RANDOM STORIES

By KaleMidnight

41.4K 141 39

Let their stories unfold. More

Psychopath
Traitor
Tonight
Manipulator
Blind
Blind II
Blind Last Part
Criminal
Hunt
Threatened

Blind III

1.7K 10 0
By KaleMidnight




Kiel



Being blind wasn't easy. I had to adjust. Audrey had to adjust. Everytime I heard her peacefully sleeping beside me, I can't help but to feel guilty and hurt for my love. Alam kong pagod siya paguwi galing school at heto ako dumadagdag sa problema niya.








Hawak hawak ko ang kamay niya habang hawak ko ang tungkod ko sakabila. Siya ang nagtutulak ng pushcart habang patuloy lang siya sa pamimili.








"May gusto ka bang bilhin, love?" Malambing niyang tanong sakin. Niyapos ko siya sakin at umiling.









"Are you sure? Ice cream? Chocolates?" Kahit di ko nakikita alam kong nakangisi siya. I groaned. "Ice cream.." Alam niyang 'yon ang kahinaan ko. I heard her chuckle before kissing my cheek. Mas niyapos ko siya sakin at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.









"Kaso nasa malayong part na tayo, mahihirapan ka kung pupunta pa tayo ron." Ngumiti ako.







"Pero babalik nalang ako love-- iuuwi na muna kita, hindi rin kita kayang iwan kung saan or baka mapagod ka lang pag dinala kit--" I kissed her lips. Ang daldal talaga ng mahal ko.







"I can wait here, love. Sige na, kumuha ka na."









"Hindi kita kayang iwan--"






"Saglit lang naman 'yon. I can manage." I smiled to her. Kahit ayoko siyang paalisin, hindi pwede. Isa pa alam kong paborito niya rin ang ice cream, at kung sasama pa ako, mahihirapan lang siya dahil may akay siyang kagaya ko.









She sighed. "I'll be back. Wait lang love." I nodded. Tahimik lang akong naghihintay sakaniya. Ramdam ko ang bulto ng mga taong nagdaraanan sa paligid ko. Rinig ko ang bulungan nila.







"Sayang. Ang gwapo pa naman ni kuya tapos bulag pala."




"Oo nga e kawawa naman si ate girl kanina ang ganda pa naman tapos nagtitiis sa isang bulag"






"Ang laki laki ng katawan tapos ang gwapo pero bulag pala! Grabe totoo nga na hindi lahat ibibigay sayo ng Diyos!"




"Hottie pa naman ni kuya!"



A pain hit my chest. Hindi ko maiwasang masaktan sa mga naririnig ko. Alam ko namang nahihirapan na sakin si Audrey. Alam kong nahahati na saakin at sa pagaaral niya ang atensyon niya. Wala ng natitira para sa sarili niya dahil kinailangan niyang alagaan ako.






I patiently wait for her. Padami nang padami ang mga tao. May ilan na hindi ko alam kung sinasadya ba pero nababangga nila ako sa balikat. Rinig na rinig ko ang tawanan nila. Tangina.








Napapikit ako. Ayokong gumawa ng gulo. Ayokong mapasama ako sa mga mata ni Audrey pero putangina niyo. Babalikan ko kayong lahat.








"Hey! What are you doing?" Napabalikwas ako sa iniisip nang marinig ko ang boses niya. Narinig kong nagbulungan ang nasa paligid ko. Narinig ko ring may ibinaba sa pushcart si Audrey bago ako niyakap at inakay.









"Let's go na, they're are staring at you like a creep." Mahinang bulong niya. Naiinis.









Hindi na lang ako nagkumento pa. Hawak hawak ko ang bewang niya habang nasa counter kami. Patuloy ang rinig ko sa pagpupunch ng mga items na binili namin ng magsalita si Audrey.








"Are you tired na? Do you want to eat ba muna?" Mahinahong tanong niya. Gusto ko sanang kumain sa labas pero baka pagusapan siya ng mga tao. Bakit ang isang kagaya niya ay may inaalagaang bulag na kagaya ko. Umiling ako. "Sa bahay nalang natin." Rinig ko ang singhapan sa paligid. Hindi ko alam kung bakit.







****




Naglalakad na kami ni Drey. Hindi ko alam bakit maingay ang paligid na para bang may concert. "What's going on?"








"Hmm.. may gig pala sila pierre rito ngayon." Mahinang sambit niya. Bumigat ang pakiramdam ko lalo. Pierre is Audrey's first boyfriend.








"Do you want to stay so you can watch them?" I told her. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa labi. "No. Uwi na tayo love so you can rest." Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang ikumpara ang estado ko sa estado ni Pierre. Sikat na siya ngayon pati na rin sa School. Parehad sila ni Audrey.






Nanahimik nalang ako hanggang sa maramdaman kong parang nasa parkinglot na kami. I tried not to think about it. Ang sakit kasi.












Inunlock niya ang sasakyan at binuksan ang passenger seat para sakin. Papasok na sana ako ng makarinig ako ng tumatawag kay Audrey. "Audrey?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko. I know that voice.









"Pierre?"








"H-How are you?" Papalapit nang papalapit ang boses niya. Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Parang mapupunit. I couldn't helo but to picture both of them back in each others arms.









"I'm good naman. Uh, you have gig pa diba? why are you here?"






"N-Nakita kasi kita.."






"Hmm.. Pauwi na kami ng boyfriend ko."






"I heard what happened to him.."






"Yeah.."






"I-I want to talk to yo--"






"Pierre. Whatever it is, hindi na mahalaga okay? I'm happy--"







"Aud.. please."





"Talk to him." Natigil silang dalawa. Nakatalikod ako sakanila at nakaharap sa kotse dahil akma akong papasok na.








Humawak si Audrey sa braso ko. "Wala naman na kasi akong sasabihin." Mahinang sabi niya. I smile. Hinaplos ko ang kamay niya na nakahawak sakin.










"Saglit lang naman.. I-I.."








"Talk to him for me, my love. Hihintayin kita." Ngiti ko.









"Love.."






"Sige na."






"Hmm.. " She gave me a peck on the lips before letting me slide inside the passenger seat. Hindi niya 'yon sinara. "I won't close this para marinig mo yung mga paguusap namin, alright? I'll talk to him for a minute." Tumango nalang lamang ako at hinawakan ang kamay niya. "I love you."








"And, I love you too, Kiel."






Lumabas na ito. "Ano bang paguusapan natin?"






"Audrey.. a-are you not considering breaking up with him?"






"Huh? What are you talking about?"








"Audrey can't you see? magiging pabigat lang sayo yang boyfriend mo!"







"What the heck are you talking about?! Hindi pabigat si Kiel! He never became pabigat sakin! How dare you to talk about my boyfriend like that!" Ramdam na ramdam ko ang galit ni Audrey habang sinasabi 'yon. May mainit na humaplos sa puso ko. Tears are starting to make its way to release outside of my eyes.









"Audrey.. mahal pa rin kita.. ako nalang.. "







Walang naisagot si Audrey. Sumikip ang dibdib ko. "Audrey. I still love you okay? Hindi mo kailangang magtiis sa kagaya niya, nandito ako. Babe, look--" I heard a slap.








"Don't you fucking dare talk to my Kiel like that! Ang kapal kapal kapal ng mukhang pagsabihan siyang ganyan! Hindi ako nagtitiis sakaniya! Hindi siya pabigat! I love him so much! Hindi ko kailanman naramdaman na pabigat siya sakin!" Umiiyak na sigaw ni Audrey. Napaluha na rin ako.










Oh god.. my love.









"But audrey.."






Tumungo ako at lumabas ng sasakyan. "Drey.." Mahinang tawag ko. Kinakapa ang daan palapit sakanila. I heard her footsteps and hugged me. I smile before putting a kiss on her forehead.







"You're letting him call you, drey?" Puno ng hinanakit na sambit ni Pierre.









"Only Kiel can call me that." Ramdam kong lumingon siya kay Pierre.



"Do me a favor. Wala ng patutunguhan tong usapan na to. Stay away from Kiel and stay away from me!" Inakay niya ako mula papasok ng sasakyan at naramdaman kong isinara niya ang pintuan banda sakin bago sumakay sa driver's seat. Rinig na rinig ko ang hikbi niya.










"Please don't think about what he said.. hindi 'yun totoo, Kiel." Pinaharap niya ako sakaniya at hinalikan ang labi ko. "I love you so much, Kiel."





Tahimik lang ako buong byahe. Hawak ko ang isa niyang kamay at nakapatong yon sa hita ko. I am so lucky to have her. I am so inlove with her.








"Drey.."






"Hmm?"



"I'm sorry.."



"Don't.."



"Thank you.. Thank you for standing up for me."






"Hinding hindi ko sila hahayaan na ganunin ka sa harap ko."





****





"Drey? Love?"




"Yes?!"




"May tumatawag sa phone mo!"




"Oh! wait!"




Ramdam kong pumasok siya sa kwarto at kinuha ang phone niya. "Mommy mo, Kiel."





"Hello Tita?.. What?! Really po? Omg! Thanks God.. Yes. I'm with him po.. Yes yes. I'll tell him!.. Yes.. Goodbye po!" She was so happy while talking to my mom.







"Love.. Nakahanap na tayo ng donor!" Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.








"I'm so happy.. I'm so happy drey.."






"I am too, my love."





End of Part 3.


Continue Reading

You'll Also Like

314K 22.8K 27
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
140K 8K 53
This is a story about three brothers. The eldest brother is serving his life for his nation while the other two brothers are following their eldest b...
505K 11K 51
Two girls are exchanged at birth and are given to the wrong mothers and after 13 years the truth comes out Rosabella Rossi is different from her sist...
246K 37.7K 109
Maran and Maya, two independent individuals hate each other out of their family background but destiny has some other plans by bringing them together...