POLYAMORY: UNDER HER SPELL |...

QueenDreamer_08 által

126K 6K 634

"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa... Több

Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 June Iryle Domingo
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29 Winger Holand
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
Chapter 49
Chapter 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56 Reunion
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
Chapter 70
Chapter 71 🔞
CHAPTER 72

CHAPTER 44

1.2K 59 1
QueenDreamer_08 által


IZIAH POV

Halos kakarating lang namin ni june sa bahay. Pinagbuksan ko siya ng front door nakakahiya naman kasi kung hindi eh bahay ko to.

"Thank you" napakalaki ng ngiti niya na tinanguan ko lang.

Napabuntong hininga ako dahil pakiramdam ko pagpasok ko palang ng bahay ay may kung ano nanamang mangyayari. Ganitong ganito ang pakiramdam ko bago ko masagasaan si nerd.

Hay tama na nga ako ang nag-invite sakanya kaya nararapat lang na asikasuhin ko siya.

"Ang ganda ng bahay mo." Manghang mangha yata siya sa nakikita niya.

Sus kundi ko lang alam na mas mayaman siya sakin

Lumapit siya sakin at kumapit sa braso ko para bang sobra siyang natuwa sa mga nakikita niya. Wala namang special sa bahay nato tanging ang mga prinsesa ko lang ang special.


"Waaah ang ganda talaga ng desenyo ng bahay mo napakaminimalist tapos yung mga painting ang ganda din nila parang gusto ko narin tumira dito!" Diko napigilang maubo sa sinabi niya.


"Ehem." Mabilis kong binawi ang braso ko kay june na ikinataka niya pero ng makita niya ang mga babae sa harapan namin ay mukhang nakuha na niya kung ba't ko nagawa yon.


"Hello I'm June" masigla nitong bati sa apat at isa isa pa niya silang niyakap.

Maski ang apat ay nagulat sa ginawa niya, don't ask me dahil lalu naman ako. Diko expect na yayakapin niya sila na parang matagal na silang lahat na magkakakilala. FC ang bata.


Muli siyang lumapit sa gawi ko ng may napakalaki paring ngiti sa labi. "Ghad they're so beautiful!" Gusto kong matawa dahil mukhang sobra talaga siyang na starstruck sa ganda ng mga prinsesa ko.


"Don't worry kid makakahanap karin ng kagaya nila." Napasimangot ito kaya tinawanan ko. Tinap ko ang ulo niya at bahagyang ginulo ang buhok niya. Agad niya namang inalis ang kamay ko at inis akong tinapunan ng tingin.

Owe sungit yarn haha.


"EHEM." Malakas na tikhim ng kung sino na nagpabalik samin sa totoong mundo. Andito nga pala ang mga mahal ko.

Pinaningkitan nila ako ng mga mata kaya napayuko nalamang ako at napakamot. "Let's  go on the dinning table." Tumango nalamang ako kay Ms.Pillow na mukhang wala nanaman yata sa mood hindi lang pala siya kundi maging ang tatlo pa.


PILLOW POV

Agh. Zi told us that she would bring a friend to join us for dinner hindi naman na kami nagtanong pa, mas pabor samin yon dahil  makikilala namin kung sinong kaibigan ang tinutukoy niya.

Maliban sa nag-iisa niyang kaibigan na si ruffa wala na siyang ipinakilala pa samin na kahit sino. Mabait si Zi at maalalahanin lalu na samin diko alam kung ganon na talaga siya noon pa kaya nakakapagtaka kung bakit iisa lang ang kaibigan na laging niyang kasa-kasama.


Matalim ang mga tingin ko sa babaeng nasa kabilang mesa. Katabi ni Zi ang sinasabi niyang kaibigan niya pero parang ayokong maniwala na kaibigan lang ang turing sakanya nito, dahil kitang kita ko kung paano siya ngumiti kay Zi at makadikit dito.


"Ehem..so where have you guys met?" I suddenly asked.

Natigil sila saglit sa pagkain. Humarap sakin ang babae na may napakalaking ngiti. Hindi ba siya napapagod ngumiti kanina pa siya naasar nako.


"So...uhm nagkita kami sa kumpanya kung saan ako nagtatrabaho?" Kumunot ang noo ko.

Pinagloloko bako nito? dipa yata siya sigurado sa mga sagot niya lalu tuloy akong nahihiwagaan sa totoong relasyon nila.


Subukan niya lang talagang lokohin kami hinding hindi niya makikita anganak namin!


"Actually boss ko siya sweetie" muntik nakong mabulunan sa sarili kong laway. Hindi ko inaasahan na tatawagin niya akong sweetie sa harapan ng babaeng pinaghihinalaan kong kalaguyo niya.


Napasimangot ang babae na parang ayaw pang ipaalam ang tunay na estado niya. Ang bata pa niya para maging boss.


"Boss. Wow hindi halata na boss ka ni Zi." Maski ako ay napatango sa usal ni Savannah.



Napakamot sa ulo ang babae at mukhang nahiya na sa sinabi ni Savannah. Ano naman ang ikinakahiya niya? Dapat nga maging proud siya dahil kahit na bata pa lang siya ay may business na siya na pinapatakbo.

"Yes baby, ang galing lang diba? Ang bata pa niya pero isa na siya sa pinakamayamang tao sa mundo, baka nga pati ako kaya niyang bilhin hahaha." Pero imbis na matuwa sa biro niya ay lalu lang kaming nainis.

Kahit siya pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo hindi ko hahayaang maagaw niya sakin si Zi. Never!


"Uyy biro lang yun mga mahal ko hehe. K-kain n-na nga lang tayo." Bumalik na kami sa pagkain namin pero hindi parin namin inaalis ang tingin namin sa dalawa.

Madalas ay nakikita namin kung paano sila mag-usap, nag ngingitian silang dalawa sa pinag-uusapan nila na sila lang rin ang nakakarinig dahil nagbubulungan sila. Tipong para bang wala lang kami rito.

Kaibigan pala huh.


Natapos ang hapunan at pinadiretso na kami ni Zi sa movie room ipeprepare niya lang daw ang mga kakainin namin habang nanonood ng movie.


Pagkatapos kasing kumain ay naisipan niyang manood, bigla rin kasing umulan ng malakas kaya hindi niya raw gusto na umuwi si June ng mag-isa. Nag sabi kasi ito na magtataxi nalang siya kaya lang itong isa ayaw naman siyang payagan.

Siya daw ang nagdala sakanya dito kaya kung may mangyayari sakanya ay sisihin niya ang sarili niya. How sweet right?



At dahil nga napakalakas ng ulan sa labas ay hindi namin siya hinayaang magmaneho kaya papatilain na muna namin ang ulan bago namin siya payagang umalis.


Wala naman na siyang magagawa dahil hindi niya naman kami matatalong apat. Kasama nga pala namin si june na ngayon ay napakatahimik na. Hindi siya kagaya kanina na napakadaldal at napaka jolly kung kanina ay sobrang friendly niya samin ngayon ay hindi.


Para bang natatakot siya samin na kung ano. Sumenyas ako kay Light na lapitan siya pero agad naman itong umiling.



"Ayoko! Diko gustong makasalamuha ang kagaya niya." May bahid na inis nitong usal. Marahil ay kagaya ko hindi niya nagugustuhan ang closeness ng dalawa.


"Ano kaba Light kahit na palihim niyang nilalandi si Zi ay hindi parin natin dapat siya balewalain. Gusto mo bang magalit si Zi dahil hindi natin pinapansin ang kaibigan niya." Medyo sarkastic yung salitang kaibigan niya.


"Ayoko nga Sav! Kung gusto mo ikaw nalang tutal ikaw naman itong hindi affected sa closeness nila." Sinamaan naman ito ng tingin ni Sav.



"Affected ako Light lalu na't si Zi ang pinag-uusapan natin dito, pero hindi parin sapat yon para tratuhin natin siya na hindi welcome sa bahay nato. Anong malay ba natin kung ganon lang talaga sila sa isat-isa.I don't want to say this, but even though I hate the way she talked to Zi, we still need to be hospitable because she's in our house."



Tama si Savannah marahil ay close lang talaga sila ni Zi kaya ganon sila kung mag-usap at magtawanan. At ayoko ring isipin niya na hindi kami marunong tumanggap ng bisita.


Kahit naman parang ni lalandi niya si Zi ng harapan ay dapat parin namin siyang pakitunguhan ng maganda dahil yun din ang turo sakin ng nanay ko.


"Kung pag-usapan niyo yung tao para namang hindi niya kayo narinig." Pare-pareho kaming tatlo na napatingin kay Autumn. Nakacross arm siya habang prenteng nakaupo sa malambot na theater chair.


Napatingin kami sa kinauupuan ni June kanina ngunit wala na pala siya don. "Kanina pa lumabas ang pinag-uusapan niyo dinig na dinig ko nga lahat ng sinabi niyo kaya pano pa siya." Gusto kong sabunutan si Autumn dahil talagang nagawa niya pa kaming asarin sa ngisi niya.


Kami ang dapat na magkakampi dito pero parang wala manlang siyang paki-alam gayong kita namang ayaw niya rin kay june.


"It's true that I don't like her but she's the one who's giving a good salary to Zi though kaya ko namang tustusan ang pangangailangan ng magiging anak ko pero diko yon pwdeng alisin kay Zi dahil kong gusto niyang ibigay ang lahat saatin, gusto niyang bumawi sa lahat ng pagkukulang at kamalian niya noon kaya alang-alang sakanya ay pinipigilan kong ilabas ang gusto kong sabihin pero kayo..." Natigil ito at paulit ulit na umiling.


Sasabunutan kona talaga siya kahit kaibigan ko pa siya.


"Harap harapan niyo pa talagang sinabi. Tsk good luck nalang kung hindi niya isumbong kay Zi ang mga sinabi niyo sakanya." Nagawa pa talaga niya kaming takutin.


Kung hindi lang talaga siya buntis sasabunutan ko na talaga ang bwisit na to. At kung diko lang siya kaibigan baka itinapon ko na siya sa malayo.


Walang ibang taong nagtataray sakin maliban lang sakanya kaya madalas ay nagkakaaway kaming dalawa. Kami kasing dalawa ng mas mag kaugali kaya minsan kami ang laging nag-aaway.




"Go chase the girl bago pa siya makapagsumbong kay Zi after all kaibigan ko parin kayo at ayokong mapasama kayo sa paningin ng taong pare-pareho nating minahal." Diko alam kung magiging greateful ba kami sa advice niya o ano. Basta diko talaga gusto minsan ang ugali ni Autumn.


Mabilis kaming lumabas ng movie room. Sa totoo lang ay nakakaramdam nako ng konting kaba. Kaaayos ngalang namin ni Zi tapos may panibagong tampuhan nanamang magaganap. Hindi ko yata kakayanin kung siya ang magagalit sakin. Never ko pang nakitang magalit si Zi at ayoko ng umabot pa kami sa bagay nayon.


Naabutan namin si Zi at June na taimtim na nag-uusap. Lumakas ang tambol sa dibdib ko dahil parang seryoso ang pinag-uusapan nila medyo kumukunot narin ang mukha ni Zi kaya lalu akong kinabahan dahil baka nahuli nakami.


Napatingin sila sa gawi namin. Seryoso ang mukha ni Zi na siyang lalong ikinatakot ko, kapag tinitignan kami ni Zi ay parating may tuwa sa mga labi niya kaya mas higit akong kinakabahan ngayon.


"Z-zi h-hayaan mo muna kaming m-mag paliwanag p-please." Rinig ko rin ang kaba sa boses ni Light.

Nagsalubong ang kilay ni Zi. Humakbang siya palapit samin kaya napalunok nalamang ako.


"Z-zi h-hindi n-amin sinadya ang mga----"


"Ayos lang ba kayo?" May pag-aalala nitong tanong. Pare-pareho kaming napatinging tatlo sa isat isa bago muling tumingin kay Zi.

May pag-aalala sa mga mata niya kasabay non ang paghaplos niya sa nakaumbok na naming mg tyan.


"Ang sabi ni June ay humilab daw ang tyan niyo kaya nagpapahatid na siya sakin para maalagaan ko kayo ng maayos at makapagpahinga na. Ayos lang ba kayo? May masakit paba sainyo?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kahihiyan.


Hindi niya sinabi ang totoo kay Zi bagkus ay binigyan niya pa kami ng opportunity para lang mabaling smain ang atensyon ni Zi.


Napasulyap ako sa gawi nito na ngayon ay parang tuwang tuwa sakanyang nakikita. Lalu akong nahiya sa sarili ko dahil hinusgahan namin siya sa maling paratang.


"H-ha..Ah! O-oo okay lang kami sweetie sumipa lang si baby kanina kaya humilab ang tyan namin." I said.


"Y-eah n-nagkataon lang na sabay sabay humilab ang tyan namin." Tango pa ni Light sa naging hayag ni Savannah.


Nagkaron naman ng kapanatagan sa mukha ni Zi na lubhang ikinaginhawa rin ng paki-ramdam ko. Ayokong masyado siyang nag-aalala samin. Kahit di niya sabihin ay alam kong napapagod narin siya sa pag-aalaga samin kaya kahit papaano ay ayaw sana namin na mag-alala pa siya sa sitwasyong maari naming kahantungan lalu na kung kaya naman namin yong lampasan.


"Mga babies wag niyo papahirapan ang mga mommies niyo ha. Be a good girl and boy hanggang sa mailabas na nila kayo sa napakagandang mundong ito." Hindi kona napigilan ang mga luha ko ng halikan nito ang tyan ko.



Bakit pa ba ako nag-aalala gayong ramdam na ramdam ko naman ang pagmamahal niya para samin lalu na sa mga bata. Wala pa nga sila sa mundong ito pero ganon na niya sila kamahal paano pa kaya kapag naririto na sila.


Kaya naman imbis na manood ay nagpahinga lamang kami. Ihahatid narin ni Zi si June sa bahay nila dahil humina narin kahit papaano ang ulan.


"June." Tawag ko rito. Nasa taas pa si Zi at nagpapalit ng mas comportableng damit nakaheels pa siya ng umuwi siya at hindi nagawang magpalit dahil inaya na agad namin siyang kumain.


"S-sorry kung nasaktan ka sa mga sinabi namin. May karapatan kang magalit samin pero bakit dimo ginawa? Bakit dimo kami isinumbong kay Iziah?" Ngumiti ito na naging sanhi kung bakit nawala ang mga niya.

Ganitong ganito ang ngiti niya samin kanina. Ang cute niya infairness.


"Dahil naiintindihan ko kung saan kayo nanggagaling, pero maniwala kayo sakin na wala akong masamang balak kay Zi. Comportable lang talaga ako sakanya dahil siya lang ang tanging nakakaunawa sakin, kaya kung pakiramdam niyo ay may dapat kayong ikaselos ay ako na mismo ang nagsasabi na wala akong nararamdaman kay Zi na mas higit pa sa pagkacrush." Crush niya si Zi...kaya naman pala iba siya makatingin.



"Crush ko si Zi, at hanggang doon nalang yon. Mahal na mahal kayo ni Zi at kahit ilang beses ko pang sabihin crush ko siya ay diparin magbabago ang nararamdaman niya mula sainyo kaya tinanggap kona ang katotohanan na hanggang magkaibigan kami o magkapatid. Sana ay maipaliwanag morin yon sa iba." Nabunutan ako ng tinik ng sabihin niyang wala na siyang interest pa kay Zi.


Hinawakan ko ang kamay nito na lubhang ikinagulat niya. "Sorry... Makakaasa ka na hindi na ulit mangyayari ang bagay nayon." Muli nanaman itong ngumiti at bigla nalamang akong niyakap.

Diko maintindihan pero parang sumaya bigla ang puso ko para bang nagkaron ako bigla ng kapatid. Diko alam pero yun kasi ang nararamdaman ko ngayon.


Humiwalay kami ng yakap sa isat-isa at diko na napigilan na pangigilan ang mukha nito.


"What did I missed?" Napatingin kami sa pababang si Zi. Niyakap ako nito at hinalikan ako sa noo. Sweet ng sweetie ko.


"Don't wait for me magpahinga kana I'll go to your room when I get home." Tumango ako rito at siya naman ay muli akong hinagkan sa noo.

Tuluyan na silang nagpaalam at ako naman ay umakyat na ng kwarto. Tinanaw ko pa sila sa labas ng bintana bago tuluyang humiga sa kama.

Ang weird lang ng feeling dahil para bang may connection saming dalawa ni June. Not romantically pero parang matagal ko na siyang kilala.


----

Kinabukasan ay hindi ko namalayan ang biglang pagdalaw ni mom. As in talagang biglaan nagulat nga maging si Zi ng makitang nagdodoorbell si mommy sa harapan ng bahay.

Kaya itong isa ayun tarantang taranta paano kasi takot siya kay mommy kaya di niya alam anong gagawin niya kapag nasa paligid ito.


"Iuuwi ko muna ang anak ko ngayon ibabalik ko nalang siya dito sa susunod na araw." Walang emosyong hayag ni mommy. Napalunok naman si Zi at walang ano-ano'y napatango.

Napapailing nalamang ako dahil masyado talaga siyang takot kay mommy at diman lang pinag-isipan ang magiging sagot niya.

Umakyat ako ng kwarto para kumuha ng iilang damit. Bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito si Zi. Nagpatuloy ako sa pagtutupi ng damit hanggang sa naramdaman ko nalang ang mainit nyang yakap sa likuran ko.



"Sorry kung hindi ako nakatanggi sa mommy mo..." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Humarap ako rito at hinagkan ang pisngi niya.

"Ano kaba ayos lang sweetie alam ko namang nakakatakot talaga si mommy."


"Kahit na" napabuntong hininga ito. "Mamimiss kita.." Sumilay ang ngiti sa labi ko nag-akyatan din ang dugo sa mukha ko at nakaramdam din ako ng sobrang kilig. Hinalikan ko ito sa labi ng mga tatlong segundo bago bumitaw.


"Mamimiss din kita sweetie ko." Namula naman ang mukha nito. Ang puti rin kasi eh kaya kahit konting kapulahan lang ay kitang kita muna kaagad sa mukha niya


"Nakakagigil ka alam mo ba yon." Paulit ulit ko siyang hinalikan hanggang sa kagatin na nga nito ang ibabang labi ko kaya hindi kona nailayo pa ang mukha ko sa mukha niya.

Lumalim ang halik nito sakin hanggang maramdaman ko ang paghimas niya sa pwet ko. "Sige na...bago pako hindi makapagpigil." Natawa ako rito at bahagyang pinalo ang braso niya.

Ginawaran ko siya ng huling halik bago tuluyang ituloy ang pag-iimpake ko.

Lumalaki na ng sobra ang tyan ko at nirecommend narin na iwasan muna sana namin yon pero paminsan minsan ay di namin mapigilan.

Sa sobrang irresistible ba naman ni Zi maski ang sarili ko ay diko mapigilan na gawin yon. Kahit ilang beses niya pa akong angkinin ay hindi ako aangal. Kahit paputok na ang panubigan ko ay di parin ako magdadalawang isip na ibigay ang sarili ko sakanya. Dahil lahat ng meron ako ay deserve niya kahit ang sarili ko pa mismo.


"Magtext ka pag-uwi niyo din." Tumango ako rito bago humiwalay sa yakap namin. Nagpaalam narin ako sa girls na ngayon ay kumakaway sa may harapan ng pinto.

Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang sumakay ng kotse. Gusto kong itanong sa nanay ko kung bakit niya ako biglang naisip na iuwi sa bahay.


I mean ilang buwan narin simula ng tumira kami sa iisang bubuong ni Zi at ng mga kaibigan ko kaya hindi ko lang maisip na susunduin ako ng nanay ko para umuwi.


"Andito sina mom at dad naikwento ko na sakanila ang nangyari." Nagulat ako dahil diko inasahan ang sinabi niya.


Sina l-lolo at l-lola. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka nadisappoint sila sa nangyari sakin. Alam ko namang hindi ordinaryo ang mga naganap samin kaya mas lalo akong kinakabahan sa magiging reaction nila kapag nakita nila ako lalu na ang tyan ko na malaki narin.


"Andito na tayo." Ilang beses akong napalunok ng makita ulit ang malawak naming bahay.

Ilang buwan din akong hindi nakapasyal dito. Mas lalu akong napalunok ng makita sina lola na kumakaway sa may harap ng pintuan.

Heto na yon...

---------

A/N:

Pinning Ceremony--DONE
Again hinihingi ko po ang pang-unawa niyo kung di ako makakapag UD. Basta po hintay hintay lang sa mga may gusto. Salamat!

Good night and God bless!

Olvasás folytatása

You'll Also Like

1M 28.4K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
1.5K 100 9
Izen Kanemoto was just trying his best to carry out his role as a barista at Café Fleuri, offering his customers the highest level of service. Unfort...
354K 11.1K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...