The Last Virgin in Town [An E...

By MirahPatricia

57.7K 2K 477

Paano kung mapadpad ka sa isang lugar kung saan WALA nang ni isa mang VIRGIN na natitira? At paano kung 12 GU... More

Preview
Prologue
01 - The Virgin Meets The Devirginizers
02 - Ang Kalbaryo ng Pagiging Virgin
03 - EKSO
04 - Virgin Mountain
05 - Invitations
06 - A Dozen of Dates
07 - Saved Or In Dangered?
09 - New Home
10 - Emergency Numbers

08 - Lifesaver

2.6K 148 16
By MirahPatricia

Minulat ko ang mga mata ko nang magising ako. Pinakiramdaman ko muna ang paligid at saka nilibot ang paningin ko.

Bakit hindi madilim? Bakit hindi creepy ang aura ng paligid? Bakit mukhang sosyal ang mga kagamitan? Bakit-

Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko ang isang bagay. Anong nangyari? Bakit nandito ako sa kama? Anong nangyari?!

Ang huli kong naaalala ay nawalan ako ng malay nang paamuyin ako ni Kai ng nakakahilong panyo. Tapos wala na. Jusko po. Kinuha na niya? Hindi pwede.

Napatingin ako sa wall clock. 10 pm na. Sa pagkakatanda ko ay 8 pm kami nakarating ni Kai dito sa condo niya. Kung ganun dalawang oras akong tulog. At dalawang oras niya akong pinagsamantalahan. Lord, bakit kailangang mangyari to sa akin?

Gayunpaman, nagmadali akong bumangon. Kailangan kong makaalis dito.

Paglabas ko sa kwarto ay nakiramdam muna ako. Hindi ko nakita si Kai. Pero nang tumapat ako sa cr, doon ako nakarinig ng lagaslas ng tubig na mula yata sa shower. Bingo! May chance akong makatakas.

Maingat akong tumakbo papunta sa pintuan para lumabas. Kaso shaks! Nakalock! Halos tumabling tumbling na ako sa pintuan, nagsplit, at nagbacklift pero ayaw pa rin mabuksan. Anong gagawin ko?

Creek!

Napatingin ako sa dakong bintana. Ganun nalang ang takot ko nang makita ko ang isang lalaking pumasok mula sa roon! Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng kulay itim na sumbrero kung saan natatakpan rin ang mata niya, itim na facemask, itim na jacket, itim na gloves, itim na pantalon, at...

Pink na sapatos.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sisigaw ba ako dahil akyat-bahay siya? O uutusang nakawin na niya ang lahat ng gamit ni Kai dahil sa pagnakaw niya rin sa virginity ko?

Napaatras ako nang maglakad siya papalapit sa kinaroroonan ko. Kaso wala na akong maatrasan pa dahil pinto na ang nasa likod ko. Sinubukan kong silipin ang mukha niya pero bigo ako. Sino ba ito?

"Tabi," utos niya. Hindi ko marecognize ang boses niya dahil sa mask na nakatakip sa bibig niya. Sapat lang iyon para maintindihan ko ang sinabi niya.

"H-Huh?"

Hinawakan niya ang braso ko at pinatabi ako sa pintuan. "Tumakas ka na," sabi niya habang may kung anong kinakalikot sa doorknob. At sa isang iglap lang ay bumukas ang pinto!

"P-Paano mo-"

Tinulak na niya ako palabas. Hinawakan niya ang braso ko hanggang sa makarating kami sa elevator.

"Sandali. Sino ka ba?" tanong ko habang naghihintay kaming bumukas ang elevator.

May dinukot siya sa bulsa niya. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay iyon sa palad ko.

Nang bumukas ang pinto ay tinulak na agad niya ako papasok. Saka siya parang kabayong tumakbo palayo.

"Sandali!" Hahabulin ko pa sana siya pero sumarado na ang pinto. Naiwan akong nakatayo sa loob. Tiningnan ko ang binigay niya sa akin.

Candy?

FRES Mint Candy? Ito yung candy na may nakasulat na kung anu-anong kaekekan diba?

I Miss You

Eh? Yan ang nakasulat. Sinadya ba niya yun o nagkataon lang?

Hanggang sa makalabas ako ng building ay palaisipan pa rin sa akin ang misteryosong lalaking yun pati na rin ang kending binigay niya. Sino ba yun?

(A/N: Kung hindi niyo alam FRES, candy yun, punta kayo sa tindahan! Bumili kayo. Piso lang yun. Eksdidididi)

*****

"Dito nalang po, manong."

Huminto ang taxing sinakyan ko pauwi. Magbabayad na sana ako pero hindi ko makita ang wallet ko. Kinapa-kapa ko na sa buo kong katawan pero wala. "Hala, nasan na yun?"

"Miss, may problema ba?" tanong ni manong driver.

"Nawawala po ang wallet ko."

"Aba wala namang ganyanan. Kumikitang kabuhayan lang ako dito."

"Sorry po, manong. Utang nalang po muna. Singilin niyo nalang ako bukas. Bye bye!" Binuksan ko kaagad ang pinto at tumakbo ng mabilis.

"Hoy! Bumalik ka rito!" Narinig ko pa siyang sumigaw. Lumabas din siya at hinabol ako. Naku po! Wala na bang katapusan ang pakikipaghabulan ko? Babayaran ko naman siya bukas ah. Kelangan ko lang mahanap yung wallet ko.

Nadatnan ko si Cori sa labas ng bahay. Nakatayo siya sa may pintuan. Bigla namang nahinto ang driver na humahabol sa akin.

Napaatras siya pagkakita sa bahay ni Cori. Yung ekspresyon niya ay para bang nakakita ng sementeryo kung saan may mga nagsitayuang bangkay at sumasayaw ng Dougie.

"SINO KANG PUNYETA KA?!" sigaw sa kanya ni Cori. Mas lalo yata siyang natakot.

"A-Ah..." Paatras siya nang paatras.

"TINATANONG KITA!" Dinampot ni Cori yung isang bungo at binato sa kanya.

Nasalo iyon ni manong driver. Pero nang makita yun ay naghysterical siya. "WAAAAAAAAHHHH! MANGKUKULAM!!!" Saka siya kumaripas ng takbo.

Pinamaywangan ako ni Cori nung kaming dalawa nalang. "IKAW BRUHA KA! SAAN KA GALING?! ILANG TONELADANG GAMOT BA ANG BINILI MO AT NGAYON KA LANG? HA?!"

"Umm, kumusta ka na pala? Mukhang okay ka naman na ah."

"Tumae lang ko tapos nawala na ang sakit," sagot niya. "Hoy! Wag mong iniiba ang usapan ah! Saan ka galing?!"

Nagflashback ang mga pagdurusa ko ngayong araw. Naalala ko kung gaano kasaklap ang nangyari sa akin. Napayakap ako sa kanya at humagulgol.

"Hoy! Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak dyan?"

Niyakap ko siya ng mahigpit. "W-Wala na. Nakuha na niya. Butas na ako. Huhu."

*****

"Sigurado ka bang hindi pa niya nakuha?" tanong ko kay Cori. Inabot niya sa akin ang isang basong tubig at naupo sa kamang hinihigaan ko.

"Eh diba sabi mo hindi naman masakit ang katawan mo? Hindi rin masakit ang ano mo. Normal lang naman ang feeling mo. Kaya sigurado akong hindi ka niya ginalaw."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. "Pero bakit? I mean, chance niya na yun diba? Bakit pa niya palalagpasin?"

"Gaya nga ng sabi ko, ang pakingshet na contest na 'to ay hindi sapilitan. Hindi rapist ang EKSO. Mga putang¡na lang. At saka madidisqualified sila kapag nangrape sila 'no!" paliwanag niya. Kaya pala. Phew. Akala ko talaga eh.

"Siya nga pala, Cori," pag-iiba ko ng usapan. "Hindi mo pa sinasabi sa 'kin kung sino ang nakaano sayo."

Tumayo siya bigla at sinuot sa ulo ang hood ng kapa niya. "PUTANG¡NA MO BA! WAG KANG TSISMOSA! MATULOG KA NA NGA!"

Pinanood ko siya habang papunta sa higaan niya, katabi ng kamang hinihigaan ko. Binuksan niya yung itim na kabaong at doon nahiga. Nung una ko siyang nakitang matulog dyan may isang dagang namatay. Inatake sa puso dahil lakas ng pagsigaw ko. Nagulat kasi ako eh. Pero ngayon medyo sanay na rin naman ako.

"Cori, wala ka bang balak magbagong buhay?" tanong ko habang nakahiga na kaming pareho.

"Siraulo ka ba? Bakit ang dami mong tanong?"

"Nagtataka lang kasi ako sayo. Ga'no na ba katagal na ganito ang buhay mo? Pano ka humantong sa ganito?"

"Dahil sa EKSO," mahina niyang sambit. Napabalikwas ako. "Dahil sa EKSO?!"

Binato niya ako ng buto ng tao na nasa tabi niya. "Wala! Matulog ka na!"

Hindi ko na siya ginambala pa. Magkukwento rin naman siguro siya pag ready na siya. Mabuti pa ngang matulog na ako. Pagod na pagod ako eh.

*****

Hatinggabi na yata pero tirik na tirik pa rin ang mata ko. Hindi talaga ako makatulog. Buti pa si Cori namamahinga na ng payapa.

Tahimik. Wala na akong ibang naririnig kundi ang hilik ni Cori. Natutunaw na rin ang nag-iisang kandila na siyang nagbibigay ng kaunting liwanag sa kwarto.

Tila ba lumaki ang tenga ko nang makarinig ako ng kaluskos mula sa labas ng kwarto. Ano yun? Parang may tao? May magnanakaw ba? Pero ano naman ang nanakawin niya dito sa bahay ni Cori?

Pinakiramdaman ko muna iyon. Baka kasi pusa lang yun eh, mapahiya pa ako.

Papalapit nang papalapit ang kaluskos. Hindi kaya may magnanakaw nga? Tapos nanakawin niya yung ngipin in a bottle na collection ni Cori? At ang dahilan niya ay dahil mahal ang magpapustiso ngayon?

Pinikit ko ang mata ko. Hay naku Yehl. Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak mo. Epekto lang siguro 'to ng mga nangyari kanina. Napapaisip pa rin talaga ako kung sino yung lalaking yun.

"MMMMPPHH!"

Halos tumabling tumbling ang puso ko dahil sa sobrang gulat nang biglang may pumatong sa ibabaw ko. Hawak niya sa isa niyang kamay ang mga kamay ko pataas habang ang isa ay nakatakip sa bibig ko. Anong nangyayari???!

Hindi ko makita ang mukha niya. Nakasuot kasi siya ng maskara ng Spiderman. Idagdag pa na madilim sa kwarto.

"MMMMMPPHH!" Pinipilit kong sumigaw pero hindi ko talaga magawa. Cori! Gumising ka! Tulungan mo ko!

"Sshh... Wag kang maingay... Saglit lang 'to..." bulong niya na lalong nagpahysterical sa akin. Lalaki siya. Ano bang naging kasalanan ko?

"MMMPPPH!" Patuloy ako sa pakikipaglaban sa kanya pero masyado siyang malakas.

"Wag ka nang pumalag. Sumama ka nalang sa 'kin ng tahimik. Hindi naman kita sasaktan eh." Pamilyar ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Isa siya sa EKSO. Nakatakas nga ako kay Kai pero may nakasunod naman yata sa akin pagpunta ko rito. Dapat talaga nag-ingat ako eh.

Bigla kong naisip na may paa pa pala ko. Kaya ginamit ko yun para sipain siya sa parteng hindi dapat sinisipa. Napaungol siya dahil sa sakit. Pero nagkamali yata ako nung inakala kong pakakawalan niya ako dahil mas lalo lang siyang naging agresibo.

"Ano ba Yehl! Binabangungot ka ba? Ang ingay ng kama mo!"

Napatingin kaming pareho sa pinagmulan ng boses na iyon. Si Cori. Luminga-linga ang rapist habang hinahanap kung sino ang nagsalita. Pero wala siyang nakita. Eh kasi naman nasa loob ng kabaong si Cori. Baka nakapikit pa nga yun nung nagsalita eh. Bakit hindi man lang siya nag-effort tumayo nang makita niya ang nangyayari sa akin ngayon?

"S-Sino yun?" tanong sa akin ng lalaking may ulong spiderman na hindi pa rin umaalis sa ibabaw ko.

Umiling-iling ako at nakipagtulakan sa kanya. Bukod sa ayokong marape, kailangan ko rin siyang mabigyan ng warning dahil pang-isahan lang itong kama. Any wrong move namin ay pwede maging dahilan ng pagwasak nito at pagkaaksidente namin.

"ANO BA YAN? ANG INGAY!" sigaw ni Cori mula pa rin sa loob ng kabaong.

Natigilan na naman ang lalaking may ulong spiderman. "SINO KA?! ALAM KONG HUNTED HOUSE 'TO PERO HINDI AKO NATATAKOT SAYO! HARAPIN MO AKO! MAGPAKITA KA!"

Sino ang kausap ng lalaking ito?

"Aba't tarantado ka pala eh!" galit na sambit ni Cori. Kasunod nun ay bumukas ang hinihigaan niyang kabaong at dahan-dahan siyang bumangon mula roon.

"WAAAAAAAAAAHHHHHH!"

Napaatras ang lalaking may ulong spiderman. Kahit ako ay medyo natakot din nung mga sandaling iyon dahil mukha siyang bangkay na bigla nalang bumangon. Isama pa ang suot niyang kulay itim na mas nagpadagdag sa horror.

Blag!

Nahulog sa kama ang lalaki dahil sa kakaatras niya. Tuluyan namang tumayo si Cori na may hawak-hawak pang bungo. "SIRAULO KA PALA EH! ANG KAPAL NG MUKHA MONG PUMASOK DITO! GUSTO MO BANG PAGLAMAYAN NGAYON HA?!"

Tatakbo na sana siya pero binato siya ni Cori ng bungong hawak niya. Hindi naman pwede na wala akong gawin kaya kinuha ko yung banga na nasa isang tabi at pinanghampas sa ulo niya. Umikot-ikot siya na para bang bulate na binudburan ng asin. Sorry po Lord kung nanakit ako ng kapwa. Kelangan ko lang po talagang ipagtanggol ang sarili ko. Alam kong malaki ang chance na saktan niya kami ni Cori kaya pinasok ko sa ulo niya yung banga.

"PUTANG¡NA MO HA!" Bumwelo si Cori habang hawak-hawak ang dos por dos saka niya pinagpupukpok ang banga habang nasa loob ang ulo ng lalaki. Para namang naputulan ito ng buntot at nagtatatalon sa kung saan-saan.

"ANG SAMA-SAMA MO!"

"MAMATAY KA NA UGOK!"

Salit-salitan kami ni Cori sa paghampas sa lalaki. Hanggang sa hindi sinasadya nitong natabig ang nag-iisang kandilang may sindi sa kwartong yun. Nagulat nalang kami nang biglang magliyab ang kisame ng bahay ni Cori na gawa sa light materials.

"CORI! NASUSUNOG!!!"

"PAKINGSHEEEET!!!"

Nataranta na kami. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kumakalat na ang apoy sa buong kisame.

Tinulungan ko si Cori sa pagsalba sa mga creepy collections niya. Hindi ko alam kung ano ang trip nitong rapist na ito at tumulong din siya.

"Ilabas niyo na yan! Ako na ang bahala rito sa iba!" utos ko sa kanila dahil mas marami na silang dala.

"Sigurado ka?" tanong ni Cori. Tumango naman ako.

Bago sila lumabas sa mausok na bahay ay binatukan pa ni Cori ang lalaki. "TARANTADO KA! GAGAWIN KITANG BARBEQUE MAMAYA!"

Naiwan ako sa loob habang sinasalba ang mga dapat isalba. Hindi ko ininda ang makapal at nakakasuffocate na usok.

Nang makuha ko na ang mga gamit ay lumabas na rin ako. Kaso sa sobrang kapal ng usok ay hindi ko na makita ang daan. Sobrang init na rin na para akong iniihaw sa loob. Nagbabagsakan na rin ang mga piraso ng kahoy. Nakakapanghina. Nakakatakot.

Napaupo ako sa gitna ng nag-aapoy na paligid. Ubo na ako nang ubo. Nasaan na ba ang daan palabas?

Malapit na akong maubusan ng oxygen nang biglang may sumulpot na silhouette ng isang lalaki. Lumapit siya nang makita ako. Pamilyar.

Agad niya akong tinayo pero natumba ako nung maglalakad na kami. Sa halip ay binuhat niya nalang ako at saka kami nakipagsapalarang lumabas sa bumabalot na apoy.

Dinala niya ako sa isang tabi, malayo sa sunog pati sa mga tao. Mula rito ay mahina kong naririnig sina Cori. Tiningnan ko ang lalaking nagligtas sa akin. Nakaupo ako sa semento habang siya naman ay nakaluhod ang isang tuhod habang pinupunasan ang pawis sa mukha ko.

Medyo madilim kaya hindi ko makita ang mukha niya. Idagdag pa na nakasuot siya ng itim na jacket at pants. Nakasumbrero rin at may facemask na itim. "I-Ikaw yung-"

Ang Lifesaver ko.

Tumayo siya pero mabilis kong nahawakan ang sintas ng pink niyang sapatos. "Sandali lang," pigil ko sa kanya. Kahit na nanghihina ay pinilit kong tumayo. Ang kaso sa tuwing tatangkain kong harapin siya ay tumatalikod siya sa akin.

"Lumipat ka na ng tirahan," sabi niya out of the blue. Kinuha niya ang kamay ko at may inilagay sa palad ko.

Candy.

Matapos yun ay parang kidlat siyang nawala sa dilim. Bakit siya nagtatago ng mukha? Bakit ayaw niyang magpakita? Bakit balot na balot ang katawan niya? Pangit ba siya?

Naalala ko sina Cori kaya agad ko silang pinuntahan. Naapula na rin pala ang apoy.

"Yehl!" Sinalubong ako ni Cori. Napayakap kami sa isa't isa.

Nanlumo ako nang makita ko ang bahay niya. Natupok na ito ng apoy, maliban sa isang haligi na siyang natirang nakatayo.

"O-Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Ang ewan ko naman para itanong yun sa kanya eh kahit sino naman sigurong masunugan ay hindi magiging okay eh.

Ngumiti siya sa akin na ikinagulat ko naman. "Masaklap pero tanggap ko naman. Lumang-luma na rin naman ang mansion ko kaya ayos lang. Ang hindi ko lang matatanggap ay kung hindi maisalba ang mga collections ko. Hindi ko pinangarap na macremate lang yung mga favorite kong skeleton pati body parts no."

Tumango nalang ako kasi speechless ako eh. Mas mahalaga pa talaga sa kanya yung collections niya kesa sa bahay niya 'no?

Naalala ko yung hawak kong candy kaya tiningnan ko yun. FRES ulit?

Take care.

Take care? Sinadya ba ito?

Luminga-linga ako sa paligid sa pagbabakasakaling makita siya. Hinawakan ko ng mahigpit ang candy at nilagay ang kamay ko sa dibdib ko.

My lifesaver. Sino ka ba kasi?


*****

Ang magvote and comment makakatuluyan ang bias niya. Hohoho.

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
1.2M 46.4K 95
Meet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-s...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
45M 758K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...