Kabanata 36

39 4 0
                                    

Lyrisse







"Si Lyrisse yata 'yun," tukoy ni Y sa kasamang babae ni Math.


Pamilyar sa kanya ang pangalang binanggit ni Y. 'Di niya lang maalala kung saan niya narinig ang pangalan na 'yun.

Iyan na yata ang pang-apat na babaeng nakita niya na ka-date ni Math simula nung sinabi niya rito na ayaw na niya.

Ang tatlong nakita pa niyang kasama nito ay pulos model. Itong kasama nito ngayon ay parang modelo rin. Matangkad ang babae, makurba ang katawan, maputi at mukhang makinis ang balat, ang tuwid at itim na buhok naman nito ay hinayaan lang nitong nakalugay.

"Ang alam ko ay kilala na ni Jath 'yang si Lyrisse since college. Sa isang hotel din sila nag-OJT tapos naging mag-jowa," patuloy ni Y.

Kaya pala mukhang close na close ang babae at si Math. Matagal na pala ang dalawang magkakilala.

"So you met her before?" tanong ni X kay Y na ikinalingon niya.

Umiling si Y. "Narinig ko lang kina Lor, saka pinakita nila sa 'kin 'yung Facebook account ni Lyrisse. Sa Finance daw 'yan ng Saraia. Magaling at matalino rin daw. Kaya nung nag-resign 'yung assistant finance director ng Aitana ba 'yun?" binalingan siya ni Y. "Iyong property n'yo sa Cebu, Z? Aitana Hotel?"

Tumango siya.

"Ayun nga, kay Lyrisse raw in-offer 'yung posisyon na tinanggap naman daw kaagad, kaya naghiwalay daw sila ni Jath. Ayaw raw ni Jath ng LDR," tumatawa pang dagdag ni Y.

Sumulyap ulit siya sa lamesa kung saan naroon ang dalawa.

At ngayong si Math na ang GM ng Saraia ay babalik na ba ang babae rito?

Ibabalik na ba ito ni Math sa Saraia?

Hindi niya alam kung bakante ba ang posisyon ng finance director ng Saraia. Hindi na niya alam kung ano na ang mga bagong kaganapan sa Acuerdo. Tanungin kaya niya si Grey bukas?

She watched Math and Lyrisse. The latter said something to Math that made him laugh so hard.

Parang ibang Math ang nakikita niya ngayong kasama nito si Lyrisse, para bang komportableng-komportable ito. Sobrang kabaligtaran kapag siya ang kasama nito, para bang palagi itong di-mapakali, na para bang anumang oras ay may gagawin siyang 'di kaaya-aya.

At ngayong kausap nito si Lyrisse ay mukhang...

Mas masaya ito.

Lumingon si Math sa cabanang inookupa nila na para bang naramdaman nito na pinagmamasdan niya ang mga ito.

Hindi siya nagbawi ng tingin, kaya nagtagpo ang mga mata nila. Ilang saglit silang nagtitigan habang ang kaharap naman nito'y patuloy sa pagsasalita.

Siya ang unang nagbawi ng tingin. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.

Siya naman ang may gusto nito, pero bakit parang napakahirap sa kanya na makita si Math na may ibang kasama?

Isang oras siguro ang lumipas nang makita niyang sumenyas si Math para sa bill.

Nang makapagbayad si Math ay tumayo ito, saka iniabot ang isang kamay ng kasama para alalayan itong makatayo.

Hah?!

Bakit sa kanya ay never yata nitong ginawa ang ganyan?

Naglakad na ang dalawa palabas ng bar, habang nakapulupot ang braso ng babae sa braso ni Math.

Naningkit ang mga mata niya.

At sa'n nito dadalin ang kasama pagkatapos nito?

Sa condo nito dahil hindi na siya umuuwi ro'n?

Enthralling Sunrise (Tangway Series #1) [Editing]Место, где живут истории. Откройте их для себя