Touch Of Hearts

By hopethebraversoul

440 44 25

When love becomes complex, we choose our grounds. We either become braver to stand with it, or live the rest... More

:
Hope
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Kabanata 21

Chapter Eleven

27 3 3
By hopethebraversoul

Break

Tulala ako habang tinatanaw ang madilim na kalawakan. Walang bituin at buwan dahil umulan nang malakas kanina. Tumila na ang ulan, ngunit ang yakap ng hangin ay napakalamig pa rin sa pakiramdam.

Simula nang naunawaan ko ang mga pakiramdam na bago sa akin, sinikap kong iwasan iyon. Nilabanan ko ang sariling nararamdaman dahil hindi tamang lagyan iyon ng kulay para lamang malaman ko kung gaano nga ba kaganda kung tatanggapin ko iyon sa aking puso. At isa pa, bata pa ako para bigyan ng pansin ang pag-usbong nito. Marami pa'ng magbabago mangyayari; hindi ito permanente.

Iyon ang paniniwalang pinanghawakan ko nang husto: na ang lahat ay lilipas, tulad ng paglagas ng mga tuyong dahon sa isang matayog na puno.

Kung puwede kong takpan ang bawat detalye, gagawin ko. Kung puwede kong piliin ang umiwas, sisikapin ko. Sana'y ganoon kadali ang lahat, ngunit iyon naman ang dapat kong gawin...

Sa huli, nanumbalik ang alaala ko sa mga pambabatikos na natamo ni Navy.

"You should file a case against her, Navy. It's defamation," si Herrieta.

Nakayapos ang mga braso niya sa tagiliran ni Navy, habang nakasandal ang ulo niya sa balikat nito. Tulad ko'y malamlam ang mga mata niya at malinaw na apektado siya sa nangyari. Habang si Luvieña ay abala sa paghahanap sa internet ng puwedeng maging abogado, unti unti akong lumapit sa kama ni Navy.

Saglit kong binalingan ang ginagawa ni Luvieña.

May mga gusto akong itanong...ngunit iniiwasan kong magkamali ako sa itatanong ko sa kaniya, lalo't tila...hindi maganda ang pakiramdam ko sa pakikitungo niya sa akin.

Hindi kami pumasok sa klase. Hindi namin gustong iwan si Navy dito nang mag-isa. Kailangan niya ng kausap at kaibigan, dahil pagkatapos ng nangyari, tiyak na malaki ang epekto sa kaniya nito. Malawak ang sakop ng social media, at lahat ay posibleng may access sa naturang post ni Navy. Mabuti na lamang at binura niya na iyon. Ganumpaman, hindi natapos ang pambabatikos sa kaniya. Tuloy pa rin ang iba sa pagse-send ng message sa kaniya na para bang ikamamatay nila ang mga nabasa.

"Hindi mo pa sinasabi kay Tita Nadia?" marahang bitaw ko.

Nilingon niya ako, bumuntonghininga atsaka tumango.

"She's mad, though," sagot ni Herrieta habang dinundungaw ang reaksiyon ni Navy.

"And I'm pretty sure na nakipag-away siya kay Tita," si Luvieña.

I cleared my throat. Hindi ko ma-imagine na makikipagsagutan siya kay Tita.

"She believed Demi. Hindi raw posibleng ganoon nga ang gawin ni Navy," malungkot na aniya pa.

Humugot ako ng malalim na hininga.

Of all people, they should have known her better. Kahit sinong anak ay masasaktan kung ganito ang pananaw sa kanila ng mga magulang nila.

"We know you. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niyang magkomento ng ganoon," pang-aalu ni Luvieña habang ang mga mata ay nasa laptop pa rin.

"Nagalit si Tita Nadia, sa halip na kumustahin niya si Navy," patuloy ni Herrieta.

Mas lalo akong lumapit sa kama para maupo roon. Hindi ko alam kung paano ko siya aaluin, gaya ng ginagawa ni Herrieta. Na...Natatakot akong hawakan man lang siya.

"Uh, I think...we should talk to Demi first and know why did she have to say that?" sa wakas ay nasabi ko.

Hindi lamang ako sigurado kung tama ba'ng nagsalita pa ako. Sa ilang oras namin na magkakasama, ngayon lamang ako naglakas ng loob na kausapin siya.

Tinitigan lamang ako ni Navy. Hindi ko mabasa ang eskpresyon ng mga mata niya, at habang tumatagal ang paninitig niya ay umuusbong din ang kaba sa aking puso. Unti unti ay nag-iwas siya ng tingin at para bang disappointed sa sinabi ko.

Tinikom ko ang labi. I swear, wala kaming problema. Alam kong okay kaming dalawa. Nakakausap ko siya nang normal, gaya ng dati. Pero...napansin ko ang pag-ilag niya sa akin ngayon...

We're okay. Pero ayaw kong mag-assume ngayon na okay kami dahil nararamdaman kong...hindi siya okay sa akin.

"Ayos lang ba 'yon, N-Nav?" nag-aalinlangan kong tanong sa kaniya. Pinilit kong titigan siya sa mga mata, naghahanap ng sagot sa mga ito ngunit ang pagiging tahimik niya'y sadyang nakababahala.

Hindi ako sanay sa ganito siya, ngunit naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya.

Hindi ako sanay na wala akong nababasa sa mga mata niya. Ni...hindi ko magawang makipag-usap sa kaniya nang hindi binabagabag sa kung ano man.

"Your mom, ano ba'ng stand niya rito?"

"Hmm. Ignore and move on. As I should."

"Are you, two, good?" I pushed through, a little nervous, this time.

She nodded curtly, without looking at me. "I think."

"We'll push through it. The school can suspend her for a week or two..."

She sighed heavily and nodded eventually.

Even her response speaks so unsual about her. She's obviously cold towards me, but she can let Luvieña and Herrieta hold her. Ako ay hindi niya man lang matingnan. Hindi ko alam kung napapansin ba iyon ng dalawa, ngunit sa nakikita ko'y normal lang sa kanila ang lahat.

Nagkatinginan kami ni Herrieta.

Hindi ko alam kung...ano ba'ng nagawa ko.

Did I do something wrong?

Lumipas ang araw at bumalik ako sa normal, maliban sa nakasanayan ko – ang buo ang mga kaibigan ko. Wala pa rin si Navy, pagkatapos ng isang linggo buhat nang mabatikos siya, online.

Our school have had addressed the issue already, and fair enough, Demi Laureen was called out for a one week class suspension. She was too personal about it, and it triggered the public. Others may think it's a wake up call for those who faces the same as Demi, but it was her clear intention to ruin Navy's name and reputation. It was not a deed of heroism. It was to attack and destroy someone and that's not even moral. Besides, Navy's post was too generic and it has nothing to do with her at all.

"Buti nga at na-suspend lang siya, at hindi patatalsikin nang tuluyan dito. Dapat talaga na-expel na lang," litaniya ni Herrieta sa kalagitnaan ng paggawa namin ng isang big book.

Nasa lilim kami ng puno ng Narra sa school ground at maraming nakarinig, na kahit hindi pangalanan ay kilala kaagad kung sino ang tinutukoy ni Herrieta.

Umirap sa akin ang isang Senior High na tingin ko'y isa sa mga kaibigan ni Demi. Kung hindi ako nagkakamali, siya iyong babae sa party ni ate Pillow last month na kasama ni Demi.

Bumagal ang lakad niya.

"Shh. Tahan na. Baka lumaki lalo ang issue," pagpigil ko nang hindi na ako tinantanan ng Senior High sa paninitig at pag-irap niya.

Herrieta scoffed when she noticed me, looking somewhere. Marahan niyang tinulak ang balikat ko, dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Takot ka riyan? They may be older, but I am ready to fight. I am all in. Binabantaan ka?" she asked boldly. Nakaamba pa siyang parang susugod na kung hindi ko lamang hinawakan ang kamay niya.

"Huwag na patulan. Tama na 'yong nangyari kay Navy. Huwag na dapat maulit iyon," mahinahong sabi ko atsaka siya hinila para maupo na.

Nagtagal ang mata niya sa kung nasaan ng kaibigan ni Demi. Sinuway ko siya ngunit hindi pa rin talaga siya natatapos. Umiling lang siya, naiirita.

"God, Herrieta. Calm down. Don't make things worse, please," suway ni Luvieña nang hindi na nakapagpigil pa.

"Nanghahamon, e!" giit niya sa iritadong tono.

I sighed and pulled her down, at last. Humilig ako sa kaniyang balikat. Ramdam ko ang pagtatas at pagbaba ng kaniyang dibdib kaya hinarap ko siya. Nanliit ang mga mata ko. Ayaw tumigil, e.

"Papasok na si Navy next week, gusto mo bang ikaw na naman ang mawala sa school nang matagal?" inirapan ko siya.

She glared at me too, though. Hinila ko tuloy ang buhok niya. "Palaaway ka. Awat na."

Sinimangutan niya ako.

"And, hello, girl? Ga-graduate na tayo next month. Promise us not to mess your good record just for that petty persons," Luvieña said a matter-of-factly.

Hindi na siya sumagot ngunit ang pagkunot ng mga noo niya'y nagsasabing nagpipigil siyang may masabi pa dahil alam niyang tama si Luvieña.

Naging abala kami sa mga requirements, lalo at next month ay ga-graduate na kami. Pinaghahandaan din naman ang graduation ball, two weeks from now. Noong inanunsiyo nga'ng magsisimula na ang praktis ay halos mataranta kami. Marami pa kaming ginagawa. Napaka-time-consuming din ng pagpapraktis ng sayaw.

"Sasabay yata tayo sa Grade 12. Grad Ball din nila, e," rinig kong sabi ng kaklase ko kay Luvieña.

Sasabay? Hindi ba't masyado yata kaming marami kung isasabay ang Grade 10 at 12? Malawak ang magiging venue pero hindi kaya ma-overcrowd?

"Talaga? Sabagay, ganoon naman last year," si Luvieña.

Kumunot ang noo ko at unti unti ay napatango. Kung magsasabay nga kami...kahit ba sa practice, uh, sabay din?

Mariin akong napapikit. Bakit ba...ganito?

Naputol ang pag-iisip ko nang malalim dahil sa pag-upo ni Luvieña sa harap ko. Gumawa naman ng ingay ang metal armed chair dahil sa paghila rito ni Herrieta.

"Ate Pillow called me. Inaaya tayong kumain dahil successful ang research defense nila," nakangiting balita ni Herrieta. Umusog pa siya palapit sa akin at kinuha ang iniinom kong milktea.

Siniringan ko siya. Nagkibit balikat lamang siya sa reaksiyon ko.

"Tara na. Gutom na ako. Practice lang naman mamayang 1pm, 'di ba?"

Tumango ako at nagsimulang magligpit ng gamit ko na nasa table. Natigil lamang ako nang nabagabag sa isang bagay.

Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko ito naittanong kaya...

"Sinong kasama?" kuryusong tanong ko, bahagyang umalon ang dibdib sa hindi matukoy na dahilan.

She helped me fixed my things. Naubos na niya ang milktea at hindi man lang talaga nagtira para sa akin.

"Groupmates niya-"

"Oo nga, pero sino sino?" Natutop ko ang labi dahil alam kong bahagyang tumaas ang boses ko. 

Nakakainis. I am hoping hard na sana hindi siya kasama.

Kumunot ang noo niya sa akin. Sumunod naman si Luvieña at marahan akong hinila.

"Ewan. Si Gideon lang ang kilala kong kasama niya. Hindi sila group mate ni Ream, e."

Natigilan ako. Bigla'y ayaw ko nang tumuloy at sumama. Hindi ko na gustong sumama. Paano 'to?

"K-Kayo na lang..." pagbawi ko. Wala akong mahanap na maayos na dahilan kaya hindi ko tiyak kung papayag silang huwag na akong sumama.

"Huh?"

"May mga tatapusin pa pala ako," wala sa sariling tugon ko.

Kumunot lalo ang noo ni Herrieta.

"Ano? Wala naman tayong activity, ah?"

Shit.

"I mean may inuutos si Mama sa akin," I almost choke with my lies.

Nilapitan niya ako. Nanunuri ang mata niya, tila binabasa ako. I had to look away to evade her eyes.

I mean...it's been two weeks since the last time I saw him...At hindi maganda ang naging interaksiyon naming dalawa. Ni...hindi ko alam kung ayos lang ba na makita ko siya, pagkatapos ng mga binitiwan kong mga salita...pagkatapos kong mahiya...sa lahat ng mga sinabi ko.

"Samahan ka namin. Urgent ba ito? Kakain muna tayo, atsaka natin gawin ang inuutos sa iyo." Luviena seconded.

Shit. Here you are with the lies, Philo. Kailan ka pa natuto niyan?

Kumunot ang noo ni Luvieña nang hindi ako nagpatianod sa hila niya.

"Halika na." Ngumiti siya at hindi ko alam kung bakit pero may kung ano sa ngiti niyang iyon.

Mabilis ko tuloy na binawi ang kamay ko, disidido talagang yaw sumama.

"Ba't ayaw mong sumama? Kakain lang. And it's ate Pillow's celebration. Come on, Phil. Ngayon lang naman 'to."

Lihim akong napailing sa sarili. I had no choice. Ayaw ko ring pagdudahan nila ang kinilos ko ngayong araw. That's the least I'd want to happen.

Halos hindi ko sila masabayan sa tawanan nilang dalawa habang papunta kami sa isang fast food chain sa harap ng school.

Sa loob ng dalawang linggo, pagkatapos ng mga nangyari no'ng gabing iyon, ngayon ko lamang ulit bibisitahin ang imahe niya sa isipan ko. Ang pagsisikap kong huwag siyang isipin ay napakahirap gawin, para lamang isang araw, ay muli ko siyang makikita sa hindi inaasahan. Kaunting panahon na lang naman at aalis na siya sa escuelahan na ito. Kaonting panahon na lang at kahit kailan ay hindi ko na siya makikita pa rito...bakit hindi pa ako pagbigyan?

Sabay ang practice namin para sa graduation ball, ganoon din sa mismong event. Ayos lang naman 'to? Hindi rin naman kami magkikita sa dami ng estudyanteng magpa-practice, 'di ba?

Tingin ko, hindi na rin naman kami mag-uusap pa ulit... Not that we ever had conversed. Hindi kami intentionally nagkakausap. Hindi ko rin naman gusto. At wala ring dahilan para mag-usap. We are not close. Not even friends.

"Congratulations, ate!" salubong ni Herrieta.

"Thank you! Galing ba naman ng leader namin," aniya.

Para akong nakalutang sa ere habang sinusubukan na magtago sa likuran ni Luvieña. Interactive ang dalawa kahit sa ibang kasama ni ate Pillow, habang ako'y hindi na magkamayaw sa kagustuhan na bumalik ng school at huwag nang kumain kasama nila.

Kasi naman...I can't stand being here kung ganito rin naman ang nararamdaman ko. Hindi tamang ganito. Hangga't maaari, ayaw kong ipakitang apektado ako. At isa pa, hindi dapat ako naapektuhan. Kung ano man ang mga nasabi ko sa kaniya noong gabing iyon, totoo naman, dahil iyon ang nakita ko sa kaniya.  Siya dapat itong mahiya, 'di ba? Dapat niyang malaman ang nangyari kay Navy.

"Oh, how's Navy, by the way? I hope she's doing fine na," she asked with utmost concern.

"Papasok na siya next week, ate," si Herrieta ang sumagot.

Naupo ako sa gilid kung saan si Luvieña, kaya lang ay nagulat ako dahil pinigilan niya ako. Tuloy ay naramdaman ko ang pagkapahiya dahil nakaupo pa ako ere.

"Dito ka na sa kabila. Darating si Ream, at diyan uupo, 'di ba, ate?" ngumisi siya.

Gustung gusto ko siyang samaan ng tingin at panggigilan dahil pakiramdam ko'y pinagkakanulo niya ako sa kung ano! She's not helping me go through it all with ease!

Nag-angat ako ng kilay, pero parang wala siyang halos pakialam kahit pa manggigil ako sa kaniya ngayon, o magwala man dito. Her smiles are too malicious that I wanted to know what's up her mind.

Kailan pa siya naging sobrang observant?

"'Yong girlfriend mo, hindi mo in-invite?" si Luvieña ang nagtanong.

I didn't expect it. I don't honestly know...that he has girlfriend. None of my friends mention me about it. Si Luvieña lang ba ang may alam?

I pursed my lips. Where's your line again, Phil? Draw it again, little miss!

"Girlfriend?" he chuckled playfully.

Tumindig ang balahibo ko sa mapaglarong tawa niya. I straightened up, wanting so bad to put myself together. This what happens, I know. Hindi na dapat ako nagugulat sa sarili kong nararamdaman... I knew that it would fall this way...It will distract me bad, and I'll be too damn chaotic inside, but...I am too overwhelmed right now to even stop myself...

It's...It's been two weeks. That's quite long...

"Oo. Si Demi naman ang mahal mo, 'di ba? And you only played Navy's heart?" walang habas niyang bitaw.

Palihim ko siyang kinurot sa tagiliran. Why is she even asking that?

"Luvi..." suway ko.

None of his classmates took it seriously, though. They were all chuckling and even clapped Luvieña for being that straightforward towards Gideon.

"I didn't know you have girlfriend, Gid?" pang-aasar ni Fiona, kaklase niya.

Gid. Gid? His nickname?

"Wait. Saan niyo nasagap iyan? Walang girlfriend si Gideon, ah!" depensa ng isa pa niyang kaklase, si Eve.

They know? Totoo kaya 'yon? Wether it's true or not, Phil, it shouldn't bother you... You shouldn't care... Ofcourse, he has life, too. He can have girlfriend...lalo na siguro kapag nasa kolehiyo na siya.

"It's true that she dated Navy, your friend, pero hindi niya girlfriend si Demi." This time, Ate Pillow speak calmly.

Ate Pillow knows too. Magkakaibigan sila kaya natural na alam niya ang bagay na 'yon tungkol sa kaniya.

Luvieña nodded and didn't say a word anymore. Bumaling siya sa akin. Ngumuso siya at pinagmasdan akong mabuti, as if waiting for any reaction from me.

"What?" I mouthed.

She shrugged and smirked.

What now? What's wrong with her? Ang weird niyang tumingin. Does she know a thing?

I earned my courage to include myself in their conversation. Hindi puwedeng nalilimitahan ako dahil sa nararamdaman kong ito. This is not going to take control over me...I am too young to be affected by it.

Matapos ang lunch ay para akong binagsakan ng mabigat na bagay sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit...may gusto akong mangyari, pero dahil hindi nangyari...hindi ko maiwasan ang pagkawala ng aking disposisyon.

At dahil lahat ay napapansin sa akin ni Herrieta, hindi niya pinalampas ang pagkakataon para usisain ako.

"You're silent the whole time we're eating. You looked awkward. May problema?"

I looked at her.

"I am? Hindi, ah. Nakipag-usap naman ako," I reasoned out.

"Yes, but it looked like you're uncomfortable, Phil."

Umahon ulit ang kaba sa dibdib ko. Napatingin ako sa kaniya. She noticed it. Masyado akong halata?

We're heading to the gymnasium for our dance practice. Muntik pa kaming ma-late, mabuti na lang at hindi pa formally nagsisimula ang practice.

"Hindi naman, Herr. I am good with them," sagot ko, a little bothered that she might question me something I cannot answer.

She seem not to buy my answers, though. Her eyes were pierced through me. Ganito siya kapag hindi siya naniniwala sa akin.

"You're not open to me anymore, Phil."

I felt guilty when I realized that she's right. I know that, too. I have been keeping it all to myself, and that was okay for me. I am fine not telling some things to her dahil iniisip kong hindi naman kailangan buksan lahat sa mga kaibigan ko, kahit sa kaniya na pinakamalapit sa akin. I can still be open, but not to all sort of things that I have in me and in my mind.

I am not asking for anyone to...hear me out about it. It's more than the shallow rants I usually tell them. It's more than the little news...and stories... It's more than the small things...

And I don't know if I am ever ready to break it to them...o kahit sa kaniya...o higit lalo, kay Navy.

Continue Reading

You'll Also Like

412K 25.1K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
1.8M 114K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
1.1M 27.6K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...