Villaverde Brothers Series 2:...

By adihiraya

123K 1.4K 224

Therene Kylei De Vega is a twenty-three-year-old model who aspires to be a lawyer. After years of dreaming ab... More

VBS#2: Jilting the Fearless
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Dedication (A graduation gift)
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Twenty-four

1.8K 24 3
By adihiraya

Two weeks . . . two weeks had passed, and ever since it happened, every night I wish to just disappear.

Araw-araw kaming nag-aaway ni daddy. Hindi ko makausap nang maayos si mommy. Gabi-gabi ko rin silang naririnig na nagtatalo kung sino ba ang dapat na sisihin sa nangyari.

I found out mommy cheated first all because dad lost time for her . . . for us. Kailanman hindi naging sapat na dahilan 'yon para magloko. There's no valid reason for cheating. In return, daddy doubted if Reneil was his son kaya simula nang dumating ang kapatid ko, doon na rin siya nagsimulang magloko.

Reneil is so much affected by what's happening. I wanted to console him, pero paano ko magagawa 'yon gayong maski sarili ko ay hindi ko alam kung paano ko aaluin?

Wala akong magawa kundi yakapin ang kapatid ko dahil maging siya, kinekwestyon niya ang sarili niya kung totoo nga ba talaga siyang anak ni daddy.

Gustong-gusto kong sabihin na oo, pero hindi ko magawa dahil hindi rin ako sigurado.

I asked mom so many times, pero para lang siyang tangang nakatingin sa malayo.

Today's Saturday. Walang pasok si Reneil. Mas gusto kong may pasok siya para hindi niya kailangan manatili sa miserable naming bahay.

I just want to protect my brother.

Kung ano man ang totoo, mananatili siyang kapatid ko. Buo, walang hati o ano man.

Itatakas ko siya pansamantala para makalimot sa magulong mundong ginagalawan naming dalawa.

"Let's go out, Ren. Where do you want to go?" I asked with a smile on my lips.

"I know what you're doing, ate." He sighed deeply.

Tumabi ako sa kaniya sa sofa. Halos magkasintangkad na yata kami ng kapatid ko kaya nagawa ko nang sumandal sa balikat niya.

"Nami-miss ko lang ang bonding nating dalawa," palusot ko.

"Pa'nong hindi mo mami-miss? Si Jairus ang lagi mong kasama."

"Kuya Jairus, Reneil. Mas matanda siya sa 'yo."

"Mas mahal mo na siya kaysa sa akin."

I looked at him and pinched both of his cheeks. "No, Reneil. I love you more than anyone in this world. Always remember that. Kaya saan mo gustong pumunta?"

"Museum. I like staring at art. I think that's my comfort," he said and stood up.

"Ayos lang ba kasama si-"

"See? That's what I'm saying, ate. Mas mahal mo na talaga siya."

Natatawa ko siyang binato ng unan galing sa couch. "Ang oa mo! I don't know how to drive, remember?"

That thought made me hurt even more. Daddy had no time to teach me how to drive. Madaling sabihin na sana nag-driving class na lang ako pero kasi inasahan ko ang gano'ng bond namin ni daddy because he told me tuturuan niya ako.

I hoped for nothing.

"Whatever, ate! Sige na, maliligo na ako," paalam niya sa akin.

Nakangiti akong tumango sa kaniya. Itatakas ko siya sandali kahit ang mismong mga magulang namin ay nauna na kaming tinakasan. Ang pinakamadaling irason para sa kanila ay papasok sa trabaho even though I know, they just want to escape too.

Who wants to stay in a house full of strangers, anyway? Hindi ko na rin makilala ang sarili kong mga magulang. Maging ang katauhan ni Reneil ay palaisipan na rin sa akin.

Kahit sa sarili ko . . . hindi ko na rin alam.

Kagabi ko pa nasabihan si Jai na gusto kong igala si Reneil kahit saan niya gustong pumunta. Ang balak ko kaming dalawa lang but he wants to be with us. Gusto niya raw maging driver naming dalawa. Gusto niya rin daw maka-bond si Reneil na parang bunso niyang kapatid.

I even joked him na igala niya si Zai tutal bunso niya namang kapatid 'yon. Hindi niya raw kayang isako si Zai if ever magpasaway sa kaniya. Baka siya pa raw ang hanapin sa ilog kung sakali.

Pumayag naman ako sa gusto niya kasi baka mamaya'y hindi ko rin kayanin kung ako lang ang aalo sa kapatid ko.

Nag-ayos na rin ako dahil baka dumating na bigla ang lalaki. Excited pa naman lagi 'yon makita ako.

I wore a black one shoulder top tucked in a white trouser. Mainit kaya bitbit ko muna ang puti kong coat. My black strappy chunky heeled sandals made me taller. I just applied a light make up and let my long hair down.

I took my white hobo bag when I heard a beep from the outside. Nagmamadali akong lumabas at naabutan ko ang mapanghusgang tingin ni Reneil sa akin nang isara ko ang pinto ng kwarto ko.

"Madaling-madali?" tanong niya.

"Kanina pa ba siya?"

"Kabubusina niya lang, 'di ba? Malamang kararating niya lang, ate," pilosopong sagot niya sa akin.

Hinayaan ko na lang ang kapatid kahit tuloy-tuloy ang pasaring niya sa akin. Sabay na kaming lumabas at inabutan si Jairus na abala sa kaniyang telepono.

When he felt our presence, agad siyang tumayo nang maayos at ibinalik sa bulsa ang cellphone.

"Let's go?" he asked.

Tumango ako sa kaniya. Si Reneil hindi na nag-atubiling sumakay sa sasakyan nang walang sinasabi. Ni hindi man lang siya binati.

"Did you double checked everything before you left? The sockets, the faucets, and the doors?" tanong niya habang pinagbubuksan ako ng pinto.

"Yes, like how you always remind me to," I answered and smiled.

"Very good, my love."

Nahihiya akong lumingon sa kapatid dahil paniguradong narinig niya iyon. Mabuti na lang at mukhang wala naman siyang pakealam dahil busy siyang maglaro sa phone niya. For sure ay mobile legends na naman iyang nilalaro niya.

"Saan tayo?" tanong ni Jai sa akin.

"Museo Pambata siguro," sagot ko saka lumingon sa kapatid.

He gave me a sharp look. "I already went there, ate. Hindi na ako bata."

Tumawa ako. "Museo Filipino then."

Jai obliged to bring us there. Sa biyahe ay kaming dalawa lang ang nag-uusap and everytime we try to join my brother in our conversation, sinusungitan at binabara lang kami nito.

I have no choice but to understand him kahit na naiinis na ako sa attitude na ipinapakita niya. Kailangan kong intindihin na may pinagdadaanan din siya kaya hinahayaan ko na lang.

When we get there, mabilis pa sa alas kuwatrong lumabas ng kotse si Reneil. We paid for the entrance, nawala agad siya sa paningin namin.

Iilan lang ang tao sa loob. Kadalasan talaga ay linggo maraming pumupunta rito pero dahil Sabado pa lang ay bilang sa darili ang makikitang umiikot dito.

I can't see my brother anymore. Probably enjoying every corner of the museum. He really loves art. Kahit ang loob ng kuwarto niya'y puno rin ng iba't ibang mga painting just like dad. They're both into it.

How can I doubt mommy that Reneil isn't my dad's son if they have commons?

Ayoko pa ring isipin ang bagay na 'yon. All my life I never doubted my mother that she could do it, but she did. She did.

"Nag-iisip ka na naman," puna sa akin ni Jairus.

I glanced at him and smiled weakly. "I'm sorry . . ."

Huminga siya nang malalim at hindi nag-atubiling hilahin ako para sa isang mahigpit na yakap. Nang yumakap sa ilong ko ang amoy niya ay napapikit na lang ako at dinama ang init na ibinibigay ng kaniyang yakap.

Solace . . .

He is my solace. When I'm with him, I feel consoled. An oasis of serenity amidst the chaotic circumstances.

"Can you take a picture of me?" I heard Reneil's voice from behind.

Kumawala ako sa yakap at lumingon sa kapatid na nagtaas ng kilay sa akin.

"Jai's good at taking pictures. Gusto mo siya kumuha?" suggest ko.

He shrugged his shoulders. Inabot niya ang cellphone niya. Sumunod na lang kung saan siya papunta hanggang sa huminto siya sa isang hagdan na puno rin ng paintings ang gilid ng wall.

Jai took a lot of pictures of him, and when they're done, Reneil genuinely thanked him. Nakangiti siya habang tinitingnan ang mga larawan niya kanina.

"Ate's right. You're good at taking photos. Thanks again, Kuya Jai!" he said and walked away to roam again.

My heart warmed. Alam ko namang nahihiya lang ang kapatid ko sa kaniya at defense mechanism niya ang pagiging masungit para hindi mahalata pero alam kong gusto niya rin si Jai.

"Art ka ba? Kaya kasi kitang titigan kahit hanggang magdamag pa," anang nahuli.

Nakangiwi ko siyang tiningnan saka tumawa nang mapang-asar. "Pinapakita mo naman masyado kung sino ka."

Nagkamot siya ng kilay. "Corny ba?"

"Very."

Ngumuso siya na lalo kong ikinatawa. Ang cute-cute niya sa tuwing gumagano'n siya. Parang batang hindi napagbigyan ng mommy na bumili ng laruan.

"If you're an art, I'll give all the money I have just to get you," he then said seriously. "But you're priceless, hindi ka mapapantayan ng kahit gaano kalaking halaga ng pera o ng kahit mamahaling materyal na bagay. To have you isn't just like winning a jackpot price in a lottery. To have you feels magical and surreal. It's like being in a safe place only us could be in. Paraisong ako mismo ang nagtayo para sa ating dalawa. 'Pag naging akin ka, s'yempre hindi pa ako p'wedeng kunin ni Lord kasi ibibigay ko pa lahat ng bagay na deserve mo."

Habang sinasabi niya iyon ay kitang-kita ko sa mga mata niya ang katotohanan ng mga salitang binibitiwan niya. He looks at me with so much adoration and full of love.

Gusto ko na lang matunaw. I don't know what I did in my past life to deserve a man like him.

"No words can explain how thankful I am that you came into my life, Jai. Kahit inis na inis ako sa 'yo no'ng una." Tumawa ako. "You made me believe that love isn't all about the bad stories I heard from other couples . . . that even though love is taken lightly in our generation, there's still men out there like you who will make me understand that love has a deeper meaning."

He . . . he is the meaning of love for me.

He pulled me for a hug again and kissed the top of my head gently. "I love you so much, Ky."

"I love you," I replied back.

Hindi na ako natatakot sabihin ang tatlong salita na 'yon dahil alam kong pagdating sa kaniya, lahat ay totoo. Hindi nakakatakot kasi sigurado.

Continue Reading

You'll Also Like

371K 23.1K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
162 67 8
In a world where magic reigns.There exist a school known for its great powers (S.N.H) The supernatural high school.During the ceremony of choosing a...
60.2K 990 42
multifandom x fem!reader (requests are OPEN) a series of multifandom imagines that I wrote when I was bored also most of these are old, so please ign...
1.6M 93.7K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...