South Boys #5: Crazy Stranger

By JFstories

2.3M 150K 68.5K

As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51

Chapter 4

47.7K 2.7K 1.3K
By JFstories

"IKAW?!"


Gulat na sambit ni Asher nang mabistahan ang aking mukha. Napasinghap naman ako sabay luwa ulit ng aking nalulon na tubig mula sa pool.


"Anong ginagawa mo rito?" naguguluhang tanong niya. Shookt siguro pati ang semi cal niyang ulo kung bakit nandirito ako.


Tigagal naman ako sa kanya. Sa namimilog na magagandang uri ng mga mata niya. Talaga bang iniligtas niya ako? Tumalon siya sa pool para iligtas ako?!


Napatuon ang aking paningin sa palad kong nakadikit sa kanyang hubad na dibdib. Sa tulong ng liwanag mula sa villa nila, nakikita ko ang pantay niyang morenong balat.


Hindi ko na maitikom ang aking bibig. Hubad si Asher, dagdag pa na nadadama ko ngayon ang balat niya. It was odd that he was drenched, yet his body was warm. 


Tumutulo ang tubig mula sa manipis na buhok niya sa ulo, pababa sa mahahaba niyang pilikmata, sa bridge ng matangos na ilong. At pababa pa sa makinis niyang leeg, nakaumbok na lalamunan, at matigas na dibdib.


"Hoy, anong teleserye shinu-shooting niyo riyan?!" sigaw ng isa sa mga kapatid niya. Nagtawanan naman ang iba pa.


Saka ko lang naalala na hindi lang pala kami ang tao rito. Hiyang-hiya ako. Ang daming pagkakataon, sa ganitong sitwasyon pa ako nakita ng mga kuya ni Asher!


Pati ang tatay niya ay napalabas na sa villa. May hawak-hawak itong barbecue. Nang mapatingin sa amin ay napangiti. "May bisita pala ang bunso ko, bakit di ko yata 'yan napansin na pumasok sa pinto natin?"


Papikit na ako sa kahihiyan nang gumalaw sa may gilid ang mga halaman. Mula roon ay humahangos na lumabas ang isang lalaki. Si Rio. "Lai?!"


Mukhang ang lalaki ang napagsumbungan ng dalawang sutil na nagtulak sa akin kanina. Naka-pajama pa ito. Mukhang patulog na, pero bumangon para pumunta rito.


Napatanga si Rio nang makita ako sa pool kasama si Asher. "W-what the?!"


"Lai..." ulit naman ni Asher sa aking pangalan habang titig na titig sa mukha ko.


Naitulak ko siya bigla, nakalimutan ko na di nga pala ako marunong lumangoy.


Lumubog ulit ako sa tubig, nagkakawag ako. "Tulong!"


Hinila ako ni Asher sa kaliwang pulso ko at akmang iaangat nang bumulusok ang tubig sa aking likuran. May tumalon. Hindi pa nag iisang minuto nang may humatak naman sa kamay ko sa kanan.


Napasinghap ako nang umibabaw ang ulo ko sa tubig. Si Rio pala ang lumusong at humawak sa isang kamay ko.


"Let go of her," narinig kong utos ni Rio kay Asher. Basang-basa na rin ng tubig.


Gusto kong tumutol. Mas okay pa na si Asher ang mag-ahon sa akin. Mamaya kasi ay sumbatan pa ako ni Rio. Abnormal pa naman ang isang ito.


Hindi naman ako binitiwan ni Asher. Wala siyang sinasabi pero hindi niya ako binibitiwan, sa halip ay lalong humigpit ang hawak niya sa kaliwang pulso ko.


Napaungol naman sa amin ang mga kuya ni Asher pati ang tatay nila. Naupo ang mga ito sa gilid ng pool habang pinapanood kami.


Iyong panganay niyang kuya, paglingon ko, ay kumuha pa ng chips habang kaakbay ang GF. Parang nanonood ng sine ang dalawa habang nakatunghay sa aming tatlo rito!


"Are you deaf? I said let go of her!" Galit na si Rio. Humigpit na rin ang hawak niya sa kanang pulso ko.


Hinila ako ni Asher at hinila rin ako sa kabila ni Rio. Para akong manika na pinaghihila nila. Seryoso ba sila? Aangat-lulubog ako sa pool, gusto ko mang magreklamo ay pag bubuka ang aking bibig ay napapasukan ng tubig.  Kandasuka-suka na ako!


Nagkakawag ako at nang makakuha ng pagkakataon ay gigil akong sumigaw, "Baka gusto niyo muna akong iahon?!"


Bigla naman silang nahimasmasan. Binitiwan akong una ni Asher, sumunod na binitiwan ako ni Rio, ang ending tuloy ay nalunod na naman ako.


Nagkakawag ako. Mabuti at nasa harapan ko lang si Rio, nahawakan ko siya sa garter ng suot niyang pajama. Doon ako kumuha ng pwersa pataas. Nanlalaki ang mga mata niya sa akin pag-angat ko.


Nang mapagtanto ang ginawa ay naitulak niya na ako papunta sa gilid ng pool. Muntik na akong mauntog!


Dali-dali naman siyang nag-ayos sa likod ko saka ako hinawakan sa bewang para makasampa paakyat. Namumula ang buong mukha niya pag-ahon namin pareho.


Nakayakap naman ako sa aking katawan dahil sa ginaw. Nangangatal ako na lumingon sa mga tao sa villa. "P-pasensiya na po," hingi ko ng paumanhin sa kanila.


"Ay, tapos na?" parang nabibiting  tanong ng isa sa mga kuya ni Asher.


"Ah, hindi pala GF ni bunso," paungol naman na sabi ng tatay nila na ngayon ay nagtitinga na gamit ang stick ng naubos na barbecue.


"Lai, halika na sabi!" Boses ni Rio sa likod ko. Tinatawag niya na pala ako.


Bago umalis ay napatingin pa ako nang huling beses kay Asher. Naroon pa rin siya sa pool. Salubong ang makakapal at itim na itim niyang kilay habang nakatingin sa amin ni Rio. Sandali, galit ba siya?


Galit ba siya dahil nalunod ako sa pool nila?


At natandaan niya ba talaga ako?


May humila na sa aking pulso. Si Rio. Kandatapi-tapilok ako sa paghila niya. Paano ba naman kasi, ang tangkad niya. Ang hahaba ng biyas kaya isang hakbang niya lang, ay katumbas na ng isa't kalahating hakbang ko!


Ano bang kinaba-badtrip ng isang ito? Kasalanan ko bang mapunta sa kabilang villa? Bakit hindi niya kaya tanungin iyong dalawang bubwit na sutil na pinsan namin?!


Pagdating sa loob ng villa ay binato niya ako ng tuwalya. Tuwalya niya. "Tuyuin mo ang sarili mo!"


"Okay lang sa 'yo dumikit ang tuwalya mo sa pimple ko sa noo?"


Tiningnan niya ako nang masama. "Itapon mo na lang ang tuwalya pagkatapos mong gamitin! Basta magtuyo ka na ng katawan, mamaya magkasakit ka pa, mapapagastos pa sa gamot mo ang tito ko!"


Hindi ko pinansin ang patutsada ni Rio. May iba na akong iniisip. Si Asher. Okay lang kaya iyon? Parang galit din noong umalis ako, e. Baka iniisip niyang na-pollute ko na ang tubig sa pool nila? Hindi kaya?


Natigilan naman si Rio, at napatitig sa akin. "Do you know that guy?!"


Napabalik ako ng tingin sa kanya. Basang-basa siya at nanginginig na sa lamig, pero mas inuna niya pa talaga ang maki-chimis.


"Lai, you're still studying. Hindi ka pa puwedeng magkagusto sa kahit sinong lalaki! Wag mong sayangin ang pinagpapaaral ng tito ko sa 'yo!"


Napakamot ako sa ulo. "Ang layo na ng narating mo."


Kumalma siya bigla. "Uhm, so you don't know that guy? You don't like him?"


"Hulaan mo." Pagkasabi'y tinalikuran ko na siya dahil ginaw na ginaw na ako.


"Hey, Lai, I am still talking to you!"


Tinaas ko lang ang aking kamay sa ere para iwanan siya ng dirty finger.


Dinampot ko ang aking bag na naiwan sa sala. Nagbihis na ako ng damit sa banyo, at saka hinanap si Mama. Wala si Mama sa kuwarto sa ibaba. Ang naroon lang ay ang katulong ni Mamila na si Dikya.


Lumabas ulit ako ng kuwarto. Wala na si Rio. Bumalik na yata sa itaas. May naulinigan ako na nag-uusap sa may harapan. Pagsilip ko sa bintana ay natanaw ko ang dalawang bulto sa gate ng villa namin.


Si Mama at ang kaharap niya ay ang asawa ni Tita Rica na si Tito Terion. Anong pinag-uusapan nila roon?!


Ang malambing na boses ni Tito Terion ay narinig ko. "Madi, baka lang nilalamig ka na, magkape muna tayo. May kapehan diyan sa labasan, i-kotse na lang natin kung gusto mo."


Pasimple na umatras palayo si Mama sa lalaki. "Hinihintay ko lang si Lai, uuwi na kami kahit gabi na..."


Napakunot ako ng noo nang makitang bitbit na ni Mama ang bag na dala niya kanina. Umalis ako sa pagkakatao at lumabas ng pinto. "Ma," tawag ko kay Mama, at nilapitan sila.


Nang makita ako ni Mama ay saka lang siya parang nakahinga. "Lai, naalala ko kasi na may gagawin pa pala ako sa bahay natin, kaya uuwi na tayo ngayon."


Hindi na ako hinintay ni Mama na sumagot. Hinawakan niya na agad ako sa braso at hinila palayo. Hindi naman na ako nagtanong, at sumunod na lang.


Walang imik si Mama habang hila-hila ako. Walang hinto ang paglalakad niya na tila ba gustong-gusto nang makalayo. Hanggang makarating kami sa labasan. Doon nakakuha ng tricycle papunta sa hi-way.


Dalawang jeep ang sinakyan namin. Sa pangalawa na pauwi ng Pascam ay saka palang huminahon ang paghinga ni Mama. Ngumiti siya sa akin at gumanti naman ako ng ngiti sa kanya.


Hindi ako magtatanong dahil alam kong hindi rin siya sasagot. Pero malalaman ko rin kung ano man ang dahilan. Hindi ako papayag na hindi.


Pagkarating sa bahay ay na nauna na si Mama sa pag-akyat sa kuwarto niya. Pumanhik na rin ako sa itaas kasunod niya. 


Sa kuwarto ko ay nag-lock ako agad ng aking pinto. Ang aking magaan na ekspresyon kanina ay binura ko na. Ang aking mga mata ay tumalim nang mapatingin ako sa salamin.


Lumakad ako papunta sa aking drawer. Kinuha ko sa loob ang isang bagay na walang alam si Mama ne meron ako. Isang lumang modelong cellphone na binili ko sa Baclaran. Binuksan ko agad iyon para pumunta sa isang app.


Four accounts were saved in this phone. Pag-aari ng mga taong walang kamalay-malay, na sa accounts ng mga ito ay may access ako. 


Pumili ako ng isang account. Ang madalas kong buksan. 'Rica Valmorida-Estrada'. Pinasok ko iyon at binuksan ang recent chat.


Tootsie: Naku, Ate Rica! Hindi na talaga nahiya iyang Madi na 'yan sa ating magkakapatid. Ano bang akala niya? Wala tayong alam?!


Nagtagis ang aking mga ngipin. Binasa ko pa ang palitan ng messages ng mga ito.


Nanginginig na ako. Alam ko na kapag nasagad ako, may kalalagyan ang dalawang magka-chat na ito. But this was not yet the right time.


Inaalala ko rin si Papa, mag-aalala ito sa mga kapatid nito. I turned off the phone and put it back in the drawer. Pabagsak akong nahiga sa aking kama. For the time being, I had to put up with everything.


I needed to calm down. Pumikit ako at nag-isip ng iba. Ibaling ang isip sa iba. At mabilis ko namang nagawa. Isang guwapong lalaki na may naghahalong kapilyuhan at kasupladuhan ang mga mata ang aking nakita.


Basa ang lalaki ng tubig, maging ang mahahabang pilik-mata, at ang mga labi na mapupula ay bahagyang nakanganga. Sa kahit anong ekspresyon ay talagang napakaguwapo niya.


Napangiti ako habang nakapikit. Ah, siya pa rin. Siya pa rin talaga parati ang nakakapagpakalma sa akin...



FIRST DAY OF NEW SCHOOLYEAR.


I was now in Grade 12. Hindi ako naalis sa special section. Bunga iyon ng pagpupursige ko. Pero kulang pa. Hindi sapat ang matataas na grades hanggang hindi ako napupunta sa Top 1.


Ang aga kong nagising. Naligo agad ako at naghanda ng almusal para kay Mama. Hindi ko na rin siya hinintay. Nag-iwan na lang ako ng note sa pinto ng fridge na maaga akong papasok.


Nakalimutan ko pa ang magsuklay. Nakakainis pa niyan, may pimple na naman ako sa noo. Hindi talaga ako puwedeng mawawalan. Dalawa pa talaga. Ewan ko ba kung ano ang mga pinaglalaban!


Pagdating sa school ay inayos ko ang suot na glasses. Tumabingi kasi sa tricycle. Dahil special section pa rin ako, no need na para alamin ko pa ang aking room. Doon lang din naman iyon sa iisang building.


My feet went straight to the building of Grade 11. Yearly ay ganito ako. Iniisa-isa ko ang mga nakapaskil na sa pinto ng mga classroom, until I reached the second floor. I stopped at the first door near the stairs.


Parang nagka-fireworks sa loob ng aking mga mata pagkakita sa sa pangalang hinahanap ko. Prudente, Asher James A.


Grade 11-Narra ang section niya ngayong school year. Nang isa-isa nang magdatingan ang ibang estudyante ay saka ako humakbang paalis.


Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang ngiti. Makikita ko na ulit si Asher araw-araw. Na-miss ko siya buong bakasyon, pero nakita ko naman siya two weeks ago. Fate sent him to me. Imagine, sa dinami-dami ng resort sa Cavite, sa iisang resort lang nag-outing ang mga pamilya namin? At magkatabi pa talagang villa!


Epic fail lang dahil muntik akong malunod. Nalunod nga pala talaga ako. Pero tumalon si Asher sa pool. Ginawa niya iyon para iligtas ako. Kung hindi pag-ibig iyon, ano iyon?


Nasa mga mata niya ang pag-aalala. Sa sobrang pagmamahal niya sa akin, nayakap niya ako sa tuwa nang malamang buhay ako. Hinaplos niya pa ako sa pisngi habang nangangako siya na hinding-hindi niya ako pababayaan. Syempre, imahinasyon ko na lang iyong iba. Hanggang doon lang talaga siya sa pagtalon sa pool at pagligtas sa akin. Dinagdagan ko lang para mas lalo akong kiligin.


Dumarami na ang mga estudyante. Maaaga rin ang karamihan dahil maghahanapan pa ng room. Iyong iba ay tatambay kasama ang kani-kanilang kaibigan.


Sa gate ay pumasok ang isang lalaking naka-complete uniform, white polo, slacks, black shoes, pero walang bag. May nakatuping isang notebook lang sa bulsa. Matangkad siya, maganda ang tindig, guwapo at... semi calbo.


Si Asher! Napatalikod agad ako bago siya mapatingin sa gawi ko. Nang pasimple akong sumulyap sa kanya ay mukhang wala naman siyang pakialam sa paligid niya. Parang inaantok pa. Naghihikab pa nga.


Siguro dahil sa kalahati pa ng diwa niya ay tulog, hindi niya tuloy napansin na may nakaharang sa harapan niya na bato. Muntik siya roong matalisod. Pero ang guwapo niya pa rin.


Napailing ako. Ah, what a good-looking idiot.


Nakahabol ako ng tingin sa kanya habang naglalakad siya. Nang dumaan siya sa gilid ko ay napasinghot ako. Bukod sa fresh na amoy ng sabon, nasamyo ko rin ang gamit niyang Axe na mild lang ang scent. Ang bangu-bango!


Pag-angat ng aking paningin ay saktong-sakto na nakatagilid siya sa akin. His long eyelashes were the first thing I saw, followed by the high bridge of his nose, and then his gorgeous jawline.


At ang kutis niya, walang binatbat ang balat ko na salitan lang ang white head, black heads, at sa noo ay palaging may pimples. Tapos ang leeg ni Asher, ang kinis din. Parang ang bangu-bango. Kapag naging kami, ma-try ngang tumambay roon.


Nakahabol pa rin ako sa kanya ng tingin hanggang sa makarating na siya sa Grade 11 building. Parang bangenge pa rin siya. Mga limang beses pa pala kasi siyang muntik-muntikang masubsob sa lupa.


Nang wala na siya ay saka na ako tumalikod. Pagkapasok na pagkapasok sa bagong room ay ibinalik ko na ang blangko kong ekspresyon.


Nagpasukan na rin ang mga kaklase ko. Isa sa mga nauuna ay ang palaging Top 1 mula pa noong Grade 7. Si Jordan Moises Herrera. Anak ng teacher, matalino talaga, at may lahi ito.


Seryoso ang mukha nito nang maupo sa upuan. Tinabihan agad ito ng isa pa naming kaklase na si Marilou dela Cruz o 'Lou'. Matalino rin ang babae, at hindi pantay maglagay ng foundation.


Ang dalawang ito nga pala ang balakid sa pagiging Top 1 ko. Hindi sila natitibag. Kumuyom ang aking mga palad. Pasasaan ba't makikita ko rin ang kanilang kahinaan.


Nagsimula na ang first subject. Unang araw pa lang pero subsob na agad ako sa pag-aaral. Walang relax-relax sa akin ngayon.


Inspirado ako sa buong klase. Bukod sa goal ko, masaya rin ako dahil nakita ko kanina si Asher. He was one of my inspirations in life.


I needed to study hard not only to make my parents happy, to make up for all of their sacrifices, and to have better opportunities but also to help Asher in the future.


Nagre-ready lang naman, just in case na kailanganin niya ang aking suporta. Syempre, iba pa rin kapag ang babae ay may sariling trabaho at pera. Magtutulungan kami para itaguyod ang aming pamilya namin, para mapag-aral, at maibigay ang mga pangangailangan ng tatlong anak namin.


Puwede ring apat na anak, para two girls at two boys. Pero depende pa rin 'yan sa aming financial capabilities.


Everything must be meticulously planned. Hindi lang basta mag-aanak. Hindi lang din basta kaya naming buhayin ay puwede na. Hanggang maaari ay ayaw ko sana na magigipit kami. Dahil ang pinakahuli kong gustong pagtatalunan namin ni Asher ay ang tungkol sa pera.


Ayaw ko rin na dumating ang panahon na mangungutang kami at mang-iistorbo pa ng ibang tao. There should always be money set up for emergencies.


Meron din dapat ipon hindi lang para sa mga anak namin, kundi para na rin sa amin. Ayaw kong maging insurance namin ang mga bata.


Ang gusto ko sa aming pagtanda ni Asher, ay hindi namin kakailanganing manghingi sa mga anak namin, lalo na kapag may kanya-kanya na ring pamilya ang mga ito. Dapat may sarili kaming pera ni Asher para kami pa ang magbibigay sa aming mga apo. 'Tapos pa-travel-travel na lang kami kapag bored.


FIRST BREAK. Hindi sana ako lalabas kung hindi lang kumalam ang aking sikmura. Wala nga pala kasi ako kaninang breakfast.


Bumili ako sa canteen ng makakain. Pumila lang ako saglit sa stand ng tuna sandwich ay agad na akong nanlagkit. Napakainit naman kasi.


Pagkakain ay parang may sumabit pa yata sa suot kong purple braces. Hindi ko masundot ng aking dila. Napadaan sa aking harapan ang aking kaklase na si Marilou o 'Lou'.


"Gross," dinig kong sabi nito. Inirapan pa ako.


Hmp! Lumabi na lang ako at inayos ang suot na glasses na bahagya nang tumabingi. Ang dulas naman kasi ng mukha ko. Bukod sa pawisin ay minalas pa ako sa oily skin. Nag-mental note ako na magtitinga at magpupulbo pagbalik sa room.


Ang buhok ko naman na gulo-gulo ay nagdidikit-dikit na. Pinaghihila ko iyon gamit ang mga daliri. Naglitawan tuloy ang dalawang pimples ko sa noo. Tiniris ko ang mga iyon sa gigil ko. Nahinto lang ako sa ginagawa dahil may dalawang matangkad na lalaki ang natanaw kong palapit sa akin.


Napaatras ako nang makilala sila. Guwapo ang dalawa. Ang kulay abo ang mga mata, bukas ang suot na polo, at ngumunguya ng bubble gum, ay Arkanghel ang pangalan.


At ang pangalawa na semi-cal na naka-tshirt lang at may nakatuping notebook sa bulsa— walang iba kundi si Asher lang naman! At sa akin nakatuon ang matalim na mga mata niya!


Bakit ba laging wrong timing tuwing makikita niya ako? Kung hindi ako nadapa, nalulunod, ay nagtitirs naman ng pimple sa noo?!


Kailan ba darating ang araw na mukha akong Disney Princess at fresh niya akong matatagpuan?!


Hindi ko makuhang gumalaw o tumalikod man lang. Parang may glue iyong mga tingin niya. Kahit may pagka-slow siya, imposible niya akong makalimutan. Ilang beses na kaming nagkitang dalawa. Ang huli noong nakaraang bakasyon lang which was two weeks ago!


Bumagal ang oras hanggang sa makalapit sila. Mga dalawang dipa. Deretso pa rin si Asher na nakatingin sa akin. Walang reaksyon, hindi siya mukhang tanga ngayon, wala rin kahit kapilyuhan. Seryoso lang.


Kinakausap siya ni Arkanghel. "Boi, musta pala sa room niyo? Pota, mag-isa lang ako. Mabuti pa kayo nina Isaiah, sama-sama. 'Tapos badtrip pa kamo iyong teacher namin sa first subject. Unang araw at ang aga-aga pa, puro tanong agad. Anong isasagot ko? E naiwan ko pa nga sa kama iyong kaluluwa ko."


Mahaba pa ang speech ni Arkanghel pero wala talaga roon ang atensyon ni Asher. Nasa akin pa rin. Bakit nasa akin pa rin?!


Nakahalata na ang kaibigan niya. Napakunot noo ito at napasunod sa kung saan ang tinitingnan niya.


Nang makita ako ni Arkangel ay napasipol ito bago siya muling nilingon para bulungan. O ewan kung bulong ba kasi dinig ko naman. "Luh, Asher, sino iyong tinitingnan mo? Type mo?"


Napalunok ako dahil dinig na dinig ko. Ang kabog ng aking dibdib ay walang paglagyan habang hinihintay ang magiging sagot ni Asher.


At nang sumagot siya ay tila nahulog ang puso ko sa lupa.


"Hindi." Deretso pa ang tingin niya sa akin nang pakawalan ang mga salita. "Hindi ganyan ang type ko." Pagkuwan ay namulsa siya at naglakad pata lampasan ako...


JFstories
#CrazyStrangerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

10.9M 39.6K 7
Aya used to live her life normally. Living with her parents and sister who always hurt and humiliates her is fine as long as she has a complete famil...
4.7M 42.2K 37
PUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao...
509K 1.2K 7
NAG SIMULA SA ISANG BUSINESS APPOINTMENT NA HINDING HINDI MAIBIGAY KAY BETTINA, NA SIYANG IKINAGALIT NIYA LALO NAT HARAP HARAPAN SIYA NITONG TANGGIHA...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...