Defending Love

Par Miss_Sellene

748 133 39

fight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight... Plus

Disclaimer
Prologue
chapter 1
chapter 2
chapter 3
Chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
Chapter 23
chapter 24
Chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
Chapter 40
chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
chapter 44

chapter 30

9 1 0
Par Miss_Sellene

Tulala akong umuwi sa bahay pagkatapos ng eksena namin sa Starbucks. hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi sa bahay.

Gumapang ata ako pauwi.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa pagka pasok ko ng bahay. Hindi na ako nag abalang tanggalin ang sapatos ko.

Basta ko nalang ipinasok iyon. nakasalubong ko panga si mama na may bitbit na paso ngiting ngiti pa sya bago lumabas ng bahay.

Naka dekwat na naman ng halaman sa kapitbahay.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa taas ng tv namin. 12:54 na pala ng tanghali. hindi pa ako nag lulunch.

Oks lang naka libre naman ako ng cake dalawa!

Napailing ako ng sumagi na naman sa isip ko ang ginawa ni sir Griffin sakin kanina. naramdaman ko ulit ang mabilis na tibok ng puso ko.

Sinubsob ko ang muka ko sa dalawang kamay ko at nag papadyak padyak.

Ano yun? bakit ganon?

Hindi ko maintindihan ang nangyayari sakin. bakit ganito? Pinunasan nya lang yung icing na nasa gilid ng labi ko!

Pero bakit ang lakas ng dating sakin? bakit parang... Kinilig ako?

Ha? kinikilig ako? napatayo ako at itinaas ang dalawang kamay ko para sabanutan ang sarili ko.

Anong nakakakilig don? ano ha Celestine leigh! Boss mo yun! hindi ka pwedeng makaramdam ng ganon!

Napaka simpleng galaw lang walang malisya, walang malisya sakanya yon. pinunasan nya lang ang labi mo yun lang yon tsaka diba may atraso sya sayo kase kiniss nya noo mo?!

Pambawi sa nakaw na halik.

"Para kang baliw" napatigil ako sa pag sabunot sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Harper mula sa gilid ko.

Napatingin ako sakanya. nakasandal sya sa hamba ng pintuan ng kusina. may dala syang isang supot ng Marshmallow.

Kunot noo ko naman syang nilapitan at inagaw ang marshmallow na kinakain nya. akin to ah! marshmallow koto tapos kinakain nya ng walang paalam.

"Problema mo ate? bakit sinasabunutan mo sarili mo?" tanong nya sakin ng makapasok kami sa kusina

"Wala" maikli kong Sabi sakanya binuksan ko ang ref at ibinalik ang marshmallow duon. Isiniksik ko pa ng todo sa gilid para hindi na nya makita pa.

Akin to! bumili ka ng sayo!

"sus ikaw pa? Kilala kita mas malala kapa kay mama pag may problema si mama tumatawa mag isa ikaw nag wawala" sabi nya sakin na may kasamang pang aasar na tono.

Inis ko syang tinignan pero nginitian nya lang ako ng may pang aasar. gago anong nag wawala? hindi naman ako nag wawala pag may problema.

Nananaksak lang.

"Wala nga kasi akong problema ang kulit ng kulangot mo!" inis kong sabi sakanya at inirapan sya

Lumabas ako ng kusina at pumunta sa sala. ramdam ko ang pag sunod nya sakin umupo ako sa sofa at tinanggal ang sapatos ko.

"wag kang mahiyang mag sabi ako lang to" sabi nya sakin na may ngisi. umupo sya sa sahig at tinulungan akong tanggalin ang sapatos ko.

Bumuntong hininga ako at hinayaan syang tanggalin ang sapatos ko.

"Yung boss ko kanina dinala nya ako sa Starbucks" mahinahon kong sabi sakanya.

Tinignan nya akong nag tataka. kinamot nya ang baba nya bago tumayo at umupo sa tabi ko.

"Oh tapos?" tanong nya sakin

"Nilibre nya ako sa Starbucks" maikli kong sabi sakanya. sinamahan ko pa ng malungkot na boses

"oh nilibre ka pala anong problema don?"

"wala namang problema duon ang problema lang ay yung puso ko"

"Ha? bakit may sakit kaba sa puso?!" natataranta nyang tanong sakin. inirapan ko sya at binatukan

"Hindi! wala akong sakit kanina kase nung pinunasan nya yung gilid ng labi ko biglang bumilis yung tibok ng puso ko tapos yung tiyan ko parang kinikiliti na ewan hindi ko maintindihan" mahaba kong sabi kay Harper. tumingin ako sakanya at takang tinignan sya ng makita kong naka takip ito sa bibig nya.

Anong meron? bakit nag takip ng bibi to? Umutot ba ako?

Kumunot ang noo ko ng ituro nya ako ng dahan dahan tumayo sya bigla na ipinag taka ko. maya maya pa ay napahawak na sya sa ulo nya bakas pa sa muka nya ang pagka bigla at saya.

"A-Ate" nauutal nyang tawag sakin. tumayo ako at nilapitan ito.

Anong nangyayari Kay Harper?

"Bakit? Anong meron?" taka kong tanong sakanya akmang hahawakan ko sana sya sa braso ng lumayo sya.

"Nararamdaman mo na ang zing..." hindi nya makapaniwalang sabi sakin. anong zing? gago ano yun?

Zizig.

bigla syang tumakbo palabas ng bahay at iniwan nya akong naka tanga sa sala. sinundan ko nalang sya ng tingin rinig ko pa ang isinisigaw nya habang palabas sya ng bahay.

"MAMA! SI ATE! NARARAMDAMAN NYA NA ANG ZING!" sigaw nya palabas ng bahay.

Huminga ako ng malalim bago umakyat sa taas at mag pahinga. Bahala kayong mag ina dyan.

Dami ko ng iniisip dumagdag pa yung sinasabi nyang Zing.

Hindi pa ako nakaka akyat ng hagdan ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan. pumasok duon si mama na may putik pa sa kamay si harper naman na ngiting ngiti.

Nilapitan agad ako ni mama at ngiting ngiti nya akong niyakap. si harper naman ay nag tatalon habang pumapalakpak.

Sumisigaw pa ito ng "Zing! zing! Zing!"

Humiwalay ako kay mama at inis syang tinignan. Pero nawala ang inis ko ng makita ko ang muka nyang may nakaka kilabot na ngiti.

Muntanga.

"Ano ba ma? Harper? Bakit anong meron?" Takang tanong ko sa dalawa.

"kailan mo pa naramdaman ang zing?" tanong sakin ni mama bakas pa sa boses nya ang excitement

"Anong zing? ano bang sinasabi nyo?" kunot noo kong tanong kay mama. tumigil si harper sa kakatalon at lumapit sakin.

Ngumisi sya ng nakakaloko at sinundot sundot nya pa ang tagiliran ko. hinawi ko naman ang kamay nyang sumusundot sakin at inirapan sya.

"Ang anak ko dalaga na" naiiyak namang sabi ni mama. inirapan ko naman sya at umasik.

"ma 22 na kaya ako talagang dalaga na ako" inis kong sabi sakanya

"Ma, dalaga na talaga sya kase nararamdaman na nya ang zing" may halong excitement nyang sabi kay mama.

Humarap si mama kay harper at ganun din ang ginawa ni harper. nagulat ako ng magyakapan silang dalawa sa harap ko habang nag tatalon-talon.

Napa irap ako sa hangin at tumingin sa kanila na may inis. parang mga ewan nanay ko bato?

Ampon talaga ako.

"Ang kapatid mo anak nararamdaman na nya ang Zing" naluluhang sabi ni mama kay harper.

Bumitaw si mama sa yakap at lumapit ulit sakin. Kanina payang zing nayan ano ba kase yang zing nayan?!

"Ano ba kase yang Zing na sinabi nyo?!" inis kong sabi sakanila.

Huminga ng malalim si harper at ngiting lumapit sakin si mama naman ay ngumiti ng matamis.

"Ang meaning ng Zing ate ay" pabitin na sabi ni harper nag tinginan pa silang dalawa.

"Inlove ka!" sabay nilang sabi sakin. Gulat ko naman silang tinignan.

Ako? I-Inlove? kanino? Kay sir Griffin? pero imposible! Kakakilala palang namin no.

Ano to love at first sight? Ulowl!

inis ko silang tinalikuran. Umakyat nako sa taas at iniwan ang dalawa sa baba na nag sasaya. ay bahala kayo dyan.

Dami nyong alam zing zing psh.

Hindi ako maiinlove sa boss ko kase hindi kami magka level mayaman sya mahirap lang ako matalino sya ako kulang sa utak at higit sa lahat mataas sya samantalang ako mababa lang.

Kaya imposibleng magka gusto ako sa tulad nya.

Napaka imposible talaga. hindi kami bagay.

At kahit kailan ay hindi kami magiging bagay sa isa't-isa

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

43.7M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
9.9M 500K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
3.9M 158K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
7.6M 218K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...