Aster's POV
Pagdating namin sa emergency ng isang ospital sa human community, lumundag agad ako sa may empty stretcher na nakatengga sa isang tabi at nagtaklob ng kumot na puti. Si tito yung tumulak ng stretcher pagkatapos.
"DONG IMIRGINSI!" kamuntikan na akong matawa nung narinig ko na isinigaw yan ni tito.
"Bisaya ka kuya?" anang isang unfamiliar voice. Must be a hospital staff.
"OO NA LAGE!" uhh ohh mukhang iritable na si tito.
May nag angat sa kumot na nakatakip sakin. Yung hospital staff yun. Iiling iling siya habang pinagmamasdan ako tas nagscribble siya sa hawak niyang clipboard. Ibinalik din niya agad sa dati ang kumot ko.
"Sigurado po bang emergency yan ha kuya? Bangkay na yata yang dinala mo dito eh! Baka may dala dala pa yang sakit na nakakahawa!"
"Ih de ba kaya nga kame nagponta dini ay para epagamot seya?" nice one tito! Sige ipaglaban mo ang barangay natin!
"Oo na nga lang..."
After that, I didn't hear them talk anymore. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang tunog ng gulong ng stretcher.
"Kuya dito na lang po kayo ha? Bawal kasi pumasok sa loob ang hindi authorized eh. Pasensya na. Maghintay ka na lang dun sa reception area."
Tlaaak!
I just knew a door swung open. Medyo naging dim, then the motion of my stretcher stopped. Another swung of the door and now I think I'm alone here.
Bumalikwas ako ng bangon sa kabila ng iniinda kong sugat na kanina pa nilalabasan ng pus.
Heck, hindi ako nag iisa dito. May isa pang stretcher na katabi ng sakin. May nakahiga dun at nakatalukbong ng kumot. Pero bago ko siya usisain, inilibot ko muna ang paningin ko.
Ang mga pader sa silid na ito ay rows ng mga steel drawer cabinet. Tumayo ako tas nilapitan ko yung nasa aking left side. I pried open one drawer at isang itim na body bag ang tumambad sakin. Di ko na kailangan pang makita kung ano ang laman nun.
Oh shit. This is a morgue!
Bakit ba pumayag si tito na dito ako dalhin ng ungas na staff na yun?!
Binalikan ko yung stretcher kanina. Hinila ko yung kumot mula sa ulo niya pababa sa dibdib?
Hell wait... Alam ko kung sino ang impakto na to ah?
Si Haru... Yung vocalist ng Seventh?
Malamig na siya. May ilang oras na siyang patay! Pero bat ganun? Ang lambot pa rin ng balat niya?
Sinuri ko pa ang bangkay niya nang maigi. Ang una kong napansin ay ang peklat niya sa palad. Parang pirma yun. Well uso naman yung colloid scars as tattoo. Ang sunod na nakita ko ay bite mark sa leeg niya. Some amateur vampire did it. Tinamaan ng pangil ang carotid nerve na napaka-vital sa humans. He just died of blood loss. Poor thing.
Tlaaak!
Bumukas bigla ang double door. Masyadong huli na ang lahat para bumalik pa ako sa stretcher. Isang matangkad na lalake ang pumasok. Nakasuot siya ng white overcoat; therefore siya ay isang doktor. His eyes are shining red in the dimness.
"Ano ang pangalan mo?" tanong niya agad pagkasara sa pinto.
"Parapa." my instinct told me to give him a fake name but I am surprised at what I just picked: pangalan ng asong kumakanta sa isang video game.
Ngumiti siya nang makahulugan. "You have a weird mother." komento pa niya.
LOL. It's not my mother's fault! "Ikaw, sino ka? Anong pangalan mo?" pag mabantot ang pangalan niya, I'll bash him like a boss!
"Hindi na mahalaga ang mga yun. Tapos na ang consultation natin." aniya tas may isinulat siya sa dala niyang clipboard.
"Consultation?" hey I'm confused!
Lumapit siya sakin at sa stretcher bago niya iniabot ang papel na sinulatan niya. I can see a lot of zeroes dre.
"Yan ang halaga ng magagastos mo para sa iyong mukha at sa dugo. Yung sugat sa katawan mo, wala akong magagawa tungkol diyan."
Is that it?!
"Wag kang mag alala sakin. Lahat ng impormasyon tungkol sa aking mga nagiging pasyente ay nananatiling confidential."
Mas lalo akong nawalan ng tiwala sa kanya nung sinabi niya yun. Yet I need his help. Saka ko na lang siguro iintindihin yung mga complications. "Sige na. Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon."
"Pupuntahan ka dito ng nurse ko. Pakiramdaman mo lang ako kung saan ako pupunta? dadalhin ko na ang bangkay na yan."
"At bakit?!"
"Gagamitin ko ang mukha niya para ilagay sayo."
"WHAAAAT?!"
ARE YOU FUCKING KIDDING ME?! NO WAY!
Inilagay ng doktor ang hintuturo niya sa gitna ng mga labi niya, a sign telling me to shut up. "Sobrang tagal nang namahinga ang katawan na yan. Sa dami ng nawalang tissues at cells, at sa grabe ng sugat mo, you are far from regeneration, unless magsagawa tayo ng transplant."
"Eh! Ayoko ng mukha niya!" protesta ko sabay turo sa bangkay,
"Ang hinahabol lang natin ngayon ay maging functional ka. Pwede ka namang magpaplastic surgery sa iba pagkatapos." naniningkit na ang mga mata niya. He's obviously getting irritable with me.
"Okay po sige. Let's do it."
"Hantayin mo ang nurse, maliwanag?" so ayun nga, nauna siyang lumabas kasama yung stretcher. Mayamaya ay dumating na yung nurse na sinasabi niya. May dala yun na wheelchair.
Naupo ako dun tas tunalukbungan niya ako ng puting tela. Tahimik paglabas namin ng pasilyo. Ang tanging naririnig ko lang ay yung yabag ng mga paa ni nurse at yung gulong ng wheelchair.
May nakasalubong kami pagliko. Yung chix yon ni pareng Kan. Ano kaya business nun dito sa hospital?
We crossed a junction. I saw the members of Seventh. Umiiyak sila sa harap ng isang lalaking nakaitim. Nakatalikod sa view ko yung lalaking yun pero parang pamilyar sakin ang tindig niya...
Parang kagaya nung sa lalakeng nagshoo kay Alu dun sa Erdan...
"Manager, paano na ang Seventh nito?"
"Kagabi lang kainuman pa namin ang loko na yun eh!"
Hindi nagsasalita yung 'manager' na supposedly dapat ay kinocomfort sila.
Nagulat ako nung bahagya iyong lumingon sa gawi namin. Isa na namang pamilyar na mukha ang nakita ko.
Si tito Div. Matagal ko na siyang hindi nakikita pero recognized ko pa rin siya. Whoa siya pala ang manager ng Seventh? BAT DI NIYA SINASABI?!
Kandahaba ang leeg ko sa paglingon kay tito Div nung makatawid na kami ng tuluyan ni Nurse.
Marami pa kaming nilikuan. We took the long way bago namin narating ang room space ni mad doctor. Iniiwasan kasi ni nurse yung mga corridor na may tao.
Naghihintay na samin si doktor. "Dito tayo." yaya niya. He opened another door behind him. Mukhang isang miniature operating room sa loob, at mas malamig.
Ang nakahiga sa operating table ay yung bangkay. Ako, as is na dito sa wheelchair. Pretty much later on, kung saan saan ako tinurukan ni nurse ng IV para sa blood transfusion.
Iniscalpel ni dok yung mukha ni Haru. Shitbrix. Di ako makapaniwalang papayag ako sa ganito.
"Maswerte ka at hindi pa firm ang muscles ng isang to. Mahirap talagang makahanap ng immediate replacement, unless kikidnap tayo ng random human." ani dok. He's talking despite of his face mask.
"Ginagawa niyo yun sa mga tao?"
"Oo. Madalas." walang kagatol gatol niyang sagot. Ang tindi din pala nito ni dok.
Mabilis lang ang proseso ng ginawa niyang operasyon sakin. Ni hindi ko kinailangan ng anesthesia. Basta isinalpak niya na lang sa mukha ko yung dissected meat mula kay dead Haru.
Walang ginamit na sinulid at karayom si dok. Dinampi lang siya sa mukha ko ang barehand niya. Sobrang init nun pero ramdam kong parang unti unting nabubuhay yung aking mukha.
"Isa kang healer, tama?" tanong ko. Nagagalaw ko na yung labi na hindi naman talaga sakin.
"Oo. Bihira na lang ang healer ngayon, lalo na nung nagsimulang maghari harian ang mga necromancer. Pinapaslang nila ang mga kagaya ko dahil sa kabaligtaran ng kapangyarihan namin ang kapangyarihan nila?"
"Sigurado ka bang wala ka nang magagawang paraan dito sa mga sugat ko sa katawan?"
Sunod sunod ang kanyang tango. "Wala talaga. Kung ordinaryong sumpa yan, maaaring mapagaling yan. Ngunit yan ay isang sumpa ng namatay na bampira. May mga sumpang nagiging makapangyarihan at imortal lalo na kapag pinagtibay ng kamatayan.
Sino ba kasi ang nakaaway ng Senri na to at ginang bang nang husto ang katawan niya? Now I have to deal with it!
Hinintay ko lang na matapos ang blood transfusion ko bago kami nag usap about payments. Lumabas ako ng private room niya nang nakawheelchair pa rin at tulak tulak ulit ni nurse.
Takte ayokong gumalaw. Parang bubulwak ang sugat ko anytime.
"Hahanapin na lang natin ang tito ko tapos pwede mo na akong iwan." abiso ko sa nurse kasi nakakahiya naman sa kanya.
Nadaanan ulit namin yung junction kung saan ko nasumpungan kanina si tito Div. Wala nang tao dun. Gusto ko siyang makausap sana. Tss... Sayang.
Nakita rin namin si tito Kape sa may lobby. Kinawayan ko siya pero dineadma niya ako. Bumaling na lang ulit ako kay nurse. "Lapitan natin yung lalake na yun."
"Seno kayo?"
"Tito, si Aster ako."
Nanlaki ang mga mata niya. "Weh?!"
Bahagya kong ibinaba hanggang dibdib ang suot kong operating gown para ipakita sa kanya yung sugat ko na alam kong nakita niya kanina.
"Tara na tito. Kailangan kong makipagkita kay mama."
One thing I like about tito is hindi na kailangan sa kanya ng maraming paliwanagan. He just accept and accept things. Pero isang araw baka ikapahamak niya ang ganun.
Nagpasalamat ako sa nurse tas si tito na yung nagtulak sa wheelchair ko. Paexit na kami nang may humarang samin. It's none other than Kan's girl...