Kabanata 10

54 4 0
                                    

2012



This was all just a dream...


A really...

Really...

Bad dream.


"Amara?" sambit ng nanay ni Quisha pag-upo nito sa gilid ng kanyang higaan. "Kanina pa sa ibaba ang nobyo mo, bababain mo ba o papapanikin ko na lang siya rito?" malumanay na tanong nito sa kanya.

Hindi siya sumagot. Umupo siya sa papag na hinihigaan niya, saka matamang pinagmasdan ang kanyang ina. Sa loob lamang ng dalawang linggo ay ang laki na kaagad nang inihulog ng katawan nito.

"Sasabihin ko kay Mathy na nagbibihis ka na, ha?" sabi nito nang may ngiti sa mga labi.

Nangilid ang mga luha niya. "P-paano mo nagagawang ngumiti, Nay?"

Kitang-kita niya ang gulat sa magandang mukha nito dahil sa kanyang tanong.

Alam naman niyang pilit lang ang mga ngiti na 'yun, dahil bakas na bakas sa mga mata nito ang lumbay. Pero gusto niya pa ring malaman kung paano...

Paano nito nagagawang magkunwari?

Paanong patuloy na umiinog ang mundo nito samantalang ang sa kanya ay huminto na dalawang linggo na ang nakalilipas?

Hindi niya kaya. Hindi niya kayang lokohin ang sarili niya.

"Dahil meron pang ikaw, Amara..." sagot nito, saka malungkot na ngumiti.

Sa sinabi ay parang ulan na sunud-sunod nang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.


"Amara?"

Nagmamadali siyang pumanaog nang marinig ang tawag ng ama mula sa ibaba ng kanilang bahay. "Wow! Tay! Lechon manok? Ano pong meron?" tanong niya paglapit sa kanilang mesa. Bahagya pa siyang yumuko para langhapin ang nakakatakam na amoy ng ulam na uwi ng kanyang mga magulang.

"Malapit ka na kasing magtapos kaya bumili kami ng nanay mo," sagot ng tatay niya habang inililipat na sa mangkok ang sauce na para sa lechon.

Umupo siya sa monobloc chair. "Enero pa lang po, eh. Paano pala kung hindi ako makapasa, Nay?" natatawang biro niya sa ina.

Umupo na rin ang kanyang ina sa tabi ng kanyang ama nang matapos sila nitong mapaghainan. "Sigurado naman kami ng tatay mo na makakapasa ka dahil palagi kang nakadikit kay Mathy."

"Naku, naku, naku..." parang kininkilig pa na sambit ng ama.

Lumabi siya. "Si Tatay..."


Pabirong siniko ng nanay niya ang kanyang tatay na ikinatawa naman niya.



Moreno ang kanyang ama. Kabaligtaran ng kulay ng balat nila ng kanyang ina. Pero para sa kanya ay bagay na bagay ang mga magulang niya kahit pa sobrang opposite ang dalawa. Matangkad ang kanyang ama, samantalang sakto lang ang taas ng kanyang ina. Alun-alon ang buhok ng kanyang ina, samantalang tuwid naman ang sa ama.

Palagi niyang ipinagdarasal noon na sana'y kagaya ng kanyang ama ang lalaking magugustuhan niya. Ito ang kanyang standard, kumbaga, ngunit kabaligtaran nito si Mathy.

Pero sabagay...

Hindi nga pala natuturuan ang puso. Ang importante nama'y masaya ka.


"Amara... gusto mo ba talaga si Mathy?" tanong ng kanyang ama.

She was a bit shocked with the sudden change of his father's tone. Madalas kasi talaga ay puro biro ang lumalabas sa bibig nito. Mabibilang niya lang yata sa kanyang mga daliri ang mga pagkakataon na nagseseryoso ito.

Kagaya na lang ngayon...

Napalunok siya. Hindi alam kung ano ang isasagot sa ama.

Pabiro ulit na siniko ng kanyang ina ang kanyang ama. "Ikaw talaga... para mo namang tinatakot ang anak mo sa tono ng boses mo."

Enthralling Sunrise (Tangway Series #1) [Editing]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant