Kabanata 13

42 4 0
                                    

2013



"Totoo ba? Weh? Ulul! Ibababa ko na 'to! Ba-bye!" paalam ni Sasha sa kausap nito sa cellphone nito, saka siya binalingan. "Mauuna na kami ni Zeus, ha?" paalam nito sa kanya.


It was already eight in the evening, at naka-duty pa siya ngayon dito sa Uncle John's, isang convenience store chain sa tabi ng San Sebastian College kung saan nag-aaral sina Mathy.

2 p.m. to 10 p.m. kasi ang shift niya for this week, and every week ang shifting nila dito sa store.

Dito madalas naglalagi ang tatlo, lalo na kapag break time ng mga ito. Kaya kahit hindi na siya nag-aaral ay madalas pa rin silang magkita-kita.

Pero dahil nga alas-diyes pa ang out niya ay hindi na siya mahihintay nina Sasha at Pearse, at kailangan nang umuwi ng dalawa.

Si Mathy nama'y magpapa-iwan para sabay na raw sila at maihatid siya nito sa bahay pagkatapos ng kanyang trabaho. Kahit sinabi niya naman dito na kaya na niyang umuwi ng mag-isa ay ayaw nitong pumayag. Kaya nga raw motor ang ni-request nitong gift kina Mama at Papa nung graduation nila ay para hindi na raw sila mag-commute. Kapag 6 a.m. to 2 p.m. naman ang shift niya ay gumigising ito ng mas maaga, kahit na alas-otso pa ang unang klase nito para lang ihatid siya rito sa store, saka ito tatambay na lang sa store at maghihintay para sa unang subject nito.

"Sorry, li'l sis. Alam mo naman, 'di ba? I need to sleep early. Beauty rest ba," Sasha explained and flipped her hair dramatically.

"Baka rest lang? Walang beauty," pang-aasar naman ni Mathy.

"Could you please stop talking?" Sasha raised her eyebrows.

"Could you please stop breathing," Mathy grinned.

"Could you please stop... existing," ayaw magpatalo na sagot ni Sasha.

Pearse chuckled.

"Ay! Nandito ka pala? Anong oras ka dumating?" biro naman ni Sasha rito. Kanina pa kasi itong tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Sasha.

Pearse shook his head and then stood up. "Let's go? Baka isipin ng tatay mo ay itinanan na kita."

"Wow! When 'yan? Nang makapag-empake ako ng mas maaga," natatawang turan ng willing victim niyang matalik na kaibigan.


Umiling lang ulit si Pearse at saka nagpaalam na sa kanila ni Mathy. Pinanuod niya naman ito hanggang sa makalabas ng store kung saan nakaparada ang motor nito.

Ano kaya ang problema nito?

"Anong problema ni Zeus, Mathy?" baling ni Sasha rito.

Pareho pala sila ng nasa isip. Para na talaga silang mga saging na naka-pajama ni Sasha.

Kibit-balikat lang ang naging sagot ni Mathy.

"Wala ka talagang kwentang kaibigan, 'no?" akusa ni Sasha.

"Wala ka talagang kwentang stalker, 'no?" turan naman ni Mathy.

"Mukha ba akong stalker sa 'yo, ha?" taas ang kilay na tanong nito.

"Oo, kaya nga sinabi ko, 'di ba?" he tilted his head.

"Itong ganda kong 'to?" she gasped.

"Saan?" nakangising tugon ni Mathy.

Ngumisi rin si Sasha. "Alam mo kung sino ang stalker?"


Unti-unting nabura ang ngisi ni Mathy dahil sa sinabi na 'yun ni Sasha, at naging matalim ang tingin nito sa huli na para bang...


Nagbabanta.

Bakit may pagbabanta? May hindi ba siya alam?

Her gaze shifted to Sasha when she heard her chuckle.


Nagbibiruan lang ba sila?

Tanong niya sa sarili.


"Aalis na talaga ako at baka iwan na ako ni Zeus."


Napansin niya ang pagpapakawala ni Mathy ng isang buntong-hininga, na parang doon palang ito na-relax sa sinabi ni Sasha.


Enthralling Sunrise (Tangway Series #1) [Editing]Where stories live. Discover now