SWEETEST GOODBYE

By Azhblack

9.3K 289 369

[FORSAKEN SERIES #2] Status: On Going Maureen feel in love with his longtime boy best friend. She was about t... More

WARNING
SWEETEST GOODBYE
SYNOPSIS
SIMULA
KBNT 1
KBNT 2
KBNT 3
KBNT 4
KBNT 5
KBNT 6
KBNT 7
KBNT 8
KBNT 9
KBNT 10
KBNT 11
KBNT 12
KBNT 13
KBNT 14
KBNT 15
KBNT 16
KBNT 17
KBNT 18
KBNT 19
KBNT 20
KBNT 21
KBNT 22
KBNT 23
KBNT 25

KBNT 24

106 3 5
By Azhblack

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 24
MGA PAA MO

Aristotle and Akirah broke up one week before our Zambales trip. So Aristotle never cheated, we didn't cheated. But it still felt wrong, Aristotle is still in loved with Akirah.

"Anong iniisip mo?" lumapit sa akin si Ashlee.

It's been a week since I found out about Aristotle and Akirah's break-up. And guess what, iniiwasan na rin ako ni Aristotle.

He's been avoiding me for the last three days na. Nung nalaman ko naman ang break-up nilang dalawa naging okay ulit ako kay Aristotle. Pero ngayon hindi ko na alam.

"Hoy, Muareen!"

"Huh?"

"Anong iniisip mo!" sigaw ni Ashlee.

"Wala."

Wala naman kasi talaga akong iniisip. Sadyang nakatulala lang ako.

"Ano nga? Chismis mo na saken." niyugyog yugyog niya pa ako.

"Wala nga." tumayo ako, "Una na ako, may GE course pa akong papasukan." saad ko sa kaniya.

May dalawang oras pa talaga akong vacant, dahil alam kong di ako titigilan ni Ashlee hanggat hindi niya nalalaman ang laman ng isip ko.

Maghahanap nalang siguro ako ng vacant room para doon tumambay.

"May practice ang volleyball team sa gym ngayon diba?" narinig kong saad ng nasa likod ko na studyante.

"Oo, kanina pa nagp-practice ang mga 'yon. Di daw maayos laro nila, lalo na yung captain." sagot nung kasama niya.

"Eh kasi nga diba kagagaling lang sa break-up nung captain nila."

"Yun nga eh, kung kelan naman kasi malapit na ang season saka naman nakipag break yung Akirah." saad na ng isa nilang kasama.

"Pero diba seventeen palang yung Akirah?"

"We??"

"Akala ko eighteen na 'yon."

"Ang alam ko mage-eighteen palang siya. Kaya din siguro nagbreak muna?"

"Tangeks hindi dahil sa age, pero alam ko nageighteen na siya, recently lang. Third party ata." naagaw non ang attention ko. Anong third party?

"We? Sinong may kabit? Yung Akirah or si Aristotle? Pero hindi pwedeng si Aristotle 'yon eh! Kilala ko 'yon, green pa sa green flag si Aristotle!" pagtatanggol nung isa kay Aristotle.

"Bias ka lang porket crush mo 'yon. Hindi ko alam kung third party talaga pero ganon kasi ang usapin."

I suddenly remembered my dream. What if... No! It can't be! Nagbreak si Aristotle at Akirah bago mangyari 'yon! At ako lang ang nakakaalam sa nangyari na 'yon!

Dali-dali akong pumunta sa gym para kausapin si Aristotle. Pero bakit si Aristotle ang kakausapin ko? Wala namang lumalabas na issue na ako ang third party.

Malapit na ako sa gym pero hindi na ako tumuloy, bumalik nalang ako sa paghanap ng empty classroom. Wala naman akong kailangan linisin na pangalan ko. Bahala na. At isa pa alam kong hindi rin naman ako kakausapin ni Aristotle.

"Maureen!" papasok na dapat ako sa empty room na nakita ko ng marinig ko ang boses ni Shaira na tinawag ako. Pero hindi ko siya pinansin, diretso parin ako sa empty room. "Hoy, apaka sungit mo naman!" sumunod siya papasok sa akin.

"Shai, please, busy ako ngayon. Hindi ko pa tapos yung mga plates ko." naka simangot na pagdadahilan ko.

"Ulol! Kung gagawa ka ng plates hindi dito sa room ng mga marketing students." sigaw niya.

"Stop. Magr-review ako."

"Tss, di ka lang pinapansin ni Aristotle nag susungit ka na sa amin." aniya't umupo sa tabi ko.

"Wala akong pake kay Tute, Shai."

"Yeah, yeah and pigs are blue." naka-ngising aniya. "Nakita kitang papunta sa gym kanina." nakangising aniya.

"Hindi ba naligaw lang ng way kasi lutang ako kaya don ako papunta?" pagdadahilan ko.

"Sige, kwento mo ya eh." nakangisi parin siya. "Naghiwalay na sila ni Akirah diba?" Shaira asked from nowhere.

Literal na out from nowhere ang pagtatanong niya! Tumingin ako sa kaniya, umakto akong gulat sa sinabi niya kahit last week ko pa naman na alam na break na ang dalawa.

"Huwag ka ngang fake news, Shaira." umirap ako na kunwari wala akong alam.

"Woshoo, hindi ako fake news, Maureen. Kaya nga hindi ka pinapansin ni Aristotle dahil ikaw dahilan ng break up nila." ngumisi pa ito sa akin!

"What the hell!?" hindi ko napigilan ang boses ko!

Bakita ako? Anong kinalaman ko? Oo may alam akong mali ko pero ako lang nakakaalam non! Saka break na sila ni Tute nung may nangyari sa amin!

"Bakit ako?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Dunno. Yung lang chismis, pero hindi naman kasi nabanggit sa amin ni Akirah na ikaw ang reason. At wala rin naman sinabing third wheel talaga ang reason of break up. Wala siyang sinabi basta sabi niya they end their relationship well." aniya't naka kumbaba "Pero ang chismis ay third wheel at ikaw ang kabit ni Aristotle."

"Naniniwala ba kayo sa chismis na 'yon?" bulalas ko nalang.

"Hmm?" she looked at me, seriously "I don't know?" sagot niya.

"Eh?"

"Fifty-fifty chance. But I know that you won't be a kerida naman. Kaya siguro hindi?" halata sa boses niya na hindi siya sigurado.

"Pano kung somehow naging kabit ako?" bulalas ko.

"Then it's you're problem."

"Won't you be mad at me? I hurt your friend, I know how much you love Akirah as a friend, Shaira." seryosong saad ko.

"Hmm? If you're really the kerida hindi na kita kakausapin ngayon. You know I know all of the gossip here, Maureen. And I won't be mad at you. You're also my friend, Maureen." she seriously said.

"Pero..."

"Ano?"

"Never mind..."

MATAPOS namin mag-usap ni Shaira kanina nagstart na ako sa pagtext kay Tute. I need to talk to him, I need his help to clean my name, pero tulad ng mga nakaraang araw hindi siya nagrereply.

My next move is to wait for him after their practice.

Pagkatapos na pagkatapos ng pasok ko agad akong pumunta sa gym. Hoping na andoon pa si Tute. And he was there, theirs still playing pero narinig ko sa last round na 'yon para makapagpahinga na daw sila. If I'm not mistaken kasi ang start ng season ay next week na.

Watching Aristotle play, I see na wala siya sa sarili niya. But somehow he's still good, yun lang medyo sumasablay. Andoon ako hanggang matapos ang game nila. Hanggang sa matapos siyang mag-ayos. Nang makita ko siyang lumabas sa dressing room nila agad akong naglakad palapit sa kaniya.

"Tute!" sigaw ko sa pangalan niya kasi ang bilis niyang maglakad, mukhang di ko siya maaabutan.

Mabuti nalang talaga at huminto siya, pero kahit na malayo ako sa kaniya nakita ko kung paano siya huminga ng malalim. Mukhang ayaw niya talaga akong kausapin. This will hurt my ego pero I have to clean my name.

"Let's go home together!" kunwaring masayang ani ko nang makalapit ako sa kaniya.

"Why?" malamig na pakikitungo niya.

"So we can catch up." ngumiti ako.

"Nah, I have something to do." malamig na saad niya.

"Umuwi muna tayo bago yung gagawin mo. Para makapag-usap tayo." tinatago ko ang nagbabadyang pagnginig ng boses ko.

"Wala ka bang paa?"

"Ha?"

"Nasa akin ba ang mga paa mo?"

"Ano bang sinasabi mo, Tute? I have my own feet."

"Go on then." aniya't tinalikuran ako.

"Ano ba?"

"Go home by yourself, Maureen. Malaki ka na." 

Para akong niyakap ng malamig na simoy ng hangin dahil sa sinabi niya na iyon.

"W-what?"

"Go home, Maureen." matigas na aniya't iniwan ako.

UMUWI akong lutang. Hindi yun ang kilala kong Tute! Oo may problema siya pero hinding hindi ako gaganunin ni Tute!

"Hoy, Maureen." si Ashlee 'yon. "Alam kong hindi totoo ang chismis sa univ, pero bakit ikaw kaya ang kumakalat na kabit ni Aristotle--"

"Stop, Ashlee. Sawang-sawa na ako, kanina ko pa naririnig ang chismis na 'yan. And I also don't know kung bakit ako ang kumakalat, I tried talking to Tute kanina pero ayaw niya akong kausapin." nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Maybe he's avoiding talking to you because of those chismis. Para hindi na rin siguro lumaki ang chismis na ikaw yung third party." she tried to convinced me.

"No, he just don't want to talk to me. That's it. Kasi kung gusto niyang hindi lumaki ang chismis sana kinausap niya ako. I want to clear my name, Ashlee. Pero ayaw niya akong kausapin." paninindigan ko.

Totoo naman kasi, kung gusto niya talagang hindi lumaki ang chismis id-deny niya agad 'yon. Pero wala siyang ginagawa, he was just avoiding me.

DUMAAN ang mga araw, nagstart na ang season play offs at nagumpisa na rin ang midterm examinations namin. Hindi na rin ako nagpadala sa mga chismis na naririnig ko. Wala na akong pakialam sa kanila. Basta ako malinis ako dahil noong panahon na may nangyari sa amin ni Aristotle break na sila ni Akirah. Nalaman din nila mama ang issue na kumalat pero naka-usap naman ata nila si Tute kaya tumahimik nalang din sila.

Naging abala na rin ako sa mga activities, ang dami kasi namin mga hinahabol. Lalo na mga plates, pero hindi pa naman ganon kahirap ang mga plates na ginagawa namin. Kaya hindi rin ako nakakanood sa play offs. Pero balak ko paring makipag-usap kay Tute para matapos na ng lahat ng ito. Para alam ko rin kung wala na akong aasahan na pagkakaibigan sa kaniya.

Maybe after this exam, I will talk to him.

"Huy, narinig niyo ba chismis?" narinig kong saad nung isang babae na nasa gilid ko. 

Nasa quadrangle kasi ako ngayon nakatunganga lang dahil dalawang oras pa bago ang last kong exam for this day. Syempre ang chismosa na tulad ko makikinig.

"Ano na naman?" 

"Nagpropose daw ng relationship si Aristotle kanina sa gym ng kabilang univ." 

"Ha? Kelan lang nagbreak yun saka yung Akirah diba?"

"Oo beh! Pero ang cute nung girl."

"Schoolmate ba natin?" 

"Oo, ata? Di ako sure eh. Hindi masyadong kita yung mukha don sa nasent na picture sa akin." 

"Pero ang bilis naman ata na may bago na siya. Ede parang totoo lang yung chismis na may third party sa relationship nila ni Akirah?"

"I don't know? Pero diba nilinaw naman nung dalawa na walang third party? Hindi lang daw talaga sila nagwork?" 

Totoo 'yon. Nilinaw nila Tute at Akirah na walang third party na nangyari. Kaya medyo tumahimik ang buhay ko noon. Pero syempre may mga naniwala parin na third party. 

But, Aristotle? New girlfriend? Ganon ganon na ba talaga niya kinalimutan friendship namin para hindi magsabi? Oo, maybe I don't have the rights to be mad at him pero kasi..

I will be honest, I miss him... So damn much... Maybe I really should tell him my feelings? So he can really reject me and I finally find my peace. After this exam, I will really talk to him. Sa ayaw at gusto niya, kakausapin niya ako.

--------
AZHBLACK

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...