8th Madness

2.1K 79 9
                                    

Aster's POV

PESTE KA KAN! READ MY MIND YOU IDIOT! NASAAN KA NA?! NANDITO NA ANG FLOOR DIRECTOR!

"Oh nandito na pala si Kan—" anang floor director na nakasungaw lang sa bukas na pinto ng dressing room pero nakapaling ang atensyon niya sa kaliwa.

Sumungaw na rin si Kan tas may kasama siya.

"Support bassist natin for tonight. Si Miss Cerylle." announce niya sabay hila sa kasama niyang chix—

DON'T TELL ME SIYA YUNG GUSGUSING PULUBE KANINA?!

"Siya nga Aster!" sagot naman ni Kan through telepathy.

I can't believe it. In the shortest time— the girl in front of us smells nice. Her hair is in waves.

Okay, I hate to admit it pero gusto ko ng built niya. Bagay sa kanya ang suot niyang puting tube mini-dress na pinartneran ng black tooled boots (na technically ay para kay 

Mika).

BONG! BONG!

Pumasok ang manager namin na may dalang pompyang. "HUY! KILOS NA!"

Ginising ko si Antigoné. All I did is wave my hand across her face.

"A-Aster?" she blinked innocently.

"Magpeperform na kami. Dun ka na sa backstage. Di ba vivideohan mo kami?"

"AYE!" pagtayo niya, nakita niya si 'Cerylle'.

Antigoné just stared at her for a couple of seconds tas wala naman siyang sinabi na kung ano. I think my little sister likes her.

BONG! BONG!

Pumompyang na naman si sir Pedz! Isa isa na kaming nag-alisan ng dressing room para hindi kami marindi pa!

****

 

Cerylle's POV

H-H-Hindi ko yata kaya ang pabor na hinihingi ni Kan!

Grabehan sa pangangatog ang mga tuhod ko habang inaunzip ko ang isang bass guitar na iniabot sakin ng isang staff!

Ni hindi pa kaya ako nakakatugtog ng gitara kahit kelan... Naku baka magkalat ako! Nakakahiya sa mga fans ng ForMad!

Baka abangan nila ako sa labas at ipasalvage!

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon