Enthralling Sunrise (Tangway...

By 6EOR6ETTE

2.7K 195 4

Matthieu, That one sunrise will forever be etched in my memory because that was when it all started. I will... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Epilogo
Acknowledgements
Beat You There
Social Media Accounts

Kabanata 35

36 4 0
By 6EOR6ETTE

Penthouse


"Z? X? Bar tayo?" untag ni Y habang kumakain sila ng dinner na pina-deliver nila sa penthouse na binili ni Nana at Papá para sa kanya. Sa parehong building pa rin ito ng condo niya at ng condo ni Grey.

Nung malaman ng abuelo at abuela niya na hindi naman siya madalas umuwi sa condo niya dahil madalas siyang mag-stay sa condo ni X ay 'di nagdalawang-isip ang mga ito na bilhin ang penthouse sa top floor nitong 31st Avenue Tower.

Sa loob ng kanyang penthouse ay may apat na kwarto. Ang master's bedroom na inookupa niya, at ang dalawang bedrooms na inookupa naman nina X at Y ay naka-locate sa upper floor, habang ang isa namang kwarto na located sa lower floor ang magsisilbi nilang guest room.

She couldn't help but be amazed by the immense size of her luxurious penthouse, with its spacious living room, expansive kitchen, grand dining table, and the added bonus of a small indoor pool.

The feeling was so surreal that she couldn’t help but think she was in the middle of a dream.

"After dinner?" asked X.

Tumango si Y. "I-celebrate natin ang bagong penthouse ni Z!" masiglang sabi nito saka kinalansing ang hawak na kubyertos.

Kaya gan'on nga ang ginawa nila. After dinner ay dumiretso sila sa Above Rooftop kung saan sila unang nagkakilala na tatlo.

It feels nostalgic being here.

Lalo na ngayong ni-rehire ni Zyen si Zeke para bantayan siya ulit.

Palihim niyang inirapan ito na nakapwesto isang table lang mula sa kanila.

Wala naman itong naging reaksyon. Very in character pa rin talaga ang mokong, pero sigurado siyang nakita nito ang pag-irap na ginawa niya.

Inilapag ng waiter ang in-order niyang virgin frozen margarita, because apparently, hindi pa rin siya pwedeng uminom ng any alcoholic beverages dahil nagte-take pa rin siya ng antidepressants.

Habang ang dalawa naman niyang kaibigan ay dalawang bote ng absolute vodka ang in-order.

Sinalinan ni X ang tatlong shot glass sa table nila, saka ito tumayo at umupo sa tabi niya. "You know what, Z? You look really good with that fitted red dress."

She wore a rose red sling pleated bodycon dress paired with black pumps, and her long, wavy hair was in a messy topknot. And X wore a metal chain halter mini black dress that she paired with white kitten heels. Her long, straight hair was in a perky pony. While Y wore a white mesh ruched midi dress that she paired with red ankle strap sandals, her short hair was in a shaggy ponytail.

"Oo nga! Bagay sa 'yo 'yang fit na fit na dress!" Y agreed and then handed her the shot glass. "Tapos may vodka! Inuman na!" masiglang sabi nito at pinag-umpog ang kanilang mga baso.

Nailing na lang niyang inilapag sa table ang shot glass na iniabot ni Y pagkatapos nilang mag-cheers, saka niya kinuha ang mocktail na kanyang in-order.

"Inilalabas mo na naman 'yang cleavage mo para makahatak ka ng maraming followers," pansin ni Y kay X na ibinababa ng very slight ang neckline ng suot na dress bago nag-take ng selfie nito.

Sa kanilang tatlo ay si X talaga ang mahilig mag-post sa social media. Kaya kahit 'di niya sabihan sina Grey ay nalalaman ng mga ito kung nasaan sila. Kada kibot ni X ay nasa FB, IG, TikTok, at Twitter. Nakapublic pa lahat, akala mo talaga ay artista, eh. Well, she has 500K followers on Tiktok. Hindi niya rin alam kung bakit ang daming nagpa-follow, eh. Siguro bukod sa sobrang ganda at sobrang sexy nito ay isa itong Ferrer.

"Kapag inggit, pikit," maarteng sagot naman ni X at patuloy lang sa pagse-selfie.

"Hindi ko kasi dinidibdib 'yung mga problema ko kaya hindi lumaki ang boobs ko."

"Hindi mo dinidibdib kasi wala ka ngang dibdib. 'Yun na 'yun. 'Wag ka nang magpaliwanag," sabat naman niya.

Kumuha si Y ng ilang piraso ng nuts at isa-isa itong binato sa kanya.

"Aray! Oh, eh 'di na-real-talk ka!" natatawang sigaw niya habang umiilag.

"Anong real-talk? Trash-talk 'yun eh! Gaga!" sigaw rin ni Y sa kanya.

Umilag ulit siya nung binato siya nito ng nuts. Tumigil lang sila nang magsalita si X sa tabi niya.

"Wait... is that... Jath?"

Sabay nilang nilingon ni Y ang tinitignan ni X. Malayo sa lamesa nila ay naroon si Math habang may inaalalayan na babae.

It was Caya.

"Z?" nilingon siya ni X. "Ask Jath first before you conclude - "

"I know her," putol niya sa sasabihin nito. "She's our friend from high school," nakangiti na siya nung balingan si X. "I'll go check on her. She seemed so drunk," paalam niya sa dalawa.

Nag-excuse siya sa mga kaibigan at nagmamadali niyang sinundan sina Math at Caya. Ang direksyong tinatahak ng dalawa ay papunta sa elevator. Halos tumakbo na siya pero hindi niya pa rin inabutan ang dalawa, dahil pagliko niya sa hallway kung nasaan ang elevator ay wala na ang mga ito.

'Di bale, alam naman niyang sa parking ang tungo nina Math.

Lumitaw si Zeke sa tabi niya at pinindot ang button na may arrow pababa. "Stop running like that."

Nung bumukas ang elevator ay sabay silang pumasok ni Zeke. Hindi niya ito kinailangang sabihan, kusa nitong pinindot ang P button.

See? Kahit ang kanyang bodyguard ay alam kung saan ang tungo nina Math.

"Stop complaining when you were the one who begged my brother to rehire you," sagot niya na sinundan pa niya nang pag-ismid.

Gulat siyang nilingon ni Zeke.

"What? You think I had no idea, huh?"

Gusto niyang matawa sa reaksyon ni Zeke. Ang tingin niya tuloy rito sa mga sandaling ito ay isang artista sa isang palabas na nawala sa script. Hindi na ito mukhang nakakatakot na bodyguard ngayon.

"Sa mga Ferrer ka dapat lumapit, Zeke. Hindi sa mga Sarinaña."

"Do not tell her," sagot nito saka tumayo ng tuwid. Seryoso na ulit. Balik na ito ulit sa karakter nito.

"As long as you don't tell everyone that I'm sleeping with Math," she said, referring to her family. "It's a deal, okay?" she added and even winked at her bodyguard.

"And you think they don't know?"

"Huh?"

"Why do you think they appointed him as a cluster general manager?"

Ha? Ano raw?

Bumukas ang elevator. Humakbang siya palabas. Gusto niya sanang tanungin si Zeke kung ano ang ibig sabihin nito sa huling sinabi pero narinig niya ang boses ni Caya.

Hindi na siya nakagalaw. Pakiramdam pa nga niya ay natulos siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa nagsusumamong tinig nito.

"You're drunk. Ihahatid na kita sa condo ng kuya mo," boses na iyon ni Math.

"Ayoko! Sagutin mo muna ang tanong ko!" lumakas ang boses ni Caya.

May narinig rin siyang sunud-sunod na tunog, sigurado siyang mga palad iyon ni Caya na inihahampas nito sa dibdib ni Math.

"Alam mo na ang sagot d'yan," sagot ni Math. Sa boses nito ay para bang 'di ito natitinag sa mga hampas ni Caya.

"Alam m-mong mahal na m-mahal kita, 'di b-ba?"

Napapikit siya. Hindi niya na yata kaya pang marinig ang pait at sakit mula sa boses ng babaeng itinuturing niya na ring parang isang kapatid.

Kaya naman pumihit siya paharap sa elevator at pinindot niya agad ang button para magbukas iyon. Nung bumukas iyon ay nagmamadali siyang humakbang papasok sa loob n'un. Ganoon rin si Zeke. Pinindot nito ang floor para makabalik sila sa Above.

Sumandal siya sa isang sulok ng elevator. Pakiramdam niya ay nanghihina siya. Pakiramdam niya ay biglang nanlambot ang mga tuhod niya.

Ngayon alam na niya kung bakit galit si Caya sa kanya. Kung bakit hindi ito masaya na makita siyang muli.

Dahil pala iyon kay Math.

Dahil may nararamdaman ito para kay Math.

Bakit hindi niya iyon naisip?

Ayaw niyang saktan si Caya. Ayaw niyang maging dahilan kung bakit umiiyak ito. Mahal niya ito. Mas pipiliin niyang sarili na lang niya ang masaktan kaysa ito.

Kaya naman buo na ang desisyon niya.

Iiwan niya si Math.

Lalayuan na niya ito...

Para sa ikasisiya ni Caya.

Nagulat sina X at Y nung makita siyang bumababa ng hagdan. Napaso pa si Y sa iniinom nitong kape. Si X naman ay natigil sa ere ang pancake na isusubo na sana nito.

Bakit gulat na gulat ang mga ito? Hindi na ba siya pwedeng umuwi sa sarili niyang penthouse?

Tinignan niya pareho ng masama ang dalawa.

"You slept... here?" di-makapaniwalang tanong ni X paglapit niya sa kitchen counter.

Tinanguan niya lang ito. Gusto niya sanang sagutin ito ng pabalang kaya lang ay wala siya sa mood.

Kumuha muna siya sa cupboard ng mug, plato at mga kubyertos, saka siya umupo na sa stool. Kaharap niya ang dalawa dahil nasa kabilang side ng counter ang mga ito at doon nakatayo habang nagbe-breakfast.

Kumuha siya ng pancake, nilagyan niya iyon ng unsalted butter, asukal, at ang huli nga'y ang evaporated milk. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagngiwi ni X sa style ng pag-kain nila ng pancake. Hindi pa rin talaga ito nasasanay sa ganito nila ni Y. Palibhasa ay pancake syrup lang ang alam nito, eh.

"Bakit? Nagtalo ba kayo?" tanong naman ni Y, syempre ay si Math ang tinutukoy.

"Hindi," sagot niya habang nagsasalin ng kape sa mug.

Mabilis na kinuha ni Y ang cellphone nito at nag-umpisang tumipa roon. Alam niya na kung bakit, para syempre'y i-message si Math.

Nagdududa na talaga siya kung kakampi niya ba ito o ano.

Pero, sabagay... una naman nitong nakilala si Math, kaya paniguradong sa lalaki pa rin ang loyalty nito.

Tamad niyang nginuya ang pancake na isinubo niya. Pangatlong pancake niya na iyon.

Nakatayo si Math sa tabi niya habang nasa kabilang side pa rin ng counter ang dalawa, kaharap nila.

Pinapanuod lang siya ng tatlo. Ni hindi pa siya nakakatapos sa pag-aalmusal ay nandito na kaagad si Math? Hindi ba ito natutulog?

"Sabi niyo'y wala siya rito, ha?" tanong ni Math sa dalawang traydor sa harap niya.

Yes. Kahit alam niyang kay Math ang loyalty ng mga ito ay traydor pa rin ang mga ito sa paningin niya.

"Hindi talaga namin alam, pre!" sagot ni Y.

"I swear!"

"Pramis!"

Sabay na sagot ng dalawa na akala mo'y mga batang pinapagalitan ng tatay, eh.

Bumaling sa kanya si Math. "I went to your old condo, Zya. I was worried."

She looked at him lazily. "I texted you. I told you, I'm fine."

Math sighed. "Okay." he said, then continued, "You wanna stay here? Then stay here on weekends, para makasama mo sila," he said, referring to X and Y, of course. "Nagsasawa ka na ba sa 'kin dahil palagi mo 'kong nakikita? Eh, 'di sa weekdays ka na lang sa condo ko, or kahit sa weekends ka na lang doon. Kahit anong gusto mo, Zya... papayag ako," mahabang dagdag nito.

"Kahit anong gusto ko, Math? Papayag ka?" sarkastikong tanong niya.

Nakita niya kung paano itong napalunok sa tanong niya. Nakita niya rin ang saglit na pagdaan ng takot sa mga mata nitong bahagyang lumamlam.

Gusto niya itong yakapin, pero pinigilan niya ang sarili.

Ayaw niya itong saktan, pero ayaw niya ring saktan si Caya.

Umiwas siya ng tingin. "Ayoko na, Math," sabi niya at tumayo na sa stool at tinalikuran na ang mga ito para bumalik na sa kanyang kwarto sa itaas.

"Hindi ko ibabalik ang mga gamit mo, okay? Kahit kung kailan mo na lang gustong umuwi sa condo ko. You know the passcode," habol ni Math sa kanya.

Bumuntong-hininga muna siya bago niya ulit ito hinarap. Nasa may unang baitang na siya ng hagdan. "Please, Math... ayoko na talaga. I'm sorry," pagkasabi niya n'un ay tuluyan na siyang pumanhik.

I'm doing you a favor, Math.



Darating ang panahon na pasasalamatan siya nito sa ginawa niyang ito.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 286K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
1.4M 34K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
2.9M 83.1K 25
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
375K 20.3K 59
"What do you want Xavier?" I said getting irritated. "For you to give me a chance to explain myself." "There's no need to explain anything to me, we...