Maid Series 1: Naomi Sanchesz

By Raynosorous

68 0 0

Naomi is willing to do anything just to achieve her dreams, even challenges tear her apart, pinangako rin niy... More

Note
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 1

24 0 0
By Raynosorous

" Haaay."

" Haaaay."

" Haaaaay."

Hindi ko alam kung ilang beses nakong bumuntong hininga at kung ano ano ang pinagsasabi. Ilang linggo ang nakalipas simula ng magsara ang cafe na pinapasukan ko. Actually ang nakakapang-drama pa dyan ay ilang taon nako sa cafe na yun. Simula Gr6 hanggang ngayong Gr12 naa. Hindi ko alam kung ilang years, tinatamad ako buwehehe. Basta ang pangako samin ni Madam kapag naging maayos na ulit lahat ng problema tatawag sila. Nakakamiss lang kasi parang pamilya na ang trato namin sa isa't isa.

Wala naman akong dapat isipin na problema kasi binigyan kami ng tig-50k. Kaso isang buwan nalang magpapasukan na at college pa naman nako. May naipon akong extrang pera pero alam kong di sapat yun. Nakapagbayad na rin ako sa renta, tubig, kuryente at saktong grocery. Sa wifi naman? Pinapa-connect lang ako ni Aling Beba para di na raw ako gumastos hehe. Si Aling Beba lang naman ang katapat ng apartment na nirerentahan ko. Nagbebenta siya ng barbeque, well parang side line lang naman niya yun more on katuwaan lang since mura na ang barbeque niya masarap pa. Lalo na sa mga nakatira dito saamin na hanggang dun lang ang kaya.

Graduate na ang dalawang anak niya. Isang babae at isang lalake. Mabait silang pamilya at palaging nasulpot kapag nagkakaproblema ako dito. Buwehehe sulpot talaga e noh.

So ano nga ulit iniisip ko?

Ayun. Trabaho.

Letche!

" What the hell are you doing?"

Napatigil ako sa pag-iisip ng makita si Noah na kakapasok lang sa beloved mansion ko, meron siyang dala dalang McDo. Alam kasi nila na sesermunan ko ulit sila kapag mamahaling restaurant ang pinagbilhan nila.

Sinilip ko itsura ng pwesto ko at mukha nga akong tanga. Naka-indian seat at nakaharap lang naman ako sa pader.

" Kinakausap yung dingding baka sakali bigla akong sukahan ng pera." Ngumiti ako ng matamis at tumayo. Baka pagalitan pako neto e.

" Why can't you just say yes to Atticus?"

Inayos ko yung McDo na pinamili niya at nilagay sa 12 seats na lamesa ko. Charut hehe. Sa sahig nga lang ako nakain e. Meron akong maliit na lamesa at sahig na ang upuan ko.

Teka. Say yes?

Nahalata ni Noah ang pagtataka sa mukha ko pero umupo muna siya sa sahig at sumubo ng fries.

" They want to help you right? I mean, all of us want to help you but you don't wanna." Nagtatampong sagot niya.

Naupo ako sa tapat niya at inayos yung burger bago ako kumagat. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya. Gusto ako tulungan ng lima kong kaibigan pero ayoko lang talaga. Syempre noh, nahihiya parin ako kahit close nako sa mga magulang nila. May times pa nga na umiiyak si Tita Anna, mommy ni Atticus. Kasi gusto niya kong tumira nalang sa bahay nila para wala na raw akong intindihin. Halos lahat ng parents nila hindi mapakali simula ng malaman nila na wala akong trabaho. Hindi naman nila ako pinipilit at kahit anong mangyare andyan lang naman daw sila.

Thankful ako, pero kaya ko pa naman. Kahit mahirap naniniwala ako na malalagpasan ko toh. Buti nga ngayon nakakayanan ko na. Samantalang noon ulitimo pang-inom walang wala ako.

Napangiti nalang ako wala sa oras ng maalala ang mga pinagdaanan ko noon. Maraming salamat sa nakaraan na ako at di siya sumuko.

" Also, Chandler said---are you even listening?" Natauhan ako sa pagsasalita ni Noah na nakakunot na ng noo.

Tumawa lang ako sa kanya at napakamot sa batok ko. Ano ba yan Naomi!

" What are you thinking?"

Ayoko sabihin na naalala ko nanaman yung noon. Masyado nanamang lulungkot ang usapan namin neto.

" Baka anak ako ng isang reyna. Tapos ninakaw lang ako ng mga kalaban. Kaya ilang taon akong naghirap. Tapos nooh! May makakita sakin, mapapasabi sila ng 'kamukha ng mahal na reyna' Oh diba! Tapos ngayon makakabungguan ko yung male lead wala sa oras--"

Napatigil ako sa pagkwento ng kung ano ano ng makita ang pagkairita sa mukha ni Noah. Nakalimutan kong seryoso pala tong katapat ko, buwehehe. Pero parehas kami napatigil ng marinig ang boses ni Terrance.

" Hello goys! Ay bakit naman onti lang ang pagkain." Nakasimangot na sabi ni Terrance at naupo na rin sa tabi namin. Ganun din yung tatlo.

" I didn't know that you will come." Sagot ni Noah na ngumiti ng sarcastic kay Terrance na ngayon ay diring diri ang itsura.

" Nagmessage kami sayo, tanga." Inis na sabi ni Chandler.

" Tanga ka din! You know naman na never nagbabasa ng messages yan." Inis na sulpot ni Atticus.

Pinapanood ko lang silang mag tangahan ng mapansin kong nakatingin lang si Lenlen sa burger ko. Eto kasi ang baby samin, hindi baby kundi bibihira lang talaga magsalita.

Inabot ko sa kanya kaya nanlaki ang mga mata niya at umiling. Alam ko naman na gusto niya kaso baka mapagalitan siya ni Noah kaya pinilit kong ibinigay.

Hindi rin naman siya nakatanggi at ngumuso muna bago sumubo.

At napag-usapan na nga namin kung ano ba raw ang trabaho na gusto kong pasukan. Para sakin kahit ano naman e, kaya kong kayanin. Kaso nga lang baka part time lang gawa ng magkakaroon na rin ng pasok.

Ang ginagawa naman ng lima nagsesearch dito sa lugar namin sa Cavite kung merong naghahanap. Buti nga sumuko na sila mag offer ng trabaho sa bahay nila. Katulad ni Atticus, kailangan daw nila ng taga-hugas ng plato tuwing almusal lang. Si Chandler, kailangan daw nila ng taga-dilig ng halaman tuwing hapon. Si Terrance, naghahanap sila ng maglalakad sa mga aso tuwing umaga. Sa lahat ng ginawa nilang dahilan kay Lenlen lang ako natuwa. Kailangan niya ng kasama at magpapatulog sa kanya kapag gabi. Ang kay Noah naman seryoso, yun ay magiging ala-secretary niya ko, or more like parang P.A pero hindi naman daw mahirap ipapagawa niya. Kasi medyo busy siya bussiness ng family nila  o di kaya inaaral niya ganern, ewan ko e HAHAHAHAHA.

Alam ko naman na gawa gawa lang nila yung dahilan nila kasi alam ko na meron ng gumagawa nun sa bahay nila. Sa totoo lang marami nakong napagtanungan at napuntahan pero karamihan ang hinahanap full time worker, yung iba naman mukhang walang tiwala sakin.

Pero hindi parin ako susuko noh. Kahit ibato nila sakin ang mars.

" Masyado namang nakakaistress maghanap." Hinang hina na sabi ni Terrance habang nakadukduk ang mukha sa maliit na lamesa.

" Baka kailangan ko lang silang pakitaan ng masarap na tinapay, tignan mo pasok ka agad." Biro ni Chandler na pasayaw sayaw pa ng sexy dance.

" Gaga!"

" Let's continue it later. First, let's eat muna."

Oo nga pala. Inabot kami ng dalawang oras kakahanap sa mga Facebook, Instagram at Twitter. Kahit sa ibang lugar naghanap na rin sila pero, wala atang pumasa sa taste nila, psh. Meron akong iilan nakikita na mukhang maganda naman pero ayaw ng lima. Alam ko naman na gusto nila sadyang masyado lang nila akong ginagawang baby at ayaw na mapush masyado. At alam ko na nag-aalala rin sila gawa ng nakaraan ko. Kaya sa ngayon hinahayaan ko lang sila kung anong gawin nila. Kasi bukas pupuntahan ko yung nakita ko kanina.

" You want Barbeque?" Tanong ni Noah at tumango lang ako bilang sagot.

Inabutan niya ko ng 500.

" Barbeque and rice na rin." Sabi ni Atticus.

" Ako sasama sayo." Presenta ni Terrance pero pinigilan ko siya. Gusto ko kasi na ako nalang ang bumili kay Aling Beba.

Ayaw pa sana nilang pumayag dahil gabi na raw pero buti nalang at napilit ko rin. Kaya tumakbo ako papalabas papunta kanila Aling Beba. Gulat ng makita ako ni Aling Beba na hinihingal. Pano hingal na hinga kahit magkalapit lang ang bahay namin.

" Jusmiyo! Anak ayos ka lang? May nanghabol ba sayong gago?" Nag-aalalang sabi ni Aling Beba at hindi alam ang gagawin.

" Ma naman! Hindi mo kailangang magmura." Sita ni Ate Karmen.

Inabutan naman ako ni Kuya Jep ng tubig. Nakakahiya naman sa kanila. Bakit ba kasi ako tumakbo? Gaga moments nga naman oh.

" Salamat po. Amm pabili nga po ng barbeque, 500 pesos po tapos kanin na rin po."

Ay. Kulang ang binigay na pera ni Noah. Hindi bale, palagi na napapagastos yun sakin kaya ako na magbabayad sa kanin.

" Kamusta na pala. Nakahanap ka na ba ng mapapasukan?" Tanong ni Ate Karmen. Umiling lang ako bilang sagot.

" Pero--"

" Excuse me."

Nagulat ako at lumingon sa likod ko. Isang lalake na bibili rin ng barbeque. Muntik nakong matulala sa kagwapuhan niya. Puro black ang suot niya. May patay? Pero sheet. Mukhang lahat ng babaeng makakakita sa kanya ay magiging patay na patay.

" Uy Vendict! Ganun padin ang order?"

" Opo."

Ay tipid.

" Kamusta na pala siya?"

Hindi nako nakinig at mukhang personal na ang pinag-uusapan nila. Pero infairness ang gwapo niya aah. Gwapo naman yung lima pero siguro parang kapatid ko na kasi sila kaya walang effect yung kagwapuhan nila sakin.

Magkakaroon na ba ko ng crush? Hihi.

Gaga! Trabaho muna bago landi.

" Talaga! Ay ay. Naomi, hindi ka pa nakakahanap ng mapapasukan diba?" Nagulantang ako sa biglang pagsigaw ni Aling Beba.

Don't tell me ichichika niya yun kay kuyang gwapo.

" Naomi! Saktong sakto." Hindi ko alam bakit ang saya saya ni Aling Beba. Ano bang meron?

" Bakit po?" Napatingin ako kay kuyang gwapo kasi nakatingin din siya sakin.

" Are you 18 years old?"

H-Huh? A-Ano raw? Are you taken ba raw?

Halaaah. Shete Naomi, wag munang bobo please lang. Wag ipahiya ang sarili please lang.

" P-po?"

Kunyare hindi naintindihan, much better.

" Ganito kasi yan, nak. Naalala mo ba yung kiniwento ko sayo noon na dati kong pinasukan?"

Yung dati kasing amo ni Aling Beba noon ay napakabait daw. Tinrato silang pamilya at ilang taon nagtrabaho si Aling Beba sa kanila. Hanggang sa makilala niya ang asawa niya at magkaroon ng sariling pamilya, doon padin nagtatrabaho si Aling Beba. Tumigil lang siya ng makapagtapos na yung dalawang anak nila at may saktong ipon na. Ayaw pa sana ni Aling Beba kasi masaya siya sa trabaho niya pero hindi na rin niya kaya kasi nagkakaedad na raw siya. Hinayaan siyang umalis sa trabaho at binigyan pa ng extrang pera na malaki laking halaga. Pero kahit papano raw ay nakakausap pa niya ang dating amo. Minsan bumibisita pa sa kanya dito at kumakain ng barbeque.

" Opo."

" Naghahanap sila ngayon ng makakasama sa bahay. Kasi ang dating namasukan sa kanila walang ginawa kundi magpacute sa anak nila madam at hindi naman nagagawa yung responsibilidad."

Natahimik lang ako at hinayaang mag sink in muna sakin lahat. Ibig sabihin mamasukan ako sa kanila bilang katulong. Wala naman sanang problema yun kasi marunong ako sa gawaing bahay at di ako maarte. Pero paano yung pag aaral ko?

" Don't worry about your studies, in fact they will also help you. Basta makita ka lang nilang matino."

Ano ba naman tong si kuyang gwapo. Nakakabasa ba toh ng isip? Tsaka hellooo matino kaya ako.

Pinag-isipan ko ng mabuti. Hindi naman ako magpapaka-softie para kay kuyang gwapo kasi future ko ang nakasalalay dito.

" Just wait a minute."

Kapeng mainit, char huhu.

Pagkaalis ni kuyang gwapo agad naman ako nilapitan ni Aling Beba at Ate Karmen. Hinawakan ni Aling Beba ang mga kamay ko at tinitigan ako ng maigi.

" Wag kang mag-alala. Nasa mabuting kamay ka. Sa totoo lang hindi ako nagrerecommend sa kanila kasi alam ko ugali ng pamilya nila. Ikaw lang ang ang inano ko sa kanila kasi alam ko at kilala kita, anak. Pero nasa sayo parin ang desisyon kung gusto mo o hindi." Ngumiti si Aling Beba at niyakap ako.

Maya maya lang lumapit samin si kuyang gwapo.

" I already talk to them. They will provide your needs especially your studies. Basta katulad ng sabi ko sayo makita ka lang nilang matino wala ka ng problema."

Naluluha akong lumingon kay Aling Beba. Nanginginig na hinawakan ang kamay ni kuyang gwapo.

" I-Ibig sabihin may trababo nako?"

Tumango lang siya at kinuha ang kamay niya mula sakin.

" I have a girlfriend."

Paiyak na sana ako ng umentra ng kung ano ano si kuyang gwapo. Eto naman, hindi ba pwedeng masaya lang? Excited lang? Happy lang? Chka nagagwapuhan lang naman ako sa kanya noh!

" Kailan siya magsisimula?" Tanong ni Ate Karmen at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

" Their still busy. I will just call you for an update. But, I guess next week?"

Pagtapos niyang makuha ang order niyang barbeque binigay niya muna sakin yung facebook niya kasi sabi ko kung text wala akong pang-load. Sayang naman magpapaload pako. Chka baka di niya rin ako makilala kasi marami raw ang nagtetext sa kanya. Basta ang sabi niya uupdate niya ko.

" Nako! Sobrang saya namin para sayo."

" Maraming salamat po Aling Beba. Kung hindi po dahil sainyo--"

" Itigil mo yan, Naomi. Ginawa namin yun dahil kampante kami na mapupunta ka sa mabuting kamay, at alam namin na hindi sila magsisisi na napunta ka sa kanila."

Nagkwentuhan pa kami saglit at nagpasalamat ulit sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Samantalang netong nakaraang araw hindi ko alam kung saan pa ako pupunta.

Sa sobrang tuwa dali dali akong umuwi. Syempre dala ang barbeque with rice noh. Muntik ko pa nga makalimutan.

Pagdating sa loob ng bahay lahat sila nagulat sa itsura ko. Kinuha ni Chandler ang dala dala kong plastic at nakita kong inaayos na niya ito para makakain kami.

" Yung totoo, Naomi. Ilang barbeque ba ang binili mo at napakatagal mo?" Gusto ko sana siya sagutin kaso happy ang ferson kaya swerte siya.

" MAY TRABAHO NAKO!" Masaya kong sigaw at nagsasayaw sayaw pa.

Pero napatigil din agad ako sa pagsayaw ng makitang galit ang mga mukha nila. Hala, anong problema ng mga toh? Hindi ba sila masaya?

" Where the heck you have been, Naomi?" Malamig na tanong ni Noah.

" Bumili ng barbeque. Teka! Hindi ba kayo masaya na may nahanap akong trabaho?"

" Sinong magiging masaya pre. Lumabas ka lang, bumili ka lang ng barbeque pagbalik mo may trabaho ka na?" Sabi ni Terrance.

" Maybe nabudol dol siya. Its uso right?" Napairap naman ako sa sinabi ni Atticus.

Nabudol? Dol?

" Baka hindi siya si Naomi." Mahinang sabi ni Lenlen.

Lumapit ako sa kanya at kinurot ang magkabilaang pisnge. Pero imbis masaktan ngumuso lang siya.

Para hindi na sila mastress dahil panigurado hindi nanaman yan makakatulog pinaliwanag ko na sa kanila lahat ng detalye.

" Sigurado ka ba na okay yun?" Tanong ni Chandler.

" Oo naman. Aantayin ko lang yung message sakin kasi busy pa raw yung magiging future amo ko."

Nakahain na yung pagkain at magsisimula palang sana ako magdasal ng mag-ingay ang cellphone ko. Kaya no choice akong tumayo at kinuha sa sofa ang cellphone ko.

At ng makita ko kung sino ang tumatawag halos lahat na ata ng santo ay pwede ko ng tawagin. Walang iba kundi ang napakabait kong tita.

" H-Hello po."

[ Buti naman naisipan mong sagutin ang tawag ko. Akala ko magpapa-VIP ka nanaman e.]

Ano pa ba ang aasahan ko? Kakamustahin nila ako? Asa.

Napayuko nalang ako at pinakalma ang sarili. Dapat masaya lang.

" Bakit po pala kayo napatawag?"

[ Tumawag lang naman ako para sabihing nagpadala na ang nanay mo ng pang-tuition. Kaso kailangan ng tito mo ng pera kasi natalo siya sa sugal nung isang araw. Tapos magpapasukan na rin yung pinsan mo, kailangan ng bagong sapatos at bag.]

Nanlalaki ang mata ko sa narinig. Bigla akong nanginig at pilit na pinapakalma ang galit ko. Walang mangyayare kung sasagot ako kay Tita. Mas lalo lang lalala.

" Tita naman. Wala naman po sanang problema pero magpapasukan na rin po ako. Alam niyo naman pong medyo mabigat po yung kukunin kong course hindi po ba." Kalmado kong sagot at the same time halos sobrang hina na.

Kalma, Naomi. Wag na wag kang umiyak.

[ Aba! Napakadamot mo talaga e noh. Wala ka parin talagang kwenta! Hindi ka ba makaintindi? Kailangan nga ng Tito at pinsan mo! Wala akong pake kung kailangan mo pang-school. E bakit, ano ang kukunin mo?]

[ Aah. Dentistry nga pala. Asa ka naman na makakatapos ka! Wala kang mapapala sa pagiging dentista. Diba sabi ko naman sayo umuwi ka nalang dito at magtrabaho. Para naman mapag-aral natin sa private school ang pinsan mo. Buti pa pinsan mo matalino, magaling. Ikaw? Isang walang kwenta. Kaya ka iniwanan ng magulang mo e.]

Hindi pako nakakasagot pinatayan na agad ako ng tawag. Para akong malamyang gulay ngayon. Nakatulala lang ako sa sahig at di namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Naririnig ko ang sigawan nila Terrance na hindi alam ang gagawin. Agad naman nila akong inalalayan makaupo sa sofa. May mga tinatanong sila sakin pero hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan. Para akong bingi. Tuloy tuloy lang ang pagtulo ng luha ko.

Hinahagod ni Atticus ang likod ko habang inaagaw naman ni Noah ang atensyon ko. Gustuhin ko man matauhan pero kahit ayoko ng maalala bigla nanamang bumalik sakin ang mga nangyare noon.

Bata palang ako ng iwan ako ng magulang ko sa lola ko. Lumaki ako kasama siya at ng mga tita ko. Ang Tita Oida ko ang pinakamalupit sa lahat. Naka-survive kami ni Lola sa araw araw noon. Pero simula ng mawala siya, gr6 ako noon. Nagsumikap akong magisa. Hanggang sa pagdating ng gr7 bigla akong kinausap ni Tita Oida. Pag-aaralin daw ako ng magulang ko pero sa kanya ipapadala ang pera. Minsan buo ang pera na binibigay niya, minsan kulang kulang. Ang sagot lang ng magulang ko ay ang pag-aaral ko. The rest ng gastusin sakin na lahat.

Katulad nalang ngayon. Kukunin nanaman nila yung pera. Kaedaran ko lang yung pinsan ko, pinsan ko na mana sa ugali ng nanay niya. Never akong magpapasalamat sa kanila. Kasi simula noon wala naman silang ginawa kundi pahirapan kami ni Lola. Andyan lang sila kapag may pera.

Simula ng mawala si Lola napadpad nako dito sa cavite. Tinulungan ako ni Madam. Hanggang sa lumaki nakong nagtatrabaho sa cafe.

Kakausapin lang ako ng Tita ko kapag nagpadala na ng pera o di kaya kapag manghihingi. Wala naman sanang problema sakin kung meron. Kaso minsan kailangan ko rin. Ayoko man sumama ang loob sa kanila pero minsan hindi ko matiis. Bakit pera na para sakin ang inaasahan nila para lang mabayaran lahat ng luho nila. Bakit pera ko, ang pinag-hirapan ko, ang kukunin nila kapag kailangan ng pinsan ko. Hindi ba at dapat sila? Kasi anak nila yun e. Bakit ako? Tapos palaging ako nalang ang masama.

Hindi ko nalang namalayan grabe na pala ang pagiyak ko. Nakita ko nalang ang sarili ko na yakap yakap ni Lenlen.

" Can I call her Tita a bitch?" Narinig kong naiinis na sabi ni Chandler.

" Bobo! She's not just a bitch. She's more than that." Sagot naman ni Atticus.

" Putang ina naman pala niya. Anong akala niya kay Naomi? Bank account? Bobo era nga naman ng gaga na yun oh." Galit na sabi ni Terrance.

Hinawakan naman ni Noah ang kamay ko at ngumiti sakin.

" Give them the money. You don't need it anymore, mabilaukan sana sila sa pera." Bumuntong hininga siya bago magsalita ulit..

" You find a job now. You said they will help you on your studies right? And we got your back."

" We love you, Naomi." Malambing na sabi sakin ni Lenlen.

Ngumiti lang ako sa kanilang lima. Kahit ano pa ang pagdadaanan ko, never na never akong susuko. Ipapakita ko sa mga taong katulad ni Tita, na kaya ko na hindi ako katulad ng iniisip nila. Hindi pako pwedeng sumuko, madami pakong plano sa buhay ko. Madami pako gustong tulungan.

Ako lang naman si Janessa Naomi Leigh Sanchesz. Ang future dentist ng bayan.

Continue Reading

You'll Also Like

526K 7.9K 32
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
2.9M 74.7K 23
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
384K 24.2K 65
In the vibrant city of Jaipur, a secret deal was struck between two worlds. Abhimaan Deep Shekhawat, the enigmatic King of Rajasthan, controlled the...
1.4M 121K 43
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...