Please Let Me Confess!

By AO_Spring

439 20 0

"Kailangan kong mag-ingat sa lalaking 'to." Hindi pa rin nawawalan ng pag-asang umamin si Ayabi Ayano sa kani... More

Copyright
Attempt 1: Pagmamadali
Attempt 2: Pag-iingat
Attempt 3: Akala
Attempt 4: Kapatid
Attempt 5: Isyu
Attempt 6: Kakaiba
Attempt 7: Pangalawa
Attempt 9: Paghahanap
Attempt 10: Pagbabalik

Attempt 8: Katotohanan

25 1 0
By AO_Spring

Bakit ngayon pa siya nag-so-sorry?!

"Mauuna na pala 'ko. Bye." Biglang tumalikod si Kei kina Aya at Jin, handa nang tumakbo.

Subalit, hinawakan ni Aya ang balikat niya.
"Wait! Pa'no si Leira?!"

"Hm? ... Ay, absent siya. So, bye-bye, Ayabi!"

Tuluyan nang naglaho sa paningin nila si Kei. Pero, napakaligalig naman ng pamamaalam niya! Hindi na alam ni Aya kung dahil natuwa ba siyang mamagitan sa kanila ni Jin o sadyang gano'n lang talaga siya?

Hindi na niya mabasa 'tong Kei Kairaku na 'to. Maliban pa kasi ro'n, 'yung sorry niya is napaka-sincere! 'Yung conscience level ni Aya, aabot na hanggang Mount Everest! Sinasadya niya ba 'to?!

"Um... Aya?"

"A-ah! Yes, Jin?"

"Nag-text na pala nanay ko. Pinapauwi na agad ako. Bukas ko na lang ikukuwento sa'yo."

"Ah, sige, sige." Okay lang din naman kahit 'wag na. "Ingat ka."

Kumaway si Aya habang papalayo si Jin, ngunit wala siyang natanggap na sagot o kahit anong gestures pabalik. Well, ganiyan naman 'yan siya kapag bad trip---damay buong mundo.

Ilang taon na rin silang magkaibigan ni Saijin Shin. Kahit dapat ay sanay na siya, wala pa rin, eh. May kirot pa rin sa dibdib tuwing mararamdaman niyang side character lang siya na kayang iwan ng lalaking 'to anytime.

Kaya naman, natapos ang araw nang mas nabawasan ang motibasyon niya para umamin.

Kainis.

Kaurat.

Kabanas.

Patuloy na tinatapik ng isang babae ang lamesa, gamit ang ballpen, habang nakakunot ang noo kung kaya't nakatutok sa kaniya ang mga mata sa silid nila. Pero, hindi rin nagtagal, may humawak sa kamay niya na nagpahinto sa kaniya.

"Ate!" Napabalik ni Leira ang lutang na Aya sa reyalidad. "Anong ginagawa mo?"

"Uh... N-Nagprapraktis ng rhythm?"

"Ay. Akala ko, na-mi-miss mo na si Kuya."

Napahampas ng mesa si Aya, sabay tayo. "NO WAY!"

Lumingon na naman ang mga kaklase niya, pero umupo lang siya na parang walang nangyari. Sa wakas, ibinalik na niya ang ballpen sa kaniyang bag, saka tumingin kay Leira.

Napabuntong-hininga siya.
"So, may sasabihin ka ba?"

Marahang tumango si Leira. Sa pagyuko niya, mukhang alam na ni Ayabi kung tungkol saan.

"Tara sa canteen. My treat." Tumayo na muli siya.

"H-Hindi na po! Ako naman manlilibre sa'yo, Ate!"

Napakurap si Aya.
"Edi... let's grrr?"

Tumango muli si Leira, subalit, napakamot din sa ulo, mga ilang saglit.

"Grrr...?" Pagtataka niya. "A-Ah! Wait lang, Ate!"

Sinundan niya agad ang nag-bri-brisk walking na si Ayabi hanggang sa makababa sila. Sa paghinto nila, nakayuko na si Leira, naghahabol ng hininga. Pagtingin kay Aya, napansin niyang panay tingin siya sa cellphone niya. Binabantayan pala niya ang oras. Dito napagtanto ni Leira na kailangan niyang bilisan para 'di mahuli si Aya sa klase.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang makarating sa canteen. Agad silang pumila at bumili ng 'buy one, take one' na shake. Pinili rin nilang pumuwesto sa lamesang malapit sa exit para madaling tumakbo kapag hindi nila nabantayan ang oras.

Matapos ang unang sipsip ni Ayabi sa shake, tumingin na siya kay Leira.
"So, anong gusto mong sabihin?"

"U-uh..." Nanatiling nakatitig sa lamesa si Leira habang iniikot-ikot ang straw sa loob ng plastic cup. "Ano po kasi... um..."

Napabuntong hininga siya.
"About 'to sa issue last time, right?"

Tumango si Leira.
"Babawi po sana ako sa inyo... Dahil sa'kin, nadamay po kayo sa gulo, kaya sorry po talaga..."

Oh, well, it's fun naman in its own ways. Patuloy lang sa paghigop ng shake si Ayabi.

"Tapos, narinig ko po kay Kuya na na-resolve niyo 'yung issue... Thank you po!"

Um... Technically, si Kei Kairaku naman nag-solve no'n, so...

"You should actually thank your brother." Sumipsip muli si Ayabi sa straw subalit naubos na pala niya ang laman. Kaya, tumingin muli siya sa mata ni Leira na umiiwas kay Aya. "Pero, mukhang may kailangan ka pa yatang sabihin sa'kin?"

"About po sa pag-stay ko sa room sa third floor... " Lumunok si Leira bago magkaroon ng lakas ng loob na tagpuin ang mata ni Aya. "Sorry po, I lied! Hindi lang po 'yon dahil sa tumatambay ako!"

"Oh. Medyo na-feel ko rin 'yan, so it's fine... But, masasabi mo ba 'yung real reason?"

"... Pressure." Natahimik sila saglit, ngunit tumawa bigla si Leira habang napapakamot sa ulo. "Lagi po kasing nababanggit ng mga teachers ko si Kuya tuwing makikita ako or 'yung apilyido ko, haha... Medyo sensitive po 'ko, so ayon, naghanap po 'ko ng lugar na mapapag-isa ako."

Nakangiti siya sa kabila ng mga namumuong luha sa kaniyang mata. Hindi na kinaya ni Ayabi kung kaya't tumayo siya upang tumabi at umakbay kay Leira.

"'Di mo kailangang itawa o pigilan 'yan. May karapatan kang ilabas lahat ng nararamdaman mo. Ano naman kung sensitive ka? 'Wag mong pansinin kung anong sasabihin ng iba. Just fighting that pressure alone without doing anything bad, you're already doing great."

Binigyan niya ng headpat si Leira, saka tuluyang nahulog ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Mabuti nang maaga pa lang ay nabawasan na ang bigat na dinadala niya. Kagaya ng  problema ni Floda Lerhit, mahirap kung may mas nakatataas na maikukumpara sa kaniya. All this time, baka pakiramdam niya'y hindi niya matatapatan ang kuya niya.

Problema ko rin 'yan dati... hanggang ma-realized kong 'di naman kailangang habulin ang achievements ng kapatid ko. Magkaibang tao kaming dalawa, so I'll live my life the way I want to.

"... Pero, wait. Taga-ibang school 'yung kuya mo, ah?"

"Ah... Narinig mo na po ba 'yung term na 'TIGER of the Den"

"Uh... 'Yung student from certain school na nilalampaso 'yung mga kalaban niya?"

"Yes po."

"Wait." Nanlaki ang mga mata ni Aya. "Don't tell me... that's Kei Kairaku?!"

Tumango si Leira.
"TIGER stands for The Iconic Golden Eyed Rival. Mapa-athletics man or academics, ginagawa raw po niyang pugad 'yung mga competitions... Kaya, matunog po pangalan niya sa bawat schools..."

Although the acronym sounds forced, ang famous naman niya!

Real ba na nagkaroon lang ako ng koneksyon sa gano'ng klaseng tao?

No way... No way, right?

"By the way, Ate..."

"Y-Yes?"

"Kanina pa po siya nakatingin sa'tin... Kilala mo po ba siya?" Bulong ni Leira.

... Ah. Saijin Shin.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Um... S-Since malapit nang matapos 'yung recess, pinuntahan ko na kayo?" Bro's not even sure. Para rin siyang si Leira kanina, hindi makatingin nang diretso. "Tara na, Aya."

"... Fine. Bye, Lei! Thanks sa shake."

"Ah. Bye po, Ate!" Kumaway sila sa isa't isa.

Nang maglakad na sila palabas ng canteen, sumagi bigla sa isip ni Aya ang mga salita ni Jin.

'Yan lang ba talaga sasabihin mo?

Yes, tanong 'to ni Saijin sa kaniya before and mukhang balak na ulit i-bring up 'to.

"Ano na, Saijin Shin? 'Di mo naman ako basta susunduin sa canteen, 'di ba?"

"W-Well... Oo nga naman, haha..." Napakamot siya sa ulo.

"So, ano ba 'yung ineexpect mong sasabihin ko sa'yo?"

"Um..." Napahinto si Jin sa paglalakad. "About sa certain relationship..."

Nanigas ang buong katawan ni Ayabi. Posible kayang alam na ni Jin ang nararamdaman niya? Na mag-co-confess siya?

Napaatras si Aya nang hawakan bigla ni Jin ang magkabilang balikat niya.
"Kaya mo na bang sabihin ngayon...?"

"U-Uh..." Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa mga titig ni Jin. "M-Maybe? Oo? Siguro? M-M-Malay ko?"

"It's fine... Alam ko namang mahirap sabihin..."

"W-W-Well..."

"Medyo naguguluhan pa rin naman ako sa nararamdaman ko, eh..."

T-Tama ba hula ko? Pero, pa'nong naguguluhan pa siya? Does that mean...

"All this time... nagkakagusto ako sa may boyfriend..."

"... What?" Napakurap si Ayabi.

Gano'n din si Jin. "Akala ko, alam mo na?"

"No, wait. I can't follow... Ang pinag-uusapan ba natin is si Hara Reiju?"

"Oo...?"

Napakunot ng noo si Aya.
"Siya? May boyfriend? Sino?" 

"... 'Di ba 'yung lagi mong kasamang may golden eyes?"

Hold on.

Ako 'yung naguguluhan dito, eh!

Continue Reading

You'll Also Like

221K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1M 32.4K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...