na rin siya at nakatingin sa malayo. Alam kong malalim ang iniisip niya, 'yan naman ang pagkakakilala ko sa kanya talaga.

     "Gusto mo ba 'kong samahan Lei?" bigla niyang tanong nang nilingon niya ako.

     "Saan?"

     "Kada buwan may binibisita akong ampunan. Naalala mo noong una kitang nakita? Noong muntik na masagasaan ka noon. Bago kita makita ng sandaling 'yon, doon ako nanggaling sa ampunan na dinadalaw ko."

     Naalala ko sina Faye at Lawrence, nakasanayan na namin na tumulong sa mga ampunan noon. College students kami no'n, madalas kaming mag-donate ng mga toys, damit, at minsan ay pera kapag may ipon.

     "Sige sama 'ko," sagot ko.

     Nagpunta na kami sa loob ng bahay para magbihis. Pagkatapos ay inaya namin si Mang Isko.

     "Susunod ako ro'n. Magdadala ako ng mga pagkain. Sige mag-iingat kayo," sabi nito.

     "Opo 'Tay!" sabi ko. 'Yan na ang tawag ko sa kanya dahil 'yon daw ang gusto niya.

     Nagulat pa ako nang yakapin kami ni Mang Isko. Magkatabi kami ni Tacio kaya yakap kami ng magkabilang braso niya.

     "Mahal na mahal ko kayo mga anak, tandaan niyo 'yan," wika nito. Nang bumaling naman siya sa 'kin, nanggilid ang luha niya.

     "Bakit kayo naiiyak 'Tay? May problema ba? Bumalik ba 'yung angkan ng Moya?" tanong ko.

     "Hindi anak. Sobrang saya ko lang talaga at dumating ka sa buhay namin. Parang panaginip ang lahat. Alam kong magiging makasarili ako sa sasabihin ko pero sobrang napalapit na ako sa 'yo anak. Ang hirap mong pakawalan."

     Naiyak ako sa tuwa at lungkot. Hindi ko alam na pwedeng maghalo ang tuwa at lungkot para makabuo ng luha.

     "Saan man po ako makarating,  nakatatak na po kayo sa puso ko lagi," sabi ko.

     Nginitian ako ni Mang Isko.

     Naramdaman ko na lang ang kamay ni Tacio na sinakop ang palad ko. Hinila na niya ako palabas.

     Tahimik kaming naglalakad palayo sa bahay. Kahit ako, ayokong magsalita, sapat na sa 'kin na ganito, kasama ko siya.

     Ngayon ko lang 'to naramdaman sa buong buhay ko, contentment.

     Inilabas ko sa bulsa ko ang rosaryo ko gamit ang isang kamay na hindi niya hawak.

     I have no regrets. Tanggap ko na 'yung kamatayan ko isang araw, at ang maramdaman ang pagmamahal ni Tacio, sobra-sobra na bilang miracle bago ang araw na 'yon.

~~~~~

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.1M 29.9K 75
[Trinnity High 1st Series] Madness lies within us all. Welcome to Hell.
1.5K 129 33
Si Estrella Serafin Salvacion ay kaisa-isang anak ng isang kilalang Senador sa Pilipinas. Pinagdasal niyang maipakasal siya sa kanyang nobyo na si G...
4.3M 58.8K 55
Happy Four Million. Book 2: Black Heiress I am thankful for the people who have read this story from it's beginning as a rookie's story. But this sto...
286K 9.9K 135
The son of the famous detective in the world. A star player of Cornerstone Academy's basketball team. He's known for being clever. Obsessed sa mga my...