chapter 6

29 7 1
                                    

Shet ang ganda talaga ng pangalan ko nakakaininis sa sobrang ganda pati Secretary bumabagay kaya nag papasalamat talaga ako kay lord kase binigyan nya ako ng Sexy na katawan maputi at makinis na balat, magagandang mga mata, matangos na ilong, in short Maganda talaga ako.

Pero paano nila nailagay yung buong pangalan ko doon eh ni hindi naman nila kinuha yung Requirements ko? Tss bahala na nga basta ngayon Secretary nako hihihihi.

agad akong lumapit sa Desk at ibinaba ang bag ko nakapatong narin doon ang Memo Pad. Tinignan ko iyon. Nakasulat doon ang mga meeting ni sir ngayong araw meron rin syang meeting mamayang 3pm pero ngayong umaga ay wala naman. Umupo agad ako sa Officer Chair at binuksan ko ang Computer na nasa Harap ko. Alright Let's start.

Lumipas ang mga oras at lunch na tumunog ang cellphone ko at nakita kong nag Text si Harper sakin.

*text*
*Harper Dugyot*
Ate ano oras ka daw uuwi?

Text nito saakin agad naman akong nag reply na 7pm ang out ko ngayon sa office. pagkatapos kong i-text si harper ay agad akong tumayo para pumunta sa Canteen Wala akong baon ngayon kaya bibili nalang ako sa Canteen. Nangmakarating ay agad akong pumasok sa loob ng Canteen kalat ang mga Empleyado ngayon dahil lunch break. Lumapit agad ako sa Counter at umorder ng Sinigang na Hipon.

grabe nakakagutom naman ngayong araw. Nang matanggap ang order ay agad akong umupo sa sulok at nag simulang kumain. Habang kumakain ay napalingon ako sa aking gilid may table kase doon na puno ng mga Empleyado mga nasa 5 silang naka upo doon at nag kukwentuhan. napansin ko ring may kanya kanya silang mundo yung isa nag seselpon yung isa naman nag mamake up yung dalawa nag kukwentuhan at yung isa ay kumakain ng tahimik . Napabaling naman ang aking paningin sa dalawang nagkukwentuhan.

"uy si boss daw na Hospital ah" saad ni ateng naka kulay maroon

"hala talaga?" ani naman ni ateng naka Pula

Kumunot ang aking noo sa mga narinig. na Hospital? may sakit ba sya? baka mahina ang resistensya ni sir kaya na hospital hindi ko alam na may mahinang resistensya pala ang boss ko kawawang nilalang. napabuntong hininga na lamang ako at itinuloy na ang pagkain. nang matapos ay agad akong bumalik sa 15th floor para ipag patuloy ang trabaho ko.

habang nag tatype ay biglang tumunog ang telepono hudyat na tinatawag ako ni sir agad naman akong tumayo at kinuha ko ang memo pad agad naman akong pumasok sa loob ng office ni sir ngunit walang tao sa loob. napatingin ako sa Office Chair ng biglang umikot ito paharap saakin may nakapatong dito na maliit na screen ng tv tulad kahapon.bumukas ito at lumabas ang lalakeng naka maskara.

"Hanggang ngayon talaga natatakot parin ako sakanya sino ba kase ang matinong tao na maglalagay ng screen na tv dito tapos bubukas ng kusa pagka bukas lalabas yung lalaking nakamaskara tsk" ani ko sa aking isipan habang nakatingin sa Screen ng Tv. Nawala ako sa pag iisip ng biglang tumikhim ang lalaking nasa Tv

"Ehem. Sit down miss"malamig nitong saad saakin. Agad naman akong umupo sa sofa at ngumiti ng maliit sakanya

"i-ikaw po ba yung tumawag saakin?" tanong ko rito na may kasamang pag uutal

"Yeah, i Just wanna introduce myself to you"

"Ah bakit po pala?"

"Seriously? You don't know me right? Bago kalang ni hindi ako nakapag pakilala sayo kahapon sa Interview mo"

"ah oo nga pala hehe"

"Tsk"

"I'm Kyro Louise Griffin"

"Ah Celestine leigh Gonzales po"

"i didn't ask" masungit nitong saad saakin. Napanguso naman ako sa itinuran nito. sungit asim naman

"i'm Done talking to you now leave"malamig nitong saad saakin agad naman akong tumayo at lumabas ng office nya. Pinatawag lang ako para magpakilala sya sakin Psh.Ang gara naman ng boss ko hindi naman na nya kailangan mag pakilala saakin kase kilala ko naman na sya.

Pero ang pinagtataka ko lang bakit nasa screen lang sya ng Tv tapos naka maskara pa? ang weird ayaw nya bang humarap sa mga tao? Ang Mysterious naman nya masyado awit nayan.

Defending Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon