Lost Stars (On-Going)

By Aimeesshh25

2.4K 225 16

Lost Series #1 Story of Chenny and Axel More

Lost Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 2

55 8 1
By Aimeesshh25

Hind ko na nga napigilan si Jerace sa plano niya.

"Ayos ka lang?"

Umirap ako ng palihim. "Oo naman."

Ngumuso siya. "Bakit parang ayaw mo akong kasama?"

Hindi ako nagsalita.

"Chenny." Ungot ng bata. "Chenny naman eh!"

"Ano?" Tamad ko siyang nilingon.

"Dapat masaya ka kasi pinayagan ako."

Napatingin ako sa dala niyang gamit bago bumuntong hininga.

Nang sumapit ang araw ng sabado, maaga na agad akong gumising. Nagulat pa ako nang may mas nauna pa palang gumising sa akin.

"Good morning, Chenny!!"

Ngiting-ngiting mukha ni Jerace ang sumalubong sa akin nang buksan ko ang pinto kung saan ang nagsisilbi kong kuwarto.

"J-Jerace.." gulat kong usal. Humalakhak siya. "A-Ang aga mo naman! Madilim pa sa labas ah?"

Umirap ang babae. "I know!" Lumapit siya sa akin at hinila agad ako pababa. "Alam mo ba, kanina ko pa tinitingnan ang kuwarto mo kung anong oras ka lalabas! Chenny ha, akala ko ba excited ka umuwi? Bakit ang tagal mo naman bumangon? Nauna pa ako sa'yo!"

Nanakit ang tainga ko. Gusto ko sana siyang iwanan sa paglalakad kaso hindi ko naman puwedeng gawin iyon at amo ko siya.

"Hindi ko naman alam na mas excited ka pala sa akin."

"Psh! Tara na nga! Kumain na tayo para makaalis na rin."

Wala akong nagawa kundi magpatianod sa batang Walkins. Ang dami pa niyang arteng ginawa bago natapos sa pag-aayos. Nakaupo lamang ako sa malambot nilang couch habang tinitingnan ang suot kong puting sapatos. Binili ito ni Ate Berna noong isang linggo na namalengke siya. Hindi ko alam pero naging emosyonal ako nang inabot niya sa akin iyon.

Siguro dahil unang beses kong nakatanggap ng ganoon kahit hindi ko naman kaarawan.

"Darling, bakit sasama ka kay Chenniah? At ano iyang mga dala mo?"

Napatingin ako sa taas nang marinig ang boses ni Ma'am Kate.

"Mom, gusto ko pong sumama eh."

"Bakit nga? Baka maging busy siya roon sa kanila, tapos sasama ka pa." Mukhang pababa na sila.

Nakagat ko ang labi. Ayos lang naman sa akin na sumama si Jerace pero ang iniisip ko ay baka hindi siya sanay sa bahay namin pero uuwi naman agad siya sa hapon kaya ayos lang naman siguro iyon.

"Hindi, mom! Magiging mabait ako. Saka dalawang araw siyang mawawala eh. Wala akong kausap." Maliit ang boses na ani Jerace.

Ngumuso ako. Naabutan ni Ma'am Kate ang mga mata ko. Ngumiti agad siya sa akin saka bumaba ng hagdan at lumapit sa akin.

"Chenniah, ayos lang ba sa'yo na isama si Jerace?" Malumanay ang boses niya kaya sino ba namang tatanggi?

Napatingin ako kay Jerace nang humaba ang nguso niya habang nakatingin sa akin.

Tumango ako. "Ayos lang po, Ma'am Kate. Hindi naman po siya makakaabala."

"Chenny!!"

Tumawa ang ginang sa sinabi ko. "Sigurado ka ha? Malikot ang isang 'yan, baka manakit ang ulo mo."

Natawa ako nang lumapit na si Jerace. "Sigurado po ako, Ma'am. Malikot nga po kaya mas lalong babantayan ko."

Napadako ang tingin ko sa hila-hila niyang maleta. Nalaglag ang panga ko. Bakit may maleta itong dala?

"A-Ang dami mo namang dala.."

Nagkamot ng noo si Ma'am Kate at hinawakan ako sa kamay. Gulat akong napalingon sa kaniya.

"Pasensya ka na, Chenniah. Dalawang araw daw siya sa inyo."

Tiyak akong wala na akong panga sa sobrang gulat.

Nagtagumpay nga si Jerace at wala na akong nagawa.

"Hindi mo sinabi na dalawang araw ka sa amin."

Ngumuso ito. "Ayaw mo talaga ako isama. Grabe ka naman. You're hurting my feelings!"

Bumuntong hininga ako. "Jerace, ang buong akala ko ay uuwi ka rin agad mamayang hapon. Hindi ko alam na may maleta kang dala. Balak mo bang tumira sa amin?"

"Gusto ko kasama ka eh." Mahinang aniya at tumalikod sa akin. "Kung ayaw mo, ayos lang. Uuwi na lang ako mamaya." Lumungkot ang bata.

Napabuntong hininga ako. Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama. Nag-iisip lang ako kung saan ko siya patutulugin. Hindi naman malaki ang kuwarto ko sa bahay, kay ate George sana pero nakikinita ko na agad ang magiging sagot noon sa akin.

Hindi na nga muling nagsalita si Jerace. Tahimik na siya habang nakatutok sa hawak na cellphone. Napatingin naman ako kay Mang Fred na siyang inutusan para ihatid kami sa bahay. Nagpaalam din ako kay Ate Berna bago umalis, sinabi niya pang tatawagan niya si Mama ngunit sabi ko ay wag na. Balak ko kasing supresahin sila.

Nang makalabas kami ng Maynila ay agad na gumaan ang loob ko. Kahit na hindi kaaya-aya ang mga pangyayari sa bahay, pakiramdam ko pipiliin ko pa ring umuwi roon.

Napatingin ako kay Jerace nang makitang nakatulog na ito. Halos mabitawan na niya ang cellphone niya. Inayos ko ang upo niya saka kinuha ang phone niya at itinabi iyon. Tiningnan ko pa ang babae bago inayos ang kaniyang buhok.

"Mang Fred, puwede po bang dumaan tayo sa palengke?"

Napatingin ito sa akin bago ngumiti at tumango. "Oo naman, Chenniah. May bibilhin ka ba?"

"Pasalubong po kina Mama."

Lalo itong nangiti at sumang-ayon. Masaya na sana ang paglabas ko ng Van ngunit nang makitang nagising ang bata ay napabuntong hininga ako.

"C-Chenny? Saan ka pupunta?" Umayos agad ito ng upo, na animoy handa na agad sumama.

"May bibilhin lang ako sa loob. Dito ka lang muna."

"Huh? Maiiwan ako rito? Sama na ako!"

"Jerace, maraming tao roon saka dadaan din ako sa isdaan."

Umirap siya. "Ano naman?" Kinuha niya agad ang wallet niyang kulay pink saka nauna pang bumaba sa akin. "Tara na! Mang Fred, hehe diyan muna kayo ah?"

Napamaang ako at wala na namang nagawa.

"Wow! Buhay pala ang mga isda rito? Hala! Ano iyon? Bakit may shell?"

Walang tigil ang bunganga ni Jerace. Hindi ko naman puwedeng salpakan siya ng isda, dahil anak siya ng amo ko.

"Bilhin mo 'yon! Mukhang masarap! Ang liliit!" Humagikhik ito.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at mas hinigpitan lang ang hawak sa palapulsuhan niya. Bigla-bigla kasing tumatakbo kapag nakakakita ng bago sa paningin.

Lumapit ako sa nagtitinda ng galunggong na may nakalagay na 200 pesos.

"Ano ineng? Isang kilo? Teka, pagtitimbang na kita." Wala pa man ay mukhang nagdesisyon na agad si nanay para sa akin.

"Kalahati laang po, nay."

Sumimangot ang matanda ngunit sumunod naman.

"Paladesisyon pala sila 'no?" Ani Jerace habang pinapanood namin ang paglalagay nito sa kulay asul na plastik.

"Ito na ineng, 100." Inabot sa akin iyon ng matanda. Nagbayad naman ako at nagpasalamat saka ko na hinila si Jerace na kinakausap na pala iyong mga nagtitinda ng paminta.

"Gosh! Ang sakit sa ilong!" Reklamo niya. "Chenny, bakit kaunti lang 'yong isdang binili mo? Only four pieces?"

Tipid akong napangiti. "Marami pa kasi akong bibilhin, saka bumili na rin naman tayo ng isang buong manok kanina."

Napaisip siya. "Yeah, we bought a whole chicken..so does that mean that we should only buy 4 pieces of fish? I don't understand."

Natawa ako at lumapit na sa mga babaeng nagtitinda ng sibuyas sa lapag.

"Magkano po?"

"Depende. Pili na lang kayo, ineng."

"Ang dami naman niyan. How much is this po?" Si Jerace habang hawak ang bawang.

Matapos ang isang oras ay natapos na rin kami. Panay na ang reklamo ni Jerace na kanina pa raw siya gutom kaya binilhan ko muna ng kalihim na tinapay. Akala ko pa nga ay hindi niya magugustuhan ngunit nang makitang halos ayaw niya na iyong bitawan ay sa tingin ko naman ay paborito niya na.

"What's this again?" Aniya habang nginunguya iyon. May kulay pula pa siya sa ngipin.

"Kalihim iyan."

"Oohh what's that? Secretary?"

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay. Kitang-kita ko agad ang mga nagbibinggo sa harap ng bahay. Nangunot ang noo ko.

Napatingin sila sa sasakyan nang bumaba si Mang Fred at buksan ang pinto. Inilabas niya ang gamit namin ni Jerace.

"Oh we're here na! Ito ang bahay niyo, Chenny?" Bumaba agad ang babae at mangha-manghang nakatingin sa bahay namin na tila may-ari pa ng kanununuan ko.

"Oo, pasensya ka na. Luma na ang bahay namin." Tinulungan ko si Mang Fred ngunit sinaway niya ako.

Umirap ito. "Ano ka ba! Ang ganda nga eh! Parang bahay ng mga kastila! Ang lawak ng grahe niyo oh!" Tinuro niya ang silong namin.

Natawa ako. "Silong 'yan, hindi grahe. Wala kaming sasakyan."

"Ganoon ba?" Lumapit na siya sa gate namin na kawayan saka dahan-dahang tinulak iyon. "May lock ba 'to? Bakit ang tigas?"

Tumawa ako. Kunot-noo siyang tumingin sa akin. "Bakit ka natawa?"

"Walang iyang lock. Basa lang ang lupa kaya napipigilan noon ang ibaba ng kawayan." Lumapit ako at itinaas ang buong harang saka iyon tinulak. "Bubuhatin lang saka itutulak para hindi makuskos sa lupa."

"Ohh! Got it!" Tuwang-tuwa na aniya.

Napangiti ako bago inalalayan siya papasok. Sumunod naman si Mang Fred sa amin na dala-dala ang mga gamit.

"Oh sino ang mga ito?"

"Aba kagaganda naman!"

"Teka, si Chenniah ba ang isang iyon?"

Napailing ako dahil sa malalakas na usapan ng mga nagbibinggo doon sa harap ng bahay.

Nakita ko si mama na agad sumilip sa malaki naming bintana. Nanlaki ang mga mata niya at agad umalis doon saka lumabas.

Napangiti ako. Parang naibsan lahat ng lungkot ko sa ilang buwan ko sa Maynila.

Inalalayan ko si Jerace paakyat ng bahay. May mahaba pa kasing hagdanan bago makapasok sa bahay. Mangha ang mukha ni Jerace habang pinagmamasdan ang bahay namin.

"Chenniah!" Agad na sumalubong si mama sa akin. Ngumiti ako, akma akong yayakap sa kaniya. "Bakit naman umuwi ka pa! Diba ang bilin ko kay Aling Berna ay magpadala ka na lang! Gumastos ka pa ng pamasahe pauwi imbes na dinagdag mo na lang sa pagpapadala sa amin!"

Napawi ang ngiti ko. Kahit na sanay na ako ay hindi ko pa rin magawang maging manhid sa mga salita ni Mama. Palagi pa rin siyang nakakagawa ng paraan para saktan ako. At palagi pa rin akong umaasa na gaya ngayong araw, hindi na siya ganito kalupit sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 153K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
25.1K 566 24
Brozone x reader preferences. I haven't seen one of these yet, so why not be the first one? Enjoy!
15.9K 418 30
Alexa Dela Cuesta, a actress that can glow even without a loveteam but, in her 10 years in showbiz industry, a new idols and charming Ned Martinez wa...
780K 70.3K 37
She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful She is innocent He is cunning She is broken He is perfect or is he? . . . . . . . . JI...