BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng Bus...

By ionahgirl23

149K 4.4K 295

. . Kilalanin natin si Abraham, ang isa sa kambal ng mag-asawang Manuel at Elvira (from the Busaw Series, Bus... More

HB Book 4: ABRAHAM Anak ng Busaw
Kabanata- 1.
Kabanata- 2.
Kabanata- 3.
Kabanata- 4.
Kabanata- 5.
Kabanata- 6.
Kabanata- 7.
Kabanata- 8.
Kabanata- 9.
Kabanata- 10.
Kabanata- 11.
Kabanata- 12.
Kabanata- 13.
Kabanata- 14.
Kabanata- 15.
Kabanata- 16.
Kabanata- 17.
Kabanata- 18.
Kabanata- 19.
Author's Note- Late Na!
Kabanata- 22
Kabanata- 23
Kabanata- 24
Kabanata- 25
Kabanata- 26. (The Ending)

Kabanata- 20.

4.5K 156 7
By ionahgirl23


Savannah's pov.

 




"Wag! "Wag mo'kong iwan dito..." nanginginig pa din akong pinipigilan siya sa kamay pero nilingon lang niya ako at marahang kinalas ang mga kamay ko.

 

"Wag kang matakot, ang kamatayan ay hindi mo matatakbuhan kung sisingilin ka na niya." sabi niya habang walang karea-reaksiyon. "Magtago ka na lang diyan at hintayin mo'ko." at umalis na nga siya.

 

Wala akong nagawa kundi' ang isiksik ang katawan ko sa butas ng mga naglalakihang ugat. Halos 'di na ako humihinga dahil pakiramdam ko'y ano mang oras ay matatagpuan nila ako rito.

 

Nanginginig ang mga kamay kong niyakap ang sarili ko at muli na namang umagos ang mga luha ko. 'Di ko aakalain na maging ganito ang lahat pero sa isang banda ay nalaman ko na rin kung ano talaga sila. Kung ano si Martina sa buhay namin ng daddy ko.

 

Napailing lamang ako habang tahimik na umiiyak.

 

Hindi! Hindi ganun' si daddy, alam ko at malakas ang kutob ko. Itinatag lamang niya ang Cinco Dios pero 'di siya ganun'. 'Di siya aswang o halimaw na kumakain ng tao!

 

Nasa ganun' akong pag-iisip nang mapatili ako.

 

"Ahhh! Ehhh!" halos mapaos ako sa pagsigaw dahil sa malamig na kamay na humila sa kaliwa kong paa. "Althea! Althea!" hingi ko nang tulong sa kanya pero wala akong marinig kundi' ungol lamang nang humihila sa akin. "Bitiwan mo'ko, bitiwan mo'ko!" kahit kumakapa man ang paningin ko sa dilim ay patuloy ko pa rin siyang sinisipa habang ang mga kamay ko'y nakakapit nang mabuti sa mga ugat.

 

"Haaaa... greeee...." ungol pa rin nito at parang dumiin na ang mga kuko niya sa paa ko.

 

Muli na namang nanginig ang katawan ko sa takot at nang maramdaman kong nahihila na niya ako palabas at may humawak na naman sa mga hita ko'y 'di ko na napigilan ang 'di mapasigaw ulit.

 

"Ahhhhhh!" sigaw ko habang pinipilit ko pa ring 'di mapabitaw sa mga ugat. Nang makaramdam na naman ako ng panibagong kamay ay pumikit na ako at sumigaw na naman. "Ahhhhhh tulongggggg!"

 

 

"Tulong!" sigaw ko at napabalikwas ako nang bangon pero agad rin akong napausog sa sulok ng kinahihigaan ko nang mabungaran ko ang ilang mukhang nakatingin lamang sa akin. "Sino kayo?!" nanlalaki pa rin ang mga mata kong tinignan ko ang paligid.

 

Nasaan ako?

 

Lord... saan ang lugar na'to, tulungan niyo po ako!

 

Napatingin ako sa isang magandang babae na nilingon ang isa sa mga babaeng nakatayo lamang sa gilid ng kwarto at sinenyasan nitong lumapit. 'Pagkalapit ng huli sa kanya ay nagbulungan sila at lumabas ito ng kwarto.

"Gising ka na..." sabi ng babae habang nakangiting hinarap ako. "Wag kang matakot, ako ang ina ng mga kaibigan mong sina Abraham at Althea..."

Doon lang parang nabawasan ang kaba sa dibdib ko.

 

Abraham, Althea... si Althea nga, 'yung tumulong sa akin at ibig sabihin ay nandito ako sa kanila. Eh 'di ba, mga aswang rin ang mga 'yun, mga halimaw?

Muli akong napatitig sa magandang mukha ng babae na nagsasabing ina raw ng magkapatid.

Nakatingin lamang ako sa kanila nang bumukas ang pinto.

Isang may katandaang lalaki ang pumasok at marahan itong tumabi sa magandang babae. Nagtinginan sila at sa huli ay pareho nila akong hinarap. Yumuko ito nang bahagya pero hindi kumibo.

 

"Ana, maaari bang tawagin mo muna ang mahal na prinsesa." lingon ulit ng magandang babae sa isa sa mga babaeng nakatayo. Nang lumabas na naman ang inutusang babae ay nilingon ulit niya ako at tinanong. "Gusto mong kumain?"

Hindi ako sumagot, 'di ko kasi alam kung anong ikikilos ko. Hanggang ngayon ay parang nababasag pa rin ang dibdib ko sa kabang nararamdaman ko.

 

"Hindi dapat tinatanong ang panauhin Elvira." sa wakas ay nagsalita ang katabi nitong lalaki. "Guada... maaari bang dalhan mo nang makakain ang ating bisita, tawagin mo na rin ang mahal na wasiwan at si Abraham."

Isang tango lamang ang nakita kong sagot ng babae at lumabas na ito.

Naging tahimik ang paligid nang tatlo na lamang kaming naiwan. Maya't maya silang nagtitinginang magkatabi habang ako'y nasa sulok lamang ng higaan. Mahigpit kong hinahawakan at niyayakap ang kumot na ipinantabon yata nila sa akin.

'Di nga nagtagal ay isa-isa nang pumasok ang ipinatawag yata ng dalawang ito. Napapatingin ako sa kani-kanilang mukha. Alam kong mga aswang, mga halimaw ang mga ito pero talagang 'di mo aakalain na ganun' sila kung sa mga itsura lang ang titignan.

Dalawang pares na ngayon ang tahimik lamang na nakatingin sa akin pero 'di pa rin dumarating sina Abraham at Althea. Tahimik ko silang nahahanap dahil sila lang ang kakilala ko dito, dito sa lugar nila.

Dumaan pa ang ilang minuto nang makita ko na ngang pumapasok si Althea. Parang nagkaroon ako ng pag-asa, pakiramdam ko'y may kakampi na ako ngayon kahit na alam kong ayaw niya sa akin.

Pero nang ngumiti siya at tumabi sa akin ay nakahinga ako nang maluwag.

 

"Kumusta?" tanong niya at pinagmasdan ang itsura ko kaya napatingin rin ako sa nakalitaw kong magkabilang balikat. May mga galos nga ito at ang iba'y sugat na talaga. "Pagaling na ang mga sugat mo..." at nilingon ang mga mukhang tahimik lamang na nakatingin pa rin sa akin. "Ngapala ang pamilya namin ni Abraham, ang mga magulang namin, si Amang Manuel at Mama Elvira..." lahad niya sa unang pares na magkatabing nakaupo. "At tito't tita ko... sina Lorenzo and Agatha." ngiti niya.

Pinilit kong ngumiti sa kanila at ginaya rin ang ginawa nilang pagyuko.

 

"Nasaan ang kapatid mo iha?" tanong ng kanyang mama.

Nakita kong napangiti ulit si Althea at nagbuntong hininga.

 

"Parating na sila ni Aveluan, hinanap ko pa sila kasi 'di sila makita nina Guada." sabi nito at nilingon ako. "Ngapala salamat sa tulong mo." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

Tulong? Keylan' at sa paanong paraan?

Mukhang nabasa niya ang iniisip ko kaya muli siyang nagsalita.

 

"For sharing your blood... into mine." ngiti niya at tinignan ang sugat ko sa gawing pulso ng kanan kong kamay. "Wag kang matakot..." aniya nang mapakunot noo ako nang makitang parang hiniwa ang sugat doon. "Ilang patak lang naman."

Nakayuko pa rin ako nang marinig kong may tumikhim sa may pintuan kaya agad akong tumingala dahil ineexpect ko siya. Atleast naman ngayon ay hindi na masyado ako kinabahan. Tingin ko naman ay hindi nila ako papatayin dahil kung ganun' nga eh sana 'di na ako dinala ni Althea dito.

"Anak, gising na siya." pagbabalita ng kanyang mama.

Huminto siya sa paanan ng pintuan at nang magkasalubong ang mga mata namin ay unti-unting bumaba ang paningin ko sa isang kamay na nakahawak sa kanyang kamay. Agad kong tiningnan ang nagmamay-ari 'nun at nang ngumiti ito sa akin ay agad kong binawi ang paningin ko sa kanila.

 

Ano ba'to, bakit ako napunta rito?

 

Muli kong tinignan si Althea na pangiti-ngiti lang.

"A-althea..." sa wakas ay nagawa kong magsalita. "G-gusto ko nang umuwi... a-at maraming salamat sa p-pagtulong mo sa a-akin." 'di ko alam kung bakit nabubulol ako at 'di ko rin alam kung bakit napapatingin ako sa dalawang nakatayo lamang sa may pintuan.

 

God, gusto ko nang umalis rito...

 

Pero nakita ko lang na ngumiti sa akin si Althea at marahang umiling.

 

"Tingin ko'y 'di pa sa ngayon Savannah..." sa unang pagkakataon ay tinawag niya ako sa pangalan ko. "Hanggang ngayon ay hinahanap ka pa rin nila at 'di titigil ang grupo ng stepmom' mo hangga't 'di ka nila nababawi, why... kasi kailangan nila ang dugo mo sa orasyong tuluyang makakapagbagong anyo sa kanila." at nilingon ang 'di ako nagkakamali ay tita niya.

 

"Maaari niyo bang ipakita sa kanya?" tanong ni Althea at tinignan rin ang mga magulang. Nang tumango ang mga ito ay nilingon niya ako ulit. "Kaya mo na ba, I mean kakayanin mo na bang balikan ulit ang mga nangyari?"

Kahit 'di man ako sigurado'y tumango ako.

Tahimik namang tumabi ang isa pang magandang babae kay Althea at sinenyasan niya akong lumapit sa kanya.

 

"Halika, 'wag kang matakot... mortal rin ako at ang nanay ng mga kaibigan mo'y mortal din dati." napatingin tuloy ako sa magandang babae at tumango lamang ito bilang sagot. "Pumikit ka iha." utos ng katabi ko sa akin kaya pumikit naman ako. Naghintay lang ako sa mangyayari at nang dumampin ang malamig niyang kamay sa noo ko'y bahagya akong napapitlag. "Wag kang matakot...pumikit ka lang." paanas niyang bilin sa akin kaya ginawa ko naman hanggang sa isa-isa ko na ngang nakikita ang iba't ibang pangyayari.

Napasinghap ako.

Kitang-kita ko ang sabay-sabay na pag-inom ng mga taong naka-itim at sa huli ay isang lalaki ang inalis ang talukbong. Si Vods! At unti-unti ngang nagbabago ang anyo niya sa isang nakakatakot na halimaw....

Ibang eksena na naman ang nakikita ko ngayon.

Naka-itim pa rin sila ng mga damit na may mga talukbong sa ulo at sa eksenang ito'y nagsasalo-salo silang kumakain...

Napalitan na naman ang nakikita ko at napahinga ako ng malalim nang makita ko sina daddy at Stella.

Isang kamay ang gumalaw sa dextrose na nakakabit sa kamay ni Stella at sa huli ay nagingisay na itong bumubula ang bibig habang tumitirik ang mga mata.

Napapailing ako habang kitang-kita ko ang nangyayari sa kanya hanggang sa 'di ko na nakayanan pa'y napadilat ako at napatakip ng bibig. Tahimik na akong napaiyak, kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko'y 'di ko talaga kayang pigilan.

 

"Wala na ang kapatid mo iha..." sabi ng katabi ko. "Ang kanyang ina rin ang pumatay sa kanya, noon pa... noong umalis ka at bumalik dito sa Pilipinasat ikinalulungkot kong sabihing pati ang ama mo'y wala na rin..." napatingin ako sa maganda nitong mukha. "Ang nakita mong iniinom nila'y dugo 'yun ng ama mo pero hindi sila nagtagumpay kaya binalak nilang gawin ulit dito... dahil sa wala na nga ang iyong ama'y ikaw, ang dugo mo naman ngayon ang kailangan nila at isa pa'y hinahanap rin nila ang aklat na Carte de' Remediu Elvira." lingon naman nito sa mama ni Althea. "Naninigurado silang sa huling pagkakataon ay hindi sila mabibigo, syempre ikaw na lang ang natitirang sangkap sa orasyong pinaniniwalaan nilang magpapabago sa kanilang lahat." sabi niya.

Ako naman ay hindi makapagsalita, patuloy lamang akong umiiyak habang iniisip si daddy. Sana, sana hindi ko na lang sila iniwan. Sana hindi na lang ako pumunta rito, sana... At bumuhos na naman ang mga luhang 'di mapigil-pigil sa pagdaloy.

 

"Ang nakilalang mong tau-tauhan ng iyong ama'y kalahi nila... namin iha, isa ring busaw pero dahil sa galit at inggit o may iba pang dahilan ay nagawa niyang tumiwalag at ngayon nga ay balak wasakin ang lahat nang nakikita mo ngayon..." sabi nito sa akin. "Kahit wala ka rito't maghahanda pa rin kami sa muli niyang pagbabalik, 'di lang ito laban mo kundi' laban rin namin, bilang pagtatanggol sa bawat isa, sa angkan namin."

Nakatingin lamang ako sa kanya dahil parang 'di pa tinatanggap ng utak ko ang lahat nang naririnig ko ngayon.

 

"Bigyan niyo lang ako ng maiksing panahon at ihahanda ko ang maaaring ipanglaban sa kanila... at sa tingin ko'y makukuha lang natin ang tagumpay kung kami, kung mga babaeng busaw ang humarap sa kani—-." hindi pa siya natatapos magsalita ay sumingit agad ang kasama niyang lalaki.

 

"Hindi sa pagkakataong ito Agatha, nawalan na tayo ng anak noon..." seryosong iling ng kanyang asawa. "Hindi na ako makakapayag na may mangyari na naman sa dinadala mo."

Ngumiti lang at tumango ang katabi ko sa sinabi ng asawa niya.

 

"Ako, nagprisenta na kahapon si Aveluan kaya ako'y sasama rin." ang mama naman nila Althea ang nagsalita pero umiling lamang ang anak nito.

 

"Ma... hindi mo pwedeng gawin 'yan hangga't nandito pa ako ok." tutol naman ni Althea. "Lamang lang sila dahil may ipinagmamayabang sila, pero kung magagawan nang paraan ni tita, patas na ang laban kung ganun'."

 

"Pagbibigyan kita Althea pero ito na ang una't huli." tumahimik ang lahat nang magsalita ang ama niya. "Pagbibigyan ko ang pananaw mo mahal na wasiwan pero kung maramdaman kong mahihirapan sila'y ako mismo ang susunod."

Napasulyap naman ako nang kumilos si Abraham.

 

"Pero ama, mga babae sila..." tutol rin nito. Syempre iniisip niya ang pwedeng mangyari sa kasama niya, sabi ng isipan ko.

 

"Iho, sundin muna natin ang nakikitang pangitain ng wasiwan."

Nang tumahimik na ang lahat ay muli akong tinignan ng katabi ko at nagpatuloy sa pagsasalita.

 

"Iha, kailangan mong sumama sa paghaharap na 'yun dahil ikaw lang ang makakapatay sa... sa iyong ina-inahan." alanganin nitong tingin sa akin. "Maghanda kayo kahit papaano, sisimulan ko nang gawin ang panlaban, Elvira nasaan ang aklat... 'dun ko rin kukunin ang lunas."

          Mula nang malaman ko ang totoong nangyari kagabi ay ibinuhos ko na lamang sa pag-iyak at ngayong umaga nga'y kahit gustuhin ko mang umiyak muli ay wala na, ubos na yata ang mga luha ko.

Kinausap na rin ako ng mga magulang ng dalawa at 'yun nga, sinabi ko na rin ang pakay ko sa pag-uwi ko. Ang tungkol sa pagkatao ko at sa pagkatao ng kapatid kong si Stella. Nalaman ko rin na dating member pala si Maam' Elvira at kilala niya ang daddy ko. Tama nga ang kutob ko, isang kulto lamang ang itinatag ni daddy at hindi 'yung ganito na gusto rin nilang maging kakaiba at magkaroon ng kapangyarihan.

Kaya nitong hapon lang ay kahit papaano'y panatag na ang loob ko sa kanila. Kahit naman mga aswa—— kakaiba sila'y nakikita at nararamdaman ko ring may kabutihan pa rin sa kanilang katauhan.

Tahimik kaming umiinom ni Althea ng mainit na inumin na ginawa pa ng kanyang tita para sa aming dalawa. Pinaghalo-halong dahon lang naman pero kakaiba nga ang hatid nitong init sa sikmura ko.

 

"This is the real us... ibang-iba sa mundo niyo ano." sambit ng katabi ko at pasimple akong nilingon saka ngumiti.

Namimintana kami ngayon pero ako'y tutok na tutok sa mga kalahi niyang may kanya-kanyang ginagawa. Ang iba'y nagsasanay pa sa malawak na espasyo sa harap ng bahay. Hanggang ngayon ay paulit-ulit ko pa ring iniisip na may mga sikreto ba talaga ang mga ito? Kung titignan kasi'y parang bumisita lang ako sa isang indigenous tribe.

 

"Sorry if I treated you before in a wrong way Savannah, ramdam ko lang kasi na hindi ka normal na mortal, you know... maraming mga tao ang may alam rin kahit na nasa new generation na ang mundo."

Napangiti lang ako sa kanyang sinabi at tinignan siya.

 

"Honestly... ngayon lang ako maka-encounter, of course naman." napangiti ako sa sinabi ko. "I mean... makakilala ng ganito and then ngayon, in what I'm seeing you... the way you talk, the way you move... iba eh, wala talagang mag-iisip."

 

Siya naman ang napangiti.

 

"You knew it na, my mom' was a human before... well human rin naman kami until now but in different ways nga lang." aniya at tumatawa na. "So dahil nga sa kanya, gusto niyang maging isang normal kaming tao, maka-cope up sa kung anong meyron' ang ibang bata kaya 'yun, pinag-aral niya kami... pinalaki na parang mga ordinaryong bata." buntong hininga niya at nilagok ang inumin. "Well, kahit 'di naman kami mag-aral... with just single blink of our eyes kaya naming pag-aralan ang lahat, kaya naming basahin ang iniisip ng iba lalo na sa mga ordinaryong tao, kaya naming gumaya at magbagong anyo... like dogs, cats... even human, kahit ikaw." natatawa niyang lingon sa akin habang ako naman ay amaze na amaze sa naririnig ko sa kanya.

"I can't believe it... talaga ba?"

Ngumiti lang siya at huminga nang malalim.

"You... the people, humans are telling that were born by the cursed of your God pero kung ako ang titingin, hindi eh... paano kami isinumpa kung kami ang may kapangyarihan keysa' sa inyo." sabi niya at napatingin sa baba kaya napatingin rin ako. "Oh, the lovers..." aniya at nahagip kong mabilis siyang sumulyap sa akin.

Sumali kasi ang dalawa sa mga nagsasanay at mukhang tinuturuan ni Abraham ang kasama niya.

Hindi ako nagsalita at kunwaring uminom ako. Hindi na rin ako tumingin pero nananadya yata itong katabi ko.

 

"Anong tingin mo sa kapatid ko, actually he's my twin brother." aniya. "He's going to marry that girl 'cause of request... tama ba ang term ko ha haha, for short he don't love that woman." kwento niya habang ako naman ay naiirita. Bakit ba napunta sa dalawang 'yun ang usapan namin. "Napakabait kasi ng kapatid kong 'yan unlike me ha haha... he'll do kung anong iutos sa kanya pero you know, lagi ka naming pinag-aawayan... I wanna' kill you of course pero lagi siyang nakabuntot sa akin to distract me, alamu' yun'." ngiti niya at tinignan akong maigi.

Ngumiti naman ako at lumayo sa kanya.

Naiisip ko ang sinabi niya sa akin 'nung iligtas niya ako pero nahihiya akong magtanong.

Naupo ako sa isang single chair at kunwaring binuklat-buklat ang mga librong nakapatong lang 'dun. At nang tumingala ako'y sa akin pa rin pala siya nakatingin.

"Hey... are you trying to read my mind ba ah?" natatawa kong tingin rin sa kanya.

 

"Yeah but I can't... anyways, I just want my brother to be happy." aniya at umalis na rin sa bintana. "I'm not against with Aveluan, she's awesome... almost perfect na yata 'yun eh pero ang sa akin lang kung saan sasaya ang kapatid ko... dapat 'dun siya."

Tumango lamang ako bilang sagot sa kanya.

Ano bang sasabihin ko, tama naman siya napakaganda ng fiancé nito if ikumpara sa akin. Wait, biglang huminto ang utak ko. Bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko 'dun. Yes she's pretty enough pero maganda rin ako noh, maganda ako period!

Parang bumalik ang confidence ko sa pagkakataong ito. Hindi ko alam pero umiiral na naman ang pagiging senorita ko...

"Hey, I said come." lingon pa ni Althea na nasa pintuan na.

 

"Saan tayo pupunta?" nagtatanong man ako'y tumayo na rin.

 

"We'll start to practice, remember babalikan natin ang stepmom' mo, this is the best moment to get revenge... para sa dad' mo." aniya.

 

"You mean, we'll join down there?" sina Abraham at ang kanyang fiancé agad ang naisip ko.

 

"Yeah, anong masama... you need to learn some basic fighting techniques." pagpapaliwanag niya. "Kung nandun' na tayo eh 'di ko na magagawa pang bantayan ka all the time kaya kailangan mo ring matuto ng self defense..." sabi lang niya at naglakad na.

Alanganin man akong sumunod ay wala akong nagawa. Kung 'di kasi ako sasama'y baka iba ang iisipin ni Althea. Bahala na, wala akong pakialam kung ano man ang iisipin ng dalawang 'yun.

Si Althea naman ang may gusto, 'di ako!

Continue Reading

You'll Also Like

671K 47.4K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
1.4M 2.2K 2
a love between an assassin and a gangster? Uh, war na ito!
137K 4.7K 25
This story is available exclusively on Dreame! Siya ang bunga ng pag ibig nina Zyl at Ayla. Bunga ng BAWAL na pag-ibig. Sa bawat pagningning ng buwan...
53.8K 1.5K 31
Wala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang s...