One Shot Compilation [PART 1]...

Galing kay WPLoveHate_29

4.2K 181 155

WAG NA PALIGOY-LIGOY PA. GUSTO NYU BANG SUMALI? ABA SALI NA! :D Join To Our Official Group[FB][MUST]: Watty... Higit pa

*MECHANICS* [Edited]
*PRIZES*
OFFICIAL MEMBERS~
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Entry #14
Entry #15
Entry #16
Entry #18
Entry #19
[MUST READ]
ANNOUNCEMENT!
Bae❤ WINNERS!

Entry #17

116 3 1
Galing kay WPLoveHate_29

Title: Destiny

Username: Nekoneko24


***


Grabe ang init naman ...

 

Pawis na ako at ang lagkit ko na ...

 

Nasaan na ba yung pamaypay ko ?...

 

Hmmmmmm... Nandito kaya sa bag ko ? Ah! Eto na ,buti na lang nadala ko.

"Ah  punta lang ako sa labas, papahangin lang. Gusto mo bang sumama ?"

 

"Hindi na. Dito na lang ako."

 

"Ah sige. Saglit lang ako"

 

Hhhaaaayyyy.... Buti na lang dito sa corridor medyo mahangin pa, kumpara sa loob ng classroom napaka inet !. Dito na lang muna ako at magmumuni-muni.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAH !!!"

 

Huh? Sino yun?

 

"HAHAHAH!! Grabe talaga! HAHAHAH! Nakakatawa talaga yung nangyari kanina pre HAHAHAH!"

 

Grabe naman... napaka ingay ng lalaking yon. Kala mo sya may ari ng corridor,makatawa wagas! hmp!

"Sige pre, dito na lang muna ako sa labas papahangin lang, wala pa naman si mam diba?"

 

"Ah oo wala pa. Sige pre, pasok na ako"

 

Teka!?  bakit pa sya tumambay dito sa labas? kakainis! Masisira yung pagmumuni-muni ko dito eh.. hmp! pero buti na lang medyo malayo sya sa akin. Pag lumapit lang sya kahit konti, matatarayan ko to ng wala sa oras. Ayokong masira ang araw ko noh.

 

 Grabe ang tahimik ...

 

Sa sobrang katahimikan nakakabingi na at tanging hangin na lang ang naririnig ko. Hmm , teka sino ba tong lalaking to ?. kaklase ko ba sya ? bakit parang ngayon ko lang ata sya nakita ? Hmp!.  Teka bakit ko ba sya iniintindi ? Hmmm ano bang itsura nya ?. matingnan ko nga...    Ay nako ! nako! Wag na pala, mamaya sabihin nya type ko sya eh. Hmmm.. pero baka pede ko naman syang tignan kahit saglit lang...

 hmmmmmmm ...

 

Ahh mas matangkad pala sya sa akin, mga 5'6 siguro to ...

 

Maputi din pala sya at grabe ah! ang kinis ng kutis nya ...

 

Singkit pala ang mga mata nya at mejo wavy ang light brown hair nya ...

"Heheh"  *chuckles*

 Oh? tumatawa sya mag-isa? Baliw ba sya?. Pero in all fairness, ang ganda ng mga ngipin nya ah at ang cute nya pala .. teka parang pamilyar yung pagtawa nyang yun ? parang nakita ko na. Hmmmm yaan mo na nga, napaka makakalimutin ko talaga ...

"Heheh" * chuckles*

Hala! nako! ah eh teka narinig nya kaya? nakita nya kaya? nako patay na!. Wag naman po sana. Please! Please! Please!...

: Ngunit sa di inaasahang pangyayari, ng tignan ko sya ulit, nakatingin na sya sa akin at papalapit na ng papalapit  with his eyes wide open and  ....

" Hala! Ang panget mo ah!" *smirk*

"eh.. ?"

 

Wait .... What ?!!! Anong pinagsasabe ng kumag na to?. Is he out of his mind? Excuse me!. Alam kong hindi ako kagandahan pero hindi din naman ako ganun kapanget! a-ano saktuhan lang! Ganun! Napaka yabang naman netong magsalita .! Kakainis!

: At dahil sa kinagulat kong ang sinabe nya, bigla kong nabitawan ang dala kong pamaypay at sabay sabe ng ...

"Pake mo ba ?!!"   *sabay walkout*

 

Grabe!!! okay na sana eh. Mukha naman syang mabaet. Bakit ganun sya makapgsalita? Kala mo kung sinong  kagwapuhan. Hmp ! buti na lang umalis na ako agad at baka kung ano pang masabe ko sa kanya sa sobrang inis ko! Ugh!!! kakainis talaga!!! papasok na lang ako ng room.!

 Ako po si Ynna Marie Santiago isang 4th year highschool student, maayos naman ang buhay ko eh. Nag aaral akong mabuti at matataas ang grades ko, may mga kaibigan ako. Naging tahimik naman ang nakalipas na tatlong taon ng highschool years ko at masaya ako kasi malapit na ako makagraduate, pero  hindi ko akalain na sa isang pangyayari ay gugulo ang buhay ko o ang pag iisip ko? abay ewan!

 At dahil lang ito sa isang kumag na lalaki ?.Unbelievable !!  Kakainis !! .  at i FYI hindi po ako PANGET! ...

" Wait! .."

 

Tuloy tuloy lang ako sa pagpasok sa room at hindi ko sya pinanpansin nang ......

 

  *grabs my hand*

"I said wait .."  

At dahil sa ginawa nyang yon, napatigil ako at humarap sakanya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ang init ng pakiramdam ko habang nakatingin ako sa singkit nyang mga mata. teka hinawakan lang ako tapos nagkakaganto na ako? No wa !!

p-Pero its the first time that someone holds my hand .... and its a ....

Wait lalaki?!! ewwww!! bigla kong tinanggal yung kamay ko sa pagkakahawak nya .

 

Ynna: Ano bang kailangan mo ?!!

"Gusto ko lang kasi ibigay tong pamypay mo"

Ynna: a-Ah ..

Im out of words,hindi ko alam ang sasabihin. Grabe pinulot nya pa pala yan ? at isasauli nya pa talaga sa akin, ang bait naman nya .....

"Nahulog mo kasi to nung nasa corridor tayo"

Ynna: a-Ah Salamat ...

"Sige alis na ako! Inantay lang naman kita para isauli yang pamaypay mo."

Grabe naman inantay nya ako para lang isauli sa akin ito ? wow ang bait nya pala ah!

Papaalis na sya ng bigla syang huminto at...

"Ah! Nga pala ang ganda ng print ng pamaypay mo ah! Strawberry Shortcake !" *pffftt*

Haaaaa??? ang sama nya !! nakuha nya pang matawa ! bakit ano bang masama sa starwberry shortcake? ang cute kaya nila ! at yung bida dun strawberry!!

Sa sobrang inis ko bigla kong nasabe na

Ynna: I Hate You!!!!!!

"Heheh . I like you too!!"

Whhhaaaatt?? Anong pinagsasabe ng kumag na to ?. bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko, no way.. hindi pwede itoooo!! Inaasar nya lang ako kasi trip nya ako!

Ynna:  Gggrrrrrr!! Get lost!!

"haha ! bye Ynna!"

Ha?!! Teka??!! Ano??!!  pano nya nalaman yung panglan ko? stalker ba sya?

 "By the way,  I'm Edrick!" *smiles*

Then he ran away...

Ynna: EEEEEhhhhhhh????

 Pagka alis ng kumag na yun, ay nanatili lang ako sa kinatatayuan ko, hindi ko padin maipasok sa utak ko ang mga nangyari kani-kanina lang. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sobrang gulo. Teka sino ba talaga sya ? bakit nya alamang name ko? at . . .

Bakit ganun? alam kong normal naman ang mga organs ko, pero bakit ganto yung tyan ko ? parang may mga nagsisiliparang mga paro-paro  at bumibilis ang tibok ng puso ko.....?

 

 

 

 

"Ynna !"

"Ui, Ynna !"

 "Pst .. Ynna !!!"

Ynna:  Ay kabayo nahulog ka !

Shane: Ha ? nasan ? nasan ? tss wala namn ynna iih ! joke ka ah ! hehe

Ynna: Patawa ka shane ah ! Tara na nga ! diba may gagawin pa tayong assignment  ?

Shane: Wow! Akalain mo yun natandaan mo pa ?

Ynna: Ewan ko sayo, tara na nga !

 

 

 

 

 

 

Edrick's pov

 

Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko pa din siya makausap ng matino.Matagal ko kayang pinaghandaan to.. pero pag nandyan na siya sa harap ko,  natatameme na lang ako bigla. At ang masama pa dun . . nung unang beses na makita ko siya ulit at makasama sa corridor ng kameng dalawa lang, naisip ko na yun na ang pagkakataon kong makausap siya, pero masyado talaga akong kinakabahan eh. Kaya naman natapos ang dalawang minuto ko na puro atras abante sa mga sasabihn ko. Tapos bigla ko na lang naalala yung mga nangyari nung first year kame . . .

(Flashback)

FOUR YEARS EARLIER . . .

"a-Ah bakit tayo nasa likod ng school ?, hindi naman to yung daan pauwe ah ."

"HOY !! manahimik ka ngang payatot ka ! kung hindi ka tatahimik, papuputukin ko yang labi mo ! OH ANO!?"

"Ibigay mo na samen yung kopya ng mga sagot mo sa test nyo kanina! Kung hindi pipilayin ko yang mga kamay mo !!"

"s-si-Sinabe ko n-naman na sainyo na, nakamlimutan ko isulat yung mga sagot ko. h-ha-Hayaan nyo tutulungan ko na lang kayo mag-review ..."

"Wala na akmeng oras!! mamaya na yung exam namen!"

"Ayaw mo talaga ah!!"

*suntok sa tyan*

"Ugh! Tama na please.." *coughs*

Nanlalabo na ang mga paningin ko, at medyo hirap na ako huminga . . suntok lang sila ng suntok sa akin . . . wala akong magawa hindi ko kayang lumaban, dahil mahina ako. Nang bumagsak ako ay biglang nahulog ang salamin ko at lalong hindi ko na makita yung mga lalaki na bumubugbog sa akin. Nang bigla na lang akong nakarinig ng mga yabag papunta sa kinaroroonan ko . . . parang tumatakbo ? . .ang bilis tapos bigla na lang syang sumigaw . . .

"HHHHHOOOOOOOOOYYYYYY!!! Tigilan nyo yan !! Manong guard !! Manong guard !! nandito po sila !! yung mga lalaki na sinasabe ko sa inyo !! Bilis po !! Bilis !!"

"Ui Ui pare !! tara na iwan na natin yan !"

"Tara baka mapahamak pa tayo!"

 Hhaayyy . . . .buti na lang umalis na sila. Ligtas na rin ako sa wakas, pero teka sino ba yung tumulong sa akin para makapagpasalamat naman ako. . . Teka nasan na ba yung salamin ko . . .?

Ahh kamay . . .?

"Halika na . . tumayo kana dyan abutin mo yung kamay ko tutulungan kitang tumayo."

b-bo-Boses ? b-ba-Babae ?, pero paano ?. sya ba yung tumulong sa akin ? teka hindi ko makita yung mukha nya . . m-ma-masyadong maliwanag . .

"Ayos ka lang ba ? Eto nga pala yung salamin mo oh. Halika dadalhin na kita sa clinic"  *smiles*

Agad ko namang kinuha ang salamin para naman mas maayos ko siyang makita. Habang sinusuot ko.. unti-unting lumilinaw ang paningin ko at doon ay nasilayan ko ang babaeng tumulong sa akin. Maganda siya, Mahaba ang kulay itim nyang mga buhok at ganda ng mga mata niya. Habang inaalalayan nya ako, tinitignan ko lang  siya at bigla na lang akong nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso ko at . Teka !! ano ba tong nararamdaman ko ? epekto pa din ba to ng mga natamo kong suntok ?! hhaayyy . . ano ba to! Pero hindi ko pa din alam ang sasabihin ko sa babaeng to gusto ko magpasalamat pero masyado akong kinakabahan at medyo wala pa ako sa ulirat sa mga nararamdaman ko ngayon, pero dapat makapagpasalamat man lang ako, pero ang tanging lumabas sa bibig ko ay . .

"Asan na yung Guard ?"  (Tsk . . ano ka ba naman Edrick, !!! dapat magpasalamat ka muna bago ka magtanong ng kung anu-ano !!!)

"Ahh yun ba ?, wala naman talagang guard. Sinabe ko lang yun para umalis na sila agad. Hehe" *chuckles*

Grabe nung nakita ko syang tumawa ng ganun, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. napaka sarap tignan kung pano sya tumawa, lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. .Gusto ko na agad makarating ng clinic, pero gusto ko din na medyo tagalan pa para mas makasama ko pa sya ng mas matagal. Teka ?! ano ba tong nararamdaman ko ? . . pero di bale na, natutuwa pa din ako kasi sya ang nagligtas sa akin hehe * chuckles*

"Oh ? tumatawa ka pala? Ang cute ah, ayos yan ipagpatuloy mo lang, dapat lagi ka nakangiti para goodvibes lagi. Oh nandito na pala tayo sa clinic eh"

"a-ah oo nga .. uhm okay na ako, ako na lang papasok sa loob. A-Ah nga pala maraming salamat sayo ah,kundi dahil siguro sayo eh nabugbog na ako ng husto. Salamat ulit"

"Walang anuman, sige alis na ako at may klase pa kasi ako" *smiles*

Habang naglalakad na sya paalis, nalungkot ako bigla kasi wala man lang akong sinabeng matino habang magkasama kame. Hhhhaaaayyyy... Edrick naman kasi!! nakakahiya yung inasal ko kanina! haist! Habang tinitignan ko syang umalis, naalala ko hindi ko pa pala naitatanong yung pangalan nya! Nako!! Nako!! anong gagawin ko?! Medyo malayo na siya! dapat kahit pangalan man lang nya alam ko. . Sumigaw ako sa abot ng makakaya ko para marinig nya ..

 "a-Ano nga palang pangalan mo ? ..." *sabay yuko*

( grabe kinakabahan ako, baka mamaya hindi nya pala ako narinig . mapapahiya lang ako. Dapat hindi na lang kasi ako nagsalita... ano ba yan!! Edrick! laging palpak! )

Pero nagulat ako ng pagtingala ko ay nakita ko syang nakaharap sa akin na nakangiti at sabay sigaw nang..

"YNNA!!! ang pangalan ko ay YNNA!! sige BYEE!!!" *smiles*

Habang tumatakbo siya papalayo, ang tanging nasabe ko sa sarili ko

Ynna.... ang gandang pangalan.. Sana magkita uli kame. ..

 

 *smiles*

(End of FLASHBACK)

 Natawa na lang ako bigla, kasi ba naman napaka lampa ko pa dati tapos ang liit ko pa mas matangkad pa nga siya sa akin eh haha, payat pa ako nun at parang isang bulate na lang ang hindi pa pumipirma sa katawan ko at pwede na akong kunin ni Lord hahah. Hhhaaaaayyyy . ..pero ngayon mas matangkad na ako sakanya, malakas at ako na ang magtatanggol sa kanya ngayon.

Tapos nung nakita ko siyang tumawa, nagulat ako at bigla ko na lang naalala yung pakiramdam nung mga panahong naglalakad kame ng sabay papuntang clinic . . at naisip ko na yun na yung pagkakataon ko na magsalita kasi hindi masyadong tensyonado ang pakiramdam ko, pero sa kamalasmalasan ay mali pa yung lumabas sa bibig ko .. "Hala ! Ang panget mo ah!" bigla na lang akong napatingin ulit sa malayo sa kapalpakan na ginawa ko. . hhaaaayyy kahit kelan talaga edrick napaka clumsy mo haist !. at pagkatapos nun nasigawan nya ako at nag walk out siya, ba naman kasi ang mean kaya ng sinabe ko pero nung makita ko siyang ganun . .

Ang cute nya . . .

Ang cute nya pala pag naiinis, parang bata, hehe tapos nakita ko na lang yung pamaypay na hawak nya ay nasa lapag na, kinuha ko yun at nakita ko na ang cute ng print Starwberry shortcake ?! hehe ang cute talaga . . hinabol ko siya para maisauli sakanya yung pamypay nya at ito na yung pagkakataon ko na makabawe sa sinabe ko at makausap na siya ng matino .. . at masabi ko na ang matagal ko ng tinatagong nararamdaman sakanya ..

"I like you too .." (yes !! nasabe ko na sakanya !!)

Pero sa kasamaang palad eh nainis ata sa akin, pero kahit na ang cute nya kasi talaga, at naisip ko na, ito na yung pagkakataon ko na magpakilala sa kanya . .

"By the way,  I'm Edrick !"

At sa sobrang kaba at baka kung ano pa ang masabe ko ay tumakbo na ako paalis. At nang makalayo na ako at makapagtago sa pun malapit sa clinic, kinalma ko ang sarili ko at nagulat ako sa ganda ng puno dito at  naisip ko na lang bigla na . . . bukas . . . bukas na bukas din kakausapin ko na sya at magpapakilala na ako sa kanya dito mismo sa punong ito. . .

 

KINABUKASAN .....

Shane: Ynna!! Goodmorning!

Ynna: Goodmorning din shane.

 Shane: ynna nagawa mo naman ba yung written report natin ah? makakalimutin ka pa naman.

*sabay bukas ng locker*

Ynna: oo naman! to eh walang tiwala sa akin? eto oh!

*sabay wagayway ng papel sa mukha ni shane*

Shane: oo na teh! Nakita ko na, nalasahan ko pa nga eh! *pwe pwe*

Ynna:  ay sorry teh! Lam mo naman na kahit ganto ako sayo lab na lab kaya kita!

*sabay bukas ng locker*

Ynna:  huh? Ano to?

Shane: papel yan teh. Hindi alam? ano to maang maangan?

*Kinuha yung papel sa kamay ni ynna*

Shane: Hhuuuuwaaatt?? what is the meaning of this!!??     *with high pitch voice*

Ynna: akin na nga yan! *sabay kuha ng papel*

Dear ynna :

                                       Today after class

                                       Meet me under the wisteria tree beside the clinic.

 

                                                                                                                                                                    Glass boy . .

Shane: yieeee!!!! may admirer ka na teh!! kilig naman ako! hmp ikaw na pumapag-ibig!!

Ynna:  pag-ibig ka dyan!? ni hindi ko kilala to eh malay ko ba kung joke time lang ako neto diba? tsaka wala akong oras sa mga ganyan nuh. Graduating na tayo kaya kailangan nating mag sipag at mag-aral ng mabuti.

 *sabay sara ng locker*

Shane: ngek? to eh! bakit bawal na ba maging masaya? at pumag-ibig? to rin eh! part yan ng highschool life teh! Sige ka baka ma miss mo?..

  *sabay sara ng locker*

Ynna: ewan ko sayo shane, tara na nga maya mahuli pa tayo sa pagpasok eh

Shane: yes manang ynna! *sabay belat*

AFTER CLASS . . .

Shane: ynna!! sorry .. sorry talaga hindi ako makakasabay sayo ngayon sa pag uwe ah . . may pupuntahan kasi kame nila mama eh .. sorry talaga

Ynna: okay lang shane, sige ingat ka ah!

Shane: sige sige ynna,bukas na lang ah! byeeii!!!

 

Hhhaaaayy sayang naman hindi ko kasabay si shane ngayon.. hmmm

Habang inaayos ko yung mga gamit ko, may nahulog na papel pinulot ko at naalala ko yun nga pala yung natanggap kong sulat kaninang umaga. Binasa ko ulit at napahinto ako sa salitang "Glass Boy" bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin ?! bakit ako nakakaramdam ng ganito?

Habang binabasa ko yung sulat hindi ko namalayan na dinala na pala ko ng mga paa ko papunta sa puno malapit sa may clinic . Ha ?! Teka ?P!! anong ginagawa ko dito? Dapat uuwe na ako eh !! ba yan !! at doon ay may nakita akong isang lalaki na nakatalikod. . hindi ko alam kung bakit parang gusto ko siyang tawagin, kaya naman naglakas loob akong magsalita . .

Ynna:  a-ah ikaw ba yung nagpadala sa akin ng sulat ?

Pero laking gulat ko ng pagkaharap nya . .

Ynna: Teka??!!! ikaw si kumag ah!! anong ginagawa mo dito?! Teka sinasabe ko na nga ba eh. Joke lang to! makaalis na nga!"

*sabay talikod*

Edrick: wait ! Ynna !!

Ynna: (eh? etong kumag na to! Di ko malaman kung paano nya nalaman yung pangalan ko?)

Pero humarap pa din ako sakanya ..

Ynna: ano na naman ba ?!

Pero sa pagkaharap ko ay hindi ko na naman inaasahan ang nakita ko. Isang lalaking may salamin at gulo gulo ang buhok. Ang itsurang iyon hindi ako pwedeng magkamali! Siya si...

Ynna:  Hindi ba ikaw yung ... tinulungan ko dati ?

Edrick: oo ako nga. . at nandito ako para sabihin sayo na maraming salamat sayo. Sa pagtulong  mo sa akin dati kasi kung di dahil sayo, siguro bugbog sarado na ako.

Ynna: a-ah hehe, w-wala yun *awkward smile*

Edrick: isa pa pala, may gusto pa akong sabihin sayo. Alam ko masyado akong naging mean nung nagkita tayo sa corridor, pero masyado lang kasi akong kinakabahan nun kasi noon na lang kita ulit nakita, sorry talaga ah.

*pfftt*

Edrick: teka? Anong nakakatawa?

Ynna: haha! Eh kasi- haha ang korny ng code name mo glass boy?! Haha ang baduy ah! May kabaduyan ka palang kumag ka.haha. Pero wag ka mag alala alam ko namang kung ano man yung mga nasabe mo dati ay dahil lang yun sa hindi ka marunong mag-isip *bleh..*

 Edrick: Anong pinagsasabe mo? Ako na nga nag-sorry ngayon tapos ginagawa mo lang biro?

Ynna: Sorry na, masyado lang kaisng tense yung ambiance dito, pero okay na kasi ang mahalaga, nag-sorry ka na *smiles*

Edrick: at yung huli kong sasabihin I- . . . *blush*

*dugs dugs*

Hala! Nako ayan na naman nararamdaman ko na naman... bakit ba ako kinakabahan ng ganito? teka nag-blush ba siya? Pero bakit?

Edrick: I Really like you Ynna, from the first time that we've met, I knew that i liked you. Okay lang kung hindi mo ko gusto ang mahalaga sakin ay yung makilala pa kita ng husto kaya naman,

Hi ! Im John Edrick Ocampo *offered his hand*

a-Ahh hindi ko alam ang sasabihin ko, kung sasabihin ko ba ang pangalan ko at aabutin ang kamay nya o tatakbo na lang ako ng mabilis? pero, alam ko sa sarili ko na gusto ko din siyang makilala

 *ehem ehem*

Ynna : Hi ! Edrick! Im Ynna Marie Santiago *stretched out my hand*

Edrick: Nice meeting you, Ynna *smile*

Nung nakita ko siyang ngumiti dun na lahat nag sink in sakin na.. oo nga siya nga yun, walang duda. Siya yung lalaking nakilala ko 4 years ago at ang lalaking tinulungan ko . . .

Ynna: Nice meeting you too edrick ..

*shake hands*

Hindi ko inaasahan na mangyayari ang lahat ng ito ...

Na makikita ko pa pala yung lalaking tinulungan ko nung 1st year pa lang ako ...

At yung lalaking kinaiinisan ko ngayon at lalaking tinulungan ko dati ay iisang tao pala ..

Teka ,Ito na ba yung tinatawag nilang TADHANA? Or  DESTINY?

Hhaaay kahit ano pa man yun... ang mahalaga masaya ako ngayon sa nararamdaman ko...

 Yung pakiramdan na nasa harapan ko na ngayon yung lalaking nagpatibok ng puso ko ...

Yung lalaking nais kong mahalin at makasama habang buhay...

Kaya naman, I therefore conclude, na ang kumag na ito ay ang aking  DESTINY . . .

 then I show him my Sweetest Smile . . .


*** 



Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

395K 6.1K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
377K 11.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...