chapter 30

9 1 0
                                    

Tulala akong umuwi sa bahay pagkatapos ng eksena namin sa Starbucks. hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi sa bahay.

Gumapang ata ako pauwi.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa pagka pasok ko ng bahay. Hindi na ako nag abalang tanggalin ang sapatos ko.

Basta ko nalang ipinasok iyon. nakasalubong ko panga si mama na may bitbit na paso ngiting ngiti pa sya bago lumabas ng bahay.

Naka dekwat na naman ng halaman sa kapitbahay.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa taas ng tv namin. 12:54 na pala ng tanghali. hindi pa ako nag lulunch.

Oks lang naka libre naman ako ng cake dalawa!

Napailing ako ng sumagi na naman sa isip ko ang ginawa ni sir Griffin sakin kanina. naramdaman ko ulit ang mabilis na tibok ng puso ko.

Sinubsob ko ang muka ko sa dalawang kamay ko at nag papadyak padyak.

Ano yun? bakit ganon?

Hindi ko maintindihan ang nangyayari sakin. bakit ganito? Pinunasan nya lang yung icing na nasa gilid ng labi ko!

Pero bakit ang lakas ng dating sakin? bakit parang... Kinilig ako?

Ha? kinikilig ako? napatayo ako at itinaas ang dalawang kamay ko para sabanutan ang sarili ko.

Anong nakakakilig don? ano ha Celestine leigh! Boss mo yun! hindi ka pwedeng makaramdam ng ganon!

Napaka simpleng galaw lang walang malisya, walang malisya sakanya yon. pinunasan nya lang ang labi mo yun lang yon tsaka diba may atraso sya sayo kase kiniss nya noo mo?!

Pambawi sa nakaw na halik.

"Para kang baliw" napatigil ako sa pag sabunot sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Harper mula sa gilid ko.

Napatingin ako sakanya. nakasandal sya sa hamba ng pintuan ng kusina. may dala syang isang supot ng Marshmallow.

Kunot noo ko naman syang nilapitan at inagaw ang marshmallow na kinakain nya. akin to ah! marshmallow koto tapos kinakain nya ng walang paalam.

"Problema mo ate? bakit sinasabunutan mo sarili mo?" tanong nya sakin ng makapasok kami sa kusina

"Wala" maikli kong Sabi sakanya binuksan ko ang ref at ibinalik ang marshmallow duon. Isiniksik ko pa ng todo sa gilid para hindi na nya makita pa.

Akin to! bumili ka ng sayo!

"sus ikaw pa? Kilala kita mas malala kapa kay mama pag may problema si mama tumatawa mag isa ikaw nag wawala" sabi nya sakin na may kasamang pang aasar na tono.

Inis ko syang tinignan pero nginitian nya lang ako ng may pang aasar. gago anong nag wawala? hindi naman ako nag wawala pag may problema.

Nananaksak lang.

"Wala nga kasi akong problema ang kulit ng kulangot mo!" inis kong sabi sakanya at inirapan sya

Lumabas ako ng kusina at pumunta sa sala. ramdam ko ang pag sunod nya sakin umupo ako sa sofa at tinanggal ang sapatos ko.

"wag kang mahiyang mag sabi ako lang to" sabi nya sakin na may ngisi. umupo sya sa sahig at tinulungan akong tanggalin ang sapatos ko.

Bumuntong hininga ako at hinayaan syang tanggalin ang sapatos ko.

"Yung boss ko kanina dinala nya ako sa Starbucks" mahinahon kong sabi sakanya.

Tinignan nya akong nag tataka. kinamot nya ang baba nya bago tumayo at umupo sa tabi ko.

Defending Love Where stories live. Discover now