Teacher's Pet

Per LadyZhaquirea

446 76 32

Chryzantha Faye Vontemar, a senior high school student under HUMSS track, a ray of hope and perseverance for... M茅s

Author's Note
Prologue
01
02
03
04
05
06
08
09

07

24 7 1
Per LadyZhaquirea

“Krisan? Ikaw nga! Hindi mo yata kasama ang kaibigan mo?” Bungad sa amin ni tita Eve pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa pinto. “Ay hindi. Nandito pala si Sabrina kanina at may kasamang isa pang babae na kaibigan niyo rin daw,” dagdag niya pa.

Kita mo iyong babae na iyon, hindi man lang nag-aya na kakain pala dito. “Ahh si Jam po,” saad ko.

“Jam ba pangalan non? Makakalimutin na talaga ako,” ani tita Eve na sinabayan ng mahinang pagtawa. “Sino naman iyang magandang babae na kasama mo?” Tinignan ni Tita eve si Zhen na nasa gilid ko nga pala. Nawala sa isip ko.

“Hello po. Zheneya po,” pagpapakilala ni Zhen kay Tita Eve. 

“Tara dito.” Sinenyasan kami ni Tita Eve na sumunod sa kaniya at dinala kami sa lamesa na malapit lang sa counter. “Para mas madali kong maibigay ang pagkain niyo,” malambing na aniya.

Nagulat ako ng hilahin ni Zhen ang isang upuan tsaka ako sinenyasan na umupo dito. Mariin akong napalunok dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

“Magkaklase kayo?” Tanong ni Tita Eve na umagaw ng atensiyon namin. 

“No. She’s one of my student,” mahinahong sagot ni Zhen pero ako lang ba ang nakapansin na parang nagdalawang isip siya?

“Talaga? Hindi halata dahil mukhang magka-edad lang kayo,” manghang saad ni Tita Eve na nagpangiti kay Zhen.

“ Ilang taon lang naman po ang tanda ko kay Faye,” sagot ni Zhen which is true. Hindi naman ganon kalayo ang edad namin.

Hiningi na ni Tita Eve ang order namin. Medyo hindi ako nakapag decide ng kakainin ko dahil ewan ko ba, kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Or maybe because she’s around? I mean, ngayon lang nangyari na inaya niya akong kumain na kaming dalawa lang, even may ibang kasama before ay mga co-teachers niya lang din naman.

“Magkakilala na pala kayo.”

“A-Ahh y-yes.” Bakit ako nau-utal? 

“Since when?”

I cleared my throat dahil pakiramdam ko ay may nakabara dito bago sumagot. “Kanina lang umaga. Inaya ako dito ni Sab na kumain.”

“Ito na ang order niyo.” Isa-isang inilapag ni Tito Ant ang mga pagkain namin sa lamesa. “Wait lang iyong inumin niyo kasi nire-ready pa ni Eve. Anything else?” 

Nagkatinginan kami ni Zhen. “Wala na po,” sagot ko sa tanong ni Tito Ant.

Nang umalis siya ay tsaka namang dating ni Tita Eve na may dalang tray ng inumin namin. “Para sa mga magagandang dalaga.”

Mahinang tumawa si Zhen. “Salamat po.”

“Walang anuman. Tawagin niyo lang ako o kaya si Ant kung may kailangan pa kayo,”  

“Okay po tita. Thank you po ulit,” pagpapasalamat ko. 

Tinignan ako ni Tita Eve at ngumiti bago siya umalis para bumalik sa likod ng counter.

“Tita? Akala ko kaninang umaga lang kayo nagkakilala?” 

Humigop muna ako ng sabaw ng sinigang. Grabe, ang sarap talaga nilang magluto dito, sakto ang asim at alat pero hindi mabawasan ang kaba na nararandaman ko. “Aksidente ko kasing tinawag na tita si Tita Eve. Okay lang naman daw.”

“Ang sarap ng luto nila. Too bad kulang ang oras ko para maglabas pasok sa school,” aniya.

Nilunok ko muna ang nginunguya ko. “Paano kung sa loob sila magtayo ng karinderya?” 

“That’s a good idea.”

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa pagsang-ayon ni Zhen sakin. Simpelng bagay lang iyon pero ang laki ng impact saakin.

“Free time mo ngayon? Kasi hindi ba sabi mo kulang ang time mo para mag pabalik-balik sa school?” Tanong ko.

Huminto si Zhen sa pagkain para tumingin sakin. “Wala akong planong kumain ng lunch then I saw you. Alam kong hindi ka pa kumakain kaya inaya na kita,” sagot niya tapos ay muling itunuon ang atensiyon sa pagkain na nasa harapan niya.

“So. . . kumain ka dahil sakin?” 

Mahina siyang natawa sa kalagitnaan ng pagnguya. Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom. “Kind of. Biglaan lang din,” simpleng sagot niya.

Biglaan? “What do you mean biglaan?” Kyuryos na tanong ko dito. Ayaw kong maging assuming pero sa dinami-rami ng aayain niya maglunch ay ako pa. 

“Focus on your food. Masamang pinaghihintay ang pagkain,” seryosong aniya kaya hindi na ako nagsalita pa. Ang scary niya talaga kapag seryosom

Habang kumakain ay hindi ko maisawang tumingin sa counter kung nasaan si Tita Eve na naga-asikaso ng mga orders. Pansin ko kasi na panay ang pasimpleng tingin niya kay Zhen.

Pagkatapos naming kumain ay pakiramdam ko sasabog ang tiyan ko sa sobrang kabusugan. Kinuha ko na ang  wallet ko sa bag para magbayad.

“Ako na ang magbabayad.”

“Ha?”

“Ako na ang magbabayad,” mas binagalan niya ang pagsasalita para maintindihan ko ang sinasabi niya kahit naintindihan ko naman. Hindi lang ako makapaniwala.

“Sure ka? May per-” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.

“Ako na.” Wala na akong nagawa ng tumayo na siya at pumunta sa counter para magbayad. 

Nanatili akong naka upo at napagdesisyunang ayusin ang pinagkainan namin. Pinagpatas-patas ko lang ang mga pinggan at tsaka kutsara at tinidor. May tissue rin dito kaya pinunasan ko na ang mga tumulong sabaw sa lamesa.

Namintig ang tainga ko ng marinig ang pangalan ko mula kay Zhen. Hindi ganoon kalayo sa counter ang puwesto namin kaya kahit paano ay rinig ko sila. Medyo natatabunan lang ng ingay sa paligid ang boses nila dahil marami ring customers na kumakain dito,

Nakangiting bumalik si Zhen sa lamesa namin. Pinuri niya pa ako dahil nilinis ko ang pinagkainan namin. Inaya na niya akong lumabas dahil rumadami na ang taong pumapasok sa karinderya. Ang akala ko ay babalik na siya sa school pero inaya niya pa akong kumain ng ice cream.

Pumunta kami sa convenience store na malapit lang din dito at bumili ng ice cream cone. Katulad kanina ay hindi niya ako pinagbayad kaya medyo nahihiya na ako.

“Salamat sa ice cream,” Pagpapasalamat ko nang makalabas kami sa convenience store. Humanap kami ng mauupuan para doon muna mag-stay.

“Kamusta ang studies?” 

“Okay lang. Still hoping na this year ay makapasa na ako,” sagot ko. 

“Hindi mo ba mamimiss ang school?” Tanong ni Zhen habang tinitignan ang kabuuan ng school mula sa inuupuan namin.

“Mamimiss pero hindi naman puwedeng hindi ako aalis dito. This is my last and final try. Kapag hindi pa rin ako nakapasa ay titigil na ako,” may halong lungkot sa tono ng boses ko. Hindi ko rin kasi maitago ang panghihinayang sa mga nakaraang taon na nasayang.

“You’re quitting?” 

Napailing ako dahil sa sinabi ni Zhen. Actually, na-insulto ako. “Ang tagal ko na dito, Zhen. Ready na akong mag-step up pero itong lugar lang na ito ang pumipigil sa akin  na umabante.” Pilit akong ngumiti. 

“I’m pretty sure na g-graduate ka na this year. Third try’s a charm, right?” Aniya sabay kagat sa cone.

“Naniniwala ka sakin?” Tanong ko dito.

Ngumiti siya at inilapit ang kamay niya sa labi ko at may pinupunasan sa gilid nito. “Oo naman. Isa pa sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo every year,” pabirong saad niya na nagpatawa sakin.

“Sa ganda kong ito magsasawa ka?” pabirong saad ko pabalik. 

Tinanggal ni Zhen ang tissue na naka balot sa cone ng ice cream at pinunasan ang daliri niya gamit yon. "Para kang bata kumain ng ice cream," aniya. Ang alam ko lang ay kumakain ako tsaka ang sarap kaya ng chocolate ice cream. "It's already time. I have to go." Isinukbit na niya sa balikat niya ang shoulder bag na dala niya bago tumayo at tumingin sa akin. "Magi-ingat ka sa pag-uwi."

"Ikaw din. I-I mean, mamaya." 

Hindi sumagot si Zhen pero nginitian niya lang ako bago maglakad paalis. Hinintay kong maglaho sa paningin ko ang pigura niya bago sumigaw ng walang naririnig.

"Kyahhhhhhh! Is this real? Lord, kung panaginip man ito please don't wake me up!" Kinikilig ako, ready na ako bawian ng buhay any moment.

"Bakit may kiti-kiti dito?" 

"Ayy lord!" Gulat kong tinignan si Jeans na nakatayo sa gilid ko. Tinaasan niya ako ng isang kilay bago umupo sa kaninang puwesto ni Zhen. 

"Grabe ang kiliti, ah. Ano bang meron sainyo ni Ma-"

Tinakpan ko ang bibig niya bago tignan ang paligid. Nang masiguro ko na walang ibang tao dito ay inalis ko na ang kamay ko na nakatakip sa makapal at namumula niyang labi. "Huwag kang maingay! Kinakabahan ako sayo Jeans, eh!"

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Wala naman akong issue sa inyong dalawa," maarteng saad niya. "Pero sissy ang weird! Nakakaloka kayo!" 

"Sayo wala pero baka kasi may makarinig sayo," mariing bulong ko. "Teka! Walang namamagitan samin baka kung anong iniisip mo diyan," paglilinaw ko dito. Baka kasi mamaya I-chika ako nito tapos fake news pa. Sana nga meron pero wala! At kailanman ay magiging wala. Aray. "Pero paanong weird? Dahil ba parehas kaming babae?" Tanong ko dito.

"No, beshy. Walang issue sa gender niyo. Ang issues ay nasa status niyo," sagot niya. Kuha ko naman agad ang punto niya. Estudyante ako while teacher siya, ang weird nga naman non. "Pero kapag naka-alis ka na sa school malay mo puwede na," dagdag niya at kinindatan ako.

"Sounds like a plan mama," natatawang saad ko at nakipag apir sa kaniya. "Pero papasa nga ba?" Biglang nagbago ang timpla ng hangin. Naglaho ang mga ngiti sa labi ni Jeans dahil sa sinabi ko.

"Papasa ka Chryzantha. Kapag hindi ka pa rin pumasa ako na ang magpapalipad sayo paalis ng school na ito. Malas mo dito, eh!" Aniya sabay hawak sa kaliwang braso ko at inalog-alog pa nga ako. Para siguro magising ako sa katotohanan.

"Sabi mo iyan, ah? Kapag ako hindi pa rin nakapasa paliparin mo ako palabas ng school," pagu-ulit ko sa sinabi niya.

"Ayy sureness mhiemasor! Ako ang bahala sayo!" Humagalpak siya ng tawa kaya hindi ko napigilang mapangiti. 

Alam niya ang agenda ko sa school. Lahat naman yata ng mga nagigising kaklase ko ay alam na repeater ako. 

"Maiba tayo. Nasaan si Clark?" Tanong ko sa kaniya. Huminto siya sa pagtawa bago ako tinignan ng may pagtataka sa mga mata. "Si Kent," dagdag ko. Kasalanan ni Lovely ito, eh. Speaking of Lovely, may atraso pa sakin iyon.

"Nauna na siyang umuwi. Actually, hinatid ko siya sa terminal ng bus para sure na uuwi siya."

"What do you mean para sure na uuwi siya? Tsaka taray mo rin, ano? Ingat na ingat ka sa kaniya," saad ko.

"Ganon naman talaga kapag mahal mo, hindi ba? Iingatan mo, aalagaan, ganon! Hindi ka pa ba nagmahal before?" Nakangiti si Jeans habang nagsasalita.

Mahina akong umiling. "Hindi. Hindi ako sure," sagot ko sa tanong niya. 

"Malalaman mo kapag nalaman mo." Tinaasan niya ako ng dalawang kilay. 

"May tanong sana ako pero nahihiya akong itanong kasi baka out of the box," halos pabulong na saad ko dito. Nahihiya kasi talaga ako.

"Go beshy, itanong mo iyan!" Aniya sabay palakpak.

"Lowkey lang ba kayo? I mean, may I know why?" 

Napatigil siya sa itinanong ko. Pansin kong nag-iisip siya ng isasagot. "Well. . .as you observed. Taray as you observed!" Tumawa siya kaya ngumiti ako. "Pero mahirap kasi sa side ng family namin. In-short hindi nila tanggap. Sabihin na lang natin na may involve na religion sa side niya. Sa akin naman ay nagi-isa lang kasi akong lalaki sa pamilya kaya expected nila na lalaki ako," kwento niya.

"Nahihirapan ka sa sitwasyon niyo?" Kusa itong lumabas sa bibig ko. 

"Oo naman. Mahirap talaga lalo na't puso at isip ang nagtatalo. Isama mo na rin ang katauhan, atay, at liver ko," natatawang aniya na may kasamang palakpak. 

"Hindi mo pa nilahat ng respiratory system mo!" Gatong ko sa biro niya kaya mas lalong lumakas ang tawa niya.

"Can you promise to keep it as a secret? I am ready but he's not and I respect it," seryosong saad niya habang diretsong nakatingin sakin.

I smiled. "I promise."

"I believe you and thank you. Alam ko namang mapagkakatiwalaan ka." Mahina niya akong hinampas sa braso. "Piece of advice lang. Sometimes it confuses you. Everything. May mga bagay na mapapaisip ka talaga kung tama ba o hindi. It's up to you kung anong susundin mo." 

Wala akong ibang inisip sa buong araw kundi ang huling sinabi ni Jeans. Alam kong siya ang pinaka makakaintindi sa sitwasyon ko.

Ano nga bang sitwasyon ko? Wala naman. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

Continua llegint

You'll Also Like

1.4M 32.2K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
Aligning the Stars (GXG) Per k.

Literatura rom脿ntica

124K 4.4K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
Trapped With Him Per Jamille Fumah

Literatura rom脿ntica

26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...