SEKYU (BL) Gentlemen Series #1

By Kijarasen

52.6K 2.2K 496

Don't judge a book by its cover. Take time to read and enjoy every part of it. ☺️ ~*~ Alam ni Keifer na malak... More

SEKYU (1)
Prologue
1: Pana ni Kupido
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
19: Old buddies
20: Unwell
21: Excluded
22: Knight
23: Real Knight
24: The untold
25: Chosen
26: Spectrum
27: Where the lines meet
28: Sincere
29: Not a Happy Heart
30: Self-blame
31: Tinted
32: Falling
33: Disappear
34: Not again
35: Siphayo

Kabanata 2

2.5K 86 2
By Kijarasen

"Ikaw na ang bahala diyan, anak. Baka gabihin na ako ng uwi. Sige na. Alis na ako," sabi ni nanay at saka yumakap sa akin bagay na ipinagtaka ko. Malambing si nanay at hindi siya magdadalawang isip na magsabi ng nararamdaman niya pero hindi siya ganito na yumayakap na kang bigla. Nakakapanibago ito pero mas pinili ko na lang isantabi at huwag nang pagtuunan pa nang pansin.

Bahagya akong tinitigan ni nanay sa mukha na para bang inaaral niya ang bawat parte nito. Dahil doon ay mas nagkaroon ako ng oras para matitigan din ang mukha niya. Nakangiti siya at hindi man lang maabot ang mga tenga niya ng simpleng ngiti na 'yon. Kapansin-pansin din ang panibagong pasa na lumitaw sa magkabilang sulok ng labi niya bagay na nakapagdulot sa akin ng sobrang kalungkutan.

"Sinaktan ka na naman ba ni tatay kagabi, 'nay?" tanong ko sa kaniya kahit na halata naman na ang sagot.

"Alam mo naman ang dahilan kung bakit ganoon ang tatay mo. Stress lang sa trabaho 'yon kaya nagagawa niya ang mga bagay na ito sa atin—"

"Mali 'yon, 'nay! Hindi niya dapat tayo sinasaktan! Imbis na siya ang unang magprotekta sa atin, bakit siya pa ang numero unong dahilan kung bakit tayo umiiyak?" pagpuputol ko sa mga sinasabi niya.

Hinawakan ni nanay ang mga balikat ko at pinakatitigan ako sa aking mga mata.

"Darating ang araw na maiintindihan mo rin kung bakit may mga bagay na kailangan nating tanggapin sa ganoong kalagayan. Darating din ang panahon na matututunan mo ring mahalin ang tatay mo kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya," sabi ni nanay at niyakap akong muli. "Mahal na mahal kita, anak ko."

May kakaiba sa inaakto ni nanay na kahit hindi ko pagtuunan ng pansin ay patuloy pa ring nagsusumiksik sa aking isipan.

Naglakad na siya palayo sa akin. Pinanood ko siyang lumabas ng bahay dala ang kaniyang shoulder bag habang nakabihis nang maayos. Hindi niya naman nabanggit sa akin ang pupuntahan niya at hindi ko na rin inusisa pa. Mas mabuti nga 'yon at para naman makatakas si nanay sa pananakit ni tatay. Gabi-gabi na lang kasi siyang pinagbubuhatan ng kamay ni tatay. Walang araw na hindi sila nag-away. Nasanay na lang din siguro ako sa ganitong klase ng set up. Naisip ko noon kung hindi siguro nawala si Gio ay hindi magkakaganito si tatay. Sana ay masaya kami ngayon kung nandito pa ang mas nakababatang kapatid.

Napabuntong-hininga ako. Ang bigat talaga sa dibdib sa tuwing naaalala ko so Gio. Miss na miss ko na ang kulit niya. 'yong ingay niya sa loob ng bahay. Parang kahit saan ako tumingin ay nakikita ko siya. Tatlong taon na ang lumipas pero sariwa pa rin ang sugat sa puso ko sa mga nangyari. Paano kaya kung ako ang nasagasaan noong gabi na 'yon at hindi siya? Paano kung ako ang namatay at hindi ang bunso kong kapatid? Magiging ganito pa rin ba karebelde si tatay? Mag-aaway pa kaya lagi sila ni nanay? Paborito kasi ni tatay si Gio dahil lalaki ito at hindi kagaya kong babakla-bakla. Siguro kung ako ang nawala ay hindi ganito si tatay ngayon. Baka nga magbunyi pa siya at namatay na ang anak niyang bading.

Bago pa maiyak ay ginawa ko na ang dapat na gawin. Kumuha ako ng dalawang plastic container sa kusina. Nilagyan ko ng kanin ang isa samatalang naglagay naman ako ng niluto ni nanay na adobo sa isa pa. Nang maiayos ay inilagay ko sa loob ng isang plastic bag. Itinabi ko muna sa gilid ng mesa 'yon saka naglinis ng buong bahay dahil maaga pa naman. Panigurado kasing mainit na naman ang ulo ni tatay 'pag uwi. Kung malinis ang bahay ay baka sakaling mabawasan ang init ng ulo niya. Hindi bale, wala naman na ako rito mamaya kapag umuwi siya kaya ligtas ako sa sermon niya.

Ala sais na nang matapos ako. Dahil pawisan ay nagdesisiyon akong magpalit muna ng damit dahil nakakahiya naman kung haharap ako kay kuyang sekyu na ganito ang amoy ko. Nag-spray din ako ng pabango na pinakatitipid ko pa kasi pahirapan makaipon para makabili ulit ng bago. Hindi naman kasi kami mayaman.

Nang maiayos ang sarili ay kinuha ko na rin ang binalot na pagkain kanina at saka lumabas ng bahay. Hindi ko na kinandado pa ang pinto dahil ala s'yete ng gabi ang uwi ni tatay. Isang oras lang ang pagitan sa oras ng alis ko.

Unti-unti kong nararamdaman ang kaba sa aking dibdib habang kasalukuyang binabaybay ang daan patungo sa guard house ng Beverly Heights. Bahala na! Lalakasan ko na lang ang loob mamaya kapag kaharap na siya.

Ilang hakbang bago marating ang guard house na iyon ay namataan ko siyang abala sa pagsusulat doon sa log book niya. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago kinatok ang pinto nito.

Napaangat siya sa akin nang tingin na sinundan niya rin nang pagngiti. Shocks! Napakagwapo naman ng tao na ito!

Tumayo siya at binuksan ang pinto ng guard house.

"Bumalik ka! Hindi ba ikaw 'yong bata kanina? Anong kailangan mo, hijo?" Tanong niya sa akin kaya napangiti ako bigla.

"Maka-bata ka naman po. Bente anyos na ako kaya hindi na ako minor." Sabi ko sa kaniya at nakakatuwa na hindi ako nabulol o nautal sa kaba. "Okay lang po ba na pumasok ako sa loob? Pinagdala ko kayo ng pagkain." Saka ko itinaas ang bitbit na plastic bag.

Tumango-tango siya. "Sige. Pasok ka." At saka niya ako pinatuloy.

Hindi malaki ang guard house dahil nakadiseniyo lang ito para sa mga sekyu ng mga pasilidad na kailangan nilang bantayan. Mabuti na lang at may banyo rito at water dispenser. May computer screen din na CCTV footage lang ang makikita. May compilation ng mga papel sa gilid nito at ilang patong ng mga log book.

Mukha namang maayos ang lagay niya rito kaya pwede na rin sigurong pagtambayan sa tuwing umiiwas ako kay tatay. Mukha naman siyang mabait at hindi masungit. Okay na ako rito.

"Sasabay po sana kong kumain sa inyo." Sabi ko pa sa kaniya nang makaupo sa isang monoblock. Ipinatong ko iyong dala sa ibabaw ng lamesa niya.

"Sakto! Nagugutom na ako! Tara na't kamain. Hinhintay ko na lang mag alas siyete para makauwi. Swerte ko lang at may dala kang pagkain ngayon. Hindi na ako magaabala pa mamaya sa pagluluto pagkauwi." Nakangiti niyang sabi sa akin pero sa loob-loob ko, malungkot ako sa narinig. Alas siyete pala ang uwi niya kasabay ng uwi ni tatay. Hindi bale. Sasamahan ko na lang si Mang Jerry dito hanggang sa masiguro kong tulog na si tatay bago ako umuwi.

Siya na ang nagbukas ng baunan na dala ko. May inilabas din siyang mga plato na provided nila ni Mang Jerry para raw mas masarap ang pagkain. Pinanood ko lang siya na hatiin iyong kanin sa dalawang plato na nasa harap niya.

"Ano pang hinihintay mo? Tara na." Pag-aya niya sa akin kaya tumango naman ako.

Inilapit ko ang monoblock sa kaniya at saka kami sabay na kumaing dalawa. Pasalamat siya nang pasalamat sa dala ko. Nagustuhan niya rin ang luto ni nanay na ulam.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang tumunog ang cellphone niyang de keypad.

"Saglit. Sagutin ko lang ang tawag." Sabi niya at saka tumayo. Inabot niya ang cellphone niya at saka lumabas ng guard house.

Ilang minuto rin iyon ng bumalik siya, nakasibangot.

"Bakit po ang lungkot niyo?" Takang tanong ko.

"Extend ang duty. Nilalagnat si Mang Jerry." Bagsak ang balikat niyang saad.

"Samahan na lang po kita rito para hindi ka mainip mag-isa." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Tanong niya.

Umiling ako. "May nilakad si nanay. Gagabihin daw siya sa pag-uwi tapos si tatay naman." Nahinto ako saglit at napaisip kung ano ba ang magandang sabihin sa tatay ko. "Si tatay ay paniguradong pagod sa trabaho kaya pagkayari kumain no'n ay matutulog na lang."

"Hindi ka hahanapin ng tatay mo?" Tanong niya ulit.

Umiling ulit ako. "Hindi man po. Wala namang pakialam sa akin 'yon." Pabulong ko na lang na sinabi ang huling salita dahil ayaw kong isipin niya na masura ang ugali ni tatay kahit masura naman talaga.

"Mukha na ba akong matanda?" Tanong niya sa akin habang may alanganing ngiti. Napakunot naman ang noo ko sa tinanong niya.

"H'wag mo na akong i-po. Thirty eight years old pa lang ako. Wala pang k'warenta kaya batang-bata pa." Saka siya tumawa.

Eighteen years pala ang pagitan naming dalawa. Pero sa totoo lang, hindi siya mukhang thirty eight years old. Ang akala ko'y twenty nine pa lang siya o early thirty.

"Pasensiya na po pala sa inasal ko kanina. Akala ko kasi si Mang Jerry ang nakaduty ngayon dito." Hingi kong paumanhin.

"Akala ko nga ay napano ka na. Bigla ka kasing nagtatakbo." Wika niya at saka napakamot sa batok.

Nang mayari kami sa pagkain ay siya na rin ang nagligpit ng mga kinainan. Natuwa pa ako nang makitang may panghugas sila ng plato rito. Parang bahay lang.

Nang matapos ay bumalik siya sa pwesto kanina at saka hinarap ako.

"Alam mo, napaka-g'wapo mong bata. Nagpa-pageant ka ba? Pwede ka ngang mag-artista kasi hawig mo si JM De Guzman." Puri niya sa itsura ko dahilan para mapangiti ako nang malapad.

"Hindi ko inaakalang bolero pala kayo." Komento ko at saka tuluyan nang natawa.

"Hindi ako nagbibiro. Nagsasabi ako ng totoo! Nga pala, ano ang pangalan mo?"

"Keifer po. Keifer Guillermo."

"Pino-po mo na naman ako." Natatawa niyang sambit.

"Sorry. Hindi ko lang talaga maiwasang gumalang." Sabi ko. "Kayo po? Anong pangalan niyo?" Sa wakas, malalaman ko na rin ang pangalan niya.

"Damian Damaso. Kuya DD for short." Sabi niya sa akin.

"Mas gusto ko kayong tawagin na kuya Damian kaysa kuya DD." Komento ko sa sabi niya.

"Gano'n ba? Cute naman ang kuya DD, hindi ba? Pangit bang pakinggan?" Nakanguso niyang saad.

Ang cute naman ng isang 'to. Akala mo ay Gen-Z kung nakipag-usap sa akin.

"Mag prefer ko lang po ang Kuya Damian. Mas pormal po kasi iyon." Paliwanag ko sa kaniya. Tumango-tango siya sa akin at saka nag-iwas nang tingin. Doon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na tingnan ang kabuoan niya. Ang laki kasi ng biceps niya at ang lapad ng dibdib. Siguro ay naggi-gym siya noon.

"May asawa na po kayo?" Tanong ko na agad ko rin namang pinagsisihan. Hindi ako nag-iisip sa parte na 'yon. Bakit naman out of the blue magtatanong ako ng gano'n sa kaniya? Bigla tuloy akong nahiya.

Umiwas siya sa akin nang tingin at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nawala ang saya na kanina ko pa nakikita.

"Nasa probinsiya kasama ng isa naming anak. May sakit kasi ang anak ko kaya nakipagsapalaran ako rito sa Maynila. Mas malaki kasi ang pasahod dito kaysa sa probinsiya kaya nagsakripisiyo muna ako para sa gamutan ng anak ko." Paliwanag niya.

May kurot sa puso ko nang marinig 'yon. Hindi ko maiwasang malungkot sa sitwasiyon niya at sa ideyang meron na siyang sariling pamilya. Balak ko sanang pasukin ang buhay niya pero hindi naman ako tanga para manira ng relasiyon ng iba. Malas ko naman at may asawa't anak na iyong nagustuhan ko. Heartbreak agad.

Napagitla ako nang marahas na bumukas ang pinto ng guard house na tila ba sinipa mula sa labas.

Napatayo agad ako mula sa pagkakaupo nang makita si tatay sa labas. May hawak siyang bote ng alak, mapula ang mga mata at gulong-gulo ang buhok.

Inihagis niya ang bote sa loob. Nagsitalsikan ang mga bubog nito at nang mga oras na 'yon ay bigla na lang nabuhay ang matinding takot sa puso ko.

"Sir, hindi po tama itong ginagawa niyo." Malumanay na sabi ni kuya Damian sa kaniya.

Hindi siya pinansin ni tatay. Tinabig lang siya nito at saka ako ang binalingan niya.

Hinawakan ni tatay ang damit ko sa dibdib at saka ako idinikit sa pader.

"Anong ginagawa mo rito, bakla?" Sabi niya sa akin. Amoy na amoy ko ang alak mula sa bibig niya.

Nangangatal ang labi ko at hindi ko alam ang dapat na sabihin dahil sa matinding takot.

"Nasaan ang nanay mo?" Sigaw niya pa sa akin at dahil doon ay tuluyan nang bumagsak ang luha mula sa aking mga mata.

Nakakahiya na sa unang pagkakataon na nagkausap kami ni kuya Damian ay nasaksihan niya na agad ang ganitong klase ng senario sa buhay ko. Nakita niya pa kung paano ako itrato at tawagin ni tatay kaya sobra-sobra ang panliliit ko sa sarili. Ang tao na akala ko'y magpoprotekta sa amin ni nanay ay siya palang tao na mananakit at sisira sa saya na meron kami.

Continue Reading

You'll Also Like

Liwanag Sa Dilim By Jeremy

Mystery / Thriller

7.5K 245 4
Paano kung ang inaakala mong ikagaganda ng buhay mo ay siyang pagsisisihan mo rin sa huli? Susugal ka pa ba? All rights reserved. 2022 ©️
7.7M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...